One
"Ate Jen"tawag sa kanya ni Buknoy.
Hindi pa siya nakamulat dinamba na siya ng mga bata sa likuran niya. sobrang puyat na puyat kasi siya ng nagdaang gabi.
"Gising na ate Mommy"pangungulit pa sa kanya ni Mia.
Patuloy lang sila sa pagyugyug sa balikat niya habang hindi pa siya bumabangot.
"Wag niyo ngang kulitin si Ate Jen"saway naman ni Ely sa mga ito.
May kasama silang walong kabataan sa bahay nilang magkakaibigan.
Sila Buknoy 9years old, Mia 7 years old, Harold 10 years old, Ely 18 years old, Len-len 5 years old, Krissa 13 years old, Maya 5 years old at Kevin 16 years old. Mga batang nakikita nilang pakalat kalat sa lansangan noon na pinatuloy nila sa bahay nila.
"Okay lang Ely"medyo minamalat pa ang boses niya ng magsalita siya.
Hindi pa niya maimulat ng maayos ang mata niya. Anong oras na din naman kasi siya nakatulog kagabi. Nakailang beses na siyang nagconstruct ng iba't ibang type ng resume niya na gagamitin sa pag-a-apply niya sa trabaho.
"Naku, ikaw naman kasi Jen nagpuyat ka pa para lang sa resume na iyan."hindi niya alam na nandoon na din pala si Honey sa tabi niya.
Tatlo silang magkakaibigan ang magkakasama sa bahay na tinutuluyan niya ngayon. Siya si Jennifer Carlota Reyes, si Honeybae Fernandez, at si Jobie Lopez.
Dati siyang pulis, wala pa yata siyang isang taon sa pagkapulis nagresign na agad siya. Hindi niya kasi nagustuhan ang mga nasasaksihan niya. si Honelybae naman isa siyang dating public accountant at si Jobie May naman ay dating erotic dancer sa isang club.
Well masasabi niyang lahat silang tatlo ay may kanya kanyang masakit na nakaraan.
Pero sabi nga nila past is past, kaya naman pilit na nilang kinakalimutan ang lahat ng masasakit na alala nila. Kaya naman move on na mga d're.
"Salamat, Mia"baling niya sa batang gumising sa kanya.
"Naririnig mo ba ako ha Jen?"pinanglakihan siya ng mata ni Honey.
"Ely anong agahan natin?"patay malisya niyang baling naman sa isa pang bata. "Hay, bahala ka nga dyan. Kainis kang babaita ka"inirapan na siya ni Honey at iniwanan na siya nito.
Tatawa-tawa naman siyang bumangon sa higaan niya, aasarin na naman kasi siya nito. mula pa kagabi kinukulit siya nitong wag ng gumawa ng resume niya.
"Hindi ko alam ate Jen kung ano ang niluto nila Ate Jobie at Krissa"sagot sa kanya ni Ely.
"Thank you Mia"nakangiti niyang sagot sa bata ng abutan niya nito ng tsenelas.
"Tara na ate Mommy nagugutom na ako"aya sa kanya ni Mia.
Paglabas nila sa kwarto niya bumungad sa kanila ang malakas na boses ng mga kaibigan niyang sinasaway ang mga bata na nagkakagulo. Doon lang din niya napansin na nakauniform na pala ang mga bata at handang pumasok ng eskwelahan ang mga ito.
"Good morning ate"bati sa kanya ni Harold.
Kung napansin niyo, may tumatawag na ate Mommy sa kanya, well mga anak-anakan na kasi niya ang mga ito. bale legal na nakapangalan sa kanya ang mga batang ito, kaya sa papel anak niya ang mga ito at siya ang nanay ng mga ito.
"Good morning big boy"ginulo naman niya ang buhok nito bilang bati niya dito.
"Ate naman eh"reklamo naman nito sa kanya.
Tinawanan lang naman niya ito bago iniwanan ang mga ito at dumeretso na sa kusina para kumain ng agahan nila.
"Akala ko ba maaga kang aalis ngayon?"sita sa kanya ni Jobie ng nasa loob na siya ng kusina.
"Maaga nga"sagot niya ng makaupo na siya.
"Maaga pa ba ang tingin mo dyan sa alas siyete na ng umaga. Uunahan ka pa ng mga batang umalis. Ganyan ba ang mag-aapply ng trabaho"nakapamaywang ito sa kanya.
Napakamot naman siya sa ulo niya ng mga oras na iyon, nagsalita na naman kasi ang mother earth nila.
"Sorry po Mommy Jobie. Napuyat po kasi ako sa paggawa ng resume"sagot niya dito.
"Hay, naku Jobie tuktukan mo nga bumbunan nitong si Jen ng magising"inis na utos ni Honey sa kaibigan nila.
"Pag-untugin ko pa kayong dalawa"sagot naman ni Jobie.
Pinapanood lang niya ang mga ito na nagtatalo, nakaligtas na siya sa sermon. Binilisan na niya ang pagkain niya ng makaalis na siya agad.
Hindi pa din natapos ang pagtatalo ng dalawa kahit na tapos na siyang kumain kaya naman mabilis siyang pumasok sa loob ng kwarto niya para makapagbihis na siya.
Wala ng ligo-ligo siyang nagbihis, naligo naman siya kagabi.
Kailangan kasi nilang magtipid ng tubig.
"Hey Jen di pa tayo tapos"sita sa kanya ni Honey ng palabas na siya ng bahay nila.
"Later na lang"nagflying kiss pa siya at nagmamadali ng umalis.
Kailangan niyang makaalis na bago pa siya pigilan ng kaibigan niya. Ayaw kasi nito na maghanap pa siya ng trabaho.
Hindi naman siya maghahanap ng trabaho kasi alam niya makakapasok siya sa trabahong pupuntahan niya ngayon. Hundred percent sure siya doon kasi inayos na niya iyon kahapon.
Kaya naman pagdating niya doon sa building kung saan siya mag-aapply kuno, wala siyang dinatnan na mga aplikante.
"Hi good morning, ma'am" bati niya sa receptionist.
"Good morning din miss, what can I do for you?"nakangiting bati nito sa kanya.
"Ahm, I'm here for the application to the position of personal assistant of the CEO"sagot niya.
"Ahh, you're the first applicant for today Miss, swerte mo."masayang turan ng kausap niya.
Natural, ako lang talaga ang pupunta dito para mag-apply. Nakangisi naman niyang kausap sa sarili niya.
Binigyan lang siya ng number nito at itinuro na sa kanya ang pupuntahan niya. hindi naman nagtagal ang proseso ng pag-aapply niya, kasi wala naman siyang ibang kakumpetensya.
Sinabihan siyang tatawagan nalang siya ng HR kung babalik siya para sa final interview niya sa CEO. Wala daw kasi ito ngayon at nasa ibang bansa para sa isang business venture nito.
Pag-uwi niya, nagkakagulong mga bata ang sumalubong sa kanya.
"Hi ate mommy"bati sa kanya ni Mia.
"Asan ang mga gurang?"tanong niya sa mga ito.
"Nasa hide out po ate"sagot naman sa kanya ni Kevin.
Dumeretso naman siya sa sinabi sa kanya ni Kevin. Nadatnan niyang busy ang mga kasama niya sa kung ano man ang pinagkakaguluhan ng mga ito.
"Balita?"tanong sa kanya ni Jobie na hindi man lang siya tinapunan ng pansin nito.
"Babalik pa ako para lang sa final interview ko"sagot niya habang umuupo siya sa pwesto niya.
"Sabi ko naman sayo hindi mo na kailangan ng trabaho kasi sa trabaho palang natin kulang na nga ang oras tapos maghahanap ka pa ng trabaho"sermon na naman sa kanya ni Honey na hindi man lang inaalis ang mata sa computer.
Napairap naman siya sa sinabi ng kaibigan niya.
"Maganda na din na may trabahong iba ang isa satin, lalo na ngayon medyo mainit tayo sa mga parak"pagkampi ni Jobie sa kanya.
"Jobie, ang sakin lang mas lalo pa nga tayong iinit sa mata ng mga parak na iyan kasi malaya tayong nakalabas kung saan-saan"ani Honey.
"Honey, mas okay na may trabahong iba ang isa satin. Kasi kung magtatanong ang mga pulis sa kapitbahay natin atleast may maisasagot ang mga tao na nagtatrabaho ang isa satin sa isang kumpanya. Unlike ngayon na nasa bahay lang tayo pero nababayaran natin lahat ng bills natin tapos limang bata pa ang kasama natin na pinag-aaral. And take note lahat sa private schools lahat nag-aaral"paliwanag ni Jobie.
Napatango naman siya bilang pagsang-ayon. Busy na din kasi siya sa ginagawa niya, kasalukuyan siyang naghahanap ng bagong mabibiktima nila.
"Ewan ko sa inyo"sagot naman ni Honey sa paliwanag nito.
Tingin niya naintindihan na ni Honey ang gustong ippoint out ni Jobie.
"Siguro naman hindi naman ginamit ni Jen ang totoo credential's niya kaya safe pa din naman tayo"ani pa Jobie.
"Actually, I used it"sagot niya.
"WHAT!!!"sabay na napalingon sa kanya ang dalawa niyang kaibigan.
...................
Rome...
Pagod na pagod siya sa mahabang biyahe niya from US, pero dahil maaga siya dumating sa bansa sa opisina siya dumeretso para na din ayusin ang ilang mga bagay na naiwan niya sa ilang araw na nasa ibang bansa siya.
"Good Afternoon sir"bati sa kanya ng mga tauhan niyang nasasalubong niya.
"G'afternoon"bati naman niya.
Unlike sa mga kaibigan niya na cold ang aura sa mga tauhan siya tinuturing niyang mga kaibigan ang mga tao sa paligid niya. masayahin kasi siyang tao, hindi naman iyon lingid sa lahat.
"Good afternoon sir"bati sa kanya ni Sarah ang kanyang secretary.
"Good afternoon Sarah"bati naman niya.
Dumeretso na siya sa opisina niya, ilang minuto lang ang lumipas sumunod na din ang secretary niya na may dala-dala ng cold water at planner nito.
Hinintay lang siya nitong makainom ng tubig bago ito magsabi ng mga natengga niyang trabaho at mga susunod na appointment.
"Sir, may napili na po ang HR na magiging personal assistant niyo. They are asking kung kailan po niyo gustong mainterview ang applicant"huling sabi nito.
Malalim naman siyang napahinga.
Trabaho na naman...
Hindi pa nga siya nakakapagpahinga pero ito na naman sandamakmak na trabaho na naman. Pero buti nalang may nakuha ng assistant niya, nagresign na kasi ang dati niyang assistant dahil sa pinapauwi na ito ng mga magulang sa probinsya nito.
Bukod kasi sa secretary kailangan niya ng assistant na laging nakabuntot sa kanya para kung may kailangan siya may mauutusan siya. Ang secretary naman niya ang bahala sa mga paper works at office work kapag wala siya o nasa loob siya ng kompanya niya.
"Tell them hindi na kailangan ng final interview. Just give me the file's and I'll approve it. I badly needed a PA you know that. Siguraduhin lang ng HR na nasala nilang mabuti ang aplikante nila."sagot niya.
He's too damn tired, and lazy to conduct an interview for his new assistant. Kaya ipagkakatiwala na niya sa HR ang paghire nito.
Magalang naman siyang iniwanan ng kanyang secretary, pagod na isinandal niya ang likod niya sa swivel chair at ipinikit ang mga mata niya. pinagpahinga lang niya ng ilang minuto ang mata niya bago siya nagsimula na ireview ang mga papel na nasa table niya.
Nakakalahati na niya ang mga papel na nasa table niya ng mapansin niya ang brown envelop.
Iba sa mga folder na nasa table niya, kaya naman ito na ang inuna niya. only to find out na ito ang report ng Private Investigator na kinuha niya.
Flash back
Two weeks ago may nanloob sa bahay niya, wala naman siyang takot o panghihinayang dahil hindi naman ganoon kalaki ang nawala sa kanya kaya hindi na siya nagreport pa sa mga pulis. But the culprit caught his attention.
Bukod kasi sa mga visible na CCTV camera sa buong bahay niya may roon pa siyang mga hidden camera na siya lang ang nakakaalam kung saan nakalagay. Kaya ng mapansin niyang nabuksan ang safe niya at nawala ang pera niya doon agad niyang tiningnan ang kuha ng mga CCTV niya.
To his surprise walang kahit na anong anumalya sa mga kuha ng CCTV niya na para bang wala naman talagang nangyari na nakawan kaya naman ang mga hidden camera niya ang tiningnan niya para malaman kung ano ang totoong nangyari.
And there he saw the real action, isang bulto ng tao ang nakita niya with all black outfit na walang kahirap-hirap na nakapasok sa loob ng bahay niya. as he watching the video, napansin niya na maliit ng body frame ng taong nangloob sa bahay niya. at nag-iisa lang ito, which is nakakuha ng interest niya.
As he continue to watch the video unti unti niyang nakita ang buong pangyayari. Simula sa pagpasok nito sa loob hanggang sa makarating ito sa kwarto niya. kahit sino sa mga tauhan niya walang nakakapasok sa kwarto niya maliban sa kanya at sa naglilinis nito. pero siya lang at ang gumawa ng bahay niya ang nakakaalam na may tinatago siyang safe sa bahay.
Kung titingnan kasi ang magnanaw na iyon mukhang alam nito ang bawat sulok ng bahay niya. Wala man lang pag-aalinlangan ang bawat galaw nito.
Nang nasa tapat na ito ng safe niya at naalis na nito ang painting na nakatakip, doon naman ito nagtanggal ng takip sa mukha.
Nagulat naman siya ng makitang babae pala ang nanloob sa bahay niya.
Hindi naman ito nagtagal sa pagkuha ng pakay nito, tanging pera lang kinuha nito. hindi man lang nito pinag-intersan ang mga alahas na nandoon gaya ng ilang mamahaling relo niya.
Nang makuha na nito ang pakay nito, inayos pa nito ang mga gamit na nagalaw nito bago ito umalis. Nahagip ng camera niya ang mukha nito kaya naman pinose niya ang video at pinakatitigan ang mukha nito.
Damn it...
Napamura siya sa nakita niyang facial features nito. Maliit na mukha, matangos na ilong, bilugang mata na itim na itim ang kulay nito, maliit at pulang pulang labi, at maputi.
Sayang ka...
End of Flashback
Naghire siya ng PI para lang hanapin ang babaeng nangloob sa bahay niya. hindi naman sa ipapakulong niya ito, gusto lang niyang malaman ang pangalan nito, kung saan ito nakatira, ilang taon na ito at higit sa lahat kung bakit ito nagnanakaw.
Naisip kasi niya na may malalim na dahilan kung bakit nito nagagawa ang bagay na iyon kaya naman gustong-gusto niyang malaman iyon. Baka kasi makatulong siya sa babae para naman huminto na ito sa ginagawa nito.
"Fvck"napamura siya ng mabasa ang report sa kanya ng PI na inupahan niya.
NO RECORD FOUND
Iyon ang mga salitang una niyang nabasa, sunod ang detalye ng report na lahat ng sangay ng gobyerno na maaring magka ID ito wala nahanap. Naiinis siya dahil na din sa wala siyang napala, he hire the best among the best private investigator in the Philippines kaya hindi niya malaman bakit wala silang nakita na kahit na anong data nito.
Malinaw namana ng picture na binigay niya, kaya alam niyang hindi mahihirapan ang mga ito.
Nagawa na niya minsan na magpahanap ng tao sa kinuha niyang PI kaya naman nanghihinayang siya.
Naiinis na binasura niya ang report ng PI sa kanya. binalingan nalang niya ang mga folder sa kanyang lamesa. Mukhang dead end na agad ang paghahanap niya sa babaeng iyon. Hindi naman siya desperado para muling pag-aksayahan ng oras ang babae na iyon. Kung hindi niya malalaman ang mga gusto niyang malaman tungkol dito edi wag.
Madami pa siyang mga kailangan na gawin na mas kailangan ng atensyon niya kaya iyon nalang ang aasikasuhin niya ngayon.
Sunod na folder na nahawakan niya ay ang folder ng aplikante para sa personal assistant niya, nasa cover nito ang pangalan.
"Jennifer Carlota Reyes."pagbabasa niya sa pangalan nito.
Napataas naman ang kilay niya, hindi niya inaasahan na babae pala ang prospect ng HR na assistant niya. nawalan agad siya ng gana, ang gusto kasi niya lalaki. naiinis na kinuha niya ang telephone sa tabi niya at deretsong tumawag sa HR department niya, sasabihin niyang humanap pa ng iba at ika-klaro na din niya na lalaki ang gusto niyang assistant.
Habang naghihintay siya ng sasagot sa tawag niya, naisipan niyang buklatin na din ang folder tutal naman nandoon na din ito.
Nanlaki naman ang mata niya ng mapagawi sa resume nito, doon kitang kita niya ang nakangiting mukha ng babaeng aplikante.
"Hello, Jewel Prime Inc. may I help you?"sagot sa kabilang linya.
"HR, I want my assistant to report on my office immediately"iyon lang ang sinabi niya bago tapusin ang tawag.
Pinagmasdan niya ang litrato sa resume na hawak niya.
Nagbago na ang isip niya, he will hire this lady.
Napapangiti na nakatitig siya sa litrato nito.
"Jennifer Carlota Reyes pala ang pangalan mo. Tingnan mo nga naman ang swerte ko"kausap niya sa sarili niya.
Ang kanyang bagong assistant ay walang iba kundi ang babaeng pinapahanap niya. ang babaeng nangloob lang naman sa bahay niya.
He is excited to meet her in personal.
"Sarah, tawagan mo ulit ang HR sabihin mo na papuntahin na dito ngayon ang bago kong PA"utos niya sa kanyang sekretarya.
"Sir ngayon na po talaga?"paniniguro pa sa kanya nito.
"Yes"sagot niya bago patayin ang tawag dito.
Napapangisi siya habang tinititigan pa din ang resume nito, madami na agad tanong sa isip niya ang napo-formulate niya habang hinihintay niya ito.