APPLE: KABADO AKO HABANG papunta kami ni Claude sa kanyang kumpanya. Sinubukan ko lang naman maglambing dito na sumama sa opisina niya na kaagad sinang-ayunan. Hindi ko mapigilang kiligin sa mga sandaling ito. Nakahawak kasi ito sa kamay ko habang nagmamaneho. Panay din ang halik niya sa palad ko at nanunudyong sinusubong marahang kinakagat-kagat ang dulo ng mga daliri kong ikinasisinghap kong nakakadama ng kakaibang kiliti mula doon. Damang-dama kong girlfriend na nga niya ako. Na tipong hindi siya nag-aalala anuman ang sabihin ng mga tao sa paligid niya. Ngayo'y mas malakas na ang loob kong ipaglaban din ang nararamdaman ko dito kahit nagbabalik na ang ex-girfriend nitong si Samantha. Ayon dito ay since college pa lang ay naging girlfriend na niya si Samantha. Parehong business ang kur