HINDI pa man nakakaapak si Kana sa hagdan nang makita ang magulang na papalabas ng silid ng mga ito. Bihis na bihis kaya alam niyang sa party ang mga ito pupunta. Hinintay na lang niya na makababa ang mga ito. “Kana, anak!” Masaya si Atlas nang makita ang anak. Kanina pa nito hinihintay si Kana dahil balak niyang isama sa party since wala ngayon si John sa tabi nito. “How have you been these past few days?” “I’m good,” tipid lang na sagot ni Kana. “That’s great, anak.” Tumingin ang ina sa ama kaya nahalata niyang mukhang iniisip siya ng mga ito. Sabagay, always naman. Walang araw na hindi nangungumusta at tumatawag ang ina sa opisina. Ang ama naman niya, text o ‘di kaya audio message. Masaya siya dahil sa concern ng mga ito sa kanya. Though alam niyang may tampo ang mga ito sa kanya.