"Sino ba ang mas mahal mo?" tanong ko sa ate ko.
"Kuya mo," amin niya sa akin.
"Dapat, ate mamili ka na kung sino ang MAS MATIMBANG sa PUSO mo masasaktan man sila alam naman nila ang totoo." aniko bigla naawa ako sa sitwasyon ng ate ko.
"Iisa lang ang pipiliin mo hindi dalawa ang puso natin para magmahal ng dalawang lalaki o babae," aniko sa ate ko.
"Yes, sir matured na ang kapatid ko siguro nagmamahal ka na rin at ganyan ka kung magsalita kung may girlfriend ka ipakilala mo sa amin nina dad at mom." birong aniya sa akin saka hinawakan niya ako sa balikat.
"Hindi naman, ate." aniko sa ate ko.
"Kausapin mo si Vhenno na boyfriend mo, ate umamin ka sa kanya ipagtapat mo ang tungkol sa inyo ni kuya kung siya talaga ang mahal mo at hindi ang boyfriend mo," seryoso kong wika sa ate ko.
"Tama ka, Jeree mas pinipili ko pa rin ang kuya mo kaysa kay Vhenno hindi ko lang kailan ko ito maipag-tatapat sa kanya." aniya sa akin napalingon kaming dalawa nang may magsalita sa likuran namin.
"Kuuuuyyyya!" sigaw ko nang makita ko si kuya Chie.
Lumapit naman siya sa akin hindi ako gumagalaw sa pwesto ko.
"Wo hui bangzhu ni, hon wulun ni shi dui haishi cuo, wo duhui shoushang dan qing ji zhu wo ai ni, ni shi wo weiyi ai de nuren." sambit niya sa ate ko nang tignan pagkatapos nya akbayan nya ako.
(I will help you, whether you're right or wrong I'm hurt but, remember that I love you, you are the only woman I love.)
"Kenchie," gulat na aniya na umiiyak wala siyang pakialam kung nasa tabi niya ako.
"Ang pangit mo talaga umiyak, ate ay! Kuya, sorry nagawa ko sa kasama mong babae mataray din naman siya eh nasagot ko." naalala kong sambit at napatingin ako kay kuya Chie.
"Kaya nga inis siya sa'yo ngayon...hahaha!" asar ni kuya Chie sa akin.
"Hayaan mo siya maganda nga ang taray naman at ang arte pa," aniko bigla.
Kung alam mo lang kuya..ang kapatid mo ang nagugustuhan ko.
"Kenchie," sabat ng ate ko at inakbayan niya ito sa balikat din.
"Aalis man ako isasama kita, hon hindi ko na itutuloy ang pag-alis ko kung nasaan ka nandun ako wag mo na uulitin itama mo ang lahat masaktan man ako o hindi siya man ang masaktan alam naman niya ang katotohanan." wika ni kuya Chie hinalikan niya sa labi ang ate ko kahit parehas niya kami inakbayan.
"Salamat, Jeree." aniya sa akin.
"Wala 'yon, ate." aniko ngumiti na lang at yumakap ako sa ate ko.
"Hindi!" sabay na sambit naming dalawa ng ate ko sabay tumawa ng malakas.
"Halika nga dito, kuya." tawag ko at hinila ko palapit sa amin.
"Love you...ikaw lang ang nagmay-ari ng puso ko," bulong ng ate ko napailing ako ng lihim dahil narinig ko rin naman.
"Love you so much," sambit ni kuya Chie at napangiti na lang.
"Cheerss....." aya ko nang bumitaw dumeretso nang upo sa veranda.
"Kayong dalawa..." sigaw ni ate sa aming dalawa.
"Joke lang, ate pero pwede ba? Nasa loob naman tayo ng bahay eh?" birong aniko sa ate ko.
Tumawa na lang si kuya Chie sa sinabi ko magiging ganito pa kaya kami kung malalaman niya ang pagkagusto ko sa kapatid niya.
"Dito ka na ulit tumira, kuya." tanong ko sa kanya.
"Hindi muna, Jeree." wika niya sa akin.
"Bakit?" takang tanong ko naman sa kanya.
"Okay, kuya." aniko na lang.
Sana magka-bati na silang dalawa ng ate ko ayokong nalulungkot ang kapatid ko hindi ko kayang makitang nalulungkot siya at nasasaktan maulit ang nakaraan 5 years ago bago niya nakilala si kuya Chie.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.
After 5 minutes
Kinabukasan, sumabay ako na pumasok sa school namin kasama ang bestfriend niya na si ate Kecha habang naglalakad nakita naming lumapit si Vhenno kaya napatingin na lang kami.
"Bhabe? Bakit hindi ka pumasok?" tanong nito sa ate ko nang makita niya ito.
"Sorry! Nagkasakit ako." pagsisinungaling aniya sa boyfriend niya.
"Okay ka na ba?" tanong nito hinawakan niya ang kamay ng ate ko.
"Ate, bakit mo siya iniwasan?" tanong ko nang inihatid niya ako sa classroom.
"Brad!" tawag ng kaibigan ko sa akin nang papasok na ako sa loob ng classroom.
Tumango na lang ako at naupo sa pwesto ko.
After 2 hours
Lumabas na kami ng classroom dahil breaktime namin mas maaga ang oras namin kaysa sa college students.
Nang matapos ang oras ng breaktime bumalik na kami sa classroom.
Ilang oras nakalipas, natapos na ang klase namin lumakad na ako kasama ang ibang kaibigan.
"Ate mo.." bulong ng kaibigan ko sa akin at may tinuro siya.
Sinundan ko ng tingin ang tinignan niya at napakunot ako ng noo nang makita kong iba ang itsura ng ate ko at ng boyfriend niya.
Sinundan ko silang dalawa hindi ko alam na sumunod sa akin ang mga kaibigan ko.
"Putang ina-nagawa 'yon ng ate mo?" wika ng isa sa kaibigan ko.
"Shh.." saway ko kaagad sa kanya.
"Fiance ng ate mo ang kasama nyo sa bahay si kuya Chie tapos boyfriend niya si kuya Vhenno? Akala ko matino ang ate mo sa ibang babae hindi rin pala." wika ng kaibigan ko sa akin.
Hindi ako sumagot at umalis na lang ako bigla. Nagtaka ang mga kaibigan ko sa ginawa ko pero tahimik lang sila hanggang sa umuwi na kami sa bahay.
Busy kaya siya?
Ayoko siya isorbohin gabi pa naman ngayon.
Umuwi na ako sa aming bahay inaalala ko pa rin ang narinig at naabutan ko sa garden ng school namin.
After 2 days
May bibit akong maliit na karton na may nakasulat.
WELCOME BACK
"MOMMY AND DADDY"
"Nakikita mo na ba sila, Jeree?" tanong ng ate ko sa akin.
Habang naghihintay kami sa airport biglang tumunog ang cellphone ni ate at sinagot nya ang tumatawag sa kanya.
"Are you okay, hon?" puna ni kuya Chie sa kanya nang tabihan niya ito minasdan ko ang mukha ni ate Jia.
Nalingunan ko na inakbayan ni kuya Chie ang ate ko luminga-linga ako para hanapin ang magulang namin.
"Ate, ayun sila!" tawag ko sa ate ko nang matanaw ko ang magulang ko sabay turo na palapit sa amin.
"Ni hao, wo de liang ge haizi?" bungad ng daddy namin at ngumiti lang.
(How are you, my two children?)
"Baba, wo meishi." wika ni ate at humalik sa pisngi ng daddy namin.
(I'm fine, dad.)
"Ni xianzai bi ni hai gao, erzi qunian ni bubi wo gao." wika ng daddy ko at umakbay sa akin.
(You're even taller than me, son now, last year you're not taller than me.)
"Yes and true, dad." aniko sa daddy ko.
"Hey, paano naman ako?" tampong sabat ni mommy sa amin.
"Tampo naman si mommy." sigaw ko mabilis na lumapit sa kanya at yumakap ako ng mahigpit dito.
"Syempre naman niluwal ko kayong dalawa at siyam na buwan ko kayo dinala sa loob ng tyan ko," aniya sa amin.
"Kamusta ka na, Chie?" tanong ni daddy kay kuya Chie.
"Okay lang po ako, daddy." sabat ni kuya Chie yumakap rin sya kay daddy.
Sa bahay
Nakaupo kami sa sala nang matapos kami kumain ng hapunan nagkwentuhan kaming lahat.
"Kamusta na kayong tatlo dito sa bahay?" tanong ni daddy sa amin.
"Okay lang, dad." masayang wika ni kuya Chie at hinawakan niya ang kamay ni ate Jia.
Nagpunta na kami sa kani-kanilang kwarto para matulog. Kinabukasan, humihikab ako ng makarinig ako ng kaluskos habang pababa ng hagdanan.
"Hello son, good morning!" bati ni mommy sa akin hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko ang magulang ko.
"Good morning, mom." aniko yumakap ako sa kanya.
"Sobra mo ako namiss, son namiss rin kita..." mahinang sambit ni mommy sa akin.
"Masarap ang kakain ko!" aniko nang ma-amoy ko ang niluluto sa kusina.
"Hintayin natin ang ate mo.." wika ni mommy sa akin napatango na lang ako.
Nagpunta ako sa sala para manood ng TV naghintay lang ako sa pagtawag ni mommy sa akin. Naiisip ko lang naman si Chielle habang nanonood ako.
Kamusta na kaya siya?
"Kumain na tayong lahat!" sigaw ni mommy bigla.
Tumayo na ako at pinuntahan ko sila.
"Good morning, hon." bati ni kuya Chie sa ate ko at humalik sa pisngi nito.
"Morning din, hon." bati ng ate ko kay kuya Chie.
"Good morning, sweetie." sabat ni daddy.
"Party wow naman!! Pero, hindi ganoon ang plano namin, mom." wika ni ate nang uminom muna ng tubig bago sya magsalita ulit.
"What do you mean, sweetie?" sabat ni daddy.
"Hmm...punta po tayo ng beach." sabat ni kuya Chie.
"Talaga?" wika ni mommy sa amin.
"Yes, mommy." masayang sabat ko na lang.
"Wow! Pero, magastos hmm...dito na lang tayo kaya?!" wika ni mommy kay kuya Chie.
"Dapat sa beach, mom party nga ang gagawin natin eh! Minsan lang tayo mabuo at mag-iimbita pa tayo close friends," aniko.
"Ni hai lei ma?" wika ni daddy kay mommy nang mapansin nyang pagod ang itsura nito.
(Are you still tired?)
"Naninibago lang ako sa klima," wika ni mommy habang nagliligpit ng pinagkainan namin.
"May party pa rin na gagawin dito sa bahay, saan?" wika ni ate.
"Pool area o sa rooftop ng bahay natin dun na lang natin gawin," sambit ni daddy.
Tinawagan ni ate ang kaibigan niya nang kunin nya sa kwarto ang naiwang cellphone. Pumunta siya sa garden para dun makausap ng maayos ang kaibigan.
"Magdahan-dahan ka lang sa pagtalon baka madulas ka!" sita ni mommy sa akin inawat nya muna ako sa pagtalon.
"Okay, mom." aniko at naupo ako sa gilid ng pool.
"Sweetie, paki-kuha sa kusina ang mga pagkaing niluto natin kanina lang." sigaw ni mommy kay ate Jia.
"Heto na po, mom." bungad ni ate at inabot nIya kay mommy ang dalang pagkain mula sa aming kusina.
Masaya ako na makitang kumpleto kami ngayong araw na hindi namin nararanasan ni ate noon.
"Let's go!" sabat ni daddy lumapit saka hinabol kami.
"Hey!" sigaw ni mommy nang kilitiin siya ni daddy sa tagiliran niya.
"Daddy!" angal na sambit ni ate at tumakbo naman.
"Tito, habulin natin sila! Haha!" sigaw ni kuya Chie at hinabol niya si ate Jia.
"Tumigil n-a kayo!" sigaw ni mommy kay daddy.
Tumatawa naman sa may gilid ng pool si ate Kecha.
"Araguy! parang mga bata ito!" hiyaw na sambit ni mommy tumatakbo para umiwas kay daddy.
"Ganyan talaga!" asar na sambit ni daddy kay mommy.
"Parang hindi pa tayo matanda ah! Tumigil na tayo!" natatawang saway ni mommy nang huminto sya sa pagtakbo.
"Tumigil ka na rin, hon." sigaw ni ate kay kuya Chie.
"Ayoko nga! Haha!" birong wika ni Chie hinabol niya pa rin si ate Jia.
After 2 hours
"Nakakapagod talaga! Hindi na talaga ako bumabata, Jeo." sambit ni mommy nang maupo na ulit sa upuan.
"Naghain na po kami ni Jeree ng pagkain." sabat ni ate Kecha.
"Sorry na!" wika ni kuya Chie at tinabihan niya si ate Jia.
"Ewan ko sayo!" mataray na sambit ni ate kay kuya Chie.
"Sorry na please!" sambit ni kuya Chie.
"Tumigil ka nga nakakahiya ka!" naka-simangot na sita ni ate kay kuya Chie.
"Ayoko!" sambit ni kuya Chie.
"Hay kumain na lang tayo." sambit ni ate kay kuya Chie.
Hanggang matapos ang party hindi pa rin nagpapansinan sina kuya Chie at ate Jia napansin ko ito.
Masaya ako na kahit ilang linggo lang nakasama namin ni ate ang magulang namin kahit busy sila sa trabaho.
A few weeks later
My classmates got ready for our Christmas party. We boys, bought decorations to hang on the side of every window of our classroom.
Ilang araw lang magkakasama kaming magkakaibigan na magpunta sa school. Nagkita pa kami ni kuya Chie nauna sa akin magpunta napakaway na lang ako at naglakad na kami papunta sa classroom.