Chapter 8 - He secretly loved her

1938 Words
Madalang na lang kami mag-usap dahil parehas kami busy sa school. Gusto kong umamin sa kanya kaso, iniisip ko personal para hindi siya magduda sa nararamdaman ko. Masaya ako para sa kapatid ko at kay kuya Chie nagka-ayos na silang dalawa. Nalaman namin na hindi pumasok si ate Kecha sa school namin. "Nasaan kaya si ate Kecha?" aniko na lang habang naglalakad pabalik sa classroom. "Ang lalim ng iniisip mo, brad babae ba?" bungad ng kaibigan ko sa akin. "Hindi naman," aniko sa kaibigan ko. "May exchange gift ka na ba sa christmas party natin? Malapit na 'yon ah!" wika ng isa ko pang kaibigan bigla siya sumulpot sa tabi ng kaibigan namin. "Puta ka! Madadagukan ka nyan para kang kabute pasulpot-sulpot," gulat na sambit ng kaibigan namin tinabig niya ang kamay nito na aakbay sa kanya. "Haha.." tawang aniya sa amin. "Wala pa akong naiisip na regalo para taong ka-exchange gift ko," aniko sa kanya. "Ayun siya! 'Yong tahimik nating kaklaseng babae maganda sana siya eh.." wika ng isa ko pang kaibigan at may tinuro sa amin. "Wirdo kamo! Nakangiti lang mag-isa sa likod wala naman syang katabi dun," aniya sa aming dalawa. Tinignan ko ang tinuro niya at nakita ko siya rin ang muntik ko nang mabangga. Parang pamilyar siya sa akin baka nga kaklase namin siya hindi ko lang talaga alam. Nagpunta na kami sa classroom namin para sa next subject. After 3 hours Umalis na kami ng ate ko at kasama si kuya Chie. "Kecha!" tawag ni ate sa labas ng bahay ng kaibigan niya nang buksan niya ang gate at pumasok kami sa loob ng bahay. "Wala yatang tao," sabat ni kuya Chie tinignan ang buong paligid ng bahay. "S-Jia, Chie at Jeree," bungad ng matandang babae at napangiti na lang. "Tita Jina, nakabalik na po kayo?" masayang wika ni ate nang makilala niya ang sumalubong sa amin. "Oo, kahapon pa kami nakabalik kasama namin ang anak ni Kecha pasok kayo sa loob nandito rin ang tito Kenneth nyo." sambit ni tita Jina sa amin. Nagka-tinginan kaming tao at sumunod sa loob ng bahay. "Nasaan po si Kecha?" tanong ni kuya Chie at naupo sa mahabang sofa. "Hindi po siya nagsabi, tita kaya pala hindi siya pumasok para sa pag-hahanda ng party sa school." wika ni ate sa mommy ni ate Kecha. "Wala rin siyang alam na nandito kami sa Pilipinas, hija sinurpresa namin siya." sambit ni tita Jina tinawag niya ang isang katulong para dalhan kami ng miryenda. "Ay! Wag na, tita may gagawin din po kaming tatlo," wika ni kuya Chie. "Kamusta na kayong dalawa?" tanong ni tita Jina kina ate Jia at kuya Chie. "Mabuti naman po kami, tita." wika ni kuya Chie. "Kailan nyo ba balak magpakasal sa tagal nyo nang may relasyon?" tanong ni tita Jina. "Wala sa isip namin ang kasal, tita kuntento na kami sa ganitong set-up gusto namin makapagtapos ng college muna at makahanap ng trabaho bago kami magpakasal," wika ni kuya Chie napatingin siya kay ate Jia. Nang dumating ang katulong kasunod nito si tito Kenneth. "Ang lalaki nyo na," bungad ni tito Kenneth sa amin. "Uuwi na kami, tita salamat sa miryenda." wika ni kuya Chie nang uminom kaming tatlo ng dinalang mango juice. "Kaagad hindi nyo sila hihintayin?" sambit ni tito Kenneth sa amin. "Hindi na po, tito gusto lang namin malaman kung bakit hindi pumasok sa school kapatid na po ang turing namin kay Kecha nag-alala lang kaming tatlo salamat po sa miryenda." wika ni kuya Chie. Hinatid kaming tatlo sa labas ng bahay kumaway na lang kami ni kuya Chie sa kanila ngumiti lang si ate Jia. Lumakad na kami palabas ng subdivision para maka-uwi sa bahay namin. "Hayaan muna natin siya na makasama ang anak niya," wika ni ate Jia at inakbayan niya ako. Sumakay kaming tatlo sa bus pauwi sa bahay. Christmas Party namin sa susunod na linggo. Babae ang reregaluhan ko sa christmas party namin. Naging busy kami sa exam namin at sa paghahanda ng christmas party. "Excited na ako sa last christmas party natin dito sa building bilang high school student, saan nyo balak mag-college?" tanong ng kaibigan ko sa amin habang naghihintay kami sa pagdating guro namin. "Dito pa rin ako pero hindi pa sigurado dahil balak akong dalhin nila mom at dad sa America," aniko sa mga kaibigan ko. "Ah!" wika nila sa akin. Nagsimula na ang christmas party namin. Nagkaroon ng palaro ang classroom namin nagtawanan lang kami. "Exchange gift na!" sigaw ng class president namin sa amin. Nakatingin lang ako sa mga kaklase ko nag-tatawanan. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang isang babaeng nakatingin sa akin. "Brad, ganda ni Deiselle noh?" wika ng katabi kong kaibigan. "Sakto lang!" aniko sa kanya. "Crush ko nga siya eh..kaso mailap siya," wika nya sa akin. "Makipag-kaibigan ka sa kanya," aniko sa kanya. "Kapag may lumalapit sa kanya na katulad natin lumalayo siya kaagad," wika niya sa akin. "Huwag mo siya agawin sa akin ah..kapag lumakas ang loob ko aamin ako sa kanya," wika niya kaagad sa akin. "Bakit hindi ngayon? O pagkatapos ng bagong taon?" aniko sa kanya. "Nahihiya ako eh.." wika niya sa akin natawa na lang ako bigla. "Ang lakas mo manligaw sa ibang babae natitipuhan mo pero pagdating sa kanya natotorpe, ikaw pa ba 'yan?" natawang aniko sa kanya. "Tinamaan ako ni kupido sa kanya," wika niya sa akin. Natawa na lang ako at tumahimik kami ng magsalita ang class president namin. "Girls, tumayo kayo sa inuupuan nyo at lumapit kayo sa taong bibigyan nyo ng regalo." sambit ng class president namin nakikinig lang kami sa kanya. "May kanta ka na ba para sa battle of the band mamaya?" tanong niya sa akin. "Nasa locker ko ang kanta mabuti nga pinag-isa ang araw ng christmas party at intrams naudlot dahil sa bagyong Lawin o Marce ang lakas ng ulan muntik na tayo hindi makapasok dahil sa bagyo," aniko sa kanya. "Oo nga noh! Mabuti tinuloy pa rin nagkasunod-sunod kasi ang bagyo ng Pilipinas," wika niya napahinto kami sa pag-uusap ng may nakatayong babae sa harap namin. "E-excuse me, this is my gift to you." sambit ng isang boses napatingala ako nagka-tinginan kaming dalawa ng kaibigan ko. "Hmmm..thanks!" aniko at tinanggap ko ang binigay niya sa akin. "Ang swerte mo naman, brad siya pala ang nakabunot sa pangalan mo nakaraang linggo para sa exchanged gift, nainggit ako." wika ng kaibigan ko sa akin napailing na lang ako. Ilang oras makalipas, nag-text ako sa ate ko para mag-paalam na gagabihin ako ng uwi at kasama ako sa battle of the band ng intrams. "Ate!" tawag ko sa ate ko nang makita ko sila. "Oh! Uuwi na tayo?" aniya kaagad sa akin. "Hindi po ako makakasama dahil may practice po kami para battle of the band," aniko sa kanya kahit ang totoo kakanta ako. "Battle of the band? Intrams na pala ang bilis." sabat ni ate Kecha sa amin. "Oh! Sige, mag-text ka kapag uuwi ka na." aniya sa akin. "Sige po, bye." aniko at lumayo na lang kaagad ako sa kanya pupunta ako sa locker room ko para kunin ang master piece ko. Narinig ko pa ang sinabi ng ate ko at ng kaibigan niya. "Hay! Binata na nga siya," aniya sa akin. "Yeah! Tara?" aya ni ate Kecha sa ate ko napalingon pa ako. "Tara, hinihintay ka na ng prince charming mo." birong asar ni kuya Chie sa kaibigan niya. Napapailing na lang ako sa kanilang tatlo. Bestfriend forever nga silang tatlo mula sa China hanggang dito sa Pilipinas. Maaga kami umalis nina ate Jia at kuya Chie sa bahay. Ginamit namin ang kotse ng daddy namin ni ate Jia. Nang makarating kami sa school pumunta muna kami sa classroom nila nakasunod lang ako sa kanila. Hinanap ni ate Jia ang kaibigan niya nang hindi nya makita nag-text siya dito. "Hindi daw siya sasabay sa atin." sambit niya kay kuya Chie. "Bakit? May kasama o pupuntahan daw ba siya?" na-itanong ni kuya Chie nakikinig lang ako sa kanilang pag-uusap hindi ko pinapansin ang mga tingin ng college students sa akin. Napatingin ako sa nag-tilian napapailing na lang ako. Bumaling ang tingin ko sa dalawang kasama ko. "Ang tagal mo naman," wika ng ate ko sa kaibigan niya nang makita nya ito. "Hey! Wazzup bro." sambit ni kuya Chie sa kaibigan niya na si kuya Jong nang makita ito na pumasok sa classroom. "Hoy! Jia Li wag mo ako tignan nang ganyan." sita ni ate Kecha sa kaibigan niya nang tinitignan siya nito ng mapang-asar. "Si ate Kecha namumula hahaha!" asar ko sa tinuturing na kapatid ko. "Tse! Tigilan nyo ako." wika ni ate Kecha sa amin ngumiti lang ako sa kanya. "Mabuti na lang palabunutan ang exchange gift ngayon buong section ng college building hindi katulad nung first, second, third." wika ni kuya Jong nag-ngitian lang kaming dalawa. "Sinabi mo pa! Kuya, ang pinag-kaiba by departments ng building aalis na ako baka hinahanap na ako sa ibang section sa high school departments." sabat ko lumabas na ako ng classroom. May konting salo-salo sa loob ng classroom namin ngayon kaya bumalik ako sa school. Nagpunta na ako sa classroom namin naabutan ko kakaunti lang ang nagpunta. "Sabi marami ang pupunta, bakit bente piraso lang?" bungad ng kaibigan ko nang tabihan nya ako. "Ewan ko ba..." aniko sa kanya umiiling na lang ako. "Gala na lang kaya tayo? Palista tayo sa attendance tapos tumakas na tayo." bulong niya sa akin. "Baliw! Minsan lang ito saka kailangan ko rin umuwi sa bahay namin." aniko sa kanya. "Hindi ka nga pala pala-gala," aniya sa akin ngumiti lang ako. Nauna akong umuwi sa ate ko at kay kuya Chie mag-commute ako nito. Naghihintay ako sa waiting area ng terminal ng tren mapalingon ako nakita ko ang babaeng nagbigay ng regalo sa akin nung christmas party ng school namin. Nang tatawagin ko siya bigla naman dumating ang tren dumagsa ang mga tao papalabas at papasok sumabay ako sa agos ng mga tao at tumayo sa tabi ng bakal. Hindi ko na siya nakita hanggang sa makababa ako. Nakaramdam ako ng pag-vibrate ng cellphone ko at nakita kong umilaw ang screen. Nakita kong may message ako mula sa kanya kaagad kong binuksan. Text message Mitchielle: Pssst.. Mitchielle: May sasabihin ako sa'yo pero atin-atin lang ^.^ Anong ibig niyang sabihin sa text niya? Napahawak ako sa dibdib ko nang bumilis ang t***k ng puso ko. Ilang araw na nakalipas naghahanda na kami sa celebration ng kapaskuhan at bagong taon. Namili ng groceries si kuya Chie naiwan kami sa bahay ni ate napagod siguro siya kagabi. "Saan ka, ate?" tanong ko sa kanya nang makitang aakyat muli ito sa kwarto. "Sa taas kukunin ko lang 'yong cellphone ko sa kwarto." aniya sa akin nang lingunin niya ako nasa kalagitnaan na siya ng hagdanan. Pagkabalik niya nakinood ng TV sa tabi ko. "Nasaan si kuya Chie?" tanong ko kahit may hula na ako nang lingunin ako. "Ta qu chaoshi goumai shicai pengtiao shiwu dai dao dujiacun." aniya sa akin may plano kaming mag-overnight sa isang resort. (He went to the supermarket to buy ingredients to cook food to take to the resort.) "Para saan pa, ate? May pagkain tayo sa ref ah!" kaagad kong sambit sa kanya. "May pupuntahan daw tayo kaya bumili pa sya ng karagdagang pagkain." aniya sa akin napa-isip bigla ako. "Saan tayo pupunta?" curious na tanong ko sa kanya baka alam niya lang. "Hindi ko alam ang plano ng kuya Chie mo," aniya sa akin at ibinalik niya ang tingin sa television. "Ah! Sana makauwi sina mommy at daddy dito sa Pilipinas para kumpleto tayo," mahinang aniko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD