Inalalayan ni Manang Goreng si Jannaya papasok ng kanyang silid. Hinawakan pa nito ang kanyang kamay at hinaplos ang bakat ng daliri sa kanyang pala-pulsuhan dahil sa higpit ng pagkakahawak dito ni Rayden.
"Kukuha ako ng yelo para lagyan ang kamay mo."
"Huwag na po manang. Ayos lang po ako. Sanay na po ang aking katawan sa mga pananakit ni Rayden."
"Diyos ko, Jannaya! Hindi naman ganyan ang batang 'yan. Simula ng mawala ang kambal niya, ay doon na siya nagsimulang maging matigas." Tiningnan pa ni Manang Goreng ang larawan na nasa taas ng kanyang aparador.
Naupo si Jannaya sa gilid ng kanyang kama. Tinanggal niya ang kwintas na suot. Pinagmasdan niya muna ito. "Ano kayang dahilan ng pagbigay sa akin ni Rayden ng kwintas noong 22nd birthday ko? " Tumayo siya at itinabi ang kwintas sa larawan ni Randy. "Lagi ko pong suot ang kwintas na ito. Sabi niya kasi sa akin..." Nagsimula muling tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"...Sabi niya sa akin, huwag ko raw tatanggalin. Pero manang. Hindi ko na maaatim suotin ang kwintas na ito."
Nag-blurred ang paningin ni Janna at muntik na siyang matumba. Buti na lamang ay nakahawak siya sa aparador at kay Manang Goreng.
"Ayos ka lang ba?"
"Pagod lang po siguro, Manang. Magpapahinga na lang po muna ako."
"Oh, sige." Inalalayan siya ni Manang Goreng patungo sa kanyang kama. "Maiwan na kita rito. Maligo ka muna bago matulog dahil mukhang nabasa ka ng ulan."
"Opo manang."
Lumabas na si Goreng at nilock ang kanyang pinto.
Sapo ang noo ay tumayo si Janna at pinilit pumunta ng banyo. Kailangan niyang maligo upang mawala ang lamig na kanyang nararamdaman.
Mabilis na pagligo lamang ang kanyang ginawa. Dahil sa bigat na nararamdaman ay nagsuot lamang siya ng underwear at malaking white t-shirt na abot sa kanyang legs. Ni hindi na niya nagawang patuyuin ang buhok.
Diretso siyang humiga at mabilis nawalan ng malay sa sobrang pagod at antok.
......
"Manang, bakit gising ka pa?"
"Rayden, anak. Nandyan ka na pala. Inaayos ko pa ang mga ipapamili para bukas. Mamalengke ako bukas."
Tumango lamang si Rayden.
"Si Janna?"
"Naroon sa kanyang silid. Hindi ba't hindi siya maaaring lumabas?"
Naglakad si Rayden patungo sa silid ni Jannaya.
"Sandali lang, anak. Ang kwintas ni Jannaya. Hindi ba't sa lola mo iyon?"
Hindi sumagot si Rayden bagkus ay mataman lamang siyang nakatingin sa matanda.
"Hindi ako pwedeng magkamali. Dahil nakita ko na ibinigay sa'yo ni Doña Emilia ang kwintas na iyon. Naroon ako. Hindi na niya suot ang kwintas. Masyado mo nang nasasaktan si Jannaya, nak."
Hindi pa rin sumagot si Rayden. Nakaramdam na naman siya ng inis kay Janna. Kabilin-bilinan niya rito na huwag tatanggalin.
Binuksan niya ang pinto ng silid ni Janna. Bumungad agad sa kanya ang naka-angat nitong damit. Kita na ang suot nitong itim na underwear. Napalunok siya ng sunod-sunod. Isinara niya ang pinto at naglakad palapit sa babae. Napansin niya ang larawan ni Randy sa taas ng aparador nito.
"Tsss. Not now, Randy. She is already my wife." Tinaklob niya ang larawan. Nakita rin niya ang kwintas na kanyang binigay noong kaarawan nito. Kinuha niya ito at inilagay sa kanyang bulsa.
Muli niyang pinagmasdan si Jannaya. Nakaawang pa nang kaunti ang bibig nito. Naaakit siyang halikan ito! Nakahiga at natutulog lang ang babae ngunit iba na agad ang dulot nito sa kanya. Lalo na ang mga mabibilog at makinis nitong legs.
"Janna! Wake up! We need to talk!" Bago ang kanyang libog ay kailangan niya munang malaman ang totoo!
"Hmmpp," mahinang ungol ni Janna.
"I said wake up! Bumangon ka diyan!" Inalog ni Rayden ang kama gamit ang kanyang isang paa.
"Hmmmm," pulos ungol lamang ang sinasagot ni Janna na kinaiinisan lalo ni Rayden.
"Ano ba? Sabi kong ba--" agresibong hinila ni Rayden ang kamay ni Janna ngunit naramdaman niya ang init ng kamay nito.
Mabilis niyang dinukwang si Janna at sinapo ang noo at leeg nito. "What the f*ck, Janna! Ang init mo!"
Umupo siya sa gilid ng kama at hinila ang katawan ni Janna palapit sa kanyang katawan. He hugged her. Nakaramdam siya ng takot. He felt the terror crawling down his spine. Sobrang hina ni Jannaya dahil sunod-sunuran ito sa kanyang mga paghila.
"Okay, baby! You'll be fine!" Hinaplos niya ang mukha nito na animo'y sa pamamagitan nito ay mawawala ang lagnat ng babae.
"Manang!! Manang!! Bilis!"
Humahangos na pumasok si Manang Goreng. "Bakit anong nangyari?"
"Ang susi ng kotse ko, bilis!"
Binuhat ni Rayden si Jannaya palabas ng Mansion, si Manang Goreng naman ay mabilis binuksan ang sasakayan at binigay ang susi kay Rayden. Sa harap niya ito pinaupo. Sinuotan niya na rin muna ng seatbelt.
Hinaplos niya ang mukha ni Janna at mabilis itong hinalikan sa labi.
"Stay with me, baby," he whispered to her ear.
Agad niyang pinaandar ang sasakyan. Mabuti na lamang ay walang traffic sa kanilang lugar at walang speed limit. Halos paliparin niya ang kanyang sasakyan palabas ng kanilang baryo patungo sa De Guzman hospital na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan.
Makalipas ang trenta minutos ay narating niya ang hospital. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at umikot sa upuan ni Janna at ito ay binuhat palabas.
Nang makita siya ng mga nurse ay tinulungan siya ng mga ito upang maihiga si Jannaya sa stretcher. Nakasunod lamang siya sa paghila ng mga ito at hawak niya ang isang kamay ni Janna.
"Rayden what's happening?" Humahangos na tanong ni Sarah.
"Ang taas ng lagnat niya Sarah. Sobrang init niya!" Nanginginig pa rin si Rayden.
Unti-unting nawala sa kanyang paningin ang pigura ni Jannaya at siya'y naiwan sa waiting area.
Sarah held his one hand. "Hey, Rayden. Look at me. Magaling ang doctor dito. She will be alright."
"Sarah! Ganyan din kainit ang katawan ni Randy nang isugod ko siya sa hospital! And that's the last time we saw him alive!"
"Rayden! No! Randy had leukemia! Jannaya is fine! I can assure you that."
Winaksi ni Rayden ang kamay ni Sarah at siya'y naupo sa hospital chair na naroon. Nakayuko ang kanyang ulo at nagkukuyakoy ang kanyang paa. Tumabi nang tahimik si Sarah.
"Naalala ko lang... Dinala mo rin dati si Eunice sa hospital namin sa Manila. Mainit din siya noon. But I never saw you as tense as you are right now."
Natigil sa pagkuyakoy si Rayden.
"Ayokong manghimasok, Den. But, I just wanna ask you something. How do you feel about Jannaya? What if Eunice comes back? Will you give Jannaya up and let her be with another man?"
Rayden closed his eyes and clenched his fist.
'Will he give Jannaya up and let her be with another man? Ano nga ba ang kanyang nararamdaman para kay Jannaya? Bakit nga ba ganito siya kung mag-alala?'