CHAPTER 12

1460 Words
"Jannaya. Narito ka na pala!" Jannaya frowned. Pilit niyang kinikilala ang doctor na palapit naglalakad patungo sa kanya. "Seems like you don't remember me, huh?" "Sorry po, I'm not really good at remembering people." She mean it. Kaya wala siya masyadong kaibigan dahil iniisip ng mga tao na siya'y suplada dahil hindi siya palabati. Pero ang totoo ay hindi niya lang agad makilala ang bawat nakaka-salubong. "Sarah De Guzman." Inabot nito ang kamay para makipag-shake hands. Sinubukan niya muling alalahanin. "Oh! Danny's girlfriend? Yeah! I remember you now." At inabot ang kamay ni Sarah. "Yep! That's me!" "You own this hospital and you're a doctor?" Tumango naman si Sarah. "My Dad owns it and I am an Obstetrician doctor to be exact..." "...halika. Na tawagan na ako ni Rayden for your appointment. Sasamahan na lang kita sa doctor mo." Sumunod si Jannaya kay Sarah sa paglalakad. "Twice na yata tayo nagkakasama sa isang party. First ay birthday ni Rayden and second ay birthday naman ni Eunice. Tama ba?" tanong ni Sarah. "Yes, po. Tama kayo," she agreed. "Can I ask you something? Hindi naman sa nakikialam ako. Pero sobrang curious lang talaga ako." "Ano po 'yun?" "Huwag mo nga akong pino-po. Hindi mo naman ako boss. Sarah na lang, okay? By the way. Bakit si Rayden pa ang nagpa-schedule ng shot mo?" Sarah stopped to an open door. Umawang ang mga labi ni Jannaya upang sagutin sana si Sarah ngunit hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Bawal nga pala niyang banggitin sa mga tao ang tungkol sa kanila. Sarah laughed a little. "Para kang nakakita ng multo sa itsura mo, Jannaya. Okay lang kung hindi mo masasagot. No pressure. Tsismosa ko, 'no?" At muli itong tumawa. Pumasok ito sa bukas na pinto kaya sumunod lamang siya. Pinakilala siya nito sa isa pang doctor na naroon at ito raw ang mag-inject sa kanya. Doctor Valenzuela. "You can sit down here, Ms. Lopez." Tinuro ng lalaking doctor ang isang maliit na hospital bed. Naroon pa rin si Sarah at pinanonood lamang sila. Inayos lang nito sandali ang mga kagamitan saka lumapit sa kanya at siya naman ang inihanda. "Are you sexually active, Ms. Lopez?" "P-po?" Nagulat siya sa tanong ng doctor. "I need to gather some information about you before I proceed with all these. So, are you?" She swallowed. "Not really, but I need this shot. I can't be pregnant by a man who don't love me." Nagulat siya sa sariling sagot. Napatingin siya kay Sarah na nakangiti lamang sa kanya at parang balewala lang naman dito ang narinig. "Maraming side effects ang ganito. Mood swings, your periods may become more irregular, headaches and a lot more." Ayaw na sana niyang ituloy. Ngunit iniisip pa lang ang itsura ni Rayden sa tuwing magagalit ay nanginginig na siya sa takot. "Okay lang po, doc. I can manage." May kaunti lamang siyang sinagutan na form bago siya natapos. "Rayden already paid it, Jannaya." Napansin ni Sarah na kinuha niya mula sa bag ang kanyang wallet. "Gusto mo ba ay sabay na tayo mamaya sa house warming ni Rayden? I'm sure invited ka." "A-- naku. Hindi po ako invited. Para lang po 'yun sa malalapit na kaibigan ni sir." "Hmmp. That's weird. Isipin mo, huh. Siya ang nagpa-schedule ng turok mo. Pero hindi ka niya inimbitahan sa house warming niya?" Napatungo si Jannaya. Hindi niya kayang tignan sa mata si Sarah dahil hindi siya magaling sa pagsisinungaling. "Love!" Napalingon si Jannaya sa kanyang likod. It was Danny. Kaibigan din ni Rayden na kasintahan ni Sarah. Nakita niya ang paghalik ni Danny sa kasintahan. "Susunduin mo na ako?" tanong ni Sarah sa kasintahan. "Yep! Malayo-layo ang Sta. Fe dito sa Manila kaya kailangan na natin umalis." "Okay sige. I'll get my things in my office then we'll go..." Tumingin siya kay Janna. "...Maiwan ko muna kayo." She smiled at her. Naiwan si Jannaya at Danny. Pagkakataon na niya itong tanungin tungkol sa pagkawala ng kaibigan. "Sir Danny. May balita po ba kayo sa pagkawala ni Eunice?" Lakas loob niyang tanong. "Ikaw pa rin ang suspect nila, Jannaya. Hindi kami naniniwala ni Sarah. Pero, it's Rayden's decision to believe it or not." Nanlumo si Janna sa narinig. Siya pa rin ang iniisip ni Rayden na nagpadakip sa sarili niyang kaibigan. "Salamat po sir. Pasabi na lang po kay Ma'am Sarah na nauna na po ako." "Sure. You take care, Jannaya." Palabas