"As-hole! Hindi ko kelangan ng babae sa buhay ko, mas mahalaga pa sakin ang limang milyon ko." Isa malakas na dabog naman ang pinakawalan ni Cross ng tuluyan na itong lumabas ng kotse. Mabilis na nagsidatingnan ang mga katulong para salubungin ang pagdating nito ngunit ni isa man sa kanila ay wala siyang pinansin.
Nang mapansin ni Damian na tila nakalimutan ni Cross ang dalagang kasama nila ay siya na mismo ang nagdala dito papasok ng mansyon.
Mabilis namang napuno ng ingay ang buong paligid dahil sa kaliwa't kanang reaksyon mula sa mga katulong. Ito ang unang beses na mayroong babaeng dinala ang Seniorito sa mansyon.
Hindi naman pinaglagpas ni Cross ang eksenang nagaganap sa sala. Lalong nagpakulo ng dugo nito ang narinig na sinabi ng isang katulong na maihahalintulad daw sa isang bida sa pelikula ang kalagayan ng babae. Napakaganda ng kutis nito, alagang alaga ang buhok at malarosas sa pula ang kulay ng labi.
Galit na naglakad pabalik si Cross at tinitigan ng taas baba ang babaeng ngayon ay pinapalibutan ng mga taong dapat ay siya lamang ang pinagsisilbihan.
"Manang Erna lend her a maid's uniform. She'll be serving me for the rest of her life kaya turuan niyo siya on how to behave like one." kulang nalang ay umusok ang ilong ni Cross sa pagkabwisit.
Hindi sinasadyang magtama ang mata nila ni Venice. Gustuhin mang magsalita ng dalaga ay tanging luha lamang ang lumalabas mula sa systema nito. Hindi nito alam kung nasan ang mama niya at hindi pa rin siya makapaniwala na nasira ang buhay niya dahil lamang sa utang ng yumaong ama. At ngayon ay pagmamay-ari na siya ng isang mayamang binata na napakasama ng ugali.
"Any problem?" Singhal ni Cross dahilan para umiwas ng tingin ang dalaga. "You need to be useful to me. May iba ka pa bang alam gawin maliban sa pag iyak at pagsira sa buhay mo?"
Sa tuwing nagsasalita ito ay parang sinasaksak ang puso ni Venice. Ang daming naglalaro sa isipan ng dalaga. Walang sino man ang may gustong sirain ang sarili niyang buhay.
He's a complete monster. Ibang iba ito sa lalaking mahal niya, ang taong dapat ay magiging asawa niya sa Maynila sa susunod na linggo.
Nabigla na lamang si Venice ng hawakan ni Cross ang baba nito at pinilit na humarap ito sa kanya. Muli ay tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.
"Can't talk back?"
Nakatingin lamang ito ng deretso kay Cross ngunit walang diwa ang mga titig nito. Kahit anong higpit ng hawak ng binata sa baba nito ay parang walang pakialam ang dalaga.
"Seniorito nasasaktan ho siya." sigaw ni Manang Erna para pigilan ang amo ng mapansing nanginginig na ang tuhod ng dalaga.
"Get lost!" Singhal ni Cross.
"Iha, okay ka lang ba?" Mabilis na nilapitan ni Manang Erna ng makitang napaupo sa sahig si Venice ng binitiwan ito ng amo.
Wala na sa sala si Cross at tanging sila na lamang ang naiwan dito. Malakas na sumigaw si Manang Erna para humingi ng tulong sa mga kasama.
Patuloy pa rin sa paghikbi si Venice ng inabot nila dito ang isang basong tubig. Nang mapansin nilang medyo kumalma na ang dalaga ay sabay sabay silang napangiti. "Maari mo bang sabihin sakin ang pangalan mo?" Tanong ni Manang Erna dito.
"V-Venice Sando-val." Maiksi lang ang naging sagot ng dalaga pero nagdala ito ng tuwa sa mga taong nasa paligid niya.
"May masakit ba sa'yo? Pagpasensyahan mo na ang senorito, mainitin lang talaga ang ulo niya ngunit napakabuti ng puso nun."
Hindi sumagot ang dalaga, muli ay napayuko ito at tumulo na naman ang luha mula sa mga mata nito.
"Damian, totoo bang isa siyang Sandoval? Anong gagawin natin?" Pigilan man ni Manang Erna na huwag magpanic ay nag aalala ito sa kalagayan ni Venice.
