“WALA po, Chief,” sagot ni John nang tanungin siya ng chief of staff kung may ibang lalaking kinakausap ang anak nito. Tinitigan siya ng ama ni Kana bago nagsalita. “Sure?” “Yes, Chief.” Nang maalala si Grant ay sinalubong niya ang kakaibang tingin ng ama ng dalaga sa kanya. “S-si Grant po pala, Sir.” Napaangat ng kilay si Atlas sa narinig kay John. “Si Grant. Yeah, right. Si Grant nga pala. Other than him?” Umiling si John. Pero deep inside, kinakabahan siya dahil siya ang kasama recently ni Kana. At hindi lang basta kasama, kinakasama! Napahilot si Atlas ng noo pagkuwa’y bumuntonghininga. Bahagyang napasuntok pa ito sa bubong ng sasakyan nito na ikinalabas ng driver nito Nilingon siya mayamaya nito na frustrated ang mukha. “Alam mo bang dalawang taon nang wala sa amin ang anak na