C"Naku kang bata ka! Saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ni Rayden!"
"Sorry po Manang Goreng. May dinaanan lang po ako."
Nakabukas ang gate ng Mansion upang malayang makapasok ang mga bisita.
Nagtago muna siya sa mga matataas na halaman na naroon at siniguradong wala siyang makakasabay na bisita. Paulit-ulit bumabalik sa kanyang isip ang sinabi ni Rayden, na hindi siya maaaring makita ng ibang tao na naroon.
Nang makasigurong wala na siyang makakasabay ay patakbo siyang pumasok sa loob ng Mansion at diretsong tumungo sa kusina upang marating ang kanyang silid. Ngunit bago pa man niya ito nabuksan ay nakita naman siya ni Manang Goreng.
"Oh, siya! Sige na. Diyan ka lamang sa iyong silid. Kumain ka na ba?"
"Opo. Kumain na po ako bago umuwi."
"Sige na. Pumasok ka na at baka may makakita pa sa iyo na ibang tao."
Mabilis na binuksan ni Janna ang silid at siya'y pumasok. Dinig niya mula roon ang ingay na nanggagaling sa hardin. Malapit lang kasi siya roon.
She took a deep breath and decided to just clean herself. She stood up and went to her bathroom.
Na-enjoy niya ang pagligo dahil dinig niya ang live band na kumakanta. Sinasabayan pa niya ito.
Nang siya'y matapos. Nagtapis siya ng tuwalya at lumabas ng banyo. She decided to wear short-shorts and wide white t-shirt.
She was drying her hair using her towel when suddenly her bedroom door opened.
Pareho silang napakunot ng noo ng babaeng nagbukas ng kanyang silid. Halata mong ito'y matanda na. Ngunit napaka-kinis ng balat nito at halata mong mayaman na tao.
"Y-yes po?" she asked.
Lalong binuksan ng ginang ang pinto.
"Hindi ba't silid ito ni Goreng?"
"A-ahh. Opo! Pero nagdesisyon po siyang sa silid na lamang ni Letecia maglagi," kinakabahan niyang tugon.
"Beatrix. Narito ka na pala!" Humahangos na lapit ni Goreng.
Lumingon ang ginang kay Goreng. Ngunit tinignan lang niya ito at walang sabing pumasok sa silid.
Sumunod naman si Goreng. "Si Rayden ay nasa hardin na. Kanina ka pa hinihintay upang makapagsimula na."
Parang walang nadinig ang ginang. Bagkus lumapit ito kay Janna at agad hinaplos ang kanyang mukha.
Napapitlag nang kaunti si Janna sa gulat ngunit hinayaan lamang niya ang ginang.
"You are real. Hindi ka niya imahinasyon lang. Pero paanong narito ka? Paano ka niya nadala rito?" Beatrix started talking.
"Bea, si Rayden ay naghihintay na sa'yo. Halika na." Halata mong pilit na kinukuha ni Manang Goreng ang atensiyon ng ginang.
Janna was too stunned to speak.
Beatrix smiled and stopped carresing Janna's face. "You are even gorgeous in person. No doubt he is crazy over--"
"-- Mom!"
Agad na nailipat ni Janna ang tingin sa baritonong boses nagmamay-ari nito. Agad siyang napalunok nang makalapit ito sa kanila. Tumayo ito sa tabi ng ginang paharap din sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Nakita ni Janna ang pagbabantang titig ni Rayden.
'Ano na naman ang nagawa ko?'
"Mom! Let's go! Kanina pa kita hinihintay."
"You found he--"
"--Mom, please. Sa ibang araw na natin ito pag-usapan..." Nilingon niya si Manang Goreng.
"...Manang, paki-assist si Mommy!"
Agad naman lumapit si Manang Goreng kay Beatrix at ito ay inalalayan palabas ng silid. Ngumiti muna ito kay Janna at hinawakan ang kanyang kamay.
"Finally. Magiging malaya na ako sa kaisipang hindi ka totoo."
Lalong lumalim ang pagkakunot-noo ni Janna. Wala siyang maintindihan sa mga sinabi nito. Nakamasid lamang siya rito na marahang inalalayan ni Manang Goreng.
Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay agad siyang hinila ni Rayden at pabalyang isinandal sa pader.
"Hmmp," she moaned for pain.
"Did you tell my mom about us?"
"N-no, sir. I swear! Bigla na lang siyang pumasok dito dahil akala niya'y dito pa rin ang silid ni Manang Goreng."
"Ano mga sinabi niya sa'yo?"
Nag-isip siya nang kaunti at inalala ang sinabi ng ginang. "Na totoo raw po ako at hindi isang imahinasyon lang," mahina niyang sagot.
"F*ck!" Lumipad sa ere ang kamay ni Rayden sa pagkadismaya.
Hindi naman alam ni Janna kung bakit. Naguguluhan siya sa reaksiyon ng ginang na ina pala nito.
"S-sir. Ano ang ibig sabihin ng mommy mo? Anong imahinasyon?"
"Nothing!" mabilis na sagot ni Rayden. "Stay here, Janna! Hindi ka lalabas. Naiintindihan mo ba ako?"
Tumango lamang siya at ibinaba ang tingin sa sahig.
Narinig na lamang ni Janna ang muling pagsara ng kanyang silid. Saka lamang siya tumunghay.
Naupo siya sa gilid ng kanyang kama at muling nag-isip. Kilala ba siya ng ginang? Bakit sinabi nito na hindi siya isang imahinasyon lamang?
......
Sunod-sunod na katok ang nagpagising kay Janna. Day off niya ngayon sa Opisina at nabanggit din ni Letecia sa kanya na hindi raw sa Mansion mag-aalmusal si Rayden. Kaya akala niya ay heto na ang pagkakataon na makakapagpahinga na siya nang maayos. Ngunit hindi pa rin pala! It's only five in the morning.
Papungas-pungas siyang bumangon at binuksan ang pinto ng silid. Bumungad sa kanya si Letecia.
"Be, magbihis ka raw sabi ni Manang at isasama ka niya sa Hacienda Caballes."
Biglang nagising ang kanyang diwa at parang sinabuyan ng malamig na tubig ang kanyang mukha. 'Hacienda Caballes?'
"Huh? Pero bakit daw?"
"Pinapupunta ka ni Doña Beatrix. Hindi ko rin alam kung bakit, basta raw magbihis ka."
Namutla si Janna. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib.
'Doña Beatrix? Ang ina ni Rayden?'
Tumango na lamang siya at muling isinara ang pinto. Parang wala siya sa sariling naglakad patungo sa banyo. Alam naman niyang kasal lang siya kay Rayden dahil nais siya nitong paaminin sa kasalanang hindi niya ginawa. Alam na kaya ng mga ito?
Pilit niyang winaksi ang iniisip at siya'y naglinis ng katawan. Halos wala siyang tulog dahil sa ingay na dinig sa kanyang kwarto.
Nang matapos maglinis ng katawan ay nagdesisyon siyang magsuot ng bestida na hindi lalagpas sa kanyang tuhod. It's black plain dress. Hinayaan niyang nakalugay ang kanyang natural brown wavy hair na hanggang balikat. Wala na siyang nilagay na ano man sa kanyang mukha maliban sa sunblock. Ang kanyang kilay ay natural na makakapal at maayos ang porma. Ang kanyang mga pisngi ay natural din ang pamumula. She is half Brazilian with blue eyes and long curly eyelashes. Wala rin siyang kahit anong bisyo kaya naman ang kanyang labi ay mamula-mula. Nagsuot lamang siya ng white sneaker kapares ng bistida.
Nang matapos ay agad siyang lumabas ng silid. Naroon na si Manang Goreng at mukhang hinihintay na siya.
"Ang ganda-ganda mo talaga, Jannaya. Pwede ka talagang mag-artista o modelo sa itsura mong 'yan. Mas maganda ka pa sa maraming artista sa tv. "
"Hala, hindi naman po manang. Natural lang po ang itsura ko. Pero salamat po," nahihiya niyang sagot.
"Halika na at baka hinihintay na tayo ni Beatrix."
Paglabas nila ng Mansion ay nakaabang na ang sasakyan na sa kanila'y susundo. Akma sanang sa unahan sasakay si Janna, ngunit naunahan siya ni Manang Goreng. Kaya naman wala siyang nagawa kung hindi ang sa likod sumakay at pinagbuksan pa siya ng pinto ng driver.
Pinaandar din agad ng driver ang sasakyan ng ito ay makasakay na sa driver seat.
"Malayo po ba ang Hacienda rito?" tanong niya.
"Mga sampung minuto rin siguro," maiksing sagot ni Goreng.
Tahimik na pinagmasdan ni Janna ang paligid. Probinsiyang-Probinsiya pa talaga ang Sta. Fe, halos pulos puno ang kanyang nakikita.
Maya-maya pa ay nakita na niya ang isang arko.
'Welcome to Hacienda Caballes'
Pinagbuksan sila ng gate ng security guard. She counted. Apat ang bantay sa gate pa lamang.
Binaba niya ang bintana at agad siyang binati ng mga ito. Ngumiti naman siya pabalik. Pagpasok sa loob ay namangha si Janna sa kanyang namamasdan.
Mayroong mga kambing, baka, kalabaw na malayang kumakain sa paligid. Mayroon ding mga kabayo na nakatali sa mga puno. Naglalakihang puno, iba't ibang uri ng halaman at ang isa sa hindi niya malilimutan ay ang nakita niyang batis.
Inabot pa ng halos 10minuto ang layo mula sa gate na kanilang pinasukan, bago narating ang Caballes Mansion na nasa loob ng Hacienda. Ganoon kalawak ang lupain ng mga Caballes.
The car stopped. She saw a small arrow pointing to the Mansion.
'Caballes Mansion'
Lumaki ang kanyang mga mata. It's huge! Malaking di hamak sa Mansion ni Rayden. It was a classic design with a touch of Spanish theme.