CHAPTER 19

1481 Words
"Nagtatampo ako sa batang 'yan dahil hindi man lang ako inimbitahan sa kanyang kasal." Pinagmasdan maigi ni Rayden ang sinasabing ina ni Eunice. Hindi nga maitatanggi! Hawig na hawig ito ni Eunice. The shape of their faces are the same, their round eyes and concave contour nose shapes. "Hindi mo siya tunay na anak, hindi ba? Si Eunice? Siya ang anak mo." Mula sa pagtanaw kay Jannaya na nakikipag-usap sa mga staff ay nabaling ang tingin ni Julia kay Rayden. "Kilala mo siya?" Tumango lamang si Rayden. "Huwag ka masyadong maglalalapit do'n. Baka agawin ka rin niya kay Jannaya gaya ng ginawa niya kay Lando." Kumunot ang noo ni Rayden. "Anong ibig mong sabihin?" "Si Lando ang dating manliligaw ni Jannaya. Inakit niya at inagaw ng babae na iyon." Sa paraan ng pagtawag nito ng 'BABAE' ay halata mong wala itong amor sa sariling anak. Napaisip si Rayden. Nagtutugma ang kwento sa kanya ni Lando tungkol kay Eunice. "Bakit mo naisip na inagaw? Paano kung si Eunice talaga ang nais ni Lando?" Tumawa si Julia. "Nilasing niya nang araw na iyon si Lando. Nang malasing na ay inakay niya ito sa kwarto. Naroon ako ngunit wala akong magawa dahil kapag pinagsabihan ko siya ay sasaktan lang niya ako!" "Anong ibig mong sabihin na sasaktan ka? Nino?" gulong-gulong katanungan ni Rayden. Tumayo si Julia at umupo sa lamesa paharap kay Rayden. "Si Eunice! Sinasaktan niya ako sa tuwing nagkakamali ako!" "Si Eunice ay sasaktan ka?" Hindi makapaniwalang ulit ni Rayden. "Hindi mo siya kilala. Noong si Jannaya pa ang nagpapainom sa akin ng gamot ay hindi naman ako sinusumpong. Pero simula ng akuin ni Eunice ang pagpapainom sa akin ay sunod-sunod nang nawawala ako sa aking sarili. Dinala ako rito at ang sabi ng doctor ay hindi ko raw iniinom ang aking gamot. Nakakapagtaka lamang, dahil araw-araw akong inaabutan ni Eunice ng gamot. Kung gano'n. Ano ang pinapainom niya sa akin?" Muling pinagmasdan ni Julia si Jannaya at siya ay napangiti. "Ang batang 'yan. Kahit hindi nagmula sa aking sinapupunan ay walang ginawa kung hindi ang ako'y alagaan. Alam ko kahit hindi niya sabihin na kapag nakikita ko siyang maraming sugat o pasa sa katawan, at tatanungin ko kung anong nangyari?-- "-- Sasabihin niya ay nadapa siya o hindi kaya'y nahulog sa hagdan. Pero alam ko… Ako ang may kagagawan no'n kapag nawawala ako sa aking sarili..." Tumayong muli si Julia at patuloy pa ring nakatanaw kay Janna sa malayo. "... Hindi niya ako sinukuan. Ni hindi 'yan pumapalya noon na ako ay puntahan dito. Ngunit ang sinasabi mong totoo kong anak? Kahit isang beses ay hindi iyon nagawi rito!" Napatingin si Rayden kay Janna at nakita niyang papalapit na ito sa kanila. "Mama Julia. Isang buwan na lang daw ay maaari ka ng makalabas. Isang buwan na lang at magkakasama na tayong muli!" masayang panimula ni Janna. Lumawak naman ang ngiti ni Julia. "Sa wakas naman! Ayoko na kasi talaga rito." "Excuse me, Ma'am. Magbabayad na rin po ba kayo ngayon? Dalawang buwan na po kasi hindi bayad ang bills niyo." Natigil ang kanilang pag-uusap ng may lumapit na hospital staff. "Sige po, pupunta po ako mamaya sa cash--" "--Saan magbabayad?" Napatingin si Jannaya sa pagtayo ni Rayden. Ang staff ang kausap nito. "Sa cashier na lang po sir. Sabihin niyo lang po ang name ni Mrs. Julia Lourdes Rivero." "Hoy! Miss lang ako. Mrs ka diyan! Hindi naman ako kinasal!" singit ni Julia. Hinawakan naman siya ni Jannaya upang hindi na sumabat pa. Akmang walang pasabing maglalakad sana palayo si Rayden nang hawakan siya ni Jannaya sa braso. "Sir. Ako na po ang magbabayad. Huwag na po kayong mag-abala. Meron na po akong nakalaan para talaga sa bill ni Mama Julia." Rayden looked at Jannaya's blue eyes. He swallowed. May nakalaan na? Bakit Jannaya? Bakit ganito ka kabait? "Let me take care of it, Janna. Stay with your Mama Julia for a bit more, 'cause we have to leave when I get back." Then he walked inside a facility. Naiwan si Jannaya na nakatanaw sa karimlan kung saan nagtungo si Rayden. 'Hindi niya ako sinigawan? His voice? Hindi man gano'n kasuyo, ngunit mahinahon ito.' Bumilis ang t***k ng kanyang dibdib. "Bakit naman, sir ang tawag mo sa asawa mo? Ganoon na ba ang mga tawagan ngayon? Kami ng Papa Dolfo mo ay, honey minsan naman ay Sweetheart." Inalalayan ni Janna si Julia na maupo sa bench. "Mama naman. Ang dami mong sinasabi diyan." "Ilayo mo kay Eunice 'yang asawa mo, huh! Baka mainggit sa'yo iyon at biglang akitin ang asawa mo. Ang pogi pa naman at ang bango!" "Mama Julia. Hindi pa rin po nakikita si Eunice. Nag-aalala na nga ako. Buwan na ang lumilipas. Hindi ka po ba nag-aalala kahit kaunti man lang?" mahinahong tanong niya. "Hindi. Mas magiging maayos ang buhay natin kung hindi na siya mahahanap. Huwag niyo na siyang hanapin!" "Mama naman, eh. Huwag kang ganyan. Anak mo pa rin si Eunice." "Bakit ba napakabait mo pa rin sa kanya kahit maraming beses na niyang pinagtangkaan ang iyong buhay?" "Ma, please huwag na nating 'yan pag-usapan. Pag-usapan na lang natin ang paglabas mo. Dahil excited na ako!" Umarte pang tuwang-tuwa si Janna. "Hindi anak. Huwag ka ng magtiwala muli kay Eunice. Ang bigyan ka ng cheese kahit alam niyang may severe allergy ka sa keso? Ang talapirin ka niya sa hagdanan? Huwag mong sabihing naniniwala ka pa rin sa kanya na lahat iyon ay hindi niya sinasadya?" "Naniniwala po ako sa inyo, mama. Pero ayoko pong husgahan si Eunice. Siya lang po ang kaisa-isang kaibigan na meron ako. Siya ang naging savior ko noong panahon na hindi ko na alam kung saan ako pupunta." "Pero, anak--" "--Please po, huwag na natin iyon pag-usapan. Seryoso ako mama. Gusto kong pag-usapan natin ang nalalapit mong paglabas." Nagpatuloy pa sa kwentuhan ang dalawa ang hindi nila alam ay hindi sinasadyang marinig lahat ni Rayden ang kanilang usapan. Muling pumasok si Rayden sa loob. Napahawak siya sa rail na naroon at pinagmasdan ang paligid. Lumalim ang kanyang pag-iisip. Hindi niya akalain na kayang gawin ni Eunice ang lahat ng sinabi ng sarili nitong ina. Ang manakit? At ang pagtatangka sa buhay ni Janna? Bakit niya iyon gagawin? Bakit ibang-iba ito kapag siya ang kasama? Dapat lang talaga na mahanap na niya ito, dahil ito lang mismo ang makakasagot sa mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan! ...... "Ilabas mo na ang tunay mong ugali Janna. Huwag ka ng magbait-baitan. Heto ba ang dahilan kung bakit mo pinadukot si Eunice? Dahil naiinggit ka sa kung anong meron siya? Pamilya at lalaking magmamahal sa kanya, na lahat ng iyon ay wala ka?" Sumikip ang dibdib ni Janna sa narinig. Akala niya ay tuloy-tuloy na ang paglambot ni Rayden, dahil kanina lang ay hindi naman siya nito sinungitan. Ngunit pagkauwi ng Mansion ay bumalik na naman ito sa masamang pagtrato sa kanya. "Excuse me, sir. Pero kahit kailan ay hindi ako nainggit sa kung anong meron si Eunice. I will never try to eliminate someone just because I want something that I can never have. Mahal ko si Mama Julia at oo...I had feelings for you, pero hindi dahilan 'yun para gawin ko ang ibinibintang mo." "You had? So wala ka ng nararamdaman sa akin ngayon, gano'n ba?" Lalong humigpit ang pagkakawak ni Rayden sa braso ni Janna. "Y-yes. Matagal na pong wala. Kaya... Kaya walang dahilan para ipadu--" Pabalya siyang binitawan ni Rayden kaya naman sumalampak siya sa sahig. "Naiinggit ka dahil mayaman ang kasintahan ni Eunice na sa wakas ay malalayo na siya sa basurang tirahan niyo at ikaw ay maiiwan!" "Hindi totoo 'yan! Maayos akong nagtatrabaho para sa kinabukasan ko at hindi ko kailangan ng mayaman na lalaki para maiahon ako sa hirap! Kung ikaw lang din naman ang makakasama at dito ako maninirahan, 'di bale na lang! I don't wanna live in hell like this! Mas gugustuhin ko pang mag-asawa ng kagaya ko pero masaya kami at nagmamahalan!" Hindi na niya kaya ang pang-aalipusta nito sa kanyang pagkatao! Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para masabi lahat ito. Napaatras si Janna sa paraan ng tingin sa kanya ni Rayden. Wala na siyang lakas upang tumayo pa. Mabilis siyang sinugod ni Rayden mula sa kanyang pagkakasalampak. Lumuhod ito upang maipantay ang ulo nito sa kanya. "But you are married to me now, did you forget that?! You are now my wife Janna! At hindi mo ako pwedeng iwan! Hindi ako papayag na iwan mo ako! Magtiis ka!" Saka ito tumayo at dire-diretsong lumabas ng mansion. She hugged herself and cried while on her knees. Hindi na siya nag-abalang tumayo pa. Nanlulumo siya sa sitwasyong na kanyang kinasasadlakan. Pagod na pagod na siya! Naramdaman ni Jannaya ang isang kamay na humaplos sa kanyang likuran. Inangat niya ang kanyang ulo, upang makita kung sino ito. "Ma'am Beatrix?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD