Chapter 2: SAMPAL!

1848 Words
“Paano ko nagawa ang bagay na ‘yon? Hindi ko nga ibinigay ang pagkababaé ko kay Favien, pero naibigay ko naman ito sa estrangherong lalaki. Shīt, Vivoree! Ano na lang ang mukhang maihaharap mo kapag nalaman ito ng magulang mo? Baka, patayin ka nila dahil si Favien lang gusto nilang lalaki para sa ‘yo,” kausap ko sa aking sarili. I got up. I winced from the agony in my lower body, and I felt like I was about to get a fever. Bumaba ako sa kama. Paika–ika akong naglakad at tila parang nakabaon pa sa akin ang pagkalalakī ni Orzon. Dāmn! Ba’t naalala ko naman ang lalaking ‘yon? Ipinilig ko ang ulo ko upang mawala siya sa isipan ko. Pero, mukha pa rin niya ang nakikita ko. Ni–lock ko ang pinto, saka ko tinungo ang banyo. Hinubad ko ang suot ko at amoy na amoy ko pa ang ginamit na pabango ng lalaking Orzon na ‘yon. Hindi mamahalin ang pabango niya, kaya tiyak kong hindi siya galante, lalo na at sa hindi kagandahang apartment niya ako dinala. Kaya, naman muling bumalik sa akin ang pinagsaluhan naming dalawa. But it was all a nightmare. At tanging ako lang ang nakakaalam sa nangyaring ‘yon sa akin. Naligo na ako at sinabon kong mabuti ang pagkababaē ko. Hindi na ako vírgin sa edad na seventeen, kaya naiinis ako sa sarili ko. At hindi ko na maibabalik pa ang nasabag ko nang crystal. Nagbanlaw na ako. Lumabas na ako at nagbihis nang may kumatok na naman sa pinto, kaya binuksan ko ito. “Mabuti naman at nakaligo ka na dahil nandiyan si Favien at hinahanap ka,” imporma sa akin ni daddy. “Sabihin n’yo na ayaw ko munang siyang kausapin, Dad dahil—” “Tumigil ka, Vivoree at huwag mong pairalin ‘yang kaartehan mo! Harapin mo ngayon din si Favien sa sala,” maawtoridad na sambit sa akin ni daddy at iniwan na ako. I clenched my fist because I was annoyed! I took a big breath and went to the living room, where Favien was waiting for me. May dala itong bouquet of flowers and chocolates. “For you, Love,” ngiti na sambit niya at ibinigay niya sa akin ang dala niya. Kinuha ko ‘yon pero inilapag ko sa ibabaw ng mesa. “Anong ginagawa mo rito?” matigas na sambit ko. “I want to say sorry for what happened last night,” hinging paumanhin niya. Nakikita ko naman ang senseridad niya, pero gano’n lang ba kadali humingi ng sorry? Umiling ako. “Sorry? Sorry, ‘yon lang? Shīt! Hindi mo ba alam kung ga’no mo ‘ko nasaktan, Favien? Anniversary natin kahapon, but what the fvck did you do? Sa ibang babae ka nakipagséx! Tapos, pupunta ka rito to say sorry!” “Vivoree!” saway ni daddy. “Pakitunguhan mo nang maayos si Favien, hindi gan’yan na sinisigawan mo siya,” sermon pa ni daddy sa akin. “Ba’t kinakampihan n’yo pa siya, Dad? Hindi n’yo ba alam kung anong ginawa ng lalaking ito sa akin, ha! He betrayed me! He cheated on me, and he fooled me!” garalgal na sambit ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil sa panloloko ng buwiset na lalaking ito. “Natural lang ‘yon, Vivoree dahil lalaki si Favien at may pangangailangan siya. Kahit sino namang boyfriend, kung hindi niya makuha ang gusto niya sa karelasyon niya’y maghahanap talaga ‘yan,” pahayag sa akin ni daddy na ikinasalubong ng kilay ko. “Gan’yan kami ng daddy mo noon, Vivoree. Ibinigay ko ang virginīty ko at age of sixteen sa kanya. Pero, tingnan mo, kami pa rin hanggang ngayon,” sambit naman ni mommy, kaya napabuntong–hininga na lang ako dahil proud pa sila. “Tama ang daddy at mommy mo, Love. Two years na tayong magkarelasyon, pero hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagtitiwala sa akin dahil hindi mo pa ibinibigay ang hinihingi ko, sa ‘yo, samantalang magpapakasal naman tayong dalawa,” saad naman ni Favien sa akin. “Iba ako, Favien, iba ako! At kung talagang makapaghihintay ka, nirespeto mo sana ang desisyon ko. Ako ang pakisasamahan mo rito, hindi ang mga magulang ko. At isa pa, mga bata pa tayo for doing séx!” segunda ko. Napalunok pa ako dahil sa sinabi kong ‘yon “Bigyan mo pa ‘ko ng second chance, Love. I promise na hindi ko na ‘yon uulitin,” saad niya sa akin, dahilan upang mapangisi ako. “Malakas ang loob mo dahil kinakampihan ka ng magulang ko, Favien! Hindi ka na nahiya at talagang ang kapal ng mukha mo!” mahinang gagad ko. Lumingon pa ako sa kinaroroonan ni daddy at mommy at mukhang aalis na ang mga ito. Ngumisi naman si Favien. “Baka, nakalilimutan mo kung sino’ng kaharap mo, Vivoree. Kung i–bre–break mo ‘ko, sasabihin ko kina papa na huwag na silang sumusyo sa negosyo ng magulang mo! Tingnan lang natin kung anong gagawin nila, sa ‘yo.” “Tinatakot mo ba ‘ko, Favien? Gawin mo kung anong gusto mong gawin. At kagabi pa kita ni–break kaya tumigil ka na at si Clara na lang ang ligawan mo, tutal ay natikman mo na siya at dalhin mo na rin itong bulaklak mo at chocolates mo dahil ayaw kong ma–diabetes!” gagad ko. “Babalik ako rito, Vivoree at pagsisisihan mong nakipaghiwalay ka sa akin!” asik niya. “Tito, Tita, alis na ho ako dahil ang gusto ni Vivoree kaming dalawa lang mag–usap. Hopefully po ay masolo ko siya at gusto ko hong magdate kami bukas ng gabi sa Lacozania,” baling niya sa magulang ko. “Sige, Hijo at kami na maghahatid kay Vivoree,” tugon naman ni daddy. “Ihatid mo na si Favien sa labas, Vivoree at aalis na rin kami ng daddy mo. Alis na kami, Hijo,” saad naman ni mommy sa akin. Lumabas na ang mga ito. Sumakay na sila sa kotse at sinundan ko sila nang tingin. Inihatid ko naman si Favien sa labas kahit na napipilitan lang ako. “Hindi mo na ba ‘ko mahal, Vivoree?” seryosong tanong sa akin ni Favien. “Alam mo na sagot ko riyan, Favien,” matigas na sambit ko. Huminto kami sa paglalakad at humarap siya sa akin. “Nararamdaman ko na mahal mo pa ‘ko, so let’s fix this.” Nangilid ang luha ko. “Niloko mo ‘ko, Favien. Mabuti sana kung hindi ko kayo nakita ni Clara dahil wala akong dahilan na makipaghiwalay sa ‘yo. Kaso, ni–timing mo pa sa anniversary natin, kaya sobrang sakit! Sobrang sakit! Pakiramdam ko, hindi ako naging mahalaga because of what you did to me. I haven't complained once in the two years we've been together, kahit iniiwan mo ‘ko para lang sa mga team mates mo at sa iba pang projects mo sa campus. Pero, nang dahil lang sa hindi ko maibigay ang pangangailangan mo’y nagawa mo ‘yon sa ‘kin. Sabihin mo nang paulit–ulit ako, pero sa tuwing bumabalik sa akin ang ginawa mo’y parang sinasaksak ng patalim ang puso ko.” “Nakainom ako, Vivoree. I admit na oo, na mali ako. But I didn’t intend to hurt you,” pahayag niya sa akin. “But, you did, Favien! You did! At lumang dahilan na ‘yan! Nilamatan mo na ang puso ko, kaya hindi mo na maibabalik pa ang tiwala ko, sa ‘yo. Umalis ka na at huwag mo na ring aasahan na makipagdi–date pa ‘ko sa ‘yo. We’re over at si Clara na lang harapin mo,” may awtoridad na sambit ko. Pinunasan ko ang luha ko at sumakay na si Favien sa kotse niya. Ngayon ko naramdaman ang sakit, kaya naman napahugulgol na ‘ko. Tinungo ko na ang kuwarto ko at dito ko ibinuhos ang sama nang loob na nararamdaman ko kay Favien. Mahal ko siya, Oo. Pero, pa’no kung uulitin na naman niya ang ginawa niyang ‘yon sa akin? Humikbi ako. At kalahating oras din ako umiyak nang umiyak. Nagring ang phone ko. Kinuha ko ‘yon sa loob ng bag ko at ang kaibigan kong si Rain ang tumatawag. Sinagot ko ito. “Hello.” “Papasok ka ba ngayon, Vivoree?” tanong nito sa akin. “Hindi, Rain dahil gusto ko munang magpalipas ng sama ng loob kay Favien,” imporma ko. “May bago raw tayong professor ayon sa mga kaklase natin. Pero, hindi nila alam kung kailan magre–report. Ayon pa sa usap–usapan ay guwapo raw ‘yon dahil nakita raw nila na kasama ng Dean,” imporma nito sa akin. “Wala akong pakialam kung guwapo ang bagong professor natin, Rain. Pa–excuse ako ng two weeks at huwag ka munang tumawag sa akin dahil gusto kong magrefresh muna,” sambit ko at pinatayan ko na ito nang tawag. Ipahihinga ko muna ngayon dahil masakit ang katawan ko. Natulog ako nang maghapon at nagising ako sa boses ni daddy. “Vivoree! Vivoree!” sigaw nila sa labas. Bumangon ako at binuksan ko ang pinto. “Why, Da—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sinampal ako nang malakas ni daddy. Pakiramdam ko tuloy ay namanhid ang mukha ko. “Nakipagbreak ka na pala kay Favien nang dahil lang sa naabutan mo, ha! Hindi ka ba nag–iisip, Vivoree! Nakasalalay sa pamilya niya ang negosyo natin kaya makipagbalikan ka sa kanya ngayon din!” sigaw ni daddy sa akin. “Hindi n’yo ‘ko masisisi kung ba’t nakipaghiwalay ako kay Favien, Dad! At mas gusto n’yo pa ba na lokohin ako ng lalaking ‘yon, kaysa hiwalayan ko siya, ha! Anak n’yo ‘ko, Dad at hindi puppet para sundin ang gusto ninyo dahil ako ang nasasaktan dito, hindi kayo!” bulalas ko, dahilan upang muli nila akong sampalin. “Hindi mo matatamasa ang ganitong buhay kung hindi dahil sa paghihirap namin ng mommy mo! Ibinibigay namin lahat ng luho mo, kaya dapat lang na suklihan mo ‘yon at iyon ay ang sundin kami sa gusto namin dahil para din ‘yon sa ‘yo!” asik nila sa ‘kin. “Hindi ko hinihingi ang luho at hindi ko kailangan ng luho, Dad kung masasaktan din lang ako! Maraming lalaki na mas deserve ang pagmamahal ko at hindi si Favien ‘yon!” segunda ko. “Balikan mo si Favien, Vivoree kung ayaw mong mawala lahat sa atin! At siya lang ang gusto namin para sa ‘yo! At ito tandaan mo, huwag ko lang makita na may kasama kang ibang lalaki dahil sisirahin ko ang buhay niya at hindi ka magiging masaya!” gagad ni daddy at iniwan na ako. Nagtagisan ang bagang ko sa sinabi nilang ‘yon dahil pa’no nila naaatim na mas gusto nilang makipagrelasyon ako sa lalaking mayaman nga, pero manloloko naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD