Chapter 12: SUNTOK NI FAVIEN KAY PROF. ORZON

1997 Words
“Sa–Saang fast food chain?” ngiti na taong ko kay Clara, pero ang kaba ko’y abot hanggang talampakan ko. Tatlo ang fast food rito sa mall. Hindi naman puwedeng umamin agad kami ni Orzon, dahil mahirap na. “Sa KingChow, at doon ko nakita ‘yong magcouple kanina,” pahayag ni Clara. “Ang layo naman pala, Clara. Tingnan mo kung anong pangalan ng fast food chain kami lumabas ni Sir Orzon. At saka, nakikita mo naman ang statue ng bubuyog,” depensa ko. “Malay ko, ‘di ba? Saka, ba’t kayo sabay na lumabas ni Sir?” muing tanong ni Clara. Sinuri pa ako nito nang pababa-pataas na tingin, kaya naman naasiwa ako. “Actually, nauna ako kay Ms. Vivoree, Ms. Clara. Nakita ko lang siya sa loob at nagsabay lang kaming lumabas dahil pareho na kaming tapos kumain. Iisa lang naman ang exit, kaya saan dadaan si Ms. Vivoree?” nakangiti na sambit ni Orzon. “Pasensya na ho, Sir. Sige ho at mauna na ako sa inyo,” saad ni Clara at mabilis itong naglakad. Nakita pa namin ang pagsakay nito sa kotse, kaya naman nakahinga kami nang maluwag. “Muntikan na tayo ro’n,” sambit ko. “Yeah, kaya need pa natin ng ibayong pag–iingat,” buntong–hininga niya. “Doon tayo sa shoemens,” pag–aya ko. “Anong gagawin natin do’n?” tanong niya “Siyempre, mamimili, alangan namang magtititigan lang tayo,” saad ko sa kanya. “Pero, wala akong pambili dahil matagal pa suweldo namin. Kaya, umuwi na lang tayo at saka ulit tayo pumunta rito,” aniy sa akin. “Ako ang bibili, Orzon,” giit ko at hinila ko na siya sa kamay dagil wala na sigurong makakikita sa aming dalawa. Pumili na ako ng black shoes at rubber shoes na size 43. Alam kong hindi ito tatanggapin ni Orzon, kapag sinabi kong sa kanya. Kaya, gagawa na lang ako ng paraan. “Um, Babe, puwede mo ba ‘kong ipilihan kung anong maganda rito para kay daddy. Pareho lang kayo ng sukat ng paa,” saad ko. May kinuha siyang pair of shoes ng rubber at black at ibinigay niya ito sa akin. “Isa ito sa type ko, kaso hanggang sa tingin muna ako at tiyak kong bagay na bagay ito sa daddy mo.” “Okay,” sambit ko at binayaran ko na ito sa cashier. “Nood tayo ng sine,” aya ko sa kanya. “Saka na dahil anong oras na. May assignment pa kayo at need mopang magreview right? At kahit may pagkakaunawaan na tayo, hindi ka pa rin exempted sa pag–grades ko ng tres,” pahayag niya, dahilan upang ngumuso ako. “Grabe ka sa tres,” irap ko. “At least, pasado ‘yon. So, tara na,” saad niya. Kinuha niya ang hawak kong paper bag at inakbayan niya ako. “Iyang kamay mo, Orzon dahil baka may makakita sa atin,” saad ko. “Wala na ‘yan siguro dahil mag–a–alas nuwebe na,” aniya at na hindi inalis ang braso niya sa balikat ko. Naglakad na kami palabas ng mall at sumakay na kaming dalawa sa kotse. Binuhay ko na ito at inihatid ko na si Orzon sa apartment niya. “Nag–enjoy ka ba kasama ako?” ngiti na tanong ko, dahilan upang siilin niya ako ng halik. “Yeah, sobrang nag–enjoy ako,” ngiti na tugon niya nang pakawalan niya ang labi ko. Ginagap niya ang kamay ko dinala iyon sa bibig niya. Tumitig siya sa akin, kaya naman lumakas ang pintig ng puso ko. “Trust me na hindi ako bibitaw kung anong mayro’n tayo ngayon,” seryoso na saad niya. Ngumiti ako. “Gano’n din naman ako, Orzon. Pero, bumaba ka na. Baka, kasi makaalala ka at maghasik na naman tayo ng lagim dito.” “Pa’no kung gano’n nga? Nag–iinit na naman kasi pakiramdam ko, sa ‘yo,” pausang sambit niya, sabay lapit ng mukha niya sa akin. “O–Orzon.” Lumunok ako. At kitang–kita ko ang paggalaw ng lalamunan niya. “Simula nang dumating ka sa buhay ko nang gabing iyon, sinabi ko sa sarili ko na hinding–hindi na kita pakakawalan. Hindi dahil vírgin ka, kundi ay kusang tumibøk ang puso ko, sa’yo,” pausang aniya. Iniwas ko ang tingin ko dahil pakiramdam ko’y magco–colapse ako. “Ba’t ka umiwas sa akin? Ang ganda na nga ‘yong magkatitigan tayo habang nagsasalita ako rito,” nagkakamot na aniya. “Eh, kasi ano. . . “ “Ano?” untag niya. “Kinikilig ako.” “Lagi ka namang kinikilig sa akin Kahit malayo ako, kita ko na nakangiti ka agad, hanggang baba,” pagbibiro niya, dahilan upang hampasin ko siya. “Ang bad mo, ha. Kita mo ba na nakangiti ang kíffy ko, ha?” Sumimangot ako at natawa naman siya sa akin. “Yeah, dahil kilang–kilalang na ako ng kíffy mo at amoy na amoy niya na ako,” ngisi niya sa akin. “Ang corny mo. Sige na, bumaba ka na at heto,” sabay bigay ko sa kanya ng paper bag. “Bakit ‘to? Hindi ba’t sa daddy mo ito?” takang aniya. Hinaplos ko ang mukha niya. ‘Sabi ko lang ‘yon, pero para sa ‘yo talaga ito, Babe at maaga mo nang regalo mga ‘to sa akin. Huwag mo sanang tanggihan dahil magtatampo ako, sa ‘yo.” “Pero, mahal ang mga ito. Hanggang four hundred to five hundred lang binibili kong gamit,” pahayag niya. “Tanggapin mo na, Babe. Kung gusto mo naman, bayaran mo na lang ako kapag nakaluwag ka na, basta’t tanggapin mo ‘to,” pagpumimilit ko. “Okay, I will accept this. And thank you, Babe,” ngiti niya at muli niyang hinalikan ang labi ko. Tinugon ko ito, hanggang naging malalim ang halikan naming dalawa. Pero, dahil may psok pa kami bukas ay pinigilan ko siya dahil bumaba na ang halik niya sa dalawang bundok ko. “Need na nating magpahinga, Orzon, kaya bumaba ka na,” ngiti ko. “Ingat ka sa pagda–drive, ha. Tawagan mo ‘ko kapag nakauwi ka na,” muling ngiti niya. Hinalikan na namanniya ako at bumaba na siya. Nagbusina ako at iniliko ko na ang kotse at nakangiti akong umuwi sa amin. “Saan ka nanggaling?” bungad sa akin ni daddy nang dumating ako. “Naki–party sa mga kaibigan ko, Dad,” walang ganang sambit ko. Ngunit, napangiwi ako nang hawakan nang mahigpit ni daddy ang braso ko. “Huwag kang sinungaling, Vivoree dahil may nakapagsabi sa akin na may kasama kang lalaki sa mall at hindi iyon si Favien!” gagad ni daddy. “At sino nagsabi sa inyo, Dad? Ang Ex–bestfriend ko bang mang-aagaw ng boyfriend, ha! Si Clara ba?” sunod–sunod na tanong ko. “Oo! Kaya, huwag mong idahilan sa akin na may pinuntahan kang party! At sinasabi ko, sa ‘yo na huwag kang mag–entertain ng kahit sinong lalaki, maliban lang kay Favien! At ano itong nababalitahan ko na nilalayuhan mo siya, ha! Sinsabi ko, sa ‘yo, Vivoree na once na hindi ka pa nakipagbalikan kay Favien, malilintikan ka sa akin! So, I’ll warn you lalo na at malapit na ang ika–18th debut mo. Ayaw kong mapahiya sa mga magulang niya dahil malaki ang utang na loob natin sa kanila!” mahabang pahayag ni daddy sa akin. “Hindi n’yo ba kayang mamuno sa sariling paa n’yo, Dad? Umaasa kayo sa magulang ni Favien, pero ako naman ang kapalit ng paglago ng negosyo ninyo! Pa’no naman ang sarili kong kaligayahan, Dad?” garalgal na sambit ko, subalit kahindik–hindik na sampal ang idinapo ni daddy sa akin at nasapo ang labi ko. “Hindi ito para sa amin, Vivoree, kundi ay para sa ‘yo! Para sa future mo! Kaya, makinig ka sa akin kung ayaw mong maging miserable ang buhay mo!” sigaw ni dddy. “Hindi magiging miserable ang buhay ko, kung hahayaan n’yo ‘ko at susuportahan n’yo ‘ko sa gusto ko! At hindi para sa future ko iniisip n’yo, Dad, kundi para sa pansarili lang ninyo!” umiiyak na sambit ko, dahilan upang muli nila akong sampalin. “Huwag na huwag mo ‘kong pagsasalitahan ng gan’yan, Vivoree because I’m doing this for your fvcking sake!” bulalas ni daddy at iniwan na ako. Pumasok naman ako sa kuwarto ko. Isinarado ko ang pinto. Inalis ko ang slingbag ko at pabagsak akong umupo. “Ito ba ‘yong sinasabi ng ibang kabataan na masarap ang buhay ng mayaman? Peste! Nakasasakal na!” sigawa ng isipan ko. Nagring ang phone ko. Kinuha ito sa bag ko at si Orzon ang tumatawag. Matagal, bago ko ito sagutin. “Hinihintay ko tawag mo. Baka, kako ay tulog ka na. Nakauwi na ba ang prinsesa ko?” tanong niya. Huminga ako nang malalim upang hindi niya mahalatang umiyak ako. “Oo, nakauwi na ‘ko, Orzon. Um, gusto ko nang matulog, kaya bukas na tayo matulog.” “Sige, Babe. Pasensya ka na at naistorbo kita,” saad niya at pinatayan niya ako nang tawag. Ipinikit ko na mga mata ko at hindi ko na rin nagawa ang assignments ko at hindi na rin ako nakapagreview. ALA–SAIS nang magising ako at ginawa ko ang assignment ko. Nagreview ako nang kaunti at inayos ko na mga gamit ko. As usual na nandito na naman si Favien para sunduin ako. Nagface mask na lang ako dahil halatang namaga ang bibig ko. Sumakay na ako sa kotse ni Favien at may sinabi pa ito kina daddy. Pumasok na siya sa kotse. At hindi ko ito inimikan hanggang makarating kami sa campus. “Hindi ako sasama mamaya, Favien,” matigas na sambit ko dahil narinig ko ang sinabi nito kina daddy at mommy. “Tsk! Ipinagpaalam na kita, kaya sa ayaw at sa gusto mo’y sasama ka!” gagad niya at hinila niya na ako papasok sa classroom. Umupo na kaming dalawa na siya namang pagdating ni Orzon. “I’m sorry if I’m late, Class. Um, start na tayo dahil may urgent meeting kami,” pahayag niya. “Wow! Bago ang shoes ni Prof. Orzon. Mukha yatang malaki–laki ang nakopra mo’t namalimos mo sa kanto,” tumatawang ani Favien. “Plus zero point one ang score mo sa akin, Mr. Zorola,” ngiti ni Orzon, kaya naman nagkatawanan ang ibang kaklase ko. “Okay, pass your assignment,” saad niya. At ipinasa namin ang aming mga papel. “How about you, Mr. Zorola? Did you do your assignment?” tanong niya kay Favien. “Kahit hindi naman ako gagawa ng assignment ko, papasa rin naman ako, because remember that this—” “Okay, okay, Mr. Zorola. I get your point. Siguro sa ibang mga professors ninyo ay ipapasa ka. But, how about me? Lalo na major subject n’yo ‘ko. Isang bagsak mo lang, damay ang lahat. Why? Hindi ka naman makagra–graduate kung may failed ka, ‘di ba? At hindi rin ako makukuha sa pera–perahan at projects,” maawtoridad na sambit ni Orzon. “What if, ipagawa ko bahay mo? Hindi mo pa rin ba ‘ko ipapasa?” ngisi ni Favien. “Kahit ipasemento mo pa ang bukid at gawin mong bukid ang highway ay hindi ko ipapasa ang estudyante na hindi lang mayabang, kundi'y kulang din sa manners. At hindi mahirap intindihin na nambabagsak ako ng estudyante, Mr. Zorola,” pahayag ni Orzon, dahilan upang tumayo si Favien at nilapitan siya, sabay suntok nito sa kanya. “Or–Sir Orzon,” sambit ko. Lumapit ako sa kanya, kaya naman nagsimula nang magbulungan ang mga kaklase ko.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD