Nahinto ang pag-iisip ni Rayden nang mag-ring ang kanyang telepono. Tinignan niya muna si Sarah sa kanyang tabi bago sinagot ang tawag.
"Kit? Napatawag ka?"
"Narito ako sa Mansion mo. May importante akong ipapakita sa iyo. Mayroon ulit akong ebidensiya na magdidiin na talagang si Jannaya ang may pakana ng pagkawala ni Eunice."
Hindi nakasagot si Rayden. Tinignan niya muna ang silid na pinagpasukan kay Jannaya at mataman lang itong pinagmasdan.
"Bro? Still there?"
"Iwan mo na lang sa office table ko. I'll check later."
"Nasaan ka ba? Marami pa kasi akong ipapali-"
"--Just f*cking leave it to my office table, Kit! Thank you!" Mabilis niyang pinatay ang kabilang linya.
"I can hear it from here, Rayden. New evidence? Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Kit ang mga ebidensya na 'yan. Pero Rayden! Si Janna? Si Janna talaga?"
Rayden stood up. Kung kanina ay banaag sa kanyang mukha ang pagkabalisa ngayon ay napalitan muli ito ng galit.
"Bakit hindi Sarah? Kilala mo ba si Janna? Sa ating lahat ay si Eunice lang ang nakakakilala sa kanya ng husto. At ayon sa mga kwento sa akin ni Eunice ay manupalative si Jannaya! Ginagamit niya ang kanyang innocent looks para mapaniwala ang lahat na siya'y mabuting tao!"
"Haa! So, batayan na pala ngayon ang tagal ng pinagsamahan para masabi mong kilala mo na ng husto ang isang tao? Six years old pa lang ako ay kilala na kita Rayden. But guess what? Mukhang ngayon ko pa lang nakikilala ang tunay na ikaw! Masyado kang kinakain ng galit mo!" Tumayo na rin si Sarah at hinarap si Rayden.
"Alam ko at nararamdaman ko, na sa kaibuturan ng puso mo ay alam mong inosente si Jannaya! Kapag dumating ang panahon na lalabas na inosente siya...Sana...sana iwan ka niya! Para maramdaman mo ang sakit na nararamdaman niya ngayon! Because you know what, Rayden? You f*cking deserves it!" Sarah turned around and walked out.
Naiwang tulala si Rayden at lalong namuo ang galit sa kanyang imahe. Ngunit hindi niya alam kung para saan ang galit na kanyang nararamdaman. Galit, dahil may bago na namang ibedensiya na magdidiin kay Janna? O galit, dahil tinamaan siya sa mga sinabi ni Sarah sa kanya?
......
Mabigat ang mga mata na iminulat ni Janna ang kanyang mga mata. Puting kisame ang kanyang agad natanaw. Agad niyang nilinga ang mukha sa ibang gawi. Pulos puti ang kanyang natatanaw. Pati ang kamang kanyang hinihigaan ay mas malambot sa kanyang kama. Inikot niya ang tingin sa buong silid. Doon siya napabalikwas ng bangon ng mapansing wala siya sa kanyang silid.
"Janna, you're awake."
"Sarah?" Nakita niya si Sarah na papasok sa silid na meron pang kasama na isa pang doctor.
"B-bakit ako narito sa Hospital?"
"Hindi mo maalala?"
Umiling lamang siya. Ang huling naaalala lamang niya ay nakatulog siya matapos maligo.
"Nilagnat ka. Sobrang taas ng lagnat mo. Kaya dinala ka ni Rayden dito kagabi."
"Si.. Si Ray-- Sir Rayden po?"
Sarah smiled and nodded.
Lumapit ang lalaking Doctor kay Janna at kinapa ang kanyang noo.
"You seemed fine now. Pero kailangan mo pang mag-stay ng ilang araw dito para tuluyan kang gumaling."
"No! Uuwi na kami ngayon!"
Mula sa likuran ni Sarah ay sumulpot bigla si Rayden. Agad itong nakalapit sa kanilang pwesto at nakatingin nang masama sa doctor na malapit kay Janna.
"She needs more rest. She had transient fatigue. Extreme sleep restriction or extended hours awake within 1 or 2 days," saad ng Doctor.
Rayden looked at Jannaya. "Fix yourself. Hihintayin kita sa parking!"
"Rayden ano ba? Sinabi ng hindi pa maaaring lumabas dito si Janna!" singit ni Sarah.
"Sarah, please! Don't interfere with what I'm doing!" At tuloy-tuloy nang lumabas ng silid.
"Okay lang po, doc. Maayos naman na po ako. Kayang-kaya ko na."
Mula sa bulsa ay may kinuha ang doctor na maliit na card at inabot kay Janna.
Tinanggap naman niya ito at binasa. 'Doctor Limuel Erasga' at nakasulat doon ang contact number.
"Call me if you feel dizzy again. Okay? Don't you ever hesitate."
The doctor smiled at her.
Sarah and Doctor Erasga went out and let Janna fix herself.
"Hmm. Personal calling card ang binigay mo, huh. Bakit kaya?"
"Baliw ka, Sarah! Concern lang ako sa kanya!"
"Ay talaga ba? Kapag personal calling card pala ang binigay ay concern ka? So, ngayon ka lang naging concern sa pasyente mo?" Tumawa pa si Sarah.
"Hey! Hinaan mo ang boses mo at baka marinig ka Miss Lopez. Basta! Concern lang ako. Maiwan na nga kita dyan! Pipirmahan ko pa ang i-release paper niya."
Naiwan pa si Sarah na tumatawa.
......
Tahimik lamang si Janna sa loob ng sasakyan. Panaka-naka niyang tinignan si Rayden na diretso lamang ang tingin sa kalsada habang nag da-drive.
"Sa-salamat po pala sa pagdala sa akin s hospital, sir."
"Ibabawas ko sa sahod mo ang mga nagastos ko kaya huwag kang magpasalamat!"
Nagpasalamat lang naman siya, bakit kailangan manigaw?
Paglingon ni Janna sa labas ng bintana ay nangunot ang kanyang noo. Ito ang daan patungo sa Psych facility na kinaroroonan ni Julia.
"Sir, anong ginagawa natin dito?"
"Gusto kong malaman kung totoong nanay talaga ni Eunice ang pinupuntahan mo rito!"
Napangiti naman si Jannaya, dahil makikita niyang muli si Mama Julia.
Nag-iwan lamang ng I.D sa gate si Rayden at pinapasok na sila sa loob. Naghanap ito ng parking malapit sa mismong visitors lounge.
Paglabas pa lamang ni Jannaya ay nakita na niyang masayang naghihintay si Julia. Naka-tirintas ang buhok nito at halata mong maaliwalas na ang mukha. Hindi alintana ang sakit ng katawan ay agad niyang tinakbo ang kanilang pagitan at agad itong niyakap.
"Wow! Mama! Ang ganda-ganda mo naman ngayon."
"Syempre. Kailangan maayos akong haharap sa napangasawa mo."
Jannaya got confused. "Po?"
"Siya na ba ang asawa mo?"
Nilingon ni Janna ang tinuro ni Julia at nakita niyang papalapit si Rayden.
Hindi nawala ang tingin ni Janna kahit panga nakalapit na ito at nakatayo na sa kanyang gilid. Tinignan din siya ni Rayden.
"Ikaw ba ang asawa nitong anak ko?"
"Yes po. Rayden Caballes!"