Walang imik na lumapit si Damian sa kinauupuan ni Venice. Tinitigan nito ang dalaga. "Do you need something? Kilala mo ba si Don Lucas? May ideya ka ba sa atraso ng iyong ama?"
Muli ay hindi ito sinagot ng dalaga.
"Mamamatay ka sa ganyang ginagawa mo. May kelangan ka ba? Gusto mo bang humingi ng tulong sa pamilya mo?"
Hindi sumagot si Venice. Isa lang naman ang tinuturing nitong pamilya, ang mama niya. Mayroon man itong ama ngunit puro pasakit lang ang dinala nito sa buhay nila noon. Maging kamag-anak ay wala man lang siyang kakilala.
Tanging nagbigay lang ng buhay sa mga mata nito ang tunog na narinig mula sa hawak hawak na cellphone ni Damian.
"C-can I borrow y-your phone?" Pagbabakasakali ni Venice na macontact ang nobyo at matulungan siya nito.
Inabot naman ni Damian ang cellphone nito sa dalaga. Nahihiya man ay mabilis niya itong kinuha at itinipa ang numero ng minamahal. Out of coverage ang pribadong numero ng nobyo pero hindi ito sapat para panghinaan ng loob si Venice, kasunod nitong tinawagan ang numero ng opisina nito.
"Hello. Nandyan ba si Riley? Ako 'to si Venice, kelangan ko siyang makausap please. Pakisabi ako ang fiancé niya."
[Venice's POV]
Nakaramdam ako ng pag-asang maililigtas ako ni Riley mula sa kalagayang kinahantungan ko ngayon. Alam kong kasalanan ko ding pumunta sa Isla Velezenia ng walang pasabi sa kanya, ngunit alam kong maiintindihan niya ako dahil gusto ko lang naman na makasama ang mama ko sa pinakamahalagang araw ng buhay ko.
Tahimik akong nagdasal at naghintay ng boses mula sa kabilang linya. Inaasahan kong masagot agad ni Riley ang tawag ko pero isang pagbagsak ng telepono ang sumagot sakin.
Sinubukan kong tawagan muli ang linya at nagring ito. "Riley tulungan mo ako. Ako 'to si Venice. Tulungan mo ako please." muli na namang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Napakagat labi na ako sa pangalawang pagbagsak ng telepono.
Bakit hindi man lang nagsasalita ang sumasagot ng tawag ko? Bakit hindi sumasagot si Riley sakin?
Para na akong matutunaw sa titig ng mga taong nakapaligid sakin. Hindi ko mawari kung inaabangan ba nila ang susunod na mangyayari o nag-aalala talaga sila sa kalagayan ko.
Sa pangatlong pagkakataon ay sinubukan kong tumawag ulit. "Riley! Si Venice 'to please tulungan mo ako." hindi ko mapigilang hindi manginig sa takot na baka bagsak ng telepono na naman ang maisukli sakin.
"Pasensya na ho Ma'am pero umalis po si Sir Riley kasama ang asawa niya. Ngayon po ang araw ng honeymoon nila." Napasinghap ako sa narinig.
Asawa? Honeymoon?
"Ako ang fiancée niya Miss. Ako ito si Venice Sandoval." maligaya kong sagot sa babaeng nasa kabilang linya. Alam ko minsan lang akong pumunta sa opisina ni Riley pero impossibleng hindi nila alam na sa sunod na linggo pa ang kasal namin. "Ikakasal palang kami this June 28 Miss. Nandyan ba siya? Kelangan ko talagang makausap si Riley, please."
"Baka maling number po ang natawagan niyo Ma'am. Kinasal po sila Sir Riley at Ma'am Celestine kahapon."
Celestine.
Pangalan iyon ng secretary ni Riley.
Kami dapat ang ikakasal ni Riley at isang taon din naming pinagipunan ang para sa kasal namin. Ang condo, kumuha na kami para doon kami bubuo ng sarili naming pamilya. Pinagplanohan na namin ang lahat para sa kinabukasan naming dalawa.
Ibig ko ng mamatay dahil sa naging kapalaran ko. Gustuhin ko mang lumuha pero naubos na ata ng tuluyan ang lakas ko. Para akong mababaliw sa bilis ng mga pangyayari.
Tahimik kong iniabot ang cellphone sa matangkad na lalaking nasa harapan ko. Gustuhin ko mang magpasalamat sa kanya dahil sa pagpapahiram ng telepono, di ko ito magawa dahil alam kong impyerno pa rin ang dadanasin ko sa lalaking tinatawag nilang senorito.