FIVE

3026 Words
Five Rome... Hindi niya magawang umalis sa tabi ni Jen, parang may bumubulong sa kanya na wag umalis. Kaya heto siya ngayon nasa sala pa din siya ng bahay nila Jen. Speaking of bahay, hindi siya makapaniwala na nasa isang subdivision ang bahay nito. Sa kanya kasing pagkakatanda ang nakasulat sa Resume ni Jen, sa isang apartment ito nakatira sa isang remote area pa nga. Kaya naman nagulat siyang nakita niya ang bahay nito, hindi naman sa minamaliit niya ang dalaga nagulat lang talaga siya. Naisip tuloy niya, baka lahat ng nakasulat sa resume nito hindi totoo lahat. Maging pangalan nito baka hindi totoo. "Oh" Nagulat siya ng makita ang babaeng kausap kanina ni Jen na nasa tapat na niya at may binibigay na juice sa kanya. pinakatitigan niya ito, maliit lang na babae sa tingin niya nasa 5 feet lang ito na payat, matangos ang ilong maputi, at nakasalamin ng sobrang kapal. "Done check?"mataray na tanong nito sa kanya. "Sorry"hinging paumanhin naman niya. "Kapag naubos mo iyan umalis ka na. pag-alis mo maghanap ka na din ng bago mong PA kasi hindi na mahaharap pa ni Jen ang magtrabaho sayo. Nahibang lang ang kaibigan ko sayo kaya siya lumapit sayo, but what yesterday alam ko bumalik na ang katinuan ng babaitang kaibigan ko. So better kalimutan mo na kami, thanks kasi hindi mo kami sinumbong sa mga pulis I appreciate it."seryoso nitong sagot sa kanya. Sasagot na sana siya sa sinabi nito ng makita niyang nakatayo sa likod nito si Jen at seryosong nakatingin sa kaibigan nito. "Silver"tawag ni Jen sa kaibigan. "What?"nakataas ang kilay na tanong dito ng dalagang kaharap niya. "Iwanan mo na kami ni Rome, ako na bahala sa kanya"seryosong kausap nito sa kanya. Nagdadabog na iniwanan sila ng kaibigan ni Jen na tinawag nitong Silver. Matagal silang nagtitigan ng dalawa bago nagsimulang magsalita si Jen. "Lahat ng sinabi ng kaibigan ko totoo, I will no longer your PA, kailangan ako ng mga kaibigan ko, yeah aaminin ko I'm attracted to you simula ng makita kita sa bahay mo noong araw na pinagnakawan kita kaya ako nagsumiksik sa buhay mo. Pero sa kagagahan ko napahamak ang kaibigan ko. I realize my mistake now, like what my friend told you awhile ago, I say thanks for being nice to us at hindi mo kami nireport sa mga pulis. And I will be forever thankful to you kung idi-disclose mo ang lahat ng nalaman mo ngayon."seryoso itong nakatitig sa kanya. "Is Jennifer Carlota Reyes your real name?"tanong niya sa dalaga. Napakunot ang noo nito na nakatingin sa kanya. "Yes" "September 30, 19** is that your real birthday?"tanong na naman niya dito. "Yes" "Are you really graduated in college, as business management?"iniisa-isa niya ang mga naaalala niyang information nito sa resume. "Are you talking about my resume?"ganting tanong sa kanya nito. "Yes"pag-amin niya dito. Mahinang tumawa naman ang dalaga. "Ang totoo lang doon ay ang pangalan, edad at birthday ko. Bukod doon lahat kasinungalingan na"pag-amin nito. "Atleast you tell me your real name" Napapantaskitohang tinitigan siya nito, parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Nakinig kaba sakin kanina?"takang tanong nito sa kanya. "Yes, and my answer is no. you will stay as my PA."sagot niya dito. Inirapan siya nito. "Hindi na, wala kang magagawa kung hindi na ako papasok"naiinis na nitong turan. "Listen Jen, wala akong pakialam kung may iba ka pang trabaho. Ang mahalaga nakikita at nakakasama kita."sagot niya. "Hoy, ang kulit mo naman" Naiinis na iniwanan siya nito, hindi naman na siya pumayag na iwanan nalang siya dito kaya naman sumama na siya dito. "Sinasabi ko sayo hindi na ako papasok sa trabaho. Kailangan kong magdouble time ngayon, dahil hindi pwedeng lumabas si Jobie dahil sa nangyari sa kanya."pagtataray sa kanya nito. Hindi naman niya napansin ang mga sinasabi nito sa kanya dahil manghang napatingin siya sa palibot ng buong kwarto kung nasaan sila ngayon. Puno ng computer ang loob ng kwarto na iyon hindi lang computer may mga monitor din na malalaki doon, na sa tingin niya CCTV ang mga iyon pero mukhang hindi naman sa bahay kung nasaan sila ang mga video doon. a/n: parang ganito ang room na pinasok nila ni Rome at Jen "Nababaliw ka na talaga Jen"narinig niyang sikmat ng kaibigan ni Jen. "Oo, baliw na yata talaga ako"pagsang-ayon naman ni Jen sa sinabi ng kaibigan nito. Nakita niyang nakaupo sa isang computer ang kaibigan ni Jen samantalang nakatabi lang sa kanya ang dalaga. "Update"sabi lang ni Jen sa kaibigan nito. "Magbibigay ako ng update habang nandito yan?"nakataas ang kilay na tanong ng dalaga kay Jen. Napataas din ang kilay niya sa inaasta nito, kanina pa talaga siya tinatarayan ng babaeng ito. wala naman siyang ginagawang masama sa babaeng ito para pagtarayan siya. "Alam naman na niya ang lahat, wala naman na tayong dapat pang ilihim." Parang pagud na paliwanag naman ni Jen dito. "Kainis, meron pa tayong pwede itago sa kanya. paalisin mo na siya"pagtataboy na naman nito sa kanya. "Kahit paalisin ko iyan hindi naman siya aalis" Hindi na talaga siya sinali ng mga ito sa usapan. "Urgh!!!"gigil na humarap sa computer ang kaibigan nito. "nabalita sa TV ang nangyari kagabi, Senator Kori make all the effort para maipublic ang nangyaring pangloloob sa bahay niya. siya na mismo ang tumawag ng mga press para lang mainterview siya, good thing is hindi nila naisip na kagagawan natin ang panloloob dahil iba ang pumasok sa loob ng bahay nila"nagsasalita ang kaibigan ni Jen habang type ng type sa keyboard ng computer nito. "Ilan ang nakuha niyo?"tanong ni Jen dito. "Ay!..tangene 200 thousand lang almost pero ang sinabi ng magaling na Senator Kori almost 2 million kabwisit"nanggigigil na sagot na kaibigan nito. Tumawa naman ng malakas si Jen sa naging sagot ng kaibigan nito. "2 million, pala"natatawa pa ding turan ni Jen. "Panoorin mo ako magtrabaho Rome"bulong sa kanya ni Jen. Nakita niyang umupo ito sa tapat ng isa sa mga computer doon, nagtype lang ito ng nagtype sa computer. Lumapit siya sa likod nito at manghang napatingin sa ginagawa nito. Shit, this girl is dangerous... Nakita lang naman niya naghack na nito ang web site ng bank kung saan nakalagak ang pera ng nasabing senador. May pinagpipindot lang ito sa computer at sa isang kisapmata lahat ng laman ng account nito nawala na parang bula. Its almost 200 million bank account for fvck's sake. "Pinaiinit niya ang ulo ko."bulong pa ni Jen. "Damn it, pwede mo naman palang gawin ang ganyan, buti hindi mo naisip na gawin sakin iyan Jen"manghang bulong niya sa dalaga. "Nah, kung ganito ang ginawa ko hindi ako magkakamali, hindi kita makikilala. Malabong magkamali ako sa ganito kasi pangalan ang tinitingnan ko dito at hindi bahay"sarcastic na sagot nito sa kanya. Natigilan naman siya sa sinagot nito, may punto naman ito sa sinabi niya. "200 million ang nadali mo, gold"tuwang tuwa na sabad ng kaibigan niya. "Yeah, ilang araw din tayong mapapahinga niyan."bumalik sa pagta-type si Jen sa computer nito. Sunod naman nawala ay ang history ng ginawa nitong transaction. "You can do that to my company as easy as that?"mangha na namang tanong niya sa dalaga. Nakakunot ang noo nito na nakatingin sa kanya, bago ito tumawa ng malaka. "Buti nalang alahas ang negosyo mo, kaya naiintindihan ko kung wala kang alam sa ganito"tumatawa na sagot nito. "Jen, paano na ang lakad mo sa isang linggo?"agaw ng pansin ni Honey sa atensyon ni Jen. "Ako nalang ang bahala doon"sagot naman ni Jen dito. "No, hindi mo kakayanin na ikaw na nga papasok ikaw pa din ang bahala sa pagtakas mo"nag-aalalang tanong ni Honey dito. Agad siyang nagtaas ng kamay na para silang nasa loob ng classroom. "I can help"pagprisinta pa niya. Sabay na napatingin sa kanya ang dalawang dalaga na may pagtataka sa mga mukha ng mga ito. "I'm serious Jen when I said I'll help you"sagot niya na nakatitig sa dalaga. ................... Jen... Hanggang ngayon hindi pa din siya makapaniwala na kasama talaga niya si Rome, at ito ang nagda-drive para sa kanya. "Mamaya Sir dapat mabilis ang patakbo mo hindi pwede ang ganito"bilin pa niya dito. "Okay"nakafocus ito sa daan. "Kinakabahan ka ba?"tanong niya dito. "Who wouldn't be? Its my first time doing this thing, but still it gives me some kind of thrill"sagot nito na nakangisi pero nakatutok pa din ang mga mata sa daan. "Wierd"bulong niya at nagfocus sa blueprint na hawak niya. "Isa pa, Jen kapag nasa ganitong lakad tayo you don't have call me sir. You can call me Rome or what ever you want to call me, like kayo ng mga kaibigan mo. I always heard Honey calling you Gold while you call her silver."ramdam niyang masaya ito habang nagsasalita. "Ano gusto mong itawag ko sayo kung ganon?"tanong naman niya dito. "Hmmm, anything. Ikaw magbigay ng nick name ko"pagpapaubaya pa nito. "Okay, tinatawag na Black widow ang grupo namin"simula niya "Ahhh, is that your groups name? kaya pala may parang card akong nakita sa volt ko na may picture ng black na gagamba"mangha pang sabad nito sa sinasabi niya. "Yeah, so I'll call you black, medyo magulo kasi code name naming magkakaibigan. Si Honey kasi nagpumilit na Gold, silver and titanium ang tawagan naman while ang pangalan ng group black widow. And actually its not necessary to have code names naman, feeling spy lang si Honey"paliwanag niya sa binata. "Still, I like the code name...black"sagot nito. Malalim nalang siyang napabuntong hininga bilang sagot dito. After ng halos isang oras na biyahe nila narating din nila ang target nilang bahay. Halos isang linggo nilang pinagplanuhan ang lakad nilang ito, at sa bawat plano nila kasama nila si Rome. Noong una ayaw nila, kasi baka kaysa makatulong ito makabigat pa sa kanya kasi wala naman itong alam sa mga ganitong bagay. Pero nakikita naman kasi niya ang dedikasyon nito na makatulong sa kanya kaya naman pinagbigyan na niya. kung papalpak sila ngayon, ito na ang una at huling makakasama niya sa lakad ang binata. Tuloy pa din ang pagiging PA niya sa binata, hindi talaga siya tinatantanan nito. tuwing umaga sinusundo siya nito kaya naman napilitan na siyang sumama dito. "Isuot mo ito"utos niya sa binata. Binigyan niya ito ng listening device na ginagamit nila bilang communication. "Naririnig mo ako Rome?"narinig din niyang tanong ni Honey sa kabilang linya. "Its black, not Rome"pagtatama pa ni Rome sa kaibigan. "Well I guess narinig mo ako"pagtataray ni Honey dito. "Silver, ang puso okay kamusta sa loob?"tanong niya sa kaibigan. "May mga gising pa din na tao. Pero wala pa din ang big boss nila, mga katulong at body guard lang ang nasa bahay"sagot nito sa kanya. Inayos niya ang gamit na dadalin niya habang pinapakinggan ang sinasabi nito. "Is that a gun?"singit sa kanya ni Rome. Binalingan niya ito at nakatitig ito sa hawak niyang baril na isinisilid niya sa kanang binti niya. "Hindi, kutsilyan Rome"pamimilosopo naman ni Honey dito. "I said it Silver, it's Black not Rome."hindi naman pinansin ni Rome ang pamimilosopo dito ng kaibigan nya. "Hoy lalaki, hindi porke't tumutulong ka samin pwede mo na akong tawaging Silver. Your still not belong to our group, sub ka lang ngayon ni Titanium"sigaw ni Honey. Napailing naman siya sa pagbabangayan ng dalawa, at nagpatuloy sa paghahanda ng mga gagamitin niya. Maghihintay pa sila ng go signal ni Honey bago siya kumilos. Tiningnan niya ang relo niya, maaga pa naman 11pm pa lang kaya hindi malabong may gising pa nga talaga sa loob ng bahay ng ganitong oras. Pero kung umabot ng alas dose at hindi pa natutulog ang mga tao sa loob ng bahay mapipilitan na siyang pumasok doon kahit gising pa ang mga nasa loob. "Uulitin ko, dito ka lang sa loob ng sasakyan. Pupunta ka sa likod at magtitingin ka sa mga pwedeng mangyari sa labas through that monitor"tinuro niya ang likod ng sasakyan nila. Dala nila ang surveillance van nila. "Sasabihin mo sakin lahat ng mapapansin mo sa labas, si Silver ang bahala sa loob."bilin niya dito. "Copy that...gold"nakangising tugon nito. Inirapan niya ito bilang sagot, humalukipkip na siya sa sulok at hindi na ito kinibo pa. Nang dumating naman ang oras ng pagpasok niya sa loob ng bahay mabilis na iniwanan niya ang binata doon at maliksing pumasok siya sa loob ng bakuran. Gising pa ang mga body guard sa loob at labas ng bahay, kaya naman ang ginawa niya at may ipinaamoy siya sa mga ito na makakatulog ang mga ito. Naghintay lang siya ng ilang segundo bago siya nakapasok ng tuluyan sa loob ng bahay. Gaya ng ginawa niya sa bakuran ganoon din sa loob ng bahay, hinagisan din niya ang mga ito ng parang powder na makakatulog ang makakaamoy nito. Nang masiguro niya na nakatulog na ang mga tao maliksi siyang bumaba kung nasaan siya at nagmamadaling hinanap ang master's bedroom. "Turn left Gold"utos sa kanya ni Honey. Hindi pa niya kasi masyadong nakabisado ang buong bahay, wala na din silang oras para lagyan ng spy cam ang buong bahay dahil na din sa higpit seguridad sa buong bahay. "Copy" Mabilis na maingat ang bawat kilos niya, baka mamaya niyan may biglang taong bumulaga sa harapan niya. hanggang sa makarating siya sa kwarto kung saan nakalagay ang mga pakay niya. "Carefull Jen"napahinto siya ng marinig niya ang boses ni Rome. "Hoy Dela Merced, wag ka nga maingay dyan"sita naman ni Honey sa binata. "Sabi ng black"angil naman ni Rome dito. Napailing nalang siya, hindi na yata magkakasundo ang dalawa na ito kahit na anong mangyari. Pinagpatuloy niya ang ginagawa niya, kahit na ang ingay ingay ng mga kasama niya. "s**t" Napatakbo siyang bigla at nagtago sa isang sulok, buti nalang hindi siya nakita ng lalaking palabas sa kwarto kung saan siya papasuk. "Anong nangyari sayo Jen"nag-aalalang tanong sa kanya ni Rome. Hindi naman siya makapagsalita dahil mabubuko siya sa pinagtataguan niya. "Rome, wag kang maingay. Hintayin mo lang si Jen na magsalita. Baka mabuking lang ang kaibigan ko niyan"sikmat naman ni Honey dito. "Jen"hindi naman pinansin ni Rome ang sermon ni Honey dito. Hindi naman niya makayang magsalita dahil huminto pa ang lalaki sa harapan niya ngayon, nagtatago kasi siya sa isa sa mga divider doon pilit niyang isiniksik ang katawan niya doon sa pagitan. "Fvck Jen kapag hindi ka nagsalita dyan susugurin kita dyan sa loob"nagwawala na si Rome sa pagsasalita. "Tangina Rome, wag kang epal. Kapag may nangyari kay Jen sa kababawan mong iyan ako mismo papatay sayo"angil ni Honey. "One" Nagsimula ng bumilang si Rome, mariing napapikit naman siya naiinis siya naiipit siya sa sitwasyon kailangan na niyang makaisip ng hakbang niya. "Two" Mas nataranta naman siya sa pagbibilang ni Rome, hindi niya maisip kung anong gagawin niya. Bahala na nga... Lumabas siya sa pinagtataguan niya, hindi nga siya nagkamali at nagkatitigan pa sila ng lalaki. "Hi Pogi"bati niya dito. Buti nalang nakatakip ang mukha niya at mata lang niya ang nakikita. Inatake naman siya nito na hindi niya inurungan, isang suntok mula dito na naiwasan naman niya agad na sinagot niya ng isang suntok sa tagiliran nito. napaigik naman ito sa sakit kaya sinamantala niya ang pagdaing nito at inisahan pa niya ito ng sipa sa panga nito na agad namang ikinatumba nito. "Hina naman nito"aniya pa. "Are you okay Jen?"nag-aalalang tanong ni Rome sa kanya. "Oo, kaya manahimik ka dyan"angil niya dito. Hinila niya ang lalaki sa loob ng isang bakanteng kwarto at pinagpatuloy ang natudlot na gagawin. Minadali na niya ang pag-hahalungkat sa loob ng kwarto. Mas mabilis talaga kung napag-aralang mabuti ang lugar, hindi na niya sana kailangan na maghanap pa. "Gold, nude painting ng isang babae ang hanapin mo dyan"utos sa kanya ni Honey na agad niyang ginawa. Nang makita niya ito walang pag-aaksaya ng oras na minadali niya ang lahat. Nakuha na niya ang pakay niya, nang matapos na siya doon nag-iwan lang siya ng isang card nila at linisan na ang lugar ng maayos niya sa dati ang lahat ng naikalat niya. ............. "Next time Rome wag kang magsasalita basta-basta"angil niya sa kasama niya. Tahimik na silang nagbibiyahe na dalawa pabalik sa kanila. Wala naman silang naging problema sa pagtakas kasi wala namang nakakita sa kanila, kontrolado naman ni Honey ang lahat ng CCTV sa lahat ng madadaanan nila kaya hindi sila nangangamba na mahuhuli sila. "Hindi mawawala ang mag-alala ako, your life is always in danger kapag nasa ganyang trabaho ka. Hindi ako mapapalagay"seryosong sagot nito sa kanya. "I can handle my safety" "You're a girl, Jen"angil na naman nito. "Are we talking about gender inequality here?"naiinis na siya sa sinabi nito. Anong ibig sabihin nito, na porket babae siya hindi na niya kayang ipagtanggol ang sarili niya kapag nasa hindi magandang sitwasyon siya. "No, ang sakin lang you have a choice na itigil na ang ginagawa mo ngayon. Like what I said I can help you, matigil ka lang sa ginagawa mo"pag-iiba nito sa usapan nila. "Ayan ka na naman Rome, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na may dahilan kami kung bakit namin ginagawa ang mga bagay na ito."pagalit niyang sagot. Inihinto nito ang sasakyan nila at hinarap siya nito. "At ano ang dahilan na iyan? Ilang beses mo ng sinasabi sakin ang dahilan na iyan"baling sa kanya nito. "You don't need to know"sagot naman niya. "Then I will never stop, ipipilit ko pa din ang gusto ko at iyon ay ang tumigil ka sa ginagawa mong iyan"sagot nito sa kanya na nakatitig sa mata niya. "Kung ganon, itigil mo na ang pagtulong mo sakin. Ito na din ang huling beses na makikita mo ako. Salamat sa tulong mo"seryoso din niyang sagot dito. Napabuntong hininga naman ito pero hindi inaalis ang mata sa kanya. "Manhid ka ba?"tanong nito sa ilang minuto nitong pananahimik. Napakunot naman ang noo niya sa tanong nito, para kasing ang layo nan g tinatanong nito sa kanya ngayon. "I like you Jen"anito ng hindi siya sumagot. Pero nagloading yata sa isip niya ang lahat ng sinabi nito. "I like you, no scratch that...I think I've fallen for you...hard... I think I love you Jen"dagdag pa nito ng hindi na naman siya nakapagsalita. Nanlalaki ang mata niya ng walang sabi-sabi siya nitong hinalakan sa labi niya. .........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD