Chapter Five: Infidelity + Party
Ellaine May Fria's Point of View
Papasok na sana ako ng kwarto namin nang mapatigil ako dahil may naririnig akong ungol. Nag-alala dahil baka kung ano na ang nangyayari kay Theo. Hindi ko din alam na nakauwi na din pala siya. Hindi kaya may sakit siya o kaya naman ay binabangungot na siya? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at napigil ang paghinga ko. Natigil ang pag-ikot ng mundo ko. Sana pala hindi ko na lang binuksan. Sana pala ay hinayaan ko na lang siya at hindi na lang muna ako umuwi. Masakit, mahapdi at nakakadurog ng puso. I just saw Theo having s*x with a girl. In our own bed. In our own bedroom. Para akong sinasaksak ng paulit ulit sa nakita ko. Paulit ulit na nagre-replay sa utak ko ang malanding ungol ng babaeng kasama niya. I know he doesn't love me but at least can he respect out marriage kahit sa papel lang? Kahit iyon na lang sana ang binigay niya sa akin, kahit hindi na pagmamahal. Respeto na lang sana pero pati ba naman iyon ay ipagkakait niya sa akin. Sandali lang ako nawala. Lumabas lang ako para pumunta sa supermarket para sa supplies tapos ito ang madadatnan ko? Ungol nga haliparot na babae niya? Sa kuwarto pa talaga namin? Ano ba ang gusto niyang ipakita? Iparating? He can do whatever he want! Respeto na lang sana.
Tumalikod na ako at bumaba na lang. Kahit pa kalampagin ko sila ay hindi naman sila matitinig. Magsawa sila sa kamunduhan nila. Inayos ko na lamang ang mga pinamili ko. Pilit kong inaabala ang sarili ko para kahit papaano ay makalimutan ko ito. Nagluto, naghugas ng pinggan, naglinis ng bahay kahit hindi naman madumi! I want to forget that! Hindi nagtagal ay bumaba na din silang dalawa. Iniwas ko ang tingin ko nang makitang hahalikan siya ng babae. Mga walang respeto, walang delikadesa. Lumabas na ang babae at siya naman ay pumunta dito sa kusina. "Nandyan ka na pala," patay malisya kong sabi. Hindi niya ako pinansin. Dumeretso siya sa ref at uminom ng tubig. "Gusto mong kumain? Nagluto ako," I said and tiningnan lang niya ako na tila ba nakakawalang gana ako kausap. "Ayoko. Sa labas ako kakain," tapos ay tumalikod na siya. Bagsak ang balikat kong naghain para sa sarili ko. Tanga mo talaga Ellaine, alam mo na ang sagot eh umaasa ka pa sa kanya. Kumakain na ako ng bumaba na siya at bihis na bihis. Walang paalam siyang lumabas ng bahay at iniwan akong nag-iisa. Nang makaalis siya ay naramdaman ko na lang ang isa- isang pagtulo ng mga luha ko. Hanggang kailan niya ako tatratuhin ng ganito? Hanggang kailan ko ba dapat danasin ito sa kamay niya? Wala naman akong ginawang mali, wala akong tinapakang tao pero bakit ginaganito ako?
Theo Monteverde's Point of View
Nandito na kami ngayon sa Devil's Bar. Sabay- sabay kaming pumunta dito nila Henry. Pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng usok, amoy ng sigarilyo, malikot na pailaw at mga nagsasayawang parokyano. Malayo palang kami ay natanaw ko na ang buong tropa. "Abay nandito si Captain!" sabi ni Jacob habang nakaakbay sa asawa nitong si Debbie. "Kumusta?" tanong ko at nakipagfist-bump sa kanya. "Okay lang. Masaya at contented ako captain," he said at ngumiti na lang ako sa kanya. I am happy for him, I can clearly see how happy and contended he is. Dumating na din ang iba naming tropa at nagsimula ng magkulitan, nagsimula na ding bumuhos ang mga alak. "Nasaan na ba si bakla? Siya promotor dito eh!" sabi ni Cerces, isa siyang teacher sa isang college institute. Noong nasa college kami ay isa siya sa magaling na point guard ng grupo at isa siya sa mga matalik kong kaibigan next to Henry siyempre. "Tinext ko na. Parating na daw," sagot ni Henry at nagsalin ng scotch sa kanyang baso. Si Cerces naman ay nagsindi ng yosi, inalok niya ako at nakangiti akong tinanggap ito. Kumuha ako ng isa at sinindihan, dinama ko ang init ng usok na pumasok sa baga ko. Tagal ko na ding hindi nakakapanigarilyo.
"Kamusta na mga sisters and brothers!" sabay- sabay kaming napalingon sa likuran at nakita namin si Dino or Dina dahil gabi na. He is wearing his baby pink t-shirt with a caption 'I Am The Best!' na pinaresan niya ng skinny jeans. Nakaheels pa siya kaya napailing na lang ako. Nakita niya ako at ngumiti siya ng alaganin. Umupo siya sa tabi ni Henry na agad siyang sinalinan ng alak. Kinuha niya ito at inisang lagok kaya tinagayan na naman siya ni Henry. "Kumusta na Papa Henry? And oh! Papa Theo you're here. Akala ko hindi ka pupunta. Nahiya kasi akong itext ka and wala din naman akong number mo kaya pinasabi ko na lang kay Papa Henry," he said at inubos na naman ang laman ng baso niya. "Hey drag queen! Kararating mo palang lasing ka na agad niya. Hinay- hinay lang," paalala sa kanya ni Henry. Inirapan niya si Henry at siya na ang naglagay ng alak sa baso niya. "Puwede bang hindi? Minsan na lang tayo magkita kita eh at saka ngayon mo na lang ulit ako kinausap," sagot ko at nag-iwas ng tingin. "Hindi ka pa namin napapatwad Papa Theo. We will never forget what you did to her but we must move on that's why kahit ayaw kitang kausapin ay need ko ng kausapin ka," "That's harsh," I said at natawa naman sina Cerces at Henry. "Hindi ka pa ba sanay kay Dina?" tanong ni Cerces at nagtawanan sila. "Nasaan pala si Louisse?" tanong ni Henry. "Nalunod na ata ang ursulang iyon! Kanina pa siya nagsasabing otw na pero hanggang ngayon wala pa!" Nag-order pa kami ng alak at pulutan. Hindi matigil ang walang puknat na tawanan. Nakakamiss ito but most of all I miss her. "Sorry guys were late!" sabi ni Louisse na kararating lang at medyo magulo pa ang buhok. "Ang bagal kasi ng kasama ko," dugtong niya at napangiwi ng may kumurot sa kanya. "Excuse me? Ako mabagal? Baka ikaw!" sigaw ng babae.
I froze.
That voice.
Her voice.
Hindi ako pwedeng magkamali. Napalingon kami sa isang babaeng maigsi ang buhok at kahit apat na taon na ang lumipas taglay pa rin niya ang kagandahang hindi ko pinapansin noong una kaming magkakilala. Si Ellaine.
"What's up guys?" then she smiled.