NGUMITI si John pero sa loob-loob niya, parang may mga karayom na tumutusok. Paisa-isa sa una hanggang sa sabay-sabay na. Hindi na niya tuloy napigilan ang sarili na hindi magpakawala nang buntonghininga. Kaya lumunok muna siya bago nagsalita. “C-congrats.” Sumubo siya ng kanin pero hindi na niya nasundan ng ulam. Bumara na nga sa lalamunan niya kaya nagbaba siya nang tingin para bahagyang hagurin ang lalamunan. Isa pa, ayaw niyang makita ni Kana ang mata niya. Sabi nga nila, sa mata kadalasan nakikita kung nagsasabi ng totoo ang tao, o ‘di kaya sincere sa mga binibitawang salita. Sigurado siyang hindi niya maitatago ang sakit na nararamdaman. Kaya hindi siya sincere sa sinabi rito. Nang mapansing nakatingin sa kanya si Kana, nag-angat siya nang tingin dito. Seryoso lang ito. Hindi niya