"Do you want to have a soft human flesh for your midnight snack, Miku?"
Pakiramdam ni Venice ay kusang humiwalay ang kaluluwa nito sa kanyang katawan. Nanghihina nitong pinilit ang mga tuhod na tumayo at harapin ang taong nagsalita sa kanyang likuran.
Hawak ni Cross ang leash ng kulay itim na doberman na kung hindi siya nagkakamali ay tinawag nito sa pangalang Miku. Matalas ang mga mata nito, matatalim ang ngipin at para bang handang-handa na itong lumapa ng tao dahil lumalabas pa ang dila.
Naging triple ang bilis ng t***k ng kanyang puso nang makita ang pilyong ngiti ni Cross.
Ito na ba ang kanyang katapusan? Mamatay na ba ito na hindi man lang nasisilayan ang kanyang ina?
"I'll give you some friendly advice. There are times when you need to accept your defeat. Just behave, stay and be a good girl, okay?" nanlumo ito sa sinabi ng binata.
Bata pa lamang si Venice ay wala ng puwang sa kanyang mundo ang pagkatalo. She's always the winner, hindi first, second o runner up. Wala itong inuuwi sa mama niya kung hindi gold at malalaking trophies. Kaya nga rin ito nabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa isang malaki at sikat na unibersidad sa Maynila dahil sa taglay nitong katalinuhan.
Ngayon lamang siya nakaramdam ng matinding pagkatalo sa buhay. At sa harapan pa ng isang mayabang at walang pusong nilalang. Natalo din ito sa pag-ibig, nabobo at nagkamali sa kanyang pinili.
Bumalik sa isipan nito ang maamo at mala-anghel na mukha ng kanyang mama. She missed her so much that she wanted to cry a river. Kung sakaling nakita niya ito bago siya napasakamay ng mga lalaking 'yon, hindi sana siya magsisising pumunta sa islang ito at maramdaman ang matinding pagkatalong nararanasan ngayon. Everything will be worth it, ika nga.
"Huwag! Please..."
Huli na ang pakiusap ni Venice dahil pinakawalan na ng binata ang alaga.
She screamed in fear and death habang nag-uunahan na ang mga luha sa kanyang mga mata. Mapagmahal ito sa mga hayop ngunit wala itong ideya kung paano pinalaki ng demonyong kaharap ang alaga nito.
Natigil na lamang ang mga sigaw at pakiusap ni Venice sa binata nang maramdaman niyang walang ngiping bumabaon sa kanyang mga balat.
Hindi siya nilapa nito o kinagat bagkus malambing siyang dinilaan ng aso at dinidiin pa ang katawan sa kanyang kamay.
"Tss. You're lucky. Miku loves your scent," inis na sambit ni Cross at tumalikod na lamang sa dalaga.
Hindi ito makapaniwalang nakaligtas siya ng mga oras na 'yon.
Nilambing na lamang ni Venice na parang bata si Miku bago ito pinasunod pabalik ng mansyon. Cross' dog is well trained and tamed, hindi tulad ng amo nito.
Sometimes people's desires, hopes and wishes weren't meant to happen.
Ito na lamang ang itinatak niya sa kanyang isipan dahil hindi naging successful ang plano nitong makatakas sa mansyon pero nagpapasalamat pa rin ang dalaga dahil nakabalik siya ng ligtas at buhay.
Mabuti nalang at mukhang malamig ang ulo ni Cross kahit muntik na siya nitong ipalapa sa aso.
Sinundan nito ang bawat galaw ng binata at pinanood kung paano nito pakainin ang alaga. Hindi niya inakalang gising pa rin ito ng ganong oras. Karamihan kasi sa mga kakilala nitong anak mayaman sa Maynila, kung hindi pumupunta ng bar upang magpakalasing at mambabae ay tulog mantika na pagsapit ng alas-onse ng gabi. Totoo nga yatang may sumpa ang lalaking nasa kanyang harapan.
"Why are you staring at me like that?" iritableng tanong nito.
Tumayo na lamang si Venice sa likuran ng binata at pinagmasdan ang ginagawa nitong pag-aayos ng kulungan ni Miku.
"You didn't hurt me...I was trying to escape that time," kabado nitong sambit.
Natawa na lamang si Cross at nilapitan siya. Palapit ito ng palapit hanggang maisandal na siya nito sa malawak na pader. Ilang pulgada lamang ang layo ng mukha nito sa kanya at libre itong gawin ang lahat dahil madilim ang lugar na kinatatayuan nila.
She didn't create a noise, wala rin ito balak sumigaw o humingi ng tulong dahil baka malaman pa ng lahat na sinubukan nitong tumakas.
Napaimpit ang dalaga nang bigla itong hinalikan ng binata sa kanyang leeg. She felt his soft and wet tongue playing on her skin. She tried her best to resist silently but he's too strong.
Malalim na lamang itong huminga nang maramdaman nitong hinahalikan na ng binata ang kanyang manipis na collar bone habang sinusubukang sapuhin ng kamay nito ang dibdib sa ilalim ng kanyang damit.
"Please, stop!" naiiyak nitong sambit nang maramdaman ang palad ni Cross sa kanyang n****e.
Malalim itong napalunok ng pinisil iyon ng binata.
Uhaw naman ang mga mata nitong pinagmasdan ang dalaga. He grinned at her.
"This is your punishment, do you want me to fvck you in front of Miku?" kinilabutan ito sa tono ng pananalita ni Cross.
Hindi siya nakapagsalita, napahigpit na lamang ang pagkakahawak nito sa kanyang damit upang protektahan ang sarili.
"Don't worry. I intend to do that after our wedding," mapanlokong sambit ng binata.
Nagising na lamang si Venice sa katotohanang kailangan niyang manatili sa mansyon para sa kanyang kaligtasan. Sunod sunod na katok mula sa pintuan ang narinig nito bago nagsalita si Manang Erna.
"Anak, buksan mo ang pinto. Nagbago ang desisyon ni Don Lucas, ngayon na gaganapin ang kasal ninyong dalawa ng senorito."
Nanghihina nitong binuksan ang pintuan. Sinabi kaya ni Cross ang tungkol sa ginawa niyang pagtakas at biglaan itong nagdesisyon?
Kaagad naman itong hinawakan ng ginang sa braso at dinala papunta ng mansyon.
Sinalubong ito ng mga taong hindi niya kilala ngunit alam niyang binayaran upang ayusan siya. Huminga ng malalim si Venice habang bored na nakatingin sa mga ito.
Hawak ng isang babae ang isang wedding gown habang pinagmamasdan ang kanyang katawan. "No need for adjustment, it's perfectly designed for her..." dinig niyang sabi nito ng may ngiti sa labi.
She let them do their thing.
Wala rin namang mabuting mangyayari kung magwawala siya dahil may mga armadong guwardiyang nakatayo sa harapan ng pintuan. Kung safety man ng kasal nila ni Cross ang dahilan o upang mapigilan kung sakaling magbabalak siyang tumakas, she really don't know.
Bumuga ng hangin si Venice nang umalis na ang tatlong magaganda at matatangkad na babaeng nag-ayos ng kanyang mukha at buhok. Inikot na lamang nito ang paningin sa salaming nasa kanyang harapan.
Hindi niya makita ang sarili.
Mukha hindi na ang Venice na kilala nito ang nasa kanyang harapan. Isa na lamang itong manika na inayusan ng magandang trahe deboda at pinagmukhang tao. Wala nang nararamdaman ang puso nito at wala na ring boses na lumalabas mula sa maninipis nitong labi.
Napabuntong-hininga na lamang siya nang lumapit si Manang Erna at masaya itong tinitigan.
"Napakaganda mo talaga, hija. Maganda ka na noon pero mas gumanda ka pa ngayon. Sigurado akong matutuwa at matatameme si Cross kapag nakita ka niya," kinikilig ang ginang habang nasusuka naman siya sa pangalan nito.
Venice's breath was knocked out from her lungs and suddenly felt suffocated. Hindi pa man nito nailalapag ang kanyang mga paa sa harapan ng simbahan ngunit kakaibang init na ang kanyang nararamdaman.
Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib nito habang papalapit siya ng papalapit sa pintuan.
As she heard the huge bell ringing, the door immediately opened. Parang may bombang sumabog sa kanyang dibdib nang masilayan ang ayos nito.
The aisle was filled with silver, katulad nang pinaghandaan nilang dalawa ni Riley. Puti ang mga bulaklak sa procession habang mahabang gintong tela naman ang nakalatag sa gitna. It's her dream wedding pero ibang lalaki ang kanyang papakasalanan.
Rumagasa ang emosyong lumukob sa kanyang pagkatao ng makitang si Manang Erna ang nagsilbi niyang magulang. Yes, she's a mother figure ngunit hindi pa rin nito mapapalitan ang tuwa niya kung sakaling tunay na ina nito ang kasama ngayon.
Walong tao lamang ang laman ng simbahan at napakalaki nito para sa kanilang lahat.
Matiim niyang tinikom ang bibig habang mabagal itong naglalakad patungo sa kinaroroonan nina Cross at Don Lucas. Kumawala ang isang malalim na hininga sa kanyang bibig nang makita ang pahapyaw na ngiti ng binata.
She will suffer, but she will not feel it alone. Sisiguraduhin niyang mahihirapan din ang binata sa loob ng isang taon nilang pagsasama.
Habang hinahawakan nito ang kamay ni Cross, unti-unting gumagaan ang kanyang paghinga at kapagkwan ay napangiti ito.
Palabas lang ang lahat ng nangyayari, kabayaran sa utang ng kanyang hayop na ama at alam niyang hinding-hindi mahuhulog ang loob niya sa huwad na asawa.
"Draw a deep breath, Venice."
Napalingon ito nang marinig ang kalmadong boses ni Cross. Hindi maiwasang mapansin ng dalaga ang maganda nitong ngiti. Kinamumuhian niya man ang binata ngunit hindi niya maitatanggi ang angkin nitong kagwapuhan.
"Thanks for making my dreams come true, Venice. Mapapasakin na rin ang mansyon ng yumao kong mga magulang. You're my angel," may galak na sambit ng binata bago ito humarap sa pari.
She was left dumbfounded.
Bumalik na lamang ito sa realidad nang itinaas na ni Cross ang belong nagtatakip sa kanyang mukha. Sinubukan nitong yumuko ngunit pinigilan siya ng asawa.
He stared at him for a while. "You look so beautiful right now..." malambing na sambit nito ngunit wala siyang kahit konting tuwang naramdaman.
At bago pa man ito makapagbigay ng karagdagang reaksyon, naramdaman na lamang nito ang malambot na labi ni Cross.
Kailangan na nitong ihanda ang kanyang sarili sa susunod na mangyayari, she's going to lose something precious after the wedding bells.