ng hospital ay natigil si Janna sa paglalakad. Wala siyang mapagkwentuhan ng sama ng loob. Wala siyang makaramay sa mga oras na kailangan niya ng tulong. She felt alone! Si Eunice lang ang nag-iisang niyang kaibigan. Bigla niyang naalala ang isang taong pwede niyang puntahan upang makalimutan kahit sandali ang sakit na kanyang nararamdaman. Pumara siya ng taxi at binigay sa driver kung saan siya tutungo. Pinadaan niya muna ang taxi sa drive thru nang isang fast food chain After 30 minutes ay narating nila ang isa rin hospital. She paid the driver and went down the car. Dumeretso siya sa information desk at sinabi kung sino ang kanyang dadalawin. Dinala siya ng isa sa mga staff patungo sa visiting area upang doon siya maghintay. It took a minute when she saw a woman walking with two nurses beside her. Kita niya ang excited sa mukha ng matanda napalinga-linga pa na para bang hinahanap kung sino ang dumalaw. "Mama Julia!" Halos patakbong yakap ni Janna. Wala pa man silang napagkukwentuhan ay nais ng tumulo ang kanyang mga luha. Ang sarap sa pakiramdam na mayakap ang isang taong alam mong minamahal ka. "Anak ko! Bakit ngayon mo lang ulit ako dinalaw?" Janna smiled. Lumayo siya sa pagkakayap at inalalayan ito papunta sa bench na naroon. Nasa tabi lang nila ang dalawang nurse. "Pasensiya na po. Sobrang dami lang nangyari. Hayaan mo po. Dadalasan ko na ulit ang pagdalaw sa inyo rito." "Hindi mo pa ba ako kukunin? Magaling na ako, Anak. Baka pag nagtagal pa ako rito ay lalo akong mabaliw. Dahil mga baliw ang kasama ko rito." Janna smiled. "Malapit na po, Mama Julia. Nag-iipon na ako ng pwede nating tirahan. Kukunin kita at doon ay magkasama tayong maninirahan ng tahimik." "Sabi mo 'yan, huh. Gusto ko tayong dalawa lang." She paused for a minute. "Nawawala pa rin po si Eunice, ma. Hindi pa nila alam kung nasaan siya." "Please, nak. Ayokong marinig ang pangalan na 'yan. Wala akong pakialam sa babae na 'yan. Mas mabuti pa nga na hindi na siya mahanap! Siya ang dahilan kung bakit ako narito. Alam kong hindi ka maniniwala. Pero mas kilala ko siya kaysa sa'yo. Anak ko siya at alam ko ang takbo ng kanyang utak." Naramdaman ni Jannaya ang medyo pagtaas ng boses ng ginang. Lumapit din ang dalawang nurse dahil sa pag-aakalang sinusumpong ulit ito. Ngunit sumenyas lamang siya na okay lang ang lahat. "Nagugutom na ako. Buti na lang may dala akong pagkain. Pero hindi ko bubuksan ito hangga't galit ka pa." Pag-iiba ni Janna sa kanilang topic. Bigla naman nagbago ang mood ng ginang nang makita ang plastic na puno ng pagkain. "Matagal na akong hindi nakakakain niyan! Ang pagkain kasi rito ay walang lasa! Mas magaling pa akong magluto sa taga luto rito!" Janna smiled. Isa-isa niyang nilapag ang pagkain sa lamesang kanilang kaharap. Pinagmamasdan lamang niya ang ginang na ganadong kumakain. Pinunasan niya agad ang luhang tumulo. Hindi ito maaaring makita ng ginang. Ito na ang kanyang naging ina ng mamatay ang kanyang magulang. When her parents died. Hindi niya alam kung saan na siya pupulutin. But Eunice was there to rescue her. Eunice invited her to live with them. Doon nagsimula ang almost a mother and daughter relationship nila ni Julia. Tumayo itong parang totoong ina sa kanya. Walang kulang kundi sobra-sobrang pagmamahal ang binigay nito sa kanya. "Mahal na mahal kita, Mama Julia." Natigil si Julia sa akmang pagsubo ng kanin at pinagmasdan si Janna. Binitawan niya ang hawak na kubyertos at niyakap si Janna. "Hindi mo kailangan sarilinin kung may dinaramdam ka. Nandito ako, anak. Kahit anong mangyari ay huwag mong kakalimutan na may kakampi ka. Na may karamay ka. Na may nagmamahal sa'yo..." Humiwalay siya ng yakap at hinaplos ang pisngi ni Janna. "...Mama mo ako. Huwag kang matatakot na magsabi sa akin ng problema mo. Kung paanong nariyan ka at hindi ako pinabayaan ng panahong wala ng nakakaintindi sa akin. Ganoon din ako, anak. Nandito lang si mama." Tuluyan ng tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata! Mabilis niyang niyakap si Julia. Mahigpit na mahigpit! Kung maaari lang sanang huwag ng bumitaw! Natatakot siya sa kung ano pa ang pwedeng mangyari. O sa kung ano pang gawin sa kanya ni Rayden. Natatakot siya, pero wala siyang magawa. Wala siyang lakas ng loob upang lumaban!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD