Chapter Three: The Wedding
Ellaine May Fria's Point of view
"Ikaw babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong asawa? At nangangakong magsasama sa hirap at ginhawa?" Tanong ng pari sa akin. Napalunok ako. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. "Opo ,Father." Pikit mata kong sagot. Tumingin naman si Ftaher sa katabi ko na seryoso lang ang mukha. Hindi ko tuloy alam kung napipilitan ba siya dito sa pinagagawa sa amin o hindi. "Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito bilang iyong asawa? At nangangakong magsasama sa hirap o ginhawa?" Tanong ng pari kay Theo. Ilang minuto muna ang lumipas bago siya sumagot. Narinig ko pa ang ilang bulungan sa likod. "Opo, Father," sagot niya. Narinig ko pa ang mga buntong hininga ng mga bisita, na tila ba parang natanggalan sila ng tinik sa dibdib. Pagkatapos ng kasal ay dumeretso kami sa isang hotel kung saan gaganapin ang reception. Buong araw na kasama ko si Theo ay tahimik lang siya. Para bang walang kabuhay buhay. Para bang sinusunod lang niya kung ano ang sasabihin ng mga nasa paligid niya. Hindi ko naman siya masisisi eh. Hindi bang hindi masa-shock kung one minute single ka then after that malalaman mong ikakasal ka na. Ako din naman hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa paligid ko pero wala naman akong magagawa dahil sumusunod lang naman ako kina Daddy.
Pagkatapos ng kainan ay umuwi na kami- sa bahay naming dalawa. Sina Mommy at Daddy ang bumili ng bahay na ito. Talagang pinaghandaan nila ang buhay-mag asawa namin. Pagpasok namin sa loob ay namangha ako. Kung maganda tingnan ito sa labas ay mas maganda pag nasa loob ka na. Sinigurado nila na lahat ng kailangan namin ay nandito na. Kumpleto na lahat. From furnitures to kitchenwares, even the cupboards and fridge ay may mga laman ng stocks. Umakyat na ako sa itaas at pumasok sa isang kwarto. Sa laki nito ay paniguradong ito ang master's bedroom. Tiningnan ko din ang walk-in closet at napangiti ako. Lahat ng gamit ko ay nandito na din. Pumasok na ako sa banyo at nag-half bath. Masyadong nakakapagod ang araw na ito. Kahit papaano ay nabawasan ang pagod na nadarama ko. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Theo na nakabihis at mukhang aalis. "Saan ka pupunta, Theo?" tanong ko at tiningnan naman niya ako ng sobrang lamig. Ang cold ah. "Wala kang pakialam," walang kagatong-gatong sagot niya sa akin. "Theo kasi baka hanapin ka nila Mommy. Baka magalit sila pagnalaman nilang wala ka dito," I said and to think this should be our first night as a newly wed. "Let me tell you this Ellaine, that you are just my f*****g wife. Asawa lang kita sa papel. Kaya wala kang karapatang makialam sa lahat ng gagawin ko lalo na sa mga desisyon ko. Kahit kailan hindi mo ako mahahawakan." he said then he stormed out of this room. Napaupo na lang ako sa kama dahil sa pagkabigla. Hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi niya. I know that! I f*****g know that! Pero hindi naman siguro tama na isampal niya sa akin iyon di ba? Can he just be considerate or be sensitive for my feelings. Hello? I'm a human too, I can feel pain duh? He is Theo Montecarlo, an engineering student, varsity player, the cold guy, my husband and my love. Yes he's my love. Crush ko siya simula ng pumasok ako sa St. Mary's University. I didn't know that the day I said "I do" is just the beginning of my misery.
"Girl, what if magpaparty tayo for your returning?" tanong ni Dino habanag aaumiinom ng kanyang kape at nagba-browse ng kanyang Grindr account. "Oo nga! I'm sure mawiwindang silang lahat pagnakita ka nila!!" Louisse said. "Tulo laway sila pa kamo sila!" sigaw pa nilang dalawa. Mga abnormal talaga. Nandito kami ngayon sa terrace, nagpapahangin. Nagfrefreshen up. Nakakamiss ang Metro! "Ano pa bang magagawa ko kung halatang planado niyo ito?" I said while sipping my coffee. Coffee really calms my nerves. Kung iba nagpapalpitate, ako kumakalma! "Wala!" sabay pa sila. Napailing na lang ako sa kanila. Ganyan talaga sila, once they made a plan wala ng puwedeng bumali. Wala ng atrasan, bawal na tumanggi. "Kailan ba?" tanong ko. Humarap sa akin si Dino, "Kailan ka available?" tanong niya. "Anytime. Hindi pa naman ako busy. Saka ko pa naman aayusin ang negosyo ko dito." Sagot ko. Yes, balak ko magtayo ng business dito sa Metro. Napag-usapan na din naman namin ng anak ko ito and we decided to stay here for good. My son really loves his grandparents. "Next week na lang. Friday night. Usual place," sabi ni Loiuse at tumango naman kaming dalawa. "Okay. Hindi pa ba nagbabago ang lugar na yon?" I'm pertaining to the bar we usually hanged out since college days. Tagal ko na din hindi nakakapunta sa bar ah, si France kasi masyadong protective sa akin and I understands that. Ganyan niya ako kamahal. "Hindi naman. Medyo lumaki lang ang dancefloor," sagot ni Louisse. "At maraming papable na bartender at waiter!" dagdag ni Bakla with matching irit pa. Bakla nga talaga. Sa asar k ay sinabunutan ko siya, "Naku! Ang landi mong bakla ka!" I said at hinawakan niya agad ang kamay ko. "Hey! Ouch! Mahal magpasalon!" reklamo niya at binitawan ko na naman ang buhok niya. Agad niyang inayos-ayos ang buhok niya. "Ayan kasi, kalandian," sabi ni Loiusse at umirap sa kanya si Dino. "Shut up! Tigilan mo ako Louisse! If I know may isa kang bet na bartender doon! Ang cute niya ses, may dimple siya sa right cheek. We all know naman na kahinaan ni Louisse ang dimples. Last week nga nandoon siya, gusto lang niya pagmasdan si dimple boy!" naasar na si Louisse sa kanya kaya hinampas na niya ito ng unan. "Che!" gigil na gigil si Loiusse at siya naman ang sumabunot kay Bakla. "Aww! Masakit! Bitawan mo ang hair ko!" Napailing na lang ako. They never change. They're still the friends I knew.
Ako lang. Ako lang ang nagbago sa amin.