Paglabas ng Mansion ni Rayden ay dumeretso siya sa kanyang sasakyan. Pinagsisipa niya ang unahan na gulong nito. Doon niya nilabas ang galit na patuloy na dumadaloy sa kanyang katawan.
Maayos naman na sana ang lahat! Wala siyang planong saktan si Jannaya o sigawan. Pero tumaas agad ang kanyang dugo ng makita niyang masayang nag-uusap si Janna pati ang doctor nito na ang alam niya ay si Doctor Erasga. Hindi niya maiwasan muling alalahanin ang ganap na iyon.
Rayden stopped in a restaurant.
"Let's eat first before we go back to the house."
Tahimik lamang si Jannaya at
Nang bumaba siya ay agad ding sumunod si Jannaya. Nasa likod lamang niya ito habang naglalakad papasok ng restaurant.
"Hi sir. Table for how many people?"
Lumingon si Rayden sa likuran at hinila ang isang kamay ni Janna upang mailapit sakanya.
"Two," simpleng sagot ni Rayden.
"Okay sir. This way please," magalang na sabi ng waiter.
Hawak pa rin ang kamay nito ay nagpatinuhod ito sa kanyang bawat galaw.
Ang waiter ang naghila sa upuan ni Janna, upang ito ay makaupo.
"Thank you," ani ni Janna.
Si Rayden ay hindi pa muna naupo.
"Where's your restroom?"
"That way sir. Just walk straight." Iniangat pa nito ang isang kamay upang ituro ang daan.
Tumango lang si Rayden at siya'y sandaling tinignan.
"Ikaw na ang mag-order para sa ating dalawa." Agad din itong umalis ng masabi na kanyang bilin.
Jannaya was looking at the menu when suddenly someone approached her.
"Jannaya?"
Agad siyang napatunghay at hinanap ang nagmamay-ari ng boses na sa kanya ay tumawag.
"Doc. Erasga! Hi!" She stood up and greeted him.
The waiter gave them enough space so that they can have their privacy.
"Dapat ay nagpapahinga ka. Kasama mo ba ang lalaking sumundo sa'yo kanina?"
"Yes po, nasa restroom lang. Medyo maayos na rin po ang aking pakiramdam."
"Oh sige. I'll leave you here. My mom is waiting. She's there." Tinuro nito ang kabilang table sa bandang likod.
She smiled when she saw his mom smiled at her.
"Okay po, Doc."
"See you around, Janna." Walang alinlangan na yumakap si Doctor Erasga kay Janna.
Iyon ang sitwasyon na nadatnan ni Rayden. Iyon ang dahilan kung bakit biglang nagbago na naman ang kanyang mood. Maayos na sana ang lahat! Bakit pa kailangan makita niya si Janna na may kayakap na ibang lalaki at abot hanggang tenga pa ang mga ngiti nito!
Agad siyang sumakay ng sasakyan at pinaharurot ito! Nais niyang magpalamig muna dahil kung hindi ay baka masaktan pa niya nang husto ang babae.
......
Beatrix hugged Janna. Hindi niya alintana na maaaring mabasa ang magara niyang damit dahil sa patuloy na pag-iyak nito.
"Let's go. Come with me. Stay in my hacienda for a while. Naroon pa si Amber at Aga. Tuturuan ka raw nilang sumakay sa kabayo." Sabay kalas sa pagkakayakap.
"Ma'am. Baka magalit lang po lalo sa akin si Sir Rayden kapag nalaman po niya na wala ako rito pagbalik niya."
"Akong bahala sa'yo! Kahit gaano ka siga ang batang iyon ay ginagalang pa rin niya ako bilang ina."
Inalalayan pa siya ni Doña Beatrix sa pagtayo. Nagpaiwan ito sa porch at doon ay kakwentuhan si Manang Goreng at ang iba pang kasambahay. Siya naman ay tumuloy sa kanyang silid at nagpalit ng damit.
Hindi siya tinanong ng Doña kung bakit siya umiiyak. Ibig sabihin lang ay hindi ito nanghihimasok sa buhay ng kanyang mga anak. Ngunit kahit ganoon ay dama mo ang pakikiramay nito sa kanyang nararamdaman.
Pagdating sa Hacienda ay masaya siyang sinalubong ni Amber at Aga. Pareho pa itong yumakap sa kanya.
"Dapat talaga ay dito ka nalang muna. Para naman maka-bonding ka namin!" sabi ni Amber.
"Kaya nga! Pulos matatanda ang kasama mo sa kabila. Bakit ka kasi nag-asawa ng malaki ang tanda sa'yo. Siguradong naboboring ka ro'n," tumatawang saad ni Aga.
"Grabe ka kay Kuya!" Hampas ni Amber sa kapatid ngunit nakikisabay din ito sa pagtawa.
Naisip niya. Oo nga! Malaki ang kanilang age gap ni Rayden. Siya ay 24 at si Rayden naman ay 36.
"Huwag niyo masyadong pagurin si Jannaya at 'yan ay galing pa sa hospital..." Hinawakan ni Beatrix ang kamay ni Jannaya.
"Enjoy your day, swittie. Masaya kasama ang dalawang 'yan."
She smiled at Beatrix. "Salamat po madamme."
"Cut the Madamme and Doña part, one day I wanna hear you calling me Mommy or mama, yeah?"
Sana ay ganoon kadali. Kapag bumalik na si Eunice ay pawawalan na ng bisa ni Rayden ang kanilang kasal. Hindi na siya magiging parte ng pamilyang ito.
Ngumiti lamang siya at tumango.
"Oh sige na mommy! Tuturuan na namin si Jannaya," si Aga ang nagsalita.
Sobrang na enjoy ni Jannaya ang araw na iyon. Nakalimutan niya panandalian ang mga masasakit na salita na sinabi sa kanya ni Rayden. Sa sandaling oras na tinuruan siya ni Amber at Aga sa pagsakay ng kabayo ay pare-pareho silang nagulat na nagawa agad niyang magpatakbo ng mag-isa lamang siya.
Sakay ng kanya-kanyang kabayo ay tinungo nila ang maliit na batis na sakop ng kanilang hacienda. Ang sabi ni Amber ay karugtong daw iyon ng batis sa mismong hacienda rin ni Sir Felix.
Nagkayayaan na sa ibang araw ay maliligo sila roon at magpi-picnic. Excited na agad ang dalawa kahit plano pa lang.
Masaya si Jannaya na makasama ang dalawang kapatid ni Rayden, kung umasta kasi ang dalawang ito ay parang hindi anak ng mayaman. Game sa lahat ng bagay. Iba rin ang closeness ng dalawa.
Madilim na ng sila'y makabalik sa Caballes Mansion. Sakto naman na handa na rin ang kanilang hapunan.
"Malamang ay napagod kayo. Halika na at kumain muna tayo."
"Ma'am. Hindi na po. Kailangan ko pang magluto ng hapunan para kay Sir Rayden."
"Naroon si Goreng at Letecia. Sila na ang bahala sa pagkain ni Rayden," saad ni Beatrix.
"Pero ma'am--"
"Jannaya. Like I said, ako ng bahala. Let's go eat so you can take your medicine."
"Kaya nga! Malaki na si kuya! Kaya na niya ang kanyang sarili." Muling tawanan ng magkapatid kaya naman hindi na rin niya mapigilan ang sumabay.
"Dito kana matulog, tinawagan ko na si Letecia na dalhan ka ng pantulog," sabat ni Beatrix.
"Po? Nakakahiya naman po mada--"
"Hindi ka gagaling sa Mansion ni Rayden kung ganoon ang kasama mo. Ang sabi sa akin ni Sarah ay kailangan mo pa ng 2 to 3 days na pahinga para lubusan ka ng gumaling."
So, si Sarah ang tumawag kay Doña Beatrix kaya nalaman nito na galing sya sa hospital. Bakit lahat ng nakapaligid sa kanila ay mabuti sa kanya? Pero bakit si Rayden ay hindi?
Walang nagawa si Janna kung hindi ang sundin ang Doña. Matapos nilang kumain ay sakto ang pagdating ni Letecia at may dalang bag na may laman na damit.
Tinuro sa kanya ang dating silid ni Rayden at doon siya pinatuloy. Naligo muna siya bago humiga sa kama na halata mong bagong palit ng sheet. Inikot niya ang tingin sa buong silid. Black theme. Sheets are black, curtain, tables, sofa and even the wall.
Knock...knock...
"Jannaya gising ka pa?"
It was Amber. Mabilis tumayo si Janna at binuksan ang pinto.
Yakap ang maliit na stuffed toy ay tuloy-tuloy pumasok si Amber.
"Kwentuhan muna tayo. Maaga pa naman!"
Padapang pwesto si Amber.
"Pwede kang mag-model. Gusto mo ipasok kita?"
Napangiti naman si Janna. "Naku, Amber. Hindi uubra. Hindi ko kaya." Naupo na rin siya sa gilid ng kama.
"Natural kasi ang ganda mo! Pati ang mga mata mo? Nangungusap. Mga ganyan ang gusto ng mga photographers."
Bigla niyang naalala si Eunice. "Si Eunice. Iyon ang gustong maging model. Magaling 'yun sa harap ng camera."
"Hmmp. I don't wanna be insensitive 'no? Pero ayoko sa kanya. Hindi lang ako. Ayaw din sa kanya ni Aga at ni Mommy. Pero wala lang kaming magawa dahil girlfriend siya ni kuya."
"Mabait si Eunice kapag na kilala niyo nang husto, Amber."
"Na meet na namin siya. Pero hindi talaga namin siya gusto. Ikaw? Nakikita ka palang namin sa painting ni Kuya Randy ay gusto ka na namin. Mukha kang mabait. Hindi nga kami nagkamali! You are really nice! Hindi ako magtataka kung bakit ka pinakasalan ka ni Kuya Rayden."
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Janna. Kung alam mo lang sana ang dahilan.
"I love someone, right now. But it's forbidden."
"What do you mean forbidden? May asawa na ba siya?" tanong ni Janna.
Amber smiled. Magsasalita pa sana siya ng makarinig sila ng kalabog mula sa baba. Hindi kasi naisara ni Janna ang pinto sa silid.
Pareho silang tumayo at sabay lumabas ng silid. Nakita nila ang galit na pigura ni Rayden na padabog umaakyat ng hagdanan.
Lumakad ito palapit sa kanila at walang sabing hinila ang kamay ni Janna.
"Let's go!"
"No Rayden. She'll stay here! She needs to rest!"
Nagulat si Janna sa biglang pagsulpot ng Doña na nakasuot na ng pantulog.
"I'll take care of her, mom!"
"Really? Kanina lang ay nakita ko kung paano mo siya sinaktan, tapos sasabihin mo sa akin na you will take care of her?"
"I don't wanna argue, mom! There is a lot on my plate and I have no time for this. Iuuwi ko ang asawa ko!"