“Lumayo ka sa kanya, Vivoree!” sigaw ni Favien sa akin, pero gusto kong itayo si Orzon. Kaya, hindi ako nakinig dito. “Okay lang kayo, Sir?” tanong ko kay Orzon at inalalayan ko siyang makatayo, at lumapit na rin si Rain sa amin. Gusto kong pahirin ang dugo sa labi niya, pero nakatingin sa amin ang ibang mga kaklase ko, lalo na si Clara at nakangisi pa ito. “Tama yata ‘yong narinig natin na may lihim na itinatago si Vivoree at si Sir Orzon,” narinig kong sambit ng kaklase ko. “Wala pa naman tayong ebidensya kung mayro’n nga. Abang–abang na lang tayo,” komento naman ng isa. “Thank you, Ms. Vivoree, Ms. Rain. Um, maupo na kayo sa upuhan ninyo. At mag–usap tayo mamaya sa guidance counselor, Mr. Zorola,” wika ni Orzon, subalit ngumisi si Favien. “Kausapin mo ‘yang sarili mo!” gagad