Four
Rome...
Maaga siyang nagkulong sa kwarto mula sa maghapon nilang pagtatampisaw sa dagat ni Jen. Nag-enjoy naman siya kasi masaya naman kasama si Jen, ang kinaiinis lang niya kasama na nga siya ni Jen hindi pa din ito maiwasan na hindi lapitan ng mga lalaki sa paligid nila.
"Anong himala at tinawagan mo ako?"tanong sa kanya ni Leigh.
Hindi din niya alam kung bakit tinatawagan niya ang kaibigan niyang ito ngayon. Basta nalang ng mahawakan niya ang cellphone niya naidial na niya ang number nito.
"Brod, I need a help"bigla nalang din niyang nasabi ito.
"Whoa, first time iyan. Anong maipaglilingkod ko sa pinakamabait kong kaibigan?"pang-aalaska pa sa kanya nito.
Well totoo naman na ngayon lang siya humingi ng tulong sa kaibigan niyang ito. lalo pa kaya na ang rason ng paghingi niya ng tulong dito ay tungkol sa babae.
"I got this problem regarding to a girl"simula niya.
Narinig niyang parang may bumagsak, tapos hindi din nagsalita ang kaibigan niya sa sinabi niya.
"Hey, Leigh...brod"tawag niya dito ng ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa din ito nagsasalita.
Narinig niya ang sunod-sunod na pagmumura ng kaibigan niya pero mukhang hindi naman siya ang kausap nito. pinakinggan lang niya ang ginagawa ng kaibigan niya, hanggang sa may marinig siyang parang umuungol. Nanlalaki ang mata niya ng makumpirma niyang ungol nga ang naririnig niya.
"Tangina ka Leigh ang baboy mo talaga"aniya bago niya pinatay ang tawag.
Nagsisisi siyang si Leigh ang tinawagan niya, kahit kailan talaga ang kaibigan niyang iyon hindi na magbabago. Isang araw mahahanap nito ang katapat nito, kainis napakaplayboy talaga.
Sunod niyang tinawagan si Ezekiel pero hindi ito sumasagot, last choice niya si Lance pero gaya ni Ezekiel hindi din sumasagot sa tawag niya. Mukhang mga busy ang mga kaibigan niyang ito. wala tuloy siyang makausap.
Nang wala na siyang magawa, naisipan nalang niyang mahiga sa kama niya. gusto niyang matulog nalang kapag ganitong may iniisip siya para hindi na sumakit ang ulo niya sa kakaisip sa problema na hindi niya alam ang solusyon.
Buti pa sana kung tungkol sa negosyo ang problema niya, doon hindi sasakit ang ulo niya sa pag-iisip.
Papikit na ang mata niya ng may marinig siyang katok mula sa pintuan niya.
Wala namang iba pwedeng kumatok sa pintuan niya kundi si Jen. Sila lang namang dalawa ang nasa beach house niya.
"Sir kain na po"tawag sa kanya nito.
Narinig lang niya ang boses nito nabuhay na lahat ng cell niya sa katawan. Kung kanina inaantok siya ngayon buhay na buhay na ang diwa niya.
Damn it!, I need to see a doctor iba na yata itong nararamdaman ko.
............
Nakatitig lang siya kay Jen habang kumakain silang dalawa, hindi niya magawang iiwas ang mata niya sa mukha ng dalaga. Kung kaninang umaga magkatabi sila ngayon magkatapat na sila habang kumakain. Kaya naman malaya niya ito matitigan habang kumakain.
Bawat subo nito para siyang kakapusin ng hininga, feeling niya kasi kinukuha ni Jen ang lakas niya sa bawat subo nito ng pagkain na hindi niya alam bakit nararamdaman niya iyon.
"Sir, hindi niyo ba gusto ang niluto ko?"tanong sa kanya ni Jen.
Hindi niya napansin na nakatingin na pala ito sa kanya at napansin na nito ang hindi niya pagkain. Masarap naman na ang pagkain na nakahain sa hapag kainan, pero hindi niya alam parang busog naman siya kaya hindi siya makakain.
"No, I like it... so much"bulong niya pero nakatitig siya sa dalaga.
Naiilang naman na umiwas ng tingin sa kanya ang dalaga, hindi niya alam kung ano ba ang talaga ang tumatakbo sa isip niya.
Dapat he is the one who knows himself, pero ang nangyayari parang hindi niya na kilala ang sarili niya ngayon.
"Jen, I want to be honest with"aniya.
Napatigil naman sa pagsubo ang dalaga, at bakas ang pagtataka sa mukha nito.
"I want to know you better"dagdag niya.
"Anong ibig mong sabihin sir?"naguguluhang tanong nito.
"I hire you because I want to know you, gusto kong malaman bakit mo ginawa ang bagay na iyon."hindi niya maderetsa ang gusto niyang sabihin.
"Alin ang pagnanakaw?"ito na mismo ang nagtuloy sa gusto niyang sabihin.
"Yes, I want to help you"
Bumuntong hining ito at ibinaba na ang hawak na kutsara bago siya nito pinakatitigan.
"To be honest too, gusto ko din na mas makilala kita kaya ako nag-apply sayo bilang assistant mo. I'm the one whose responsible kung bakit naresign ang dati mong assistant. I blackmail his parent's para pauwiin na nila ang anak nila para mabakante ang posisyon niya. When your company post an add regarding sa vacant position in your company, I block all of it para walang ibang makakakita kundi ako lang kaya ako lang talaga ang aplikante mo para sure na ako lang ang mapipili. Ginagawa koi to kasi gusto ko lang, para naman makampante ka wala akong balak na pagnakawan ka pa. nagkamali lang ako ng bahay na pinasok kaya ako nakapasok sa bahay mo."mabang paliwanag nito.
Nakikinig lang naman siya sa mga sinabi nito.
"Now, na alam mo na ang lahat tungkol sakin. Maybe this will be our last conversation. Hindi ko pwedeng i-risk ang kapakanan ng mga kasama ko. Kung gusto mo akong tulungan, kalimutan mo nalang na nakilala mo ako. At nagpapasalamat ako kasi hindi ka nagsumbong sa mga pulis"iyon lang ang sinabi nito bago ito tumayo.
Sa pagkabigla niya hindi man lang siya nakapagsalita o naka-react man lang kaya naman hinabol pa niya ang dalaga sa pintuan ng beach house para pigilan ito.
"When I said I'll help I'm willing to help Jen. Ayokong makita ka pang magnakaw, I'll help you financially if that all you need. Madami akong connection na pwede nating gamitin para magcontinue ang lahat ng operation niyo"nagmamadali niyang paliwanag.
"No, hindi ko kailangan ng awa mo. Siguro nga tama ang mga kaibigan ko na hindi dapat ako nagpakita sa taong pinagnakawan namin."tanggi pa din ni Jen.
"Jen"
"Makinig ka Rome, hindi ko ito ginagawa para lang sa magkapera ako. Kung ang sinasabi mo tutulungan mo ako, kaya ko din manghingi ng mga tulong sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko ginagawa, kasi may dahilan ako kung bakit kami nasa ganitong trabaho. At hindi ikaw ang makakapigil sakin o samin. Sorry sa pagkakamali ko, ibabalik ko ang lahat ng nakuha ko."iyon lang ang sinabi nito bago siya nito iniwanan.
Mariing napapikit naman siya, nagbilang siya ng hanggang tatlo bago niya hinabol muli ang dalaga, ang bilis nitong nakalayo sa kanya.
"Jen!!!"tawag niya dito ng hindi niya ito maabutan.
"Ano na naman?"parang pagud na humarap ito sa kanya.
"Okay, mali na ang approach ko sayo, don't go. I need you okay, assistant pa din kita no matter what happen. I'll never stop you kung iyan ang gusto mong mangyari. If you really want to be a thief fine with me, just....just..."hinihingal siya pagtakbo.
"Just what?"naiinip naman na tanong dalaga sa kanya.
"Just don't go...stay...stay with me"aniya.
Bahala na...
Bahala na talaga, basta ang mahalaga nasa tabi lang niya ito. Makakampante siya kung makikita niya ito kung maaari lang araw-araw niyang makikita ito.
Gusto niya safe lang ito, may pakiramdam kasi siya na kailangan niyang protektahan ang dalaga sa abot ng makakaya niya.
.............
Jen...
Ang weird, sinong criminal ang umamin sa nagawa niyang mali sa isang tao.
Siya lang yata.
To think na dati siyang pulis, kaya naman alam niya kung paano magpaikot ng tao. Pero ang nangyari sa pagitan nila ng boss niya, parang nabaliktad.
Kasalukuyan siyang nakahiga pa din sa kama kahit na tirik na tirik na ang araw. Alam naman niyang wala naman silang lakad ngayon araw. Mamayang hapon pa naman sila babalik sa Manila, kaya naman hindi na muna siya tumayo.
Nasa malalim siyang pag-iisip ng may tumawag sa cellphone niya.
"Hello"sagot niya kahit na hindi pa niya tinitignan kung sino ang tumawag sa kanya.
"Gold"tinig iyon ni Silver.
Napatayo siya ng wala sa oras, bigla din kasi siyang kinabahan. May kakaiba kasi sa tono ng pagsasalita ni Honey kahit na 'Gold' lang naman ang sinabi nito.
"Anong problema?"kinakabahan na tanong niya sa kaibigan.
"Si Jobie"humihikbing sagot nito.
"Anong nangyari?"dumoble ang kaba niya ng marinig ang paghikbi nito.
"Nabaril siya"
Mariing napapikit siya, pinili niyang maging kalmado ng mga oras na iyon.
"Wag ka ng umiyak, pabalik na ako"iyon ang sinabi niya bago niya pinatay ang tawag.
Nagmamadali niyang inayos lahat ng mga gamit niya, napapamura pa nga siya kasi ang dami talaga niyang dalang gamit. Kaya naman ang ginawa niya hindi na niya inilagay ang ibang gamit niya, naisip nalang niyang babalikan nalang niya ang mga iyon pag hindi na siya busy.
"Saan ka pupunta?"tanong sa kanya ni Rome.
Nagkasabay kasi sila ng paglabas ng kwarto, nakatingin ito agad sa dala niyang maleta.
"Kailangan ko ng bumalik ng Manila"seryoso niyang sagot.
Hindi na niya naisip na boss niya ito, tutal naman alam naman na nito ang lahat.
"Babalik naman na tayo mamaya, why in a hurry?"takang tanong nito sa kanya.
"Emergency lang"aniya at nilagpasan ito.
Hindi siya dapat mag-aksaya ng panahon. Kailangan siya ng mga kaibigan niya, nagsisisi siyang mas inuna niya ang curiosity niya kaysa sa mga kaibigan niya.
Kung siya ang lumakad kagabi hindi sana nalagay sa panganib ang kaibigan niya.
Siya lang naman kasi ang may trabaho sa pagpasok sa loob ng bahay, look out lang lagi ang kaibigan niya.
"I'll go with"nagulat pa siya ng nasa likod na niya ngayon si Rome.
Napataas naman ang kilay niya ng makitang nakapagpalit na ito agad ng damit, kanina kasi nakasando lang at boxer short ang binata. Ngayon nakapants na at white shirt na ito.
"Bakasyon mo boss, kaya ko ang sarili ko. Madami naman akong masasakyan na bus pabalik ng manila"tanggi niya dito.
"Like I told you last night, I'll help you. isa pa mas mabilis kung sarili mo ang sasakyan kaysa ang magcommute ka."sagot nito sa kanya at kinuha ang bagahe niya.
"Just collect all my important papers then we'll go"utos nito sa kanya.
Naguguluhan man sinunod pa din naman niya ito, tama naman kasi ang binata mas mabilis siyang makakarating sa Manila kung sarili niya ang sasakyan.
"Sir, pwede ako ang magdrive?"tanong niya dito ng nasa tapat na sila ng sasakyan.
Napakunot noo naman ito sa kanya, napansin din niya ang pag-aalinlangan nito na pumayag sa gusto niya.
"Marunong akong magdrive promise"pangungumbinsi pa niya.
Naalala kasi niya noong papunta sila at ito ang nagdrive medyo nababagalan siya, samantalang ang ganda ng sasakyan nito. Mabilis.
Tapos ngayon na pabalik sila ng Manila at nagmamadali siya. Mas maganda na siya na ang magdrive para makarating na sila agad.
"Okay"alanganin na sang-ayon nito sa kanya.
Napangiti naman siya, matagal tagal na din simula ng makahawak siya ng ganitong klaseng sasakyan. Kaya naman bigla ang dagsa ng adrenaline sa sistema niya.
"Seat belt ka boss, akong bahala sayo"aniya pa ng makasakay na sila.
KUNG noong papunta sila halos apat na oras ang biyahe nila mula sa Manila, ngayon kulang dalawang oras lang nasa Manila na sila. Nahuli pa nga sila ng pulis, over speeding daw sila. Buti nalang dala niya ang fake pulis ID niya kaya nakalusot sila.
Sinabi nilang oncall siya kaya nagmamadali siya. Nagpanggap pa nga silang mag-asawa ni Rome, nakakagaling lang sa honeymoon at may emergency lang sa opisina kaya sila nagmamadali.
Nang makarating sila sa tapat ng opisina, nagmamadali siyang bumaba at kinuha ang mga gamit niya.
"Hey"tawag sa kanya ng boss niya.
Nang lingunin niya ito gusto niyang matawa at maawa at the same time sa binata.
Ikaw ba naman makitang namumutla ang mukha nito na parang masusuka pa. puti na din ang mga labi nito na para talagang nawala lahat ng dugo sa katawan nito.
"Sir?"
"Ihahatid na kita sa inyo"sabi pa nito.
Nagdalawang isip naman siya, kasi naman iba ang nasa resume niyang address sa totoong address na tinitirhan niya. naisip din niya baka tuluyan ng magalit ang mga kaibigan niya kapag itinuro pa niya sa binata ang bahay nila.
"Don't worry, I'm on your side remember"pagbibigay pa nito ng assurance sa kanya.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago nagdesisyon na magpahatid na dito. Gaya kanina siya na din ang nagdrive, pero hindi na kasing bilis ng pagda-drive niya kanina. Naawa naman siyang bigla sa binata ng makitang mamutla na naman ito ng magsimula na siyang magdrive.
Hindi naman kalayuan ang bahay nila sa pinapasukan na opisina kaya ilang minuto lang ang biniyahe nila.
"You really live here?"manghang tanong sa kanya nito.
Sino ba naman kasi ang hindi magtataka, nasa isang subdivision lang naman sila nakatira at hindi pahuhuli ang bahay nila sa mga bahay na makikita sa loob ng subdivision.
"Yeah"sagot niya.
"But...at your resume..."napabuntong hininga ito ng sobrang lalim. "Never mind"iyon nalang ang nasabi nito.
"Don't tell me memorize mo ang lahat ng laman ng resume ko?"panunudyo niya sa binata.
Kakikitaan kasi ito na parang nanghinayang sa nalaman.
"Yes, kasi di ba nga I want to know you. gusto kitang makilala"anito.
Nanlalaki ang mata na napabaling ang tingin niya sa binata. Totoo ba talaga ang sinasabi nito, as in nagsasabi ba talaga ito ng totoo.
"Wag mo akong tignan ng ganyan."saway naman sa kanya nito.
Napapailing nalang na lumabas nalang siya ng sasakyan. Inaasahan niya hindi na susunod pa ito sa kanya pero laking gulat niya ng nasa likod na pala niya ito habang nagbinubuksan niya ang pintuan.
"Seryoso, nakasunod ka talaga"sita naman niya sa binata.
Tiningnan lang siya nito na para bang sinasabi na 'makuha ka sa tingin', ang weird na talaga ng lalaking ito.
Kung di ka lang gwapo...
Hanggang sa loob ng bahay nila kasama niya ito, walang sumalubong sa kanila na mga bata, nasa school ang mga ito ngayon.
Buti nalang din dahil baka magtanong ang mga ito, at kapag sinabi niya ang pangalan ng binata baka malintikan na siya ng tuluyan. Alam kasi ng mga bata na crush niya ang boss niya, palagi kasi niyang kinukwento iyon sa mga bata.
"Gold!!!"tawag sa kanya ni Honey.
Nakita niyang may dala ito plangganita na may tubig at bimpo, mapapansin din ang dugo sa dala nito.
"Kamusta si Titanium?"tanong niya dito na puno ng pag-aalala.
Pinanglakihan lang siya nito ng mata at inginuso ang kasama niya.
"Sir Rome, kaibigan ko si Honeybae. Honey si sir Rome boss ko"pagpapakilala niya sa dalawa.
"Jen!!!"sigaw naman sa kanya ni Honey.
May pagmamadali ang hakbang nito na lumapit sa kanya at hinila siya palayo sa binata.
"Are you nuts?, bakit mo dinala dito 'yan?"galit na bulong nito sa kanya.
"He knows everything Honey."ganting bulong niya.
Mas lalong nanlaki ang mata nito sa kanya habang titig na titig ito sa kanya.
"Mamaya ko na ipapaliwanag, kailangan ko ng makita si Jobie"aniya at iniwanan ang kaibigan.
Nagmamadali naman siyang nagtungo sa kwarto ng kaibigan niya para kamustahin ito.
Nilingon muna niya si Rome na ngayon ay nakaupo na sa sala nila at nakatitig sa kanya.
Bahala ka muna dyan busy ako...