APPLE: ILANG ORAS AKONG nanatili sa balcony. Sinadya kong bagalan ang kilos na maisampay ang mga damit namin ni Claude para mabigyan sila ng privacy ng fiancee nito. Mapait akong napangiti habang hinihintay matuyuan ang mga damit. Nagugutom na rin ako pero nag-aalangan naman akong pumasok. Baka mamaya masira ko pa ang moment nilang dalawa. Nakakahiya. Nanghihina akong napaupo sa silyang nandidito sa balcony at nakapangalumbaba akong nakatanaw sa paligid. Nandidito na ang babaeng nagmamay-ari kay Claude. Saan ako lulugar ngayon? O baka dapat ko ng ihanda ang sarili na mamaya, bukas o sa makalawa ay pauuwiin na ako ni Claude. Iisipin ko pa lang ang bahay na 'yon ay para na akong kinukurot sa puso. Pero kahit nasasaktan ako ay wala naman akong karapatang magreklamo. Wala kaming label ni Cl