Three
Jen...
Excited siya sa lakad nila ng boss niya, kaya naman sobrang aga niyang dumating sa opisina. Doon kasi ang usapan nila ng boss niya na nagkikita bago sila pumunta sa pupuntahan nila na hindi niya alam kung saan sila papunta.
"Ang aga mo naman Miss Jen"puna ng guard sa kanya.
"Maaga daw kasi kami aalis ni bossing Rome"aniya.
Hindi naman na sumagot pa ang guard sa kanya kaya naman dumeretso na siya sa floor kung saan nag-oopisina ang boss niya.
Pagdating niya doon gaya ng inaasahan niya wala pang tao doon kaya naman nag-ayus na lang siya ng table ng boss niya na ilang araw na niyang ginagawa.
"Morning Jen"nagulat pa siya ng bigla nalang may nagsalita sa likuran niya.
Nang lingunin niya nakita niya si Sarah na nakatingin sa kanya, may dala itong mga folder.
"Aga mo naman"sita niya dito pero hindi matatago sa pagsasalita niya ang gulat.
"Sorry nagulat ba kita?"sagot nito.
Tuluyan na din itong pumasok sa loob ng opisina ng boss nilang dalawa. iniabot nito sa kanya ang mga folder na dala nito.
"Iyan ang mga kailangan ni Sir Rome para sa meeting niya, iabot mo lang sa kanya kapag nasa meeting na kayo"bilin sa kanya nito.
Tumango lang siya, hindi na naman niya pinansin ang inabot nito sa kanya at inilagay nalang niya iyon sa dala niyang shoulder bag para hindi niya maiwanan.
Ilang minuto lang sila naghintay, dahil tumawag na ang guard sa baba na nandoon na daw ang boss nila at hinihintay na siya nito doon kaya naman nagmamadali na siyang bumaba.
Paglabas niya ng building nakita niya itong nakasandal sa sasakyan nito habang nakapamulsa na naghihintay sa kanya.
Shit ang yummy talaga niya.
"Where's your luggage?"tanong sa kanya nito.
Hindi niya napansin na napatulala na pala siya sa pagtitig niya sa binata at nakatingin na pala ito sa kanya ngayon.
Nahihiyang nagbaba siya ng tingin at pasimpleng hinipo ang pisngi niyang alam niyang namumula na sa sobrang pagkapahiya niya.
"Sir ito po ang maleta ni Ma'am Jen"agaw pansin ng guard sa atensyon nilang dalawa.
Lalo siyang namula ng mapansin niyang napakunot ang noo ng boss niya habang nakatingin sa dala-dala niyang maleta.
Bigla naman siyang nagsisi kung bakit ba naman kasi naisipan niyang magdala ng sangkaterbang gamit. Dapat nakinig na siya sa mga kaibigan niya kagabi na bawasan niya ang dalang damit.
"Let's go"aya sa kanya ni Rome.
She's spacing out, obvious naman kanina pa niya napapansin na wala siya sa sarili mula ng makita niya ang boss niyang ito.
Tahimik lang sila sa buong biyahe, nagtataka nga siya ng makitang silang dalawa lang ni Rome ang nasa sasakyan. Ang buong akala niya may kasama silang driver pero iyon naman pala sila lang dalawa at wag ka ang boss pa niya ang driver.
"Ehem, Sir"tawag niya sa boss niya.
"Yes?"tanong nito na hindi man lang siya tinapunan ng pansin nito.
"Kumain ka na po ban g breakfast?"tanong niya dito.
Nilingon siya nito at ngitian bago ito sumagot.
"Nope, pero hindi pa naman ako gutom, gusto mo bang magstop over muna tayo?"nakangiting tanong nito sa kanya.
Siguro kung hindi siya nakaupo ngayon nalaglag na panty niya sa ngiti pa lang nito sa kanya. alam naman niyang mabait ang boss niya, kasi nasubukan na niya ito sa loob ng ilang araw na kasama niya ito palagi. Pero first time itong ngumiti sa kanya ng ganito.
'yong smile na pang model ng toothpaste ang dating, kainis naman hindi siya prepared natulala na naman siya.
"Hey, Jen"tawag sa kanya nito.
"Ha"gulat niyang tanong sa kausap.
"I said baka gusto mong stop over tayo at kumain, nagugutom ka na ba?"tanong nito sa kanya.
"Okay lang boss"sagot niya na nakatulala na naman.
Napaawang pa ang labi niya ng bigla ba namang tumawa ng malakas ang boss niya, ngayon lang niya napansin na may dimples pala ang boss niya, mas lalo itong gumuwapo sa paningin niya.
Hindi naman nagtagal nakarating na din sila sa meeting dadaluhan nito, isang indoor meeting at isang on site meeting ang ginawa nito. hindi naman siya nahirapan sa kakasunod dito kasi sanay naman na din siya kahit na papaano. Isa pa iaabot lang naman niya dito kung ano ang kailangan nito at magtake note siya sa mga napag-uusapan ng mga ito.
"Jen"tawag sa kanya nito.
"Yes Sir"masigla niyang sagot dito.
"Pack all our things"utos nito sa kanya.
Kung kanina lang ilang folder lang ang dala niya ngayon halos mandakuba na siya sa pagdala ng mga ito, ang dami naman kasi binigay na proposal ng mga nakausap ng boss nya. Hindi na tuloy kasya sa shoulder bag niya ang mga ito kaya naman bitbit na niya ang mga folder.
"Bakit ikaw ang may dala ng lahat ng iyan?"takang tanong sa kanya ng boss niya.
Napakunot noo naman siya sa naging tanong nito sa kanya.
"Bakit sir mali ba ang nabitbit ko?"balik tanong niya.
Mamumura niya ang mga nagbigay sa kanya ng mga folder na ito kung nagkataon na mali ang dala-dala niya.
"No, tama naman. Ang sabi ko lang ayusin mo at may ibang kukuha ng mga iyan para isunod sa sasakyan natin"napapailing na nilapitan siya nito at kinuha ang mga folder sa kanya.
Ito na ang nagbuhat ng folder na dala niya at nagpatuloy na sa paglalakad papunta kung saan nakapark ang sasakyan nito.
Siya na ang nagbukas ng sasakyan nito ng nasa tapat na sila ng sasakyan.
"Hoo..."daing ni Rome ng makasakay na ito sa sasakyan.
"Sorry sir"nahihiya niyang turan.
Trabaho naman kasi niya ang ginawa nito, nakikita niya kasi na nahihirapan ito ngayon.
"Sorry for what?"taka namang baling nito sa kanya.
"Its my job sir, ako dapat ang may dala ng mga folder"sagot niya na nakayuko.
"No, its not your job Jen. Your job is to assist me, hindi ang magbuhat ng mabibigat na bagay tulad ng mga folder na iyan. May ibang tao akong binabayaran para buhatin ang mga iyan."paliwanag nito sa kanya.
Hindi naman niya ito magawang tingnan sa mata nito, parang lahat ng confidents niya nawala bigla.
"So next time Jen, when I said na ayusin mo lang ang gamit natin ayusin mo lang. Ayokong makikita ka na nahihirapan, understood?"tanong nito sa kanya.
Tumango lang siya bilang sagot naman sa boss niya.
Tahimik na naman sila sa buong biyahe nila papunta kung saan sila magstay na para sa gabi. At hindi niya inaasahan na isang beach house ang pupuntahan nilang dalawa ni Rome.
Namangha siya sa ganda ng tanawin ng makababa na siya sa sasakyan. Papalubog pa lang ang araw kaya naman sobrang ganda nitong tingnan.
"You like it here?"tanong sa kanya ni Rome na sa likuran niya.
Para siyang nagde-day dream habang nakatulala na nakatingin sa papalubog na araw. Tumango lang siya bilang sagot sa tanong sa kanya ng boss niya.
"Dito ako madalas magpalipas ng araw kapag gusto kong takasan ang magulong siyudad"sabi pa nito habang nakatanaw din ito sa dagat.
Magkapantay na silang dalawa ngayon, nasa kanan niya ito na gaya niya nakatingin din ito sa papalubog na araw.
The scenery is awesome, ganito din ang tanawin noong nasa probinsya pa siya at wala pang iniisip na mga problema. Minus the sea, kasi wala naman silang dagat sa probinsya nila panay bukid lang ang makikita mo.
"Anong iniisip mo?"tanong sa kanya ni Rome.
"Namiss kong bigla ang probinsya namin"pag-amin niya dito.
She heard him chuckle, nang lingunin niya ito nakangiti nga ito habang nakatitig din ito sa kanya. Kahit na nakita na nitong tiningnan na niya ito hindi man lang ito nag-iwas ng tingin at tuloy lang siyang tinitigan.
"I have something to confess to you"anito na nakatitig pa din sa kanya.
Naiilang siya pero hindi niya magawang ialis ang mata niya dito at nakipaglaban ng titigan sa binata.
Ano ba ito, the feeling is mutual ba? Sasabihin mo sakin na may gusto ka na sakin. OMG hindi ako prepared.
"I've been looking for you"simula nito.
Lalo naman siyang naexcite sa susunod pa nitong sasabihin.
"Siguro mga two months na ang nakakaraan"dagdag pa nito.
Napakunot naman ang noo niya sa sinabi nito sa kanya, ilang araw lang naman siya na nagtatrabaho dito kaya paanong magdadalawang buwan na siya nito mula ng hinanap nito.
Dinunggol naman ng kaba ang dibdib niya, naalala kasi niya ang panloloob niya sa bahay nito. ang aksidenteng pangloloob niya sa bahay nito. Ito kaya ang sinasabi nitong unang araw, kasi magkatugma ang araw na sinasabi nito sa kanya. halos magdadalawang buwan na nga ang araw mula ng insedenteng iyon.
"I know your secret, Jen. Alam kong pinagnakawan mo ako"nanlaki naman ang mata niya sa sinabi nito.
Kulang ang salitang kaba sa nararamdaman niya ngayon.
Pinagpapawisan na siya, tama ba ang sinabi sa kanya noon ni Honey na tigilan niya na kahibangan niyang mapansin siya ng binata.
........................
Rome...
He's insane and he admits it.
Sinong matinong tao ang humanga pa sa ginagawang mali ng tao niya.
Gaya ng sabi niya noon, gusto niyang malaman ang dahilan ni Jen bakit nito ginagawa ang bagay na iyon.
"Hindi ko naman ginagawa ang bagay na iyon kasi gusto ko lang at gusto ko lang yumaman. Ginagawa naming magkakaibigan ito kasi madaming tao ang nasandal samin. Meron kaming tinutulungan na mga bahay ampunan, may mga bata din kami pinapakain at pinag-aaral doon lahat napupunta ang lahat ng nakukuha namin"
Iyon ang paliwanag sa kanya nito na pinaniwalaan niya. Wala naman siyang dahilan para hindi maniwala dito, kasi nang tingnan niya ang mata nito alam niya nagsasabi ito ng totoo.
"Sir, hindi ba tayo papasok ngayon?"tanong sa kanya ni Jen.
Nabungaran niya itong bihis na bihis na samantalang ang aga pa naman. Nakalimutan niyang sabihin dito na wala naman na talaga silang gagawin sa mga susunod na araw nila doon.
"No"sagot niya.
Nagderetso siya sa kusina at napataas ang kilay niya ng makitang may agahan na silang nakahanda sa lamesa.
"Kain na po Sir"masayang turan ni Jen.
Tiningnan niya mula ito bago siya umupo sa harapan ng hapag kainin.
"Kumain ka na din"aya niya dito ng mapansin niyang hindi ito umupo.
"No sir, mauna na po kayo at mamaya na ako kapag katapos niyong kumain"sagot naman nito sa kanya.
"No, I insist. Sumabay ka na sakin"pamimilit niya.
Hindi naman ito kumilos at nakatingin lang sa kanya ito. kaya naman siya na ang tumayo para ikuha ito ng pinggan at hinila ito paupo sa tabi niya.
"Eat"utos pa niya dito.
Napatitig lang ito at hindi pa nagsandok ng kakainin nito. Napapailing naman na pinagsandok niya ito ng kanin at ulam sa plato nito.
"Don't make me feed you Jen"banta niya dito pero nakangiti naman siya.
Kumilos naman ito at nagsimula ng kumain, kaya naman kumain na din siya.
"Maalala ko bakit ka nag-apply ng trabaho sa kompanya ko?"naalala niyang tanungin dito.
Nasamid naman ito kaya naman nag-aalala siyang binigyan ito ng tubig at hinimas pa niya ang likod nito habang umuubo ito.
"Nagulat ba kita?"tanong na naman niya dito na iling naman ang isinagot nito.
"So..."aniya dito.
"So ano?"tanong nito sa kanya.
"Bakit ka nag-apply sa kumpanya ko?"pag-uulit na naman niya dito ng tanong.
Muli na naman itong nabilaukan pero wala naman itong isinubo o ininom man lang para sana may rason itong mabilaukan.
"Okay never mind"aniya.
Mukha naman kasing umiiwas ito na pag-usapan nila ang bagay na iyon.
Pinagpatuloy nalang nila ang pagkain nila ng tahimik silang dalawa. hanggang sa matapos silang kumain tahimik pa din silang dalawa. nagprisintang ito na ang magligpit ng pinagkainan nila, kaya naman nagtuloy na siya sa sala at hinarap na ang mga folder na ire-review niya.
"Sir, talaga bang hindi tayo lalabas ngayon?"tanong sa kanya ni Jen.
Umiling lang siya habang hindi inaalis ang mata sa binabasang proposal sa kanya ng mga nakameeting nila kahapon.
"Pwedeng magswimming?"tanong na naman sa kanya nito na tinanguan lang niya.
Narinig niya ang pagmamadali nitong yabag pero hindi na niya pinansin iyon. Gusto din kasi niyang makatapos ng maaga sa ginagawa niya para maenjoy niya ang two days leave niya sa trabaho.
Leave bang matatawag ito kung nagta-trabaho pa din siya hanggang ngayon. Napailing nalang siya sa naisip niyang, nakakatawa naman kasi talaga. Nakaleave nga siya pero heto siya at nakatutok naman ang mga mata sa sandamakmak na papel sa harapan niya.
"Sir, tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka ha. Hindi ako lalayo"narinig niyang paalam ni Jen sa kanya.
"Sure"sagot niya na gaya pa din kanina hindi pa din nakatingin dito.
"Sir, sorry sa abala. Pero pwedeng magtanong?"alangan na turan ni Jen.
Kaya naman napaangat ang mata niya dito, na nakapagpatulala sa kanya.
Damn
"Bagay ko ba sir? Kasi first time ko"alangan na tanong sa kanya nito.
Hindi niya alam kung paano siya magre-react dito, basta nakatingin lang siya dito. Hindi na maalis pa ang mata niya sa dalaga.
"Sir"tawag sa kanya.
"Huh, ahh oo...bagay"sagot niya.
Ngumiti naman ito sa kanya, bago ito nagpaalam na lalabas na para magswimming.
Nang makalabas na ito doon lang siya nakabawi sa pagkatulala. Nagmamadali siyang nag-ayos ng mga gamit niya.
Fvck this paper work. Napapamura pa siya habang nagmamadaling maayos ang mga folder niya na nakakalat sa sala.
"Damn it pwede ko naman itong balikan mamaya bakit ba inaayos ko pa"kausap niya sa sarili niya.
Nagmamadali siyang nagtungo sa kwarto niya para magpalit ng damit panligo. Hindi niya pwedeng pabayaan si Jen ng mag-isa lang itong maligo sa dagat. Hindi naman kasi private ang beach, kahit pa nga private ang beach house niya hindi naman ang mismong dagat. Madaming turista ang nakakalat lang sa lugar na iyon kapag ganitong maaga pa.
Nang makapagbihis na siya nagmamadali siyang lumabas ng bahay at agad na hinanap ang assistan niya.
Nakita niya itong nakatampisaw na sa dagat at may kausap na itong lalaki.
Hindi nga siya nagkamali ng hinala, alam niyang lalapitan at lalapitan ito ng mga lalaki sa itsura nito.
"Jen!"tawag niya dito.
Nilingon siya nito, sabay kinawayan bago ito naglakad papunta sa kanya.
"May ipapagawa ka ba sir?"tanong nito sa kanya ng makalapit ito sa kanya.
"Wala naman"
"Hey Jen, come on"tawag ng lalaking kasama kanina ni Jen.
"Just wait okay"nakangising sagot naman ni Jen.
Nainis naman siya sa way ng pag-uusap ng dalawa, para kasing ang tagal ng magkakilala ang mga ito.
"Kilala mo ba ang lalaking iyon?"tanong niya dito.
Umiling lang ito sa kanya na nakapagpakunot ng noo niya.
"Hindi mo kilala pero sumasama ka"bulong niya.
"Ano sir? May sinasabi ka po?"tanong sa kanya ni Jen.
"Wala, come with me. Gusto kong maglibot"pag-iiba niya ng usapan.
Hindi naman na niya kailangan na maglibot pa sa lugar na iyon kasi ilang beses naman na siyang nakapunta sa lugar na iyon.
Naiinis na siya sa kinikilos niya, simula lang naman ito ng maging assistan niya si Jen.
Feeling niya nagiging possessive siya sa assistant niya sa hindi niya malaman na dahilan. Hindi naman niya dati sinasama ang assistant niya kapag ganitong nasa bakasyon siya pero pagdating kay Jen gusto niya palagi itong makita.
Kagaya ngayon, kanina kampante naman siyang Hindi lalayo ang dalaga sa kanya pero ng makita niya na naka-swim suit nag-iba ang timpla niya. Gusto niya nasa tabi lang niya ito kahit na ganoon ang suot nito. Iniisip kasi niya na lapitin ito ng mga lalaki na hindi naman siya nagkamali dahil ilang minuto lang ang lumipas heto na siya may iba ng kausap na lalaki.
Fvck ano bang nangyayari sakin.
"Sir, wala naman tayong makikita dito puro naman buhangin lang. maligo nalang tayo"aya pa sa kanya ni Jen.
Tiningnan lang niya ito bago siya nagpatianod sa gusto nitong puntahan.
I need to see my friends.