Six Jen... Mula ng araw na halikan siya ni Rome nag-iba lahat sa kanila. Pinipilit pa ni Rome na liligawan siya nito, na ilang beses na niyang tinatanggi. "Hi Princess"masayang bati sa kanya ni Rome. Pumasok siya ngayon sa opisina nito, ilang araw na din kasi siyang hindi makapag- concentrate sa mga gawain nilang magkakaibigan, kaya sinabi niyang pass muna sila kahit mga dalawang linggo lang tutal nakailang milyon naman na sila sa huling lakad nila. Hindi na nga siya pumapasok sa opisina ni Rome pero panay ang tawag nito o kaya naman ay punta sa bahay nila. Nagsisisi na siya at sinabi niya dito ang totoong bahay nila ang kulit naman kasi nito. "Good morning sir"bati nalang niya dito. Pero mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya kasi naman nakasimangot na ito ngayon. Nandoon n