Pinayagan ako ng magulang ko na mag-bakasyon ng ilang linggo sa Pilipinas kaya si kuya Chie ang sumundo sa akin sa airport.
"Kuya! Ate!" tawag ko nang matanaw ko sila.
Kinawayan ko na lang sila at tinulak ko ang cart na may laman na maleta ko.
"Nagka-jetlag ka?" tanong ni ate Jia sa akin nang makalapit ako sa kanila.
"Medyo, ate inaantok pa nga ako.." aniko sa hipag kong hilaw.
Gusto ko ang fiancee ni kuya hindi siya mabait tignan pero kapag nakilala mo siya ng lubos parang gusto mo siya maging kaibigan.
"Umuwi na tayo para makapag-pahinga ka," sambit ni kuya sa akin.
"Gusto kong gumala naiinip ako sa bahay saka sobra ang tulog ko na eh," sambit ko sa kapatid ko.
"Ang kulit mo talaga! Mabuti pinayagan ka nila mommy at daddy na bumabyahe ng mag-isa kung ako nyan may kasama ka," wika ni kuya sa akin.
Inirapan ko si kuya daig pa niya si daddy kung maka-istrikto.
"Tse! Mabuti na lang hindi ikaw si daddy ilang linggo lang ako dito, ano babalik din ako sa America." irap kong sambit sa kapatid ko.
Napapailing na lang sa amin si ate at sumakay na kami sa sasakyan nila.
Nang makarating kami sa bahay nila pinarada ni kuya ang sasakyan sa garahe nila bago kami bumaba hinila na ako ni ate Jia papasok sa loob ng bahay nila.
"Ang kulit nyong magkapatid, ano?" wika ni ate Jia sa akin nang lumingon siya.
"Siya kasi, ate minsan lang ako nandito sa Pilipinas ganyan pa siya sa akin." angal ko kay ate Jia.
"Ewan ko sa inyong magkapatid," iling sambit ni ate Jia at naupo ako sa sofa nila nang pumasok kami sa loob ng bahay.
Nang pumasok si kuya nilagay niya sa guest room ang maleta ko inalis ko naman ang shoulder bag ko sa balikat.
"Magpahinga ka na sa guest room, Chielle." bungad ni kuya sa amin.
"Kukuha lang ako ng iinumin natin," sabat ni ate Jia at tumalikod na sa amin.
"Sige na, kuya.." ungot ko sa kuya ko.
"Bukas na lang kita sasamahan, Chielle may klase pa kami mamaya inaantok na din ako." sambit ni kuya sa akin.
"Ang daya?!" angal ko na lang sa kuya ko at sinimangutan ko siya.
"Ang kuli—" putol ko sa kuya ko nang magsalita ako sa kanya.
"Kuya! Samahan mo ako bukas sa SM bibili ako ng new clothes pretty please?" sambit ko pa rin sa kuya ko sumimangot na ako ng mukha.
Mamaya pa naman eh...
"Sa sabado na lang, Chielle may pasok pa kami ng ate mo sa school," wika ni kuya sa akin.
"Kuya naman eh..sasabihin ko kina dad na babalik ako bukas sa America kukuha kaagad ako ng flight, kuya minsan lang ako mamasyal ng mag-isa dito sa Pilipinas eh.." ungot ko sa kuya ko.
"Mitchielle!" pananaway ni kuya sa akin.
"Pretty please, kuya?" sambit ko may nakita akong lalaki na hindi ko kilala pero pakiramdam ko unang crush ko sa school noon.
Pinilig ko ang ulo ko para manumbalik sa dati ang pakiramdam ko at bumuntung-hininga na lang ako.
"Hindi nga bukas, Chielle sa sabado sasamahan ka namin ng ate mo sa SM." wika ni kuya sa akin dahilan para muli akong humarap sa kuya ko.
"Sabi nga ni manang pagkarating namin kanina lang," wika ni ate Jia sa lalaki baka ito ang kapatid niya.
"Jeree, siya si Mitchelle kapatid ko bunso man siya sa panlabas pero ka-edad mo siya," wika ni kuya ng ipakilala niya sa akin ang kapatid ni ate Jia napa-titig ako sa maamo niyang mukha.
Tumitig ako sa kanya at tumitig rin siya sa akin.
"Ikaw ang kapatid ni ate Jia, hello..." anko sa kanya ngumiti ako pagkatapos.
Tumango lang siya nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya na hindi ko maintindihan kapatid lang siya ni ate Jia eh.
"Punta muna ako sa kusina," aniya at lumakad na siya papunta sa kusina nila.
"Ganun ba ang kapatid mo, ate?" tanong ko nang sundan ko ng tingin ang kapatid ni ate Jia.
"Suplado talaga 'yan pero kapag nakausap mo at nakilala mo siya ng lubos magbabago ang tingin mo sa kanya," wika ni ate Jia sa akin nang sundan niya din ng tingin ang kapatid niya.
"Chielle, sa sabado ka na lang umalis kasama mo pa kami ni ate Jia mo at huwag ka ng makulit ah?" sabat ni kuya sa akin.
Inirapan ko na lang ang kuya ko at pumunta na ako sa guest room para dun iwanan ang shoulder bag ko.
Pumunta ako sa kusina nila para uminom ng tubig nang mapansin ko ang kapatid ni ate Jia.
Binuksan niya ang ref at kumuha ng pitsel na may tubig. Kumuha rin siya ng baso nagsalin siya ng tubig sa baso bago niya inumin.
"Bulaga!" aniko mula sa likod niya napalingon ako aambahin niya sana ako ng suntok ng makilala niya ako.
Hinarang ko ang braso ko sa mukha binaba niya kaagad ang kamay niya nang mapansin ko binaba ko na rin ang braso ko.
"Bakit mo ba ako sinundan?" tanong niya sa akin napangiti ako sa kanya.
"Jeree, right? Ako nga pala si Mitchelle hindi ako nagpakilala ng personal sa'yo si kuya kasi inunahan niya ako." aniko sa kanya napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
"'Yon lang? Mang-gugulat ka pa, ayos ka rin—mabuti hindi kita nasapak hindi ako magugulatin pero nabigla ako sa ginawa mo," aniya kaagad sa akin napapailing na lang siya pero nakita ko natawa siya.
Matured na ang mukha niya pero mukha pa rin siyang teenager sa paningin ko.
"Haha! Sorry, I'm leaving, I still bothered you." aniko at umalis na ako bigla sa harap niya mamaya na lang ako iinom ng tubig.
Ewan ko pero nabigla talaga ako sa ginawa niya sa akin.
Ilang linggo ang nakalipas hindi niya ako kinikibo o kinakausap.
Nagtataka ako sa kinikilos niya tuwing magkakasalubong kami sa bahay nila.
"Jeree, samahan mo dito si Chielle may bibilhin lang kami ng ate Kecha mo sa mall." wika ni ate sa kanya nang pumasok siya sa loob ng kwarto nito narinig ko 'yon nagpaalam kasi akong may bibilhin.
"Sige lang, ate." aniya nang marinig ko 'yon.
Napatigil pa siya ng bumungad naman ako sa kanya nang magkasalubong na naman kaming dalawa.
"Hi?" aniko sa kanya.
Lumabas ako ng kwarto nilampasan niya ako at naramdaman niyang sumunod ako at tumabi sa kaliwang side niya.
"Hey, ang tahimik mo?" puna ko sa kanya.
Hindi pa rin siya umiimik at bumaba na kami ng hagdanan.
"Bakit hindi mo ako kinakausap? Sister in law ako ng ate mo," bungad ko sa harap niya dahilan napa-atras siya nang kaunti.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nilampasan na lang niya ako. Ayoko makaramdam ng ganito sa kanya na parang virus ako sa paningