Chapter 9: PATAGONG RELASYON

1559 Words
“Um, may sugat ka sa kamay,Ms. Vivoree. Napa’no ‘yan?” tanong ni Orzon sa akin, dahilan upang pagtaasan ako ng kilay ni Ma’am Conie. “Ito ba? May nasagi lang ho ako kanina, Sir, kaya nasugat ang daliri ko. Huwag kayong mag–alala at maliit lang naman ito,” ngiti na pahayag ko. “Maliit lang ‘yan, Orzon at malayo pa ‘yan sa kamatáyan. Ako nga, sa braso, pero hindi mo napansin,” sarkastiko na saad ni Ma’am Conie. “May medicine ako riyan sa loob para gamutin n’yo mga sugat n’yo. Um, pasok na tayo, Ms. Vivoree,” aya niya sa akin. Pumasok na si Orzon at sumunod ako sa kanya dahil hinalukipkipan ako ni Ma’am Conie ng braso. Umupo na ako at sinundan naman ni Ma’am Conie si Orzon sa kusina, dahilan upang umling ako. “Kumain ka na, Orzon? Gusto mo, sa labas tayo together at magliwalil naman minsan,” narinig kong saad nito. “Saka na, Connie dahil malapit naman ng midyear break,” tugon naman ni Orzon. “Matagal pa ‘yon para sa akin. Want mo bang sa Baguio tayo o sa Tagaytay? Or, mangibang bansa tayo at sagot ko plane ticket mo,” wika pa nito. “Mag–a–aksaya ka lang ng pera, Conie. Itago mo na lang ‘yang pera mo at ipunin mo. Kape ka muna at pasensya ka na dahil walang creamer. Um, Ms. Vivoree, here’s your coffee,” ani Orzon sa akin at ibinigay ang isang tasang kape. Pasimple niyang hinawakan ang kamay ko, dahilan upang mapangiti ako. “How about sa Cebu tayo, Orzon,” muling komento ni Ma’am Conie. Pumasok si Orzon sa kuwarto niya at sinundan na naman siya ni Ma’am Conie. Ba’t feeling ng teacher na ito’y close na close sila ni Orzon? Hindi ba niya naintindihan ‘yong sinabi ni Orzon sa kanya noong nakaraang araw na hindi pa ready si Orzon sa isang relasyon dahil ako ang gusto niya. “Masyadong malayo ang Cebu, Conie. At mas gusto kong magpahinga sa probinsya para makasama ko magulang ko. At anihan na rin ‘yon ng palay, para masamahan ko sila sa bukid,” narinig kong sagot naman ni Orzon. “Ayaw mo bang maghappy–happy man lang? Lagi mo na lang kasi ginagawa ‘yan, noon pa man. Paano na lang kung maging tayo?” untag nito, dahilan upang magsalubong ang kilay ko. Dahil pa’no silang magiging magjowa? Eh, hindi naman siya nililigawan ni Orzon. Palihim akong sumilip sa kuwarto at kita kong nakalambitin si Ma’am Conie sa batok ni Orzon, kaya naman napabuntong–hininga ako. Lumabas na sila sa kuwarto at nakayakap ang mga kamay nito sa braso ni Orzon, dahilan upang iiwas ko mga mata ko at sumimsim na lang ako ng kape. “Gamutin mo ‘yang sugat mo sa daliri, Ms. Vivoree para hindi na magcause ng infections,” ngiti na aniya sa akin. Ngiti lamang ang itinugon ko at kinuha ko ang medicine kit sa kanya, saka na sila umupo sa harapan ako. “So, ano na, Orzon? Did you change your mind na mag–out of town tayong dalawa?” pag–uulit ni Ma’am Conie. Tumingin ako kay Orzon at nagtama ang mga mata naming dalawa. Subalit, tumingin din sa akin si Ma’am Conie, kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. “Final na ang decision ko, Conie. Sa probinsya ako mag–i–stay para makasama ko mga magulang ko,” sagot niya, kaya naman lihim akong napangiti. “Aywan ko, sa ‘yo, Orzon! Pero, para hindi na ‘ko magalit sa ‘yo, gamutin mo ‘tong sugat ko dahil nagasgas kanina sa kuwarto ko,” pabebe na saad nito. “Hindi naman grabe ‘yang sugat mo, kaya okay na ‘yan. Unlike kay Ms. Vivoree na may tusok pa yata,” komento niya. “Pero, masakit, eh. Hihipan mo na lang, para makabawi ka sa akin,” wika ni Ma’am Conie. Pasimpleng tumingin sa akin si Orzon. Ngumiti lang ako kahit ang totoo ay inis na inis ako sa kaartehan ng guro na ito. “Um, Ms. Vivoree, may jowa ka na ba?” hindi ko inaasahan na tanong nito Ma'am Conie sa akin. “Mutual understanding pa lang ho, Ma’am,” tipid na sagot ko. “Mutual understanding? Iyong hindi mo pa siya boyfriend pero nagkakaunawaan kayo?” tanong nito. “Yes, po,” muling sagot ko. “Estudyante rin ba?” muling tanong nito. “Se–Secret ho, Ma’am,” wala sa sariling sambit ko, kaya naman pinagtaasan ako nito ng kilay. “Ang lihim mo, ha. Pero, buti ka pa dahil may ka–MU ka na. Samantalang ako, naghihintay sa Sir Orzon mo na ito kung kailan maging kami. Boto nga mga friends ko sa kanya at sa bahay, pero arte niya,” buntong–hininga nito at inihilig nito ang ulo sa dibdib ni Orzon. “Ouch!” sambit ko dahil naipatong ko ang kamay ko sa mainit na kape. “Okay ka lang, Ms. Vivoree?” nag–aalalang tanong ni Orzon na agad lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Ehem!” tikhim ni Maam Conie, kaya agad binitawan ni Orzon ang kamay ko. “Wala ho ito, Sir,” saad ko. “Masyado ka yatang protective sa estudyante mo, Orzon,” saad nito. “Na–get over lang ako, Conie. At kahit sa sino naman ay gan’yan ako ka–protective, kahit sa ‘yo,” ngiti niya. “Ibigay mo na ‘yong assignments na kailangan niya sa ‘yo at ng makauwi na siya at may privacy naman tayo rito,” pahayag nito. “Oo nga pala,” sagot ni Orzon. Tumayo siya at may kinuha siya sa lalagyan ng laptop niya. “Sa ‘yo na ang kopya na ito, Ms. Vivoree,” baling niya sa akin. “Salamat ho, Sir,” ngiti na tugon ko. Mabilis kong kinuha ang photocopy sa kamay ni Orzon at umupo na ako dahil masakit na tingin ang ipinukol sa akin ni Ma’am Conie. “Nakuha mo na kailangan mo, Ms. Vivoree, kaya puwede ka na sigurong umuwi,” saad nito sa akin. “I–Ipaliliwanag ko muna sa kanya ‘yong objectives, Conie,” agaw naman ni Orzon. “Hindi na, Orzon dahil college na ‘yan kaya maiintindihan niya ang mga nandiyan. Share na lang tayo sa kape ko dahil hindi ko ito maubos,” wika nito na inilapit ang cup sa bibig ni Orzon. Sinimsim naman ni Orzon ang laman niyon at nanlaki ang mga mata ko dahil hinalikan nito ang labi ni Orzon. “May kasama tayong estudyante, Conie,” saway ni Orzon. “So? Wala naman tayo sa campus at dito na lang tayo maging sweet sa apartment mo,” ngiti pa nito na ikinainis ko. “Um, Sir Orzon, Ma’am Conie, mauna na ho ako sa inyo,” pagpapaalam ko. “Much better,” matamis na ngiti ni Ma’am Conie sa akin. “Ihatid na kita sa labas, Ms. Vivoree,” sambit naman ni Orzon. “Hindi na ho, Sir para hindi na ‘ko makaistorbo sa inyo ni Ma’am Conie.” Pilit ang ngiti ko, pero gusto kong umiyak sa inis. “I insist dahil maraming loko–loko rito,” diin na aniya at nauna na siya sa labas. Tinaasan pa ako ng kilay ni Ma’am Conie, pero nginitihan ko lang ito at bumaba na ako. “Kung makapaghihintay ka, wait mo ‘ko sa parke at dinner tayong dalawa,” mahinang aniya sa akin. Kailangan talaga naming magsalita ng pabulong lang dahil pakiramdam ko’y lumalaki ang tainga ni Ma’am Conie dahil nakamasid ito sa amin. “Huwag na, baka magtatagal pa ‘yang co–teacher mo na ‘yan,” inis na sambit ko. “Basta, pupuntahan kita ro’n,” aniya sa akin. Pumasok na ako sa kotse at pinaandar ko na ito. Mabigat ang loob ko, pero anong magagawa ko, kundi ang magtiis dahil ito ang kailangan naming gawin ni Orzon. Dumiretso ako sa parke. Bumaba ako at naglakad patungo sa hindi matao. Nagbeep ang phone ko na papunta na rito si Orzon, dahilan upang kiligin ako. Sampung minuto ang nakalipas at nakita ko na ang pigura ni Orzon palapit dito. “Orzon,” usal ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko at masasabi ko talagang in love na in love ako sa professor kong ito. “Vivoree,” sambit niya at agad akong siniil ng masarap na halik. Tinugon ko ang halik niya at matagal bago naghiwalay ang aming mga labi. “Damn, I miss you right away, Vivoree,” hinihingal na aniya. “Same with me, Orzon.” Pinahid ko ang labi niyang may liptint at dinampihan ko ito ng halik. “Um,” anas niya. Umupo siya at kinandong niya ako at patuloy pa rin ang paghahalikan naming dalawa, habang ang mga kamay niya ay humahaplos sa katawan ko. “Fúck! Ikaw muna gusto kong i–dinner, Vivoree,” anas niya nang pakawalan niya ang labi ko. “Then, do it right now, Orzon,” nang-aakit na sambit ko. Binuhat niya ako patungo sa loob na kotseng dala ko. At isa–isa niya nang hinúbad ang saplot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD