TWO

2261 Words
Jen... Nakataas ang mga paa niya habang nasa loob siya ng surveillance van nilang magkakaibigan. Kasalukuyan silang nasa isang subdivision, siya ang naiwan sa loob ng surveillance van nila samantalang ang dalawa niyang kaibigan ay nasa labas at abala sa pagkakabit ng mga gadget nila. Nakahanap na kasi sila ng bagong biktima na pwede nilang pagnakawan. "Jen, nakikita mo ba ako?"tanong sa kanya ni Honey. Nang tingnan niya sa monitor nakita niyang nagsasayaw ang kaibigan niya. "Ang sagwa mo naman, honey"sagot niyang natatawa. "Atleast marunong akong magsayaw"nakairap naman na sagot ni Honey na huminto na sa pagsayaw. "Mahiya ka nga kay Jobie"aniya na tumatawa pa din. "Huh, manahimik nga kayo."sabad naman ni Jobie sa usapan nilang magkakaibigan. Binalingan niya ang monitor kung nasaan naman ang kaibigan niyang si Jobie. Nakita niyang busy itong magkabit ng hidden camera nila sa loob ng bahay. "Hoy bilisan niyo nalang dyan, baka mamaya niyang mapagkamalan kayong magnanakaw na dyan sa tagal niyo"biro niya sa mga ito. Tumawa naman ang dalawa sa biro niya, nagpanggap ang mga kaibigan niya na katulong on call. Oh di ba bangga nila, katulong on call. Iyan ang isa sa mga disguise nila para legal silang nakakapasok sa loob ng bahay ng mga lolooban nila. Lahat naman ng pinagnanakawan nila mga government official o kaya naman mga tiwaling mga mamamayan ng pilipinas. Lahat naman ng nakukuha nila ibinibigay sa mga bahay ampunan na tinutulungan nila, maging sa mga home for the aged nagbibigay sila doon. Bukod kasi sa mga batang kasama nila sa bahay meron din silang sariling bahay ampunan na doon nila inilalagak ang mga naliligtas nilang mga bata sa kalye. Busy siya sa pagpindot sa mga computer sa loob ng Van, nang biglang tumunog ang cellphone niya. Without looking sinagot niya ang tawag sa kanya, baka kasi sa bahay lang nila at tinatawagan lang siya ng mga bata. "Hello"sagot niya. "Is this miss Reyes"ani ng isang boses ng babae. Napataas naman ang kilay niya ng marinig ang boses na iyon. Kaya napatingin siya sa cellphone niya, unregistered number ang tumatawag sa kanya. "Yes speaking, who's this?"tanong niya. "This is Sarah of Jewel Prime Inc. I'm just wanted to inform you that you have to report immediately to the CEO office at Jewel Prime Inc."pag-inform nito sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya, hindi dahil sa nabigla siya sa tawag kundi sa nabigla lang siya pwede naman na nabigla lang siya kahit kunwari lang di ba. "Thank you ma'am, I'll be there tomorrow po"sagot niya. "No miss Reyes, when I said immediately as in now."sagot pa sa kanya nito. Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sa orasan niya, alastres nan g hapon, at pinagre-report siya ngayon sa opisina. Hindi naman excited ang magiging boss niya na makilala siya. "Yes ma'am"sagot nalang niya bago nawala ang kausap sa kabilang linya. Napapatulala na napatitig siya sa cellphone niya bago siya nagtitili sa kinauupuan niya. "Damn, ang ingay mo Jen"sita sa kanya ni Honey. "I got the job"masaya niyang sigaw sa mga kaibigan. Buti nalang sound proof ang sasakyan niya kaya hindi maririnig ng mga taong dumadaan kung sakali ang pagsigaw niya. "What ever"sabay na turan naman ng kaibigan niya. ............... Hindi siya magkandatuto sa pag-aayos niya kanina, hindi nga niya alam kung ano ang isusuot niya na papasa sa mata ng poging CEO na magiging boss niya. Nakailang palit na nga siya ng damit bago siya nakapadecide na isang simpleng corporate attaire nalang ang isuot. Eksaktong alasingko ng hapon nakarating siya sa building kung saan siya magta-trabaho ngayon. "Good afternoon, pinagrereport po ako dito as personal assist---"hindi na niya natuloy ang sasabihin pa niya ng bigla nalang magsalita ang receptionist na kausap "Kanina ka pa hinihintay ni Sir, akyat ka lang sa 27th floor, dali"nagmamadaling sagot nito sa kanya. Nagtataka man wala naman siya magagawa kaya naman sinunod nalang niya ang sinabi nito sa kanya. Ilang minuto lang ang hinintay niya bago siya makarating sa 27th floor na sinabi nito. Bumungad sa kanya ang isang babaeng mukhang naiinip na din sa paghihintay kasi nakabantay na ito sa mismong pintuan ng elevator kung saan siya naroon. "Kanina pa kita hinihintay. Bad mood na si Sir"naiiritang bungad nito sa kanya. "Sorry po"iyon nalang ang nasagot niya. May pagmamadali ang bawat hakbang ng babae, kaya naman maging siya ay nagmamadali na din sa pagsunod dito. "Kapag kausap mo si Sir lagi ka lang 'yes sir' kapag hindi mo alam ang gagawin mo tanong ka nalang sakin. Mabait naman si Sir kaso lang bad mood yata ngayon kaya naninigaw siya kakagaling lang kasi niya sa biyahe baka pagod. Hindi naman siya araw-araw na galit ngayon lang talaga, or kapag may hinahabol na deadline."kausap sa kanya nito. "Yes Ma'am"sagot niya. Hanggang sa makarating sila sa tapat ng pintuan ng boss nila. Kumatok ng tatlong beses ang kasama niyang babae bago sila pumasok sa loob. Pagbungad pa lang nila sinalubong na sila ng nakakahalinang amoy ng loob ng opisina. A very masculine scent, hindi masyadong matapang o masakit sa ilong. Nakakahumaling pa nga para sa kanya, ito na ang pinakamabangong pabango na naamoy niya. Hindi siya pwedeng magkamali, ito din ang naamoy niya noong pinasok niya ang bahay nito. "Sir, nandito na po si Miss Reyes"tawag ng pansin ng secretary nito sa lalaking hindi yata napansin ang pagdating nila. Halos matabunan naman na kasi ito ng mga papel na nasa lamesa nito. Shit ganito ba kadami ang trabaho nito. kaya pala kailangan nito ng personal assistant kahit na may secretary na siya. Napasubo yata ako. "You may leave us now Sarah"ani ng isang baritonong boses mula sa lamesang hindi na niya matanaw kung may lalaki nga bang nakaupo doon. "Good luck girl"bulong sa kanya ng kasama niya kanina bago siya iniwanan. Ang tagal niyang nakatayo kung saan siya iniwanan kanina ni Sarah, hindi man lang siya kausapin ng boss niya. Nangangawit na ako. Pinapunta mo lang ba ako para lang patayuin dito? Hindi naman niya magawang isatinig ang hinaing niya. "Miss Reyes"napaigtad pa siya ng bigla nalang itong nagsalita. Nakakagulat naman kasi na ang tahimik naman kasi nito tapos biglang nagsalita nalang basta. "S-sir"sagot niya. "Tatayo ka nalang ba dyan"pagsusungit nito sa kanya. Nagmamadali naman siya lumapit sa boss niyang may regla yata at ang sungit. Magsasalita sana siya ng bigla itong lumingon sa kanya at magtama ang kanilang mga mata. Bigla tuloy niyang naalala kung paano siya nito tingnan noong unang beses na makita niya ito. FLASHBACK "Bruha ka, ano bang ginagawa natin dito?"tanong sa kanya ni Honey. Nasa isang jewelry shop sila ngayon na pagmamay-ari ng huling biktima nila na si Rome Genesis Dela Merced. Mula ng gabing nilooban niya ang bahay ng binata hindi na ito maalis sa isip niya. nagtaka nga siya bakit ito ang nakita niya ng gabi na iyon ang alam niya isang politiko ang lolooban niya ng gabi iyon. Kaya naman ng sumunod na araw nagprofiling siya muli para alamin kung sino ang may-ari ng bahay na pinasok nila. Doon lang niya nalaman na isang Rome Genesis Dela Merced ang napasok nilang bahay ng gabi na iyon. Maling bahay ang naituro sa kanila ng impormant nila. Natatawa pa nga siya ng dahil doon, ngayon lang sila nagkamali ng bahay na napasok. "Wag ka ngang maingay dyan"saway niya sa kaibigan. Nakakasira naman kasi ng poise ang kaibigan niya, ang ganda ng porma nilang dalawa mukha silang anak ng mayayaman ngayon pero kung makakapit ito sa kanya para namang batang mawawala sa Mall. "Kainis ka naman kasi, aanhin mo naman ang mga alahas na ito? mas madami tayong pwedeng bilin sap era natin kaysa sa mga alahas na ito"bulong na naman sa kanito. "Isa pang angal mo dyan uupakan na kita."inis niyang bulong dito. Sasagot pa sana ito sa kanya ng biglang nagkagulo ang mga sales lady ng natural establishment. Nang lumingon sila nakita niya ang kanina pa niya hinahanap. "s**t ang gwapo"bulong sa kanya ni Honey. Tiningnan niya ito ng masama, walang pwedeng umagaw ng binata sa kanya. "Makatingin ka naman dyan kala mo naman inaagawan ka"bulong sa kanya nito. Inirapan niya ito at iniwanan, nagkunwari siyang nagtingin tingin sa mga alahas sa shop na iyon. Hanggang sa konwari na naman niyang nabangga ang binata. "Aww"daing niya. Shit na malupit ang tigas. Aniya sa isip niya, napahawak lang naman kasi siya sa braso ng binata. "Are you okay miss?"tanong sa kanya nito. "Ahh y-yes"aniya na nauutal pa habang sumasagot. Tinulungan siya nitong tumayo ng maayos bago, nakita niya sa peripheral vision niya na nakatitig sa kanya ang kaibigan niya at halatang panay ang irap nito na parang sinasabi na ang landi niya. Hindi pa man siya nakakabawi sa eksena niya ng bigla na siya nitong iwanan. Napatanga nalang siya at tiningnan ang likuran nito papalayo na sa kanya. Naoffend siya, nainis siya sa inasta nito. hindi man lang siya kinausap nito, tinanong naman siya kung okay lang ba siya pero kasi hindi sapat sa kanya iyon. Kaya nga niya ito nilapitan para mapansin siya kaya naman nagpaganda siya, pinaghandaan niya ang araw na ito tapos hindi naman pala siya papansinin nito. "Humanda ka sakin, Dela Merced"bulong niya sa sarili niya. Nakatitig siya dito hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang binata kaya naman nahuli siya nitong nakatitig dito kaya naman nagtama ang kanilang mga mata. Ilang minuto din silang nagtitigan na dalawa, nahinto lang ng agawin ng isang empleyado nito ang atensyon ng binata. End of Flashback Those eyes, hindi hindi niya makakalimutan ang mga mata nitong kung tumingin para siyang hinihubaran. Feel naman niya iyon kahit tulungan pa niya ito kung gusto nito para naman hindi nalang puro tingin lang gawan pa nila ng action kung gusto nito. "Miss Reyes"bumalik siya sa katinuan niya ng tawagin siya nito. "Sir"gulat niyang tawag dito. Napailing nalang ito habang tinititigan siya nito, kaya naman nakipagtitigan na din siya dito. ............... Madali lang naman ang trabaho niya, kaya naman madali lang din niya nagamay iyon. Sisiw kumbaga, sa umaga dapat maaga palang nasa opisina na siya mauuna dapat siya sa boss niya maging sa secretarya nito. Aayosin niya ang mga gamit ng binata sa buong maghapon na trabaho nito. Purely personal assistant ang trabaho niya, nagtataka nga siya kasi sa totoo lang sa ilang araw niyang pagtatrabaho sa binata wala naman talaga siyang ginagawa kundi ang bumuntot lang ng bumuntot sa boss niya kung saan ito pupunta. Hindi naman binibigay sa kanya nito ang mga gamit nito, kapag nasa meeting ito sa labas ng kumpanya nito nasa tabi lang siya palagi nito. more on moral support ang dating niya dito. "Jen"tawag sa kanya ni Rome. Hindi niya napansin na dumating na pala ang boss niya, buti nalang natapos na niya ang trabaho niya bago ito dumating. "Sir" "Prepare some of your cloths, may out of town meeting tayo"utos nito sa kanya. Sinabi lang nito kung saan sila pupunta na dalawa at kung ilang araw sila doon, at pinag-half day na siya nito para daw maayos na niya ang dadalin niyang gamit. Pagdating niya sa bahay wala naman ang mga bata doon dahil may pasok sa eskwelahan. "Ang aga mo naman yata?"tanong sa kanya ni Honey. "Halfday may lakad kami ni boss bukas"nakangising sagot niya. "I know that face Jen"sita naman sa kanya ni Jobie. Hindi naman niya pinansin ang mga kaibigan niya at nagderetso siya sa kwarto niya para ayusin na niya ang mga dadalin niyang gamit para bukas. "Hey, bakit parang balak mo na yatang dalin lahat ng gamit mo at wag ng bumalik dito?"tanong sa kanya ni Honey. Hindi na siya nagtaka na sumunod sa kanya ang mga kaibigan niya. "Tatlong araw kami 'don"sagot nalang niya. "Tatlong araw pero pang isang taon ang dalang damit?"nagtatakang tanong sa kanya ni Jobie. "Mommy Jobie alam niyo naman po pawisin ang baby Jen niyo"nagboses bata pa siya habang sumasagot sa kaibigan niya. Binato lang naman siya nito ng hawak na unan, kaya naman natatawa lang siya sa reaction nito. alam naman kasi niyang ayaw na ayaw nitong tinatawag na mommy o kaya naman nanay. "Umayos ka Jennifer"banta pa sa kanya nito. Tumawa lang siya ng malakas sa banta nito sa kanya. "Teka, tatlong araw ka doon. Sino na ang papasok sa bahay ni Senator Go?"tanong ni Honey sa kanya. "Kaya na ni Jobie iyan, hindi na nga ako sumali sa plano niyo diba. Busy ako sa dream boy ko"sagot niya na hindi man lang tiningnan ang mga kaibigan niya. "Jen, baka nakakalimutan mo na ang obligasyon natin."seryosong sabi sa kanya ni Jobie. Itinigil niya ang ginagawang pag-eempake at hinarap ang mga kaibigan niya. "Hindi, at malabong makalimutan koi yon Jobie, bigyan nyo lang ako ng isang buwan para mawala ang pagkahibang ko sa dream boy ko. Kilala niyo naman ako, kapag nakuha ko na ang gusto ko titigil na din ako."seryoso din niyang sagot sa kaibigan. "Yeah, pero kahit nahihibang sa isang bagay hindi nawawala ang focus mo sa trabaho natin. Ngayon lang na hindi ka sumali sa raket natin ng dahil sa kinahihibangan mo. Well galingan mo lang sa pagtatago ng totoong ikaw, hindi pwedeng malagay sa alangan ang samahan natin madaming tao ang maapektuhan"mahabang turan ng kaibigan niya bago siya iniwanan nito. Sumunod naman si Honey dito at naiwan siyang mag-isa sa kwarto niya. Siya ang bumuo ng grupo na ito kaya naman labong makalimutan niya ang layunin nila, lalo na ang obligasyon niya sa grupo na ito. Hindi din niya nalaman kung bakit pagdating kay Rome hindi niya maiwasan na makalimutan ang mga priority niya. Just give me one month girls, ako na mismo ang rerenda sa sarili ko pag-umabot ako doon. .........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD