CHAPTER 16

1484 Words
"Where is Janna? Bakit hindi siya pumasok. Saan siya nagpunta?!" "Sir, nasa office calendar po na naka leave si Ms. Lopez," kinakabahang sagot ng sekretarya. "Get out of my sight!" Utos ni Rayden at agad kinuha ang kanyang personal phone. Agad naman lumabas ng opisina ang sekretarya sa takot nito sa kanya. He dialed his home number. Ilang ring pa ay may sumagot na rito. "Helllo po. Sino po sila?" "Manang! Let me talk to Janna." "Oh, anak! Wala rito si Jannaya. Pumasok siya, kanina pa." "Hindi siya pumasok, manang! Wala ba siyang nabanggit sa inyo? Paki tanong si Letecia!" "Sige sandali lang." Tumahimik ang kabilang linya at mukhang hinanap ni Manang Goreng si Letecia upang tanungin. Nauubusan na ng pasensya si Rayden. He was tapping his wood chair impatiently. "Hijo, ang alam niya ay pumasok din daw." "F*ck!!" Walang paalam ay binababa niya ang tawag. Mabilis niyang tinipa ang numero ni Janna. Nakailang ring ito ngunit hindi sinasagot ng babae. He stood up and faced the glass wall. He continued calling her phone but she wasn't answering. Hindi siya huminto sa pagtawag hanggang sa hindi na niya ito ma-contact. He threw his phone. Nakita na lamang niyang basag-basag ito! Pero wala siyang pakialam. Nasaan si Janna? Paano kung lumayas na ito at iniwan siya? No way! Mabilis siyang tumayo at tuloy-tuloy na lumabas ng opisina. Hindi niya pinapansin ang lahat ng bumabati sa kanya. "Cancel all my appointments!" diretso niyang sabi ng makadaan sa cubicle ng sekretarya. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at siya'y patuloy na naglakad patungo sa parking area. "Good pm sir. Saan po tayo?" Agad na tanong ng driver. "Sa Mansion!" ...... Mahigit isang oras nang naghihintay si Janna ng taxi na masasakyan. Ngunit wala pa ring dumadaan. Sinubukan niyang magpa-book online ngunit wala ring tumatanggap ng kanyang request. Alas singko na ng hapon. Dapat ay maunahan niya si Rayden makauwi. She was happy being with Mama Julia. Kahit paano ay nawawala ang kanyang mga isipin. Ngunit sa tuwing siya'y pauwi sa Mansion ay doon na naman siya nakakaramdam ng bigat. Ayaw pang makisama ng mga taxi! Sa minalas-malas pa nga ay unti-unti nang nararamdaman ni Janna ang patak ng ulan. Hanggang sa ang ambon ay tuluyan ng naging ulan. Ang tanging masisilungan lamang niya ay ang isang maliit na puno ng mangga na naroon sa gilid ng kalsada. Halos mabasa na ang kanyang buong katawan. Basa na rin ang kanyang bag dahil ito ang pilit niyang pinangtatakip sa kanyang ulo. Beep...Beep... Naningkit ang mga mata ni Janna sa sasakyang huminto sa kanyang tapat. Bumukas ang bintana ng sasakyan na malapit sa kanya at doon niya nakita kung sino ang nagmamaneho. "Sir Kit?" "Halika na Janna! Lalong lumalakas ang ulan!" Nagdadalawang isip man ay wala ng siyang magagawa. Hindi niya alam kung anong oras pa daraan ang mga taxi at kung kelan titila ang ulan. Agad siyang tumakbo at binuksan ang pintuan sa likod ngunit naka-lock ito. Sinubukan niyang buksan ang unahan, it's open. Kaya agad na siyang pumasok. "Sir. Mababasa ko po ang upuan niyo. Sorry po talaga!" Nakita niyang tumutulo pa ang tubig na galing sa kanyang kasuotan. "No worries, Jannaya. Madali lang 'yan." May dinukwang ito sa likod ng sasakyan kaya naman napalapit ang kanilang mukha. "Here. Clean yourself up." Tinanggap ni Janna ang bigay ni Kit. Isa itong puting maliit na towel. "Thank you sir." At agad niyang pinunasan ang sarili. Nilugay niya ang buhok upang ito'y mapunasan din ng maayos. Panaka-naka siyang napapatingin kay Kit at nakatitig lamang ito sa kanya na halos walang kurap. "Kung nahihirapan ka na sa mga pinaggagawa sa'yo ni Rayden. Leave him! Maraming lalaki ang lahat ay gagawin magustuhan mo lang sila, Jannaya." Nahinto si Janna sa pagpunas ng kanyang buhok. Napakasarap sa tenga ng mga tinig ni Kit. Mahinahon at puno ng paglalambing. Naninibago siya dahil pulos sigaw at galit lamang ni Rayden ang naririnig niya sa Mansion. Walang siyang masabi kung hindi ang tumitig kay Kit. Kit laughed. "Napaka-inosente mo talaga. Ang cute-cute mo!" Patuloy itong tumawa nang mahina. "Sige na. Buckle-up so we can go." Nagsuot naman ng seatbelt si Janna at pasulyap niyang tinitignan si Kit. Bakit ba napakabait nito sa kanya? Kahit noon na dumadalaw ito sa kanilang apartment. Ilang oras din ang lumipas bago nila narating ang Sta. Fe. Buti na lamang ay walang traffic. Pinasok ni Kit ang kanyang sasakyan sa loob mismo ng malaking gate at huminto lamang nang makita na ang front door. "Sir. Maraming salamat! Babawi po ako next time!" Hindi na hinintay ni Janna ang sagot ni Kit at agad siyang bumaba ng sasakyan. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa canopy. Pagpasok pa lamang niya ay isang basag na tasa ang bumulaga sa kanya. Hinanap niya kung sino ang naghagis ng tasa na iyon. Muntik na siyang tamaan. It was Rayden! Nakaupo ito sa 4seater Wood chair. Nang magtama ang kanilang mata ay nakaramdam ng kilabot si Janna. Naninindig ang kanyang balahibo sa takot. Sobrang dilim ng mga tingin nito sa kanya! "Where the hell have you been? Bakit si Kit ang naghatid sa'yo?!" Napapitlag si Janna sa malakas na sigaw ni Rayden. Nakita pa niya ang pagdating ni Manang Goreng na nakasubaybay lamang sa kung ano ang pwedeng mangyari. "S-sir. Na-nakita lang po niya ako...kaya...kaya sinabay na niya ako pauwi," hindi niya alam kung paanong nabuo pa niya ang kanyang salita. Rayden stood up and walked towards her. Mabilis nitong hinila ang kanyang pala-pulsuhan. Kinaladkad siya nito tungo sa wooden chair at pabalibag na pinaupo. "Nagkukulang ba ako sa kama para humanap ka pa ng iba? Hindi ka ba kontento sa kaya kong ibigay?!!" "Sir, please! Totoo ang sinasabi ko! Dumalaw lang ako kay Mama Julia dahil kaarawan niya, tapos... Tapos, wala akong masakyan pauwi. Biglang umulan nang malakas at sa hindi inaasahan ay napadaan po si, Sir Kit!" "Mama Julia? Huwag mo akong ginagago, Janna! Ulila ka na. Kaya sinong mama ang tinutukoy mo?!" Kumunot ang noo ni Janna. "Hindi ko po tunay na mama, pero mama po siya ni Eunice." Tumawa nang malakas si Rayden. Tawa na alam mong nanunuya. "Ano pang kasinungalingan ang gusto mong paniwalaan ko? Hindi ba't kaya nga kayo nagkakasundo ni Eunice ay dahil pareho kayong ulila?!" Jannaya was too stunned to speak. Umawang ang kanyang labi. "Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi po ulila si Eunice. Si Mama Julia ay nasa isang Psych facility, si Papa Dolfo ay nasa Cebu kasama si Egay na bunsong kapatid ni Eunice." "Don't f*cking lie to me, Janna! I f*cking hate liars!" "Sir, please naman! Totoo ang sinasabi ko!" Yumuko si Rayden at pinisil ang bibig ni Janna gamit lamang ang isang kamay. "Rayden, anak huwag mong saktan si Jannaya," pag-aalala at awat ni Manang Goreng. Ngunit hindi ito pinansin ni Rayden. "Kapag nalaman kong nagsisinungaling ka, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mapatay na kita!" Pabalyang binitawan nito ang kanyang bibig. Sumakit ang mga ngipin ni Janna sa higpit ng pagkakapisil ni Rayden. "Go to your room! Hindi ka lalabas hangga't hindi ko sinasabi!" Hinarap ni Rayden si Manang Goreng. "Huwag niyo siyang hahayaang lumabas ng kanyang silid. Hindi niyo siya dadalhan ng pagkain nang hindi ko sinasabi. Kapag nalaman kong sinuway niyo ako, lahat kayo ay palalayasin ko at wala akong pakialam kahit matagal na kayo sa akin nagtatrabaho!" Mabibigat ang mga paa na nilisan ni Rayden ang mansion. Naiwan si Jannaya na nakasalampak pa rin sa kahoy na upuan. Doon na tumulo ang kanyang mga luha. Lumapit si Goreng sa kanya at siya'y niyakap. "Manang, pagod na pagod na ako. Wala naman akong ginagawang masama. Bakit para sa kanya ay wala akong ginawang tama." Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Janna kay Manang Goreng. Hindi na niya alintana ang basa pang katawan. ...... "Mukhang na-miss mo agad ako, huh! Kakausap lang natin kanina." "Cut the crap, Lando! Mayroon lang akong importanteng tatanungin sa'yo." Rayden, drove into Felix' house just to ask for Lando's number. May kailangan lang siyang malaman. Nasa loob lamang siya ng sasakayan. "Ano ba 'yun?" "Kilala mo ba ang magulang ni Eunice?" "Oo naman. Si Tita Julia. 'Yung ama niya at kapatid ay hindi ako sigurado dahil hindi ko pa sila na-meet. Si Janna, sigurado kilala niya." "Hindi ba't patay na ang mga magulang ni Eunice?" "Huh? Wala naman akong nababalitaan na gano'n, but the last time I checked, nasa isang hospital si Tita Julia. Nagpapagaling. Teka nga. Bakit sa akin mo pa tinatanong 'yan? Nariyan si Janna hindi ba? Mas kaibigan niya si Eunice. Mas marami siyang al--" Hindi na natuloy ni Lando ang sasabihin dahil pinatayan na siya ni Rayden. Rayden quickly drove back to the Mansion. Kailangan niya ang mas malinaw na paliwanag! Malinaw sa kanyang alaala na ang sinabi ni Eunice ay ulila na siya gaya ni Jannaya! Ano pa bang malalaman niya? Ano pa ang mga tinatago ni Eunice sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD