Chapter 4 : Inch of Hope

1609 Words
Mahigpit na hinawakan ni Venice ang sira nitong uniporme at magalang na yumuko sa harapan ng matanda. "I'm sorry, Sir but I can't marry your grandson. Gagawa po ako ng paraan upang mabayaran ang utang ko sa lalong madaling panahon," aniya at sinubukang daanin sa mabuting usapan ang ginoo. Nagbakasakali siyang mas marunong pa itong makinig kesa sa kanyang apo. Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga habang hinihintay ang sagot nito. Sasabihin niya na bang mayron siyang itinabing three hundred thousand pesos sa kanyang savings account bilang paunang bayad dito? "Fine. I'll give you one week, mas mabuti nga namang magkakilala pa kayong mabuti ni Cross," ani ng matanda. Bumagsak ang dalawang panga ng dalaga sa naging tugon nito. One week, damn! Bakit parang plinano pa nitong umabot sa dapat ay araw ng kasal nila ng hayop nitong fiancé. Nilingon ni Venice ang binata na mukhang hindi rin makapaniwala sa sinabi ng lolo nito. Umiigting ang panga ni Cross at inis na tinititigan ang matanda. Siguro sinusumpa na nito sa kanyang isipan ang matanda. "I will not marry this filthy woman!" singhal ng binata at mahigpit na hinawakan ang kanyang braso. Tinitigan siya nito ngunit mabilis na iniwas ni Cross ang paningin sa kanyang dibdib. "Look at her!" hinila siya nito. "Basta mo nalang ako ipapakasal sa babaeng hindi ko kilala? Damn! What a great grandfather you are!" He tsked. Natawa na lamang ang matanda at ipinalakpak ang mga kamay. Nagawa nitong isigaw ng malakas ang pangalan ni Damian. Hindi naman ito binigo ng matangkad na lalaki at wala pang isang minuto ay nakatayo na ito sa tabi ng lolo ni Cross. "You traitor!" nang-gagalaiting sigaw ni Cross. Pinanlakihan pa nito ng mata si Damian bago muling napamura. Napayuko na lamang ang binata at humugot ng malalim na hininga. "Tell him my condition..." Don Lucas commanded. Mabilis namang lumakad paharap ang binata at tinitigan si Cross. "In order for Cross Fierro Monteverde to inherit the mansion, he should marry a woman three months from the date of conforme. The marriage should last within one year or else the agreement will be provoked." Mayabang na ngumiti ang matanda sa kanyang apo. Mas lalo tuloy kinabahan ang dalaga sa narinig nitong sinabi ni Damian. Hindi ito makapaniwalang may ganon palang klaseng agreement ang mga mayayaman o sadyang nahihibang na ang pamilyang napuntahan niya. "Ilang babae na ang hindi niya sinipot after he signed the contract, Damian?" tanong nito. Nayupi naman ang mga labi ng lalaki at may respeto pa ring pinagmasdan ang amo. "Nineteen, Don Lucas. Ang huli ay ang anak ng Mayor ng Devinagracia, si Charm Merlinda. Madadagdagan pa ito kung aayawan rin ng inyong apo si Venice Sandoval." Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa kanyang narinig. "Inuulit ko..." napalunok si Venice at inalala ang pangalan ng matanda. "Wala ho akong balak pakasalan ang inyong apo, Don Lucas." She firmly stated. "Not marrying my grandson means that you can't leave this mansion, hija. You'll never be happy and free. Imposibleng mabayaran mo ang utang mo sa kanya," napaatras ito nang makita ang pilyong ngiti sa labi ng matanda. Is that a threat? "Mamili ka Cross. Papakasalan mo ang babaeng ito para makuha ang mansyon ng mga magulang mo o hindi ka na muli pang hahakbang sa loob ng pamamahay na ito?" pagbabanta nito sa kanyang apo. Napasinghap na lamang ang dalaga nang maramdaman muli nito ang kamay ni Cross. Madiin nitong hinawakan ang kanyang kamay at kinaladkad ito papunta sa labas ng mansyon. Akala niya ay palalayasin na siya ng binata ngunit dinala siya nito sa isang malawak na hardin. Malutong na mura ang pinakawalan ni Cross ng binitiwan nito ang kanyang kamay. "f**k you, Lucas! s**t!" nang-gagalaiting sigaw nito habang malakas na pinapadyak ang kanang paa sa lupa. Para siyang isang batang pinagkaitan ng pinabibili nitong laruan. Napabuga ng malalim na hininga ang dalaga. "Ganito ba talaga ang buhay ninyong mga mayayaman? Everything is a gamble? Even your life and family involves trashy agreements?" mariing sambit ni Venice habang pinagmamasdan ang bagong sibol na marigold sa kanyang tabi. Wala itong alam tungkol sa pamilya Monteverde o kahit kay Cross man lang pero ramdam niyang may mali sa pamumuhay ng mga ito. Hindi ito ang buhay na kanyang pinangarap, gusto lamang ng dalaga ng isang tahimik at masayang buhay. Inikot nito ang kabilang sulok ng hardin at masayang pumitas ng isang rosas mula dito. Galit naman itong sinugod ng binata. "Bitiwan mo ang hawak mo! Don't touch anything from my Mom's garden!" singhal nito sa kanya. Mapait na napangiti ang dalaga. Hindi man lang nito napansin ang pandurugo ng kanyang kamay dahil pinagtyagaan nitong kunin ang dati nang nabaling bulaklak. Binalewala na nga nito kahit matusok pa siya ng tinik kesa naman tuluyan lang malanta ang rosas ng walang nakakakita sa ganda nito. Sa mga oras na 'yon, nakumpirma ni Venice ang totoong ugali ni Cross. He's a monster, makasarili ito at walang ibang nakikita kung hindi ang kanyang sarili lamang. Nilapit nito ang kanyang sarili sa harapan ng binata at magalang na lumuhod. "Please let me repay you, Mr. Monteverde. Pangako, babayaran ko ang limang milyon sa lalong madaling panahon. Mayron akong three hundred thousand sa aking bank account. I graduated college with flying colors, matutulungan kita sa iyong negosyo." Sinubukan nitong maki-usap gamit ang kanyang kaalaman. Narinig naman nito ang mahinang tawa ni Cross, ibinaba ng binata ang sarili sa kanyang harapan at inangat ang baba nito. Madilim at kakaiba ang arua ng binata na para bang namangha ito sa kanyang sinabi. "Sinusubukan mo bang paikutin ako, Ms. Sandoval? You can't fool me," baritono nitong sambit. Naglaho ang kalmadong emosyon sa mga mata ni Venice at napalitan ito ng poot. Muntik na nitong makalimutang demonyo pala ang lalaking nasa kanyang harapan. Maliban sa masama nitong ugali ay hayok pa ito sa laman. Muli niyang narinig ang malutong na tawa ni Cross. "I'll marry you to inherit the mansion and you'll serve me for the rest of your life for the five million pesos. Alright?" Ginawa ni Venice ang lahat upang manatili ito sa tabi ni Manang Erna at maiwasan ang nakakatunaw na titig sa kanya ni Cross. She tried her best to learn everything, itinatak nitong mabuti sa kanyang isipan kahit maliliit na detalye nang itinuturo sa kanya ng ginang. Syempre, kasama na rin dito ang lahat ng pasikot-sikot sa mansyon. Mula sa maid's quarter papunta sa main house hanggang sa guest lounge at hardin na pinagdalhan sa kanya ni Cross noong nakaraang araw. Alam nitong imposible ang sinabi ni Don Lucas. Hindi nito kayang sikmurain ang ugali ni Cross, nasusuka siya sa bawat salitang lumalabas mula sa bibig nito. Lalo lang nitong pinapaalala sa kanyang masamang magtiwala ng lubusan at maniwala sa mga kasinungalingan ng iba. Walang mangyayari sa isang linggong ibinigay nito sa kanilang dalawa ni Cross bago ang magaganap na kasal. "Magpahinga ka na, hija. Hindi ka muna tutulong sa mga gawain bukas dahil kelangan mong paghandaan ang nalalapit niyong kasal ng senorito," masayang wika ni Manang Erna bago isinara ang kanyang pintuan. Limang kwarto ang layo nito mula sa kanya at wala namang laman ang dalawang kwartong nasa tabi ng kanyang tinutuluyan. Tahimik ang buong mansyon sa tuwing sumasapit ang hating-gabi ngunit imposibleng makadaan ito sa front and back entrance dahil sa mga guwardiya. Mas lalo pang pinahigpit ni Cross ang seguridad ng mansyon noong nakaraang araw dahil posibleng naiisip nitong may balak siyang tumakas. Bumuga nang marahas na hangin ang dalaga. Ang tanging paraan na lamang upang makatakas ito ay ang maliit na puwang sa hardin. Ilang beses rin itong nagboluntaryong tumulong sa pag-aayos ng mga halaman upang masiguradong hindi mawawala ang natitira niyang pag-asa. Balewala na dito ang kanyang mga gamit at iba pang ala-ala sa dati nitong buhay. Ang mahalaga lamang ay makatakas siya mula sa madilim na mundo ng mga Monteverde. Hindi nito inalis ang mga mata sa kanyang relos at ma-tiyagang hinintay ang hating gabi. Ininda nito ang malamig na simoy ng hangin at kinaya ang panginginig ng kanyang katawan. 'Hinding hindi ako magpapakasal sa'yo, Cross Monteverde. Isa kang demonyo at halimaw! Masunog ka sana sa impyerno!' Maingat itong pumuslit mula sa maid's quarter. Dahan dahan at sinigurado nitong walang tunog na magagawa ang kanyang mga yapak. She tried her best to be invisible as possible. "Gago ka talaga, George! Maglalasing ka na naman. Bumalik ka nga sa pwesto mo!" halos sumabog ang dibdib ni Venice nang marinig nito ang boses ng dalawang guwardiyang nag-aalitan. Itinago nito ang sarili sa gilid ng poste at mahigpit na niyakap ang kanyang mga paa. Pinagdasal nitong mawala na ang mga lalaki dahil ilang milya nalang ang layo nito sa hardin. Huwag naman sanang masira ang lahat ng pinaghirapan niya. Naluluha na lamang itong naglakad nang masiguradong wala na ang mga guwardiya sa paligid. Konting konti nalang at makakawala na ito sa tanikalang ginawa ng kanyang ama. Magagawa na rin nitong bumalik ng Maynila at makapaghiganti sa mga taong nanloko at gumamit sa kanya. Halos mabingi si Venice sa bilis ng t***k ng kanyang puso. Napahawak na lamang ito sa kanyang dibdib nang sa wakas ay narating na nito ang hardin. Tiniis nito ang sakit at hapding nakukuha mula sa mga tinik ng halaman upang mailabas lamang ang puwang dito. Sumibol ang ngiti sa kanyang mga labi nang masilayan ang natitirang pag-asa. She draw a deep breath. Umapaw ang labis na kaligayahan sa kanyang puso. Saglit pa nitong nilingon ang mansyon na muntik nang sumira ng buhay niya. Yumuko ito at maingat na iginapang ang kanyang katawan sa lupa. "Do you want to have a soft human flesh for your midnight snack, Miku?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD