Chapter 3: Ang Muling Pagkikita Ni Vivoree at Prof. Orzon

1879 Words
“Magbihis ka na at ihahatid ka na namin ng mommy mo sa date n’yo ni Favien. Umayos ka sa pakitutungo sa kanya dahil baka magsumbong na naman ‘yon sa magulang niya,” matigas na sambit ni daddy sa akin. “Ayaw kong makipagdate sa kanya, Dad dahil break na kami ni Favien,” maawtoridad na sambit ko, dahilan upang hawakan nila ako nang mahigpit sa braso. “Naiintindihan mo ba sinasabi mo, Vivoree? Hindi ka puwedeng makipagbreak kay Favien! Magbihis ka ngayon din at ihahatid ka namin! Kung ayaw mo, kakaladkarin kita at ako magbibihis sa ‘yo!” gagad ni daddy sa akin. Bumuntong–hininga ako. Tumayo na lang ako at tinungo ko ang kuwarto ko. Nagbihis ako ng jeans at lumabas na ako. “Iyan ba ang susuotin mo? Date ang pupuntahan mo, hindi sa sementeryo, kaya magbihis ka at mag–ayos ka ng hitsura mo,” sermon ni daddy. Bumalik ako sa kuwarto ko. Kinuha ko ang fitted dress ko at isinuot ko na ito. Nagpahid lang ako ng lip tint. Kinuha ko na ang pouch ko, saka na ako lumabas. “Okay na ho ba, Dad?” napipilitang tanong ko. “Oo. Pero, ngumiti ka at ‘wag nakabusangot ‘yang mukha mo,” gagad nila sa akin. “Irene, halika na at ihatid na natin ‘tong anak mo dahil baka kung hindi natin ‘to ihahatid, iba ang pupuntahan nito!” dagdag pa ni daddy. “Nandiyan na. Ni–che–check ko lang ang sales ng negosyo natin at lumaki ito ng 20 percent, kumpara noong nakaraang buwan. Kaya, tuloy na tuloy ang pagpatatayo natin ng isa pang branch sa Bulacan, Honey,” imporma ni mommy kay daddy. Napailing na lang ako at nauna na ‘ko sa kanila. Ngayong buwan lang namalagi sa bahay si daddy at mommy dahil busy ang mga ito sa negosyo. Pero, pagkakaalam ko'y aalis na naman ang mga ito. Since bata pa naman ako’y tatlong katulong ang kasama ko. So, at this age na seventeen ay hindi ko pa alam magluto ng ulam dahil nasanay din ako na may katulong. Pero, iniisip ko, pa’no kung mawala lahat sa amin? Kaya ko rin bang mamuhay ng mahirap? Sumakay na ‘ko sa likod ng kotse. At sumakay na rin si mommy at daddy. Pinaandar na nila ang sasakyan at kalahating oras ang bin’yahe namin bago kami nakarating dito sa Lacozania restaurant. “Si Favien na maghahatid sa ‘yo, Vivoree. At wala sana kaming mabalitahan ng mommy mo na kabalbalan mo,” bilin ni daddy sa akin. Pinagbuksan pa nila ako ng pinto at talagang inihatid ako sa loob na para akong pitong taong gulang. “Hello, Tita, Tita,” bati ni Favien at nakipagbeso–beso pa ito sa magulang ko. “Hi, My Love,” ngiti nito sa akin at hinalikan ako sa labi, saka ako nito niyakap. Gusto kong umiwas, at gusto ko itong itulak pero pinukulan ako nang masamang tingin ni daddy. “Mauna na kami, Hijo at ‘kaw na bahala sa prinsesa namin,” ani daddy. “Magsaya lang kayong dalawa, Hijo at magsasaya rin kami ni Tito Gringo mo dahil matagal na rin kaming hindi nakapagloving–loving at mawawala kami ng ilang linggo,” ngisi ni mommy. “Behave ka, Vivoree at enjoy the night,” pahayag naman ni daddy at iniwan na kami ng mga ito. Inalalayan naman akong makaupo ni Favien, pero nagprotesta ako. “Kaya kong mag–isang umupo, Favien,” matigas na saad ko at umupo na ako. “I miss you, Love,” ngiti na sambit nito sa akin. Umupo na rin siya sa harapan ko at tinawag nito ang waitress. At nag–order na kami ng food. Medyo busog pa ‘ko kaya desert lang ang in–oder ko. Nag–snap siya at lumapit sa amin ang violinista. At tinugtog nito ang Stay With Me ni Sam. Hinawakan ni Favien ang kamay ko. “Can we dance, Love?” Pinagbigyan ko siya. Tumayo kaming dalawa at sinabayan namin ang saliw ng musika. “You’re so pretty.” “Thank you,” walang ganang sagot ko. Hinaplos nito ang mukha ko. “Puwede ba nating ibalik ang dati, Love?” Umiling ako. “Hindi na natin maibabalik ang dati, Favien.” “Give me a second chance, please,” paikusap nito. “Bigyan mo ‘ko ng magandang rason, para makipagbalikan ako, sa ‘yo. At umupo na tayo dahil gutom na ‘ko,” pagsisinungaling ko. “Okay,” walang ganang sambit niya. Bumalik kami sa pagkakaupo. Ginalaw ko na ang pagkain ko nang mapatingin ako sa tatlong pigura ng tao na papasok dito sa loob. “Ba’t mo naman kami rito dinala, Hijo? Ang mahal sa restaurant na ito, kaya marami kang babayaran. Okay naman kami ng tatay mo sa canteen dahil mas marami kaming makakain do’n,” narinig kong sambit ng matandang babae. Siguro’y nasa 60’s na ito. “Oo nga naman, Hijo dahil hindi kami sanay sa pagkain dito,” saad naman ng lalaking matanda. “Okay lang ho ‘yon, ‘Tay, ‘Nay dahil ngayon lang ho ito. Treat ko ito sa inyo dahil natanggap na ako sa in–apply–an kong unibersidad. Saka, uuwi na kayo bukas, kaya sulitin natin ang gabi na magkasama tayo,” narinig ko namang wika ng lalaking nakatagilid sa amin at parang kilalang–kilala ko ang boses na ‘yon. “Sino tinitingnan mo?” tanong ni Favien na lumingon sa tatlong tao. “Hindi nga sila bagay rito, because look at them. Hindi nila ibinagay ang suot nila sa restaurant na ito dahil pang mayaman lang ito. Baka, nga hindi sila makapagbayad o hindi nila ma–afford ang foods kaya nag–aalala ang dalawang matanda,” komento naman ni Favien. Hindi na lang ako sumagot dahil titig na titig ako sa lalaking nakatagilid. Pakiramdam ko’y nakita ko na siya. Lumapit ang guard sa kanila, kaya hindi ko inalis ang panilngin ko. “May pambayad ho ba kayo, Sir at dito ho kayo napadpad na magdinner? Hindi po ito pang–ordinaryong tao lang,” saad ng guard. Pinagtinginan tuloy sila ng ibang kumakain dito at pinagbubulungan. “Mayro’n, Boss,” sagot ng lalaki at ipinakita pa ang wallet niya sa guard. “Gusto ko lang i–treat ang magulang ko, kaya rito ko napiling kumain,” malumanay na dagdag pa ng lalaki. “Pasensya na kayo, Sir dahil ngayon lang ako naka–encounter ng customer na pang baryo lang ang kasuotan. Pero, dahil may pambayad naman kayo’y umupo na kayo,” wika naman ng guard. Hindi ko alam kung ba’t ako kinabahan nang titigan ko siya. Sinundan ko sila nang tingin hanggang makaupo ang mga ito. ‘Sabi ko naman sa ‘yo, Hijo na huwag na tayong kumain dito dahil pinag–uusapan tuloy tayo,” anang babaeng matanda. “Huwag n’yo na silang pansinin, ‘Nay. Mag–enjoy na lang tayong tatlo at um–order na ho kayo,” masayang pahayag naman ng lalaki. Umupo siya gitna ng dalawang matanda at nakaharap ang mga ito sa akin, dahilan upang manlaki ang mga mata ko dahil kilala ko siya. “Oh, my ghad, Vivoree!” sigaw ng isipan ko. Ang lalaking pinag–alayan ko ng pagkabirhen ko at ang lalaking nandito sa restaurant ay si Orzon. “Um, Favien, bilisan na nating kumain dahil biglang sumama pakiramdam ko,” sambit ko. Dinama pa nito ang noo ko. “Hindi ka naman mainit.” “Hindi ko sinabing mainit ako, Favien, kundi sumama ang pakiramdam ko,” depensa ko at inubos ko na ang dessert na kinakain ko at tumayo na ako. “Halika na, Favien,” sambit ko at nauna na ‘kong naglakad palabas sa restaurant nang hindi tumitingin kay Orzon dahil mararaanan namin ang table nila. “Miss!” narinig kong tawag ng boses ng lalaki, dahilan upang lingunin ko ito at si Orzon ang tumawag sa akin. “Bilisan mo, Favien!” saad ko at sumakay na ako sa kotse nito. “Miss Vivoree!” narinig ko pang tawag ni Orzon sa akin. Sumakay na si Favien at pinaandar nito ang sasakyan. “Sino ba ‘yon at kilala ka niya?” takang tanong ni Favien. “Hi–Hindi ko alam dahil hindi ko siya kilala,” sagot ko. “Hindi mo siya kilala, pero kilala ka niya,” takang tanong nito. “Baka, sa mga party at hindi ko na siya natatandaan,” saad ko. “Ihatid mo na ‘ko dahil masama talaga pakiramdam ko,” dagdag ko pa. “Ayaw mo bang pumunta tayo sa malamig na lugar, Vivoree?” ngiti na tanong nito sa akin. “Hindi, Favien,” matigas na sagot ko, kaya naman inihinto niya ang sasakyan. “So, let’s do this here inside my car, Love dahil botong–boto naman sa akin sina tito at tita,” saad nito at agad akong hinalikan sa labi. “Lumayo ka sa akin, Favien!” asik ko, sabay tulak ko sa kanya at binigyan ko siya nang malakas na sampal. ‘Tang ina! Nag–iinarte ka talaga, Vivoree!” gagad niya sa akin. “Huwag mong gawin sa akin ang bagay na hindi ko gusto, Favien at lalo mo lang dinadagdagan ang sakit na nararamdaman ko!” asik ko. Bumaba ako sa kotse niya at pinaharurot naman niya ang sasakyan paalis. “Walang ‘ya ka talagang lalaki!” bulong ko sa aking sarili. Nagcommute na lang ako. Pagdating ko sa bahay ay wala sina mommy at daddy. Kinuha ko ang phone ko at nagchat sila sa akin na natuloy yata sila sa pupuntahan nila. Pumasok na ako sa kuwarto ko. Nagbihis na ako at humiga na ako sa kama ko nang maalala ko si Orzon. Hindi pala niya ako nakalimutan. Pero, hindi na dapat magtagpo ang landas naming dalawa. LUMIPAS ang ilang linggong pamahihinga ay pumasok na ako sa unibersidad. Masakit pa rin sa akin ang nangyari pero hindi na talaga ako nakipagbalikan pa kay Favien. Subalit, papasok pa lang ako sa gate nang magring ang phone ko. Si Rain ang tumatawag. “Nasa’n ka na ba? Akala ko, papasok ka na ngayon? Kuh, nandito na new professor natin, kaya dalian mo na,” sambit nito. “Nandito na ako sa campus, Rain, at huwag mo ‘kong madaliin,” gagad ko at pinatayan ko na ito. Pero, nakalimutan kong tanungin ang pangalan ng new professor namin. Halos takbuhin ko ang main building makaabot lang ako. Kung nagpahatid sana ako kay Manong Rey ay hindi ako mali–late ng ganito. Hinihingal ako nang makarating ako sa first subject naming marketing. Nagdi–discuss na ang professor namin. Nakatalikod siya sa pinto, kaya hindi ko makita ang kanyang mukha Pero, ba’t ganito nararamdaman ko? Ba’t kinakabahan ako na hindi ko maintindihan? “Go–Good morning, Sir,” nauutal na bati ko. Humarap siya sa akin, dahilan upang mapaawang ang labi ko. “I–Ikaw?” wala sariling sambit ko. Dahil ang lalaking professor ay walang iba, kundi ang pinag–alayan ko ng sarili ko na si Orzon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD