“You’re late! At ganito ba oras ng pagpasok ng isang college student? And what’s your name? Baka, wala classcard mo rito,” maawtoridad na sambit ni Orzon, dahilan upang magsalubong ang kilay ko.
Ang suplado ng professor na ito! Akala mo naman kung pag–aari niya buong unibersidad!
“My bad, Sir. At marami pa po kasi akong ginawa kaya na–late ako. At paki–check ho kung nandiyan ang name ko sa classcard,” saad ko sa kanya.
“If you had done a lot, you should not have enrolled here because the professors and instructors at this university prioritise teaching students who want to learn and get their money's worth. So, check your name here at hindi utusan ang trabaho ko rito,” maanghang na sambit niya sa akin.
Pinagbubulungan tuloy ako at pinagtatawanan ng ibang mga kaklase ko. Pumasok na ako at kinuha ko classcard at ni–check ko mga names na nandito.
“Here, Sir,” sabi ko at ipinakita ko ang classcard ko sa kanya. “May salamin na kayo, kaya kitang–kita n’yo ang pangalan ko. So, puwede na ho ba akong maupo,” dagdag ko pa.
Pinagtaasan pa niya ako ng kilay, kaya pinagtaasan ko rin ito ng kilay.
“Okay, sit down,” aniya sa akin at umupo na ako sa tabi ni Rain. Nilingon ko pa si Clara at nakangisi ito sa akin. “Let’s resume our topic about marketing. So, can anyone tell us what marketing is?” tanong niya, pero sa akin naman siya nakatingin. Naaasiwa tuloy ako. Inirapan ko siya, pero hindi pa rin natitinag ang loko. “Ms. Clara,” tawag niya sa ex–bestfriend kong mang–aagaw. “Can you tell us what marketing is? baling niya kay Clara.
Tumayo si Clara. "Marketing is—is. . . I’m sorry, Sir, hindi ko na alam ang susunod.”
“Hindi yata kayo nagreview about that. So, anyone?” tanong niya. Napatingin naman ako sa labas dahil nakita ko si Favien, kasama ang tropa nito, kaya naman napatingin ako sa gawi ni Clara at ang tamis ng ngiti ng babaeng ito! “Ms. Vivoree,” tawag ni Sir Orzon sa akin, kaya naman tumingin ako sa kanya. “Nasa labas ba topic natin dahil ang layo ng tingin mo. Nagsasalita ako rito sa harapan, pero sa iba ka naman nakatingin,” saad niya. Tila, parang may laman ang sinabi niyang iyon.
“Nasukat n’yo ba, Sir dahil nasabi ninyong ang layo ng tingin ko? Saka, hindi naman siguro masamang tumingin sa labas. At naririnig ko naman kayong nagsasalita dahil ang lakas ng boses ninyo at mas malakas pa yata sa tunog ng tambutso,” sarkastiko na sambit ko, dahilan upang panliitan niya ako ng tingin.
“Sir natin ‘yan, Vivoree. Baka, bigyan ka ng tres na grado dahil low grader daw ‘yan,” bulong sa akin ni Rain.
“I don’t mind, Rain. At kahit bigyan pa niya ako ng sinco,” gagad ko.
“Bruha! Failed ka naman niyon,” segunda nito.
“What is marketing, Ms. Vivoree?” matigas na tanong ni Sir Orzon sa akin.
Umupo ito sa upuhan at pinukulan niya ako nang masaming tingin. Tumayo naman ako at nginitihan ko siya.
“Marketing is the activity, set of institutions, and processes for creating, communicating, delivering, and exchanging offerings that have value for customers, clients, partners, and society at large.
And here are the fundamentals of marketing. Number 1 is traditional marketing and it uses offline channels to reach customers. Number 2 is digital marketing and it is used by online channels to reach customers. And lastly, finally, ultimately is social media marketing. We use social media platforms to reach customers,” mahabang paliwanag ko, dahilan upang kumunot ang noó niya.
“Ang tinatanong ko lang sa ‘yo, Ms. Vivoree is marketing. But, why did you include the fundamental marketing? Sana, isinama mo na rin ang importance of marketing,” sarkastiko na aniya sa akin.
“Para, hindi na kayo mahirapang magtanong, Sir, so, sinabi ko na. Ayaw n’yo ba niyon dahil hindi na sasakit ang lalamunan ninyo para mag–explain. Hindi pa kayo mapapaos at hindi pa kayo mapapagod at masisira kapogihan ninyo. ‘Di ba, Guys!” baling ko sa mga kaklase ko.
“Tama naman po, Sir at para hindi na rin kami mahirapang tumayo,” komento naman ni Zoren. Nakita ko ang paggalaw ng panga ni Sir Orzon, kaya naman lihim akong napangiti. At kahit nakasuot pa siya ng salamin ay halatang–halatang naman sa mukha niya ang pagkainis!
Pero, ang pogi ng loko. Bagong gupit at desenteng–desenteng tingnan.
Pero, wild naman sa kama. Naalala ko tuloy kung pa’no niya kainin ang pagkababaē ko.
“Shít! Ano na naman ba pumasok sa isipan mo, Vivoree?” bulong ng isipan ko.
Ipinilig ko tuloy ang ulo ko dahil sa isiping iyon. Pero, gano’n pa rin naman at lalong lumala dahil sa pumasok sa isipan ko ang pinagsaluhan na naman namin ni Orzon.
Nakatitig lang ako sa kanya, ngunit bigla kong iniwas ang mga mata ko dahil pinagnanasahan ko na siya and that is a sin!
Nag–discuss pa siya at wala na akong naintindihan sa mga sinabi niya.
“Get your crosswise paper and write a brief summary of how you deal with business,” pahayag niya.
Kumuha ako ng paper ko. Nagsulat na ‘ko pero halos wala namang pumasok sa utak ko, kaya bahala na. Nasira mood ko sa pag–i–imagination ko sa lalaking professor na ito.
“Tapos ka na agad, Vivoree?” tanong ni Rain sa akin.
“Ipasa ko na ito,” sambit ko, ngunit may naalala akong kalokohan. At nilagay ko rito ang. . . “ANG POGI MO PALA KAPAG NAIINIS KA! SANA, LAGI KANG NAIINIS, PARA LAGI KANG POGI!” redundant na redundant, pero alam ko namang masisira araw niya rito. “Ito na, Rain at pakibigay mo na lang kay sir,” ngiti ko.
Tumingin ako sa gawi ni Sir Orzon. Abala siya sa hawak niyang libro, kaya naman napatitig ako sa kanya. At nagtama ang aming paningin nang tumingin din siya sa akin. Ngunit, siya naman ngayon ang nag-iwas ng tingin.
Tumayo na si Rain at ibinigay na nito ang papel namin sa kanya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pinagsusulat ko.
Panaka–naka akong tumingin sa kanya at nakita ko ang pa–simple niyang ngiti.
Pero, nakita kong hindi naman ang papel ko ang binabasa niya, kundi papel ni Clara.
“Good job, Ms. Montesillo,” puri niya kay Clara. May nakita akong papel na itinupi niya at itinapon iyon sa basurahan, dahilan upang tumaas ang kilay ko. “Okay that’s for today and see you later, bye,” ngiti na sambit niya sa amin.
“Goodbye, Sir,” sambit ng mga kaklase ko at lumabas na siya sa classroom nang ‘di man lang siya tumitingin sa akin.
“Ang pogi talaga ni Sir Orzon, ‘no!” kinikilig na saad ng mga classmates kong mga babae, ngunit napailing na lang ako.
Hinintay kong lumabas ang mga kaklase ko at kinuha ko ang papel na itinapon ni Sir Orzon sa trash can. At hindi nga ako nagkamali na papel ko ito.
“Shít!” mahinang sambit ko.
“Halika na, Vivoree,” yaya sa akin ni Rain.
Inilagay ko ang papel ko sa loob ng shoulder bag ko at lumabas na ako.
Tinungo na namin ang last subject naming Human Resources and management ngayong umaga at tahimik lang akong nakikinig sa aming professora.
Nagtake down kami, then quiz agad dahil busy na raw ang mga ito sa susunod na buwan dahil acquaintance na namin.
Tinungo na namin ang canteen upang dito maglunch nang makita ko na nandito rin si Sir Orzon at may kasama siyang magandang profesora.
At ang sarap ng pagtitinginan ng mga ito, kaya naman nakaramdam ako ng inis.
Wala nang bakanteng upuhan, kundi ang gilid na lang at sa mismong harapan pa ni Orzon.
Naglakad na ako patungo ro’n at umupo na ako. Si Rain na ang nag–order ng food namin dahil biglang nag–init ang ulo ko.
“Love?” narinig kong sambit ng lalaki sa likuran ko at alam ko na kung sino ito. Lumapit ito sa akin at inakbayan ako. “Mabuti naman at pumasok ka na,” saad pa nito sa akin.
“Ang kamay mo, Favien,” protesta ko.
“Why? Inaakbayan lang naman kita, so what's that matter?” untag niya, sabay haplos sa mukha ko.
Napatingin ako sa kay Sir Orzon at parang wala siyang pakialam, kahit nakikita niya ng harap–harapan ang pinaggaga–gawa ni Favien.
“Ano ba, Favien! Let go of me, okay!” inis na sambit ko at inalis ko ang kamay nito.
“Ba’t ba ang arte mo, Vivoree? Dahil ba virgīn ka pa, ha? Tsk! Bibigay ka rin sa akin,” ngisi niya at mabilis pa sa hangin na hinalikan ako nito sa labi.
“Umalis ka na, Favien dahil wala na tayo,” segunda ko.
“Sarap ng labi mo, Love at babalik ka rin sa akin,” saad nito at lumayo na ito.
“O, anong ginawa ng lalaking ‘yon?” tanong ni Rain nang dumating ito dala ang tray na may lamang foods.
Bumuntong–hinga ako. “Aywan ko sa lalaking ‘yon.”
“Siya nga pala, si Sir Orzon ang last subject natin mamaya at sila ang Physical Education natin,” imporma sa akin ni Rain, dahilan upang tumingin ako kay Sir Orzon at nahuli kong nakatingin siya sa akin.
“Sinabi mo na sana sa akin para nakapagprepare ako dahil wala akong dala P.E uniform,” iling ko.
‘Sabi mo kasi na hindi kita istorbohin, kaya hindi kita inistorbo. At alam mo ‘yong kasama niyang babae, instructor din ‘yan sa P.E at magaling sumayaw ‘yan si Ma’am Conie. ’Ganda nga ng tandem ng mga ‘yan dahil siya nagturo kay Sir Orzon na sumayaw,” pahayag pa nito sa akin.
Tumango–tango lang ako at nilantakan ko na ang food na in–order nito.
Napansin kong tumayo na sina Sir Orzon at inalalayan niya ang kasama niyang instructor. At sa harapan pa namin dumaan ang mga ito.
“Ang daming madadaanan, pero dito pa talaga dumaan!” pagparirinig ko dahilan upang lingunin niya ako at pinaikutan ko lang siya ng eyeballs ko.
Nakita kong umiling lang siya, kaya lalo akong nagngitngit sa inis!
Pumunta na kami sa 1st subject namin ngayong hapon, hanggang matapos ang discussion at lumipat kami sa IT department.
Sumulyap ako sa aking relo at 4 o’clock na. Nagsilabasan na kaming lahat at tinungo na namin ang pinakahuling subject namin na P.E. Hindi ko alam kung ba’t ako kinakabahan.
Umupo na kami at nandiyan na si Sir Orzon.
“Hello, Everyone,” nakangiti na bati niya sa amin.
“Likewise to you, Sir at ang pogi n'yo pa rin,” puri ng mga kaklase ko.
“Matagal ko ng alam ‘yan,” muling ngiti niya at dumako ang tingin niya sa akin. Ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay.
Nag-umpisa na siyang magdiscuss about sa topic namin dito.
“So, this week, start na kayong magplan kung anong isasayaw ninyo sa practicum for the first semester. At i-pre-present n'yo ‘yan next week. So, that's it for today,” ngiti na sambit niya.
“Goodbye, Sir,” saad ng mga kaklase ko.
“Um, Rain, mauna ka na at may sasabihin lang Ako kay Sir Orzon,” wika ko.
“Sige, dahil hinihintay na rin ako ng jowa ko,” kinikilig na sagot nito sa akin.
Lumabas na ang mga ito at kami na lang ni Sir Orzon ang nandito dahil abala siya sa pagliligpit ng gamit niya.
I took a deep breath, then walked towards him. “Puwede ba tayong mag-usap, Sir Orzon?”
Tumingin siya sa akin, dahilan upang mapalunok ako.
“Do’n sa opisina tayo mag-usap,” saad niya. Naglakad na siya, kaya sinundan ko na lang siya. Pumasok siya sa sa opisina niya at walang mga professor dito. “Come in, hindi iyong nandiyan ka sa labas,” malumanay, pero halata ko sa boses niya ang tigas niyon.
Pumasok Ako. “I-Ikaw na lang ba nandito?”
“May nakikita ka pa bang kasama ko?” untag niya.
“I'm just asking.” Pinaikutan ko siya ng mata, kaya naman nilapitan niya ako.
“Ayaw ko ng supladang estudyante, Ms. Vivoree dahil nangangain ako,” pagbabanta niya.
I grinned. “Ngayon kung nangangain ka?” Inalis ko ang salamin niya dahil nagmumukha siyang matured at hinaplos ko ang labi niya. “Ang guwapo mo pa man din kapag wala kang salamin. Remember when we first met at ‘di ko akalaing professor pala kita. What a coincidence, ‘di ba?”
Nakita ko ang paglunok niya, kaya natawa tuloy ako.
Kinuha niya salamin niya sa akin at isinuot ito. “Anong kailangan mo at gusto mo ‘kong kausapin?”
Inalis ko ang daliri ko sa labi niya. “Ba't mo tinapon ang papel ko sa trash can? Alam mo bang pinaghirapan ko ang sagot do’n.”
“Pinaghirapan, pero gano'n ang nakasulat do’n? Tsk! You're my student, Ms. Vivoree at hindi ko tino–tolerate ang mga estudyante na tulad mo na ganoon ang pakitutungo sa guro,” segunda niya.
“Arte mo, pero gustong-gusto mo naman na pinupuri ka. Iyon lang ang gusto kong sabihin, kaya aalis na ‘ko,” matigas na saad ko. Lalabas na sana Ako nang isarado niya ang pinto. “O–Orzon,” nauutal na sambit ko.
“I thought, you need anything from me, Ms. Vivoree dahil ikaw ang lumapit sa akin,” ngisi niya.
“Nasabi ko na gusto kong sabihin sa ‘yo, Sir Orzon kaya palabasin mo na ‘ko,” kinakabahan na sambit ko.
“Is that everything you want to say? Sa nakikita ko’y hindi naman,” muling ngisi na aniya.
“Oo, kaya aalis na ‘ko dahil may naghihintay sa ‘kin,” gagad ko. Titig na titig siya sa labi ko, kaya lalo akong kinabahan.
“Sino? Iyong boyfriend mo? Iyong humalik sa ‘yo kanina? Shīt! I can't imagine na ako nakauna sa ‘yo! Ako nakakuha ng vírginity mo, pero nakikipagflirt ka sa iba!” maawtoridad na saad niya.
“Hindi ko na siya—ump!” usal ko dahil siniil niya ako ng maalab na halik.