Chapter Two: The Day I Met Him
Ellaine May Fria's Point of View
(Note: Italic fonts are all flashback.}
"Bye Ganda!" paalam sa akin ni Baklang Dino. Akala mo ang layo namin sa isa't isa samantalang magkatabi lang kami. Nasa passenger seat lang ako, katatapos lang ng aming klase at we decided na magsi-uwi na lang muna since na drain na talaga ang utak namin because of exam. "Gaga ka. Basag na eardrums ko sa sigaw mo," reklamo ko at sumimangot naman siya. "Lumabas ka na nga! Kairita ka. Ikumusta mo na lang ako kina Tito at tita. Pagod na itech aking utak. Gusto ko ng mag-beauty sleep!" he said and nagbeso-beso kami bago ako lumabas ng kotse niya. Pagpasok ko sa gate ay napansin kong may isang kotse na nasa tapat ng entrance mukhang may bisita kami. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa loob. Pagpasok ko ay may bisita nga kami, mukhang mag-asawa. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila. "Good evening po," bati ko sa kanilang lahat. Nasa living room sila and mukhang may seryoso silang pinag-uusapan.
"Good evening din hija," the woman said then she smiles at me. Hindi naman ako naging madamot sa ngiti kaya sinuklian ko din ito ng isang matamis na ngiti. "Ito na ba ang anak mo Rogelio?" tanong niya niya kay Daddy at agad namang tumango si Dad. "Yes, she's Ellaine May. My beautiful daughter," sagot ni Dad. Pumasok si Mommy galing kusina at may dala siyang tray ng orange juice and some sandwiches. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at tinawag niya ako. "Ellaine, dito sa tabi ko. May pag-uusapan tayong mahalaga," utos ni Mommy na agad ko namang sinunod. Kaharap na namin ngayon ang mag-asawa. "Any minute nandito na din ang anak ko," sabi ng asawang lalaki. "Rogelio, pakilala mo naman kami sa unica hija mo," sabi ng babae at agad na sinunod ni Daddy. "I'm sorry for late introduction. Well anak, this is Mildred Montecarlo and her husband Reggie Montecarlo. They are my highschool friends," Pakilala sa kanila ni Dad at ngumiti ako sa kanilang dalawa. Tila natuwa naman ang asawang babae o si Tita Mildred. "You're so sweet, Ellaine. You have a very sweet smile darling," she said to me."Thank you po," iyon lang ang tanging nasabi ko. Maraming tinanong sa akin si Tita Mildred. Katulad kung saan ako nag-aaral, anong kurso ko, saan ang eskwelahan ko, kung ilang taon na ba ako, what are my hobbies and interests. Feeling ko nga job interview itong nangyayari sa akin. Wala akong natatandaang nag-apply ako for a job. Nakarinig kami ng ring ng cellphone at kinuha ni Tita Mildred and kinuha niya ang kanyang phone sa clutch bag niya. I think she read a message then ibinaba na niya ang phone niya. Ngumiti siya sa amin and said, "I thinks he's here." Maya maya lang ay may pumasok na lalaki, presko siyang naglalakad papalapit sa amin at nang makalapit na siya ay halos himatayin na akon sa sobrang pagkabigla. Nanlalaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ang lalaki. "Hija, this is my son Theo and he will be your fiancè." Oh My Gosh!
"We are here!" sigaw ni Dino nang makapasok na kami sa loob ng mansyon. Pinagmasdan ko ang paligid and wala pa ring pinagbago ang lahat. Ganito pa rin ang hitsura mula noon hanggang ngayon. Bumaba na ako ng at napapikit dahil sa sinag ng araw. Medyo naninibago ako sa klima dito sa Pinas kung ikukumpara sa Italy. Bumaba na din ang dalawa at ang mga katulong na ang kumuha ng mga gamit ko. "Anak I miss you!" sabi ni Mommy the moment I stepped inside the house and hug me. "Namiss din kita Mom. Infairness lalo kang gumaganda," i said and niyakap din siya ng mahigpit. "Tumigil ka anak. Nambobola ka na naman," she said and tumingin siya sa likod ko. Nakita niyang nasa likod ko ang dalawang bruha pero mukhang may hinahanap pa siya. "Where's Ethan?" ayan na nagtanong na siya. Sabi na nga ba eh, si Ethan ang hinahanap. "Susunod din siya Mom. Tinatapos na lang ang schooling," sagot ko at lumingon ulit sa likod ko. I know na pumasok na ang dalawang tukmol. "Is that so? Tara na nga, kumain na tayo. Mga bruha! Nagluto ako ng mga paborito niyo!" she is pertaining to Louisse and Dino. Ibinigay ni Louisse ang maleta kong hawak pa din niya sa isa sa mga katulong at inakyat. "Yes! thanks Tita!"
Dumeretso kami sa dinning area at naabutan namin si Daddy, nakangiti habang kumakain ng chocolate cake. Napansin kong sumimangot na si Mommy. Padabog na nilapitan niya si Daddy at inagaw ang kinakaing chocolate cake. "Rogelio? Hindi ba sabi ko huwag mo munang gagalawin ang cake!" himutok ni Mommy. "Eh bakit ba? Nagugutom na ko eh! Ang tagal kasi dumating ng anak natin. Nagkape lang din naman ako kaninang umaga kaya kumakalam na ang sikmura ko," sagot ni Dad. Napangiti ako. Ang tagal na nilang nagsasama but their sweetness never fade. Nainggit tuloy ako. Ay teka, bakit ba ako maiinggit eh ganyan din naman kami ng France ko kapag magkasama kami sa bahay. Habang nagbabangayan sila ay lumapit ako kay Dad at niyakap siya. Agad silang nagtigil at naramdaman kong niyakap ako pabalik ni Dad. "I miss you Dad," I said at ibinaon ang mukha ko sa leeg niya. "I miss you too my princess," he said at lalong hunigpit ang yakap niya sa akin. "Mga Ateng? Puwede mamaya na yan? Tom jones na aketch eh!" sabi ni Bakla at nauna ng umupo sa upuan. Nagsandok na nga ng pagkain niya. "Hoy, itago mo pagiging pg mo okay?" sabi sa kanya ni Louisse at inirapan lanh siya ni Bakla. Natawa na lang kami. Umupo na kami sa hapag at nilantakan ang mga niluto ni Mommy. May pinakbet, sinigang na baboy, caldereta at ang paborito kong kare kare. Namiss ko ang mga ganitong dishes. Sa Italy kasi more on pasta ang pagkain doon. I'm sure magugustuhan ito nila Ethan at France pag natikman nila ito.