Friends

1564 Words
APPLE: KABADO AKO habang pinapanood ang mga kasamahan naming dancer dito sa club na kasalukuyang nagri-rehersal ng kanilang sayaw para mamayang gabi sa stage. Napakalambot ng kanilang katawan kung gumiling at maglalambitin sa at paikot-ikot sa pole na kahit sinong manonood ay hahanga. Napapalunok akong walang kakurap-kurap ang mga matang nakatutok sa mga ito. "Ano girls? Nakukuha niyo ba ang tamang galaw?" untag sa amin ni madame habang pinapanood ang grupo ni Melon na siyang nakasalang na nagri-rehersal. "Um, I think kailangan lang namin ng konting push madame, mahihigitan pa namin ang mga 'yan. Hindi ba beshies?" buong kumpyansang sagot ni Peach na ikinamilog ng mga mata kong napaawang ang labing nilingon ito. "Peachy is right madame. Konting oras pa po, mailalampaso namin ang mga chakang 'yan" pagsang-ayon ni Quince na halos ikalaglag ng panga ko. Mahinang natawa ang manager naming napatango-tango sa sinaad ng dalawang kaibigan kong akala naman kay dali ng ginagawa nila Melon at mga kasama nitong pagsayaw ng nakakaakit! "Apple? Any comment?" anito sa akin. Napakurap-kurap akong nilingon si Peach at Quince na kumindat lang na nangingisi. Napailing akong napahinga ng malalim. "Kakayanin madame. Kakayanin po" napangiti itong hinaplos ako sa ulo. "Bakit ba napahinhin mo hmm? Makipagsabayan ka sa mga kasama mo dito Apple, para hindi ka naiiba sa kanila" saad nitong umakbay sa amin ni Peach na lumingon sa mga nasa harapan naming sumasayaw. "Matagal ko na ring alaga si Melon at mga alipores niya. Kaya hwag kayong mailang sa kanila na alam na alam nila ang ginagawa, matagal na silang pokpok dito kaya gamay na nila kung paano gumalaw ng nakakaakit sa mga costumers" pagbibigay alam nitong ikinatango-tango namin. "Pero madame, bakit ang sama nila makatingin sa amin? Akala mo naman kung sino silang magaganda, eh si Melon lang naman ang may sipa ang ganda sa kanilang anim. 'Yong limang alipores? Mukha lang naman silang ingrown sa kuko namin hahahah!" natatawang saad ni Peach na ikinahagikhik namin ni madame at Quince. "Sus beshie hindi lang ingrown, mukha din silang paa na nagmamaganda. Napaghahalataang mga muchacha lang sila ni Melon eh. Parang mga garapata na nakadikit sa magandang aso hahahah!" hagalpak na tawang dagdag ni Quince na ikinabungisngis naming nag-apiran! "Ang bad niyo hah" ani madame na nagpahid ng luha sa kakatawa. "No madame, we're just being honest you know. Hindi lang kami magaganda, hindi rin kami marunong magsinungaling" hirit ni Peach na napapahagikhik. Naiilang akong kakamot-kamot sa batok na lamang na matamang nakikinig sa mga ito habang nakamata kay Melon na siyang center at leader ng kanyang grupo. Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya. Mula sa ganda ng kanyang mukha at pangangatawan, hanggang sa kanyang mga galawan na napakahinhin pero ang lakas ng dating. Kahit sinong lalake ang makakapanood sa kanya ay mamamangha dito at madaling magustuhan. Gusto ko rin sanang mapalapit sa kanya at personal na magpaturo ng tamang step ng pagsayaw pero, napakasungit niya sa aming mga bagong dating. Panay nga ang irap niya sa tuwing magtatama ang paningin namin na parang ang laki-laki ng atraso ko dito. Napahinga ako ng malalim na nag-focus na lamang pag-aralan ang kanilang ginagawa. Ayon kay madame kapag kaya na namin nila Peach at Quince na sumalang sa entablado ay saka lang kami magsisimula ng trabaho dito sa club..Kaya naman nanonood kami ng rehearsal ng mga kasamahan namin dito para matuto at makasunod sa kanilang galawan. Matapos ang rehearsal nila Melon ay nag-excuse muna ako kina madame na gagamit ng restroom na ikinatango lang naman nito. Kabado akong napasunod sa grupo ni Melon na nagtungo ng locker room para makapagbihis. "Um, Melon. Pwede ka bang makausap" paghabol ko dito na ikinatigil nilang anim na napapihit paharap sa akin na nakataas ang kilay. "Oh, mansanas. Wala yata ang dalawa mong alagad?" nakataaskilay nitong saad na humalukipkip. Napunta sa ngiwi ang ngiti ko at nag-aalangan na tuloy sabihin ang pakay ko. "Ano? Shushunga-shunga ka lang? Hoy mansanas, mahalaga bawat minuto ko. Ano ba 'yon!?" supladang himutok nito. "Tara na Joga. Hwag mo ng pansinin ang mansanas na 'yan. Hello? Hindi siya nababagay mapasama sa group natin" pagtataray din ng isang mukhang kuto kung makadikit kay Melon. "Shut up Jenny hindi ikaw ang kailangan niya!" saway ni Melon na ikinalapat nito ng labing parang tutang napagalitan ng amo na natahimik. Lihim akong napangiti. Kahit pala sa mga kaibigan niya ay likas siyang mataray. "Ano na day? Bet mo ako?" untag nitong ikinabungisngis ng mga kasama. "Hehe" "Hehe?" ngiwing ulit nito sa napatabingi kong ngiti. Akala ko pa naman nagbibiro na siya. "Um, gusto sana kitang--" "Sorry hindi kita gusto" napaawang ang labi ko sa kaagad nitong sagot na hindi ko pa man natatapos ang sasabihin. "Narinig mo? So chupi mansanas! Kung ayaw mong sipain ka namin!" mataray na asik ng isa pa nitong alalay na parang tuko kung makakapit kay Melon. "Ikaw kaya sipain ko Airen hmmm? Bitawan mo nga ako. Pasmado ang kamay mo kung makakapit ka naman. Hahawaan mo pa ako!" asik din ni Melon na ikinahagikhik ng apat. "Sorry na Joga. Ikaw naman" ani ng tinawag nitong Airen. Inirapan naman ito ni Melon bago bumaling sa akin na nakataas ang isang kilay. "May kailangan ka pa mansanas?" "Um, w-wala na...sige" nauutal kong saad na kaagad tumalikod sa mga itong bumalik na lamang sa kinaroroonan nila Peach at Quince. Sarado ang buong club sa maghapon kaya may sapat na oras kaming mga nagtatrabaho dito na gawin ang mga gusto naming gawin sa maghapon. Pero sa gabi ay kailangang nandidito kaming lahat dahil bukas ang club ng 7pm at magsasara sa 4am. "Ang tagal mo naman" reklamo kaagad ni Peach na napabusangot. "Sorry. Hindi ko nahanap agad 'yong cr eh" palusot kong ikinatango ng mga ito. "Tara na?" "Huh? Saan?" takang tanong ko kay Quince na yumakap sa isang braso ko at si Peach naman sa kabilang pinagitnaan akong inakay na palabas ng bar. "T-teka, saan tayo pupunta?" "Sumama ka na lang beshie. Hindi naman tayo magtatagal. Kailangan nating magpa-beauty parlor para mailampaso natin lalo ang grupo ni Melon" maarteng saad ni Peach na ikinamilog ng mga mata ko! "H-hindi ako pwede" "Huh? Bakit?" kunotnoong panabay nilang tanong na ikinangiwi kong napakamot ng ulo. "W-wala akong datung. Kaya kayo na lang" nahihiyang pag-amin ko. "Gagi!" "Aray!" napakamot ako ng batok sa pambabatok sa akin ni Quince na natatawang napa-piece sign. "Libre ni Peachy kaya hwag ka ng mag-alala" "Talaga?" namimilog matang baling ko kay Peach na napapangiting napa-flip ng mahabang unat niyang buhok. "A huh? Richy Peachy ang peg ko ngayon kaya, let's go! Ladies out muna tayo girls!" masiglang saad nitong napapairit na parang bulateng nabudburan ng asin kung maka-irit! ILANG ORAS ang ginugol naming tatlo nila Peach at Quince sa loob ng beauty salon na pinasok namin dito sa kalapit na mall ng club na pinasukan namin. Kahit ang pagpapakuskos at kolorete ng mga kuko namin ni Quince ay ito ang sumagot. Napapangiti kaming tatlo habang nakamata sa malaking salamin na kaharap namin habang kinukulayan ang buhok namin na pinakulot ni Peach na bumagay naman sa amin lalo na't natural na maputi at makinis ang aming balat. Mas lumabas nga ang angkin naming ganda na naayusan kami. Pagkatapos naming nagpa-salon ay hinila din kami nito sa ladies section na nadaanan namin at pinapili ng mga gusto naming damit at mga sandals. Kahit nahihiya at nag-aalangan ako ay pumili na rin ako. Ayoko namang magpaka-importante gayong si Peach na nga ang nanlilibre. Maganda na rin na may maayos-ayos akong damit na maisusuot araw-araw sa club dahil paniguradong pagtatawanan lang ako ng grupo ni Melon at lalong kukutyahin kung ang mga dati kong damit ang dadalhin ko doon. Magmumukha lang akong manang sa paningin ng mga ito. Kinagabihan ay nakinood kami nila Peach at Quince sa mga kasamahan naming nagpe-perform sa entablado. Napapaawang kami ng labi na makita kung paano sila kagaling gumiling na ikinahihiyaw ng mga costumers at kitang giliw na giliw sa mga ito. Lalong nag-ingay ang mga ito ng ang grupo ni Melon ang sumunod na lumabas ng backstage na siyang magpe-perform. "Wow ang ganda niya talaga" manghang bulalas ko na walang kakurap-kurap nakamata kay Melon. Siya ang nasa gitna na nakatutok dito ang spotlight. Nakasuot lang siya ng itim na lingerie, itim na boots at nakalugay ang kinulot at mahaba niyang buhok. Labas na labas ang malulusog niyang dibdib at ang mahaba niyang biyas. Napakalambot ng katawan nito kung makagiling na ikinahihiyaw ng paligid. "Tss maganda nga demonyita naman ang warka (bruha)" ani Peach na napaismid at sumipsip sa straw ng kanyang juice. "Kaya nga. Haist sayang ang pōta. Gusto ko sanang maging kaibigan 'yang si Melon eh. Mapasama sa grupo natin. Pero sa maldita niya ay baka ilampaso ko lang ang malulusog niyang cocomelon sa sahig" ani Quince na napapailing uminom ng drinks nito. Napangiti akong sumimsim din sa straw ng juice ko. Pareho pala kami ng naiisip ni Quince na kaibiganin si Melon. Gusto ko din sana. Pero mahirap siyang lapitan kasi tiyak na ipapahiya at pagtatawanan ka lang kung sasabihin mo ditong gusto mo siyang maging kaibigan. Idagdag pa ang limang asungot niyang alipores na kung makamaldita akala mo kung sinong magaganda. "Ah basta. We're bestfriends here huh? Kapag may inaping isa sa atin, reresbak tayong tatlo lalo na sa grupo nila Melon. Okay?" ani Peach na ikinangiti naming napatango at nakipag-toss ng glass dito. "Cheers, for our friendship girls" ani Quince. "Cheers" "Cheers"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD