The driver opened the door for her.
"Salamat po Kuya." She smiled at him.
"Welcome to Caballes Mansion Mrs. Caballes. Hinihintay na po kayo ni Doña Beatrix sa kanilang hardin."
'Mrs. Caballes? Tama bang dinig niya na tinawag siyang Mrs. Caballes?'
Sasagot pa sana siya at sasabihing 'Jannaya na lang ang itawag sa kanya, nang bulungan siya agad ni Manang Goreng.'
"Hayaan mo sila kung ano ang itawag sa'yo. Utos 'yan ni Beatrix at kapag hindi nila sinunod ay masisisante sila."
Nagsimula ng maglakad ang tatlong kasambahay na mayroong suot na uniporme. Sumunod naman sila rito.
"Manang. Ang laki naman pala ng Mansion nila!"
"Mansion niyo. Caballes ka na rin, hindi ba? Asawa ka na pala ni Rayden."
"Sorry po kung nailihim ko sa inyo--"
"-- Huwag ka nga mag-sorry diyan. Ikaw talagang bata ka. Karapatan mo 'yun at hindi ako makikialam do'n."
Napansin ni Janna ang paghinto ng tatlong katulong. Ang hardin na tinutukoy ng mga ito ay nasa likod ng Mansion na mayroong overlooking na kabundukan at dagat. 'Paraiso!'
"Jannaya!" Masayang salubong ni Beatrix sa kanya. Niyakap pa siya nito. Bumati lang si Manang Goreng sa lahat at ito ay umalis din at pumasok sa loob.
Napansin niya si Rayden na nakaupo lamang malayo sa kanila at mataman lamang silang pinagmamasdan. Walang emosyon itong nakatitig sa kanila.
"You already know me, yeah?" Pagpapatuloy ni Beatrix.
"Y-yes po Doña Beatrix--"
"Doña Beatrix? You are my son's wife. Call me, mama or mommy."
Napatingin si Janna kay Rayden. Ibig sabihin ay alam na ng mga ito ang tungkol sa kanilang pagpapakasal. Ngunit alam din kaya ng mga ito kung bakit sila nagpakasal?
Nakita lamang ni Janna ang pag-ismid ni Rayden.
"Mommy ako naman!" Sumingit naman ang isang magandang babae sa kanilang pagitan at siya'y biglang niyakap.
Familiar sa kanya ang babae. Nang bumitaw na ito ay doon niya ito natitigan nang husto. And yes! Namumukhaan nga niya!
"Ms. Amber Tuazon?"
Na-amazed naman ang babae nang marinig ang kanyang pagtawag.
"You know me?"
"Yes po! Kasama ka sa Amazing Magazine cover last year!"
"Now, I like you even more! Bihira ang may nakakakilala sa akin."
"No way! Ilang beses ka nang na-feature sa mga cover magazines!"
"Celebrity kasi ang kadalasang kasama ko sa mga cover, kaya mas kilala sila kaysa sa akin. Natatakpan nila ako. But not you tho!"
"Oh! Tapos na ba kayo? Ako naman!"
Sumingit naman ang lalaki na sa tingin niya ay kaidaran niya lamang.
Iniangat nito ang isang kamay. "I am Aga Caballes."
Tinanggap ni Janna ang kamay ng lalaki at hinalikan nito ang kanyang kamay.
"Aham!"
Napatingin naman ang lahat kay Rayden dahil sa kanyang pagtikhim. Binitawan din siya agad ni Aga.
Muling lumapit sa kanya si Beatrix at siya'y hinawakan sa kamay. "Halika. Mag-almusal muna tayo at marami pa tayong dapat pag-usapan."
Nagpatinuhod na lamang siya at hindi na sumagot pa. Pinaupo siya ng ginang malapit sa pwesto ni Rayden. Hindi pa rin naalis ang tingin nito sa kanya at tulad kanina ay seryoso pa rin ito at hindi mabasa ang nasa isip.
Maya-maya pa ay dumating na isa-isa ang mga kasambahay at mayroong dala na mga pagkain. Pancakes, hotdogs, sunny side up eggs and tea. Mayroon ding fruit bowl.
"Let's eat," utos ng Doña.
Katabi lamang ni Janna si Aga. Katapat naman niya ang Doña at katabi nito si Amber. Nagulat pa siya ng lagyan ni Aga ang kanyang plato ng pancake. Ito na rin ang nagbuhos ng honey sa ibabaw.
"Tell me, if you want more," dagdag pa ni Aga.
She just nodded and smiled. Nahihiya siya ngunit naunahan na siya nito kaya wala na siyang magagawa. Napatingin naman siya kay Rayden. Halos mabilaukan siya sa sariling laway nang makita ang paraan ng tingin nito sa kanya. Galit na naman!
Hindi alam ni Jannaya kung paanong magana siyang naka-kakain sa harap ng pamilya ni Rayden. Lahat nang inilagay ni Aga sa kanyang plato ay naubos niya. Pakiramdam niya ay binawi niya ang lahat ng gutom na kanyang nararamdaman noong mga nakaraang araw.
Nang sila'y matapos, agad ding kinuha ng mga kasambahay ang kanilang mga ginamit.
Tumayo si Beatrix. "Halika, Jannaya. May ipapakita ako sa'yo." Tumayo naman si Janna.
"Mom, please! Ako na magsasabi kay Janna!"
"Hindi Rayden! Itinago mo ang pagpapakasal kay Jannaya mula sa amin at hindi pa kita napapatawad. Kaya huwag kang makialam sa mga sasabihin ko sa kanya."
Lumapit ang Doña kay Janna at muli siya nitong hinawakan sa kamay. Naramdaman niya ang pagsunod ni Aga at Amber. Lumingon siya kay Rayden, at nakita niya itong padabog na tumayo at sila'y sinundan din.
Pumasok sila sa loob ng Mansion. Sobrang lawak nito! At napakataas ng hagdanan. Akala niya'y sa hagdanan sila daraan ngunit laking gulat niya na mayroong elevator sa loob nito! Lahat sila ay sumakay do'n. Hindi siya binibitawan ng Doña at panaka-naka itong ngumingiti sa kanya.
Pagbukas ng elevator ay naglakad pa sila nang kaunti patungo sa isang silid. Doon ay may naghihintay na isang kasambahay katabi si Manang Goreng. Nang makita na sila ng kasambahay ay sinusian nito ang pinto at pinihit ang sigadura ngunit hindi tuluyang binuksan. Paglapit sa pinto ay si Doña Beatrix na ang nagbukas ng tuluyan.
Lumaki ang mga mata ni Janna sa mga nakita! Bumungad sa kanya ang mga naglalakihang portrait na nakasabit sa dingding. Naramdaman niya ang pagbitaw ng ginang sa kanya, kaya naman nauna siyang pumasok sa loob.
Hindi siya makapinawala sa mga nakikita! Malalaking painting... Painting ng kanyang MUKHA!"
"It's you Jannaya. My son Randy painted you."
"R-Randy?"
"Yes. Randy was Rayden's twin."
Umawang ang bibig ni Janna sa pagkabigla. Wala siyang alam tungkol dito. Alam kaya ito ni Eunice?
"Na-nasaan na po siya?" she asked.
Lumapit muna si Beatrix sa isang cabinet na may nakapatong na larawan. Kinuha ito at pinagmasdan.
"He is long gone. Randy passed away 4 years ago."
"These?" Tinuro ng Doña ang mga painting na nakasabit sa dingding.
"I thought you were just his imagination. Akala namin gumagawa siya ng paraan para ma-divert ang kanyang kalungkutan by creating you to his mind. I thought..."
Jannaya noticed the tears that fell down to Beatrix eyes.
"... I thought he was going crazy."
Lumapit si Janna sa Doña at ito'y niyakap. Nakita niya si Rayden na nakasandal sa abang ng pinto at naka-krus ang mga kamay at paa. Nakatitig ito sa kanya.
Humiwalay ng yakap si Janna. "What happened to him, ma'am?"
Inabot ng Doña ang larawan na hawak kay Janna.
She looked at it. Kamukhang-kamukha ito ni Rayden!
"Leukemia."
"Pero, paano po niya nagawa ang lahat ng ito? Paano niya ako naipinta?"
"He was regularly buying coffee from the shop that you worked for. The guy who wore a baseball cap and dark shades," sabat ni Rayden.
Then Jannaya remembers it! Ang lalaking laging nakapwesto sa pinaka-sulok ng shop at laging may hawak na papel at lapis.
"He was obssessed with your face..."
"...and after he passed away. I started going to that shop. It reminds me of him. YOU reminds me of him.
"Paano si Eunice pagbalik niya? Pinakasalan mo ang kaibigan niya!" sabat ni Amber out of nowhere.
"Amber, shut up, okay? Napag-usapan na namin ni Jannaya na magdi-divorce kami kapag nahanap na si Eunice!"
"Divorce? Walang diborsyado sa mga Caballes, Rayden!" sagot ni Doña Beatrix.
"It's my decision ma! Ngayon, kung tapos na kayo kay Janna ay iuuwi ko na siya, dahil marami pa rin kaming dapat pag-usapan!"