Chapter 1: Becoming His

1481 Words
"Handa na po ang lahat bukas, Señorito. Ang kailangan niyo lang pong gawin ay makipagkita kay Charm Merlinda at alukin ito ng kasal." Nakangiting wika ni Damian habang inaayos ang mangas ng polo ng lalaking pinagsisilbihan. Kakabalik lang nito mula sa isang foreign trip kaya naman hindi magkamayaw ang mga tao sa mansyon kung papaano sila makakakuha ng papuri dito. Hindi lang buhay nila ang nakasalalay sa taong ito, pati na din buhay at kinabukasan ng kanilang mga pamilya. "Hindi ako pupunta." Madiing wika ni Cross Fierro Monteverde bilang pagtutol sa sinabi ng kanyang butler. "P-Pero Señorito, akala ko po ba susundin ninyo ang huling kondisyon ng inyong Lolo?" Nauutal na tanong nito bago malalim na napabuntong-hininga. Hindi lingid sa kaalaman nito ang angking katigasan ng ulong taglay ng amo niyang si Cross. Mayaman man ang binata ngunit kahit kailan ay hindi ito naging masunuring apo sa kanyang lolo. Ginagawa lamang nito ang kahit anong naisin niya at nagdedesisyon ito para lamang sa kanyang sarili. Wala siyang pakialam sa ibang tao, tanging mahalaga lang dito ay ang mga benepisyong makukuha niya mula sa kaliwa't kanang business trips at gambling arrangements nito. "Ihanda mo ang kotse, Damian. May mas mahalaga akong kailangang puntahan kesa sa paghahanap ng mapapangasawa. Gusto kong makita ang dahilan kung bakit bumaba ang kita ng casino ko sa Isla Velezenia," galit nitong utos. "P-Pero tatlong buwan nalang po ang—" Hindi na nito pinatapos ang gustong sabihin ng kaharap. Pinagtaasan niya ito ng kilay, kitang-kita din ang diin sa adams apple nito. "I don't care, Damian. Just prepare my freaking car," may halong inis na wika ni Cross. Gustuhin mang sumagot ay wala ng nagawa si Damian kung hindi sumunod. "Masusunod po, Señorito." May pag-aalinlangang sagot nito. Tumalikod si Damian para sundin ang utos ni Cross ngunit natigilan ito nang maramdaman ang isang malakas na tapik sa kanyang balikat. "Stop being too formal, Damian. Kanina pa nananayo ang balahibo ko sa kakatawag mo ng señorito sa'kin. 2022 na jerk!" pilyong saad ni Cross sa kanya. Napangiti na lamang ang binata. Muntik na nitong makalimutan na matalik pala silang magkaibigan ng amo at ang pagiging benefactor nito ang dahilan kaya nakapagtapos siya ng kolehiyo. Dahil kay Cross, nagkaroon ito ng masaganang buhay at utang na loob nito sa lolo ng binata ang lahat ng mayroon siya ngayon. Kasama na dito ang kanyang kalayaan at panibagong-buhay na ibinigay ng pamilya. Nabalot ng matinding katahimikan ang mahabang byahe nilang dalawa ni Cross. Mabilis at maingat ang patakbo nito dahil kailangan nilang maabutan ang nagaganap na black party sa central part ng Isla Velezenia. At the age of 28, Cross was able to successfully established a Chain of Casinos and have his own Game Centre in Spain. Naging isa siyang bilyonaryo kahit hindi pa man nito nakukuha ang lahat ng mamanahin mula sa kanyang lolo. But it seems like everything is not enough for him, nais pa rin nitong makuha ang huling memorabilyang iniwan ng yumao nitong mga magulang - ang mansyon. Maging sa negosyo ay hindi nito magawang makontento, pinapabagsak ni Cross ang lahat ng mga kumukompetensya sa kanya ng wala man lang iniiwan ni isang ari-arian sa mga ito. His thirst for power is endless. That's why they call him the gluttonous businessman, a silent killer and sometimes they label him as a sadist billionaire. Bago pa man marating ang syudad ay nakatanggap ng isang mensahe si Damian mula kay Don Lucas, isang mahalagang utos na hindi niya pwedeng ipaalam kahit kay Cross. Damian retracted the car and started driving towards the pinned destination. Kailangan nilang kunin ang isang mahalagang bagay na maaring magpabago ng buhay ni Cross. "Fvck! Bakit tayo bumalik kung kailan malapit na tayo sa district?! Saan mo ako dadalhin, Damian?!" Galit na wika ni Cross nang mapansing malayo na ang tinakbo ng sasakyan mula sa tamang ruta nila kanina. Pumasok ang dalawa sa isang masukal na daanan. Hirap man sa pagmamaneho pero ginawa ni Damian ang lahat ng makakaya nito. "Don't tell me, you got an info. that someone will assassinate us?" tanong muli ni Cross. Hindi naman ito sinagot ni Damian. Nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho kahit pa ang totoo ay naguguluhan na din ito sa mga nangyayari. Tumigil ang sasakyan sa harapan ng isang simpleng bahay. Sa labas palang ay mahahalata nang matagal ng walang nakatira sa tahanang ito. Tahimik na binuksan ni Damian ang pintuan. Kaagad namang bumungad sa harapan nila ni Cross ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan. Walang imik ang mga ito at lahat ay nakasuot ng kulay itim na tuxedo. "The heck, Damian! Anong ginagawa natin dito?! Why are you here? Hindi ba dapat kasama kayo ni Don Lucas?" naiiritang tanong ni Cross sa lahat. Nanatili ang nakakabinging katahimikan sa buong paligid, tumayo at isa-isang yumuko ang mga lalaki bilang paggalang kay Cross. Hindi siya maaring magkamali, mga tauhan nga ito ng lolo niya. "Sabi po ng lolo niyo ay may kailangan tayong kunin dito, Señorito." Mahinahong sagot ni Damian sa amo. Hindi naman nakasagot si Cross, napamura nalang ito nang makita ang babaeng nasa likod ng mga tauhan ni Don Lucas. "Let's go, Damian! This is bullsh*t!" galit na singhal nito. Tatalikod na sana si Cross nang bigla itong hinawakan nang mahigpit sa kamay ni Damian. "Ibinawas na daw po ng lolo niyo ang limang milyon sa inyong bank account, Señorito. Bayad daw po iyon sa utang ng mga Sandoval," ani Damian saka napayuko. "What?!" Galit na napatitig si Cross kay Damian. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaibigan, anong kawalang-hiyaan na naman ang ginawa ng lolo niya? May pwersang hinila ni Damian ang binata papunta sa kinaroroonan ng babae. "Kailangan po natin siyang dalhin sa mansyon, Señorito. Gusto din po siyang makita ng lolo niyo." Halos ika-baliw ni Cross ang narinig na sinabi ni Damian. Kunot ang noo nitong napatingin sa dalaga. Matiim din naman itong nakatingin sa kanya, hindi maintindihan ni Cross pero parang pamilyar sa kanya ang mga matang 'yon. "I never thought that returning in Isla Velezenia, would cause me to lose five million pesos, Damian! Kilala mo ba kung sino ang babaeng 'yan?" Galit na wika ni Cross habang nakaupo na silang lahat sa loob ng sasakyan. He's on the front seat habang nakaupo naman sa likuran ang babaeng dahilan ng pagkulo ng dugo nito. Madilim ang mukha nito ngayong pinagmamasdan ang kanyang cellphone. He needs to validate his grandfather's fund transfer. Totoo nga ang sinasabi nito, may nabawas na five million sa laman ng isang bank account niya. "Hindi," maiksing sambit ni Damian at muling tinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Napabuntong-hininga ang binata. Kalahating oras pa ang itatagal ng byahe nila pabalik ng mansyon, ibig sabihin nito ay kailangan niyang tiisin lahat ng murang lalabas mula sa bibig ni Cross hanggang makarating sila. Kung pwede lang sana nitong paliparin ang sasakyan ay gagawin niya. "s**t! What kind of game is he playing?" Bulalas ni Cross. "Drop her anywhere. Wala akong balak sumali sa laro ng matandang iyon!" Binagalan naman ni Damian ang takbo ng sasakyan at maingat na nilingon ang babaeng nasa likuran nila. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Hindi niya maintindihan kung anong sinapit ng dalaga bago ito nakuha ng mga tao ni Don Lucas pero alam niyang nagkaroon ito ng matinding trauma. Gustuhin man ni Damian na sundin ang utos ni Cross pero mas mabigat ngayon ang salita ng lolo nito. Kailangan niyang maiuwi ang babaeng ito sa mansyon. "Hindi ka ba naawa sa kanya, Cross?" mahinang tanong ni Damian. Hinarap niya si Cross at galit na titig lamang ang sinukli nito sa kanya. Hindi matago ng makapal nitong kilay ang inis. Para itong natalo nang napakalaking halaga sa isang sugal at wala man lang kahit konting napanalunan. "She looks like a decent and hardworking woman. Hindi ba maaring dalhin mo nalang siya sa mansyon para mamasukan? Kahit papano ay mababawasan ang perang napunta sa utang ng pamilya nito di'ba?" Ngumiti ito sa amo at muling pinaandar ang kotse. Napagtanto nito na tama ang sinabing 'iyon ni Damian. Baka mas maganda kung pagtratrabahuin niya ang dalaga. Nakasandal na ngayon sa upuan si Cross, hindi pa rin mawala sa isipan nito kung gaano kalaking halaga ang nawala sa kaban nito at kung babawi niya ba 'yon sa loob ng lamang ng isang bagsakan. "Anong gagawin ko sa kanya ngayon? Will she pay me back?" skeptic nitong tinitigan si Damian. Tinitigan lang siya nito ng walang gana. Kanina pa gustong sabihin ng kaibigan na natotorete na siya sa ingay nito. Minsan talaga ay nagdadala ng mala-demonyong arua ang makakapal at may kaonting tabas na kilay ni Cross. "Malay mo," kalmadong wika ni Damian na lalong kinaputok ng butse ng kaharap. Nagkibit-balikat pa ito sa kausap. Lihim na lamang na napangiti si Damian nang tinigil na nito ang kotse sa harapan ng mansyon. Sa wakas matatahimik na din ang mundo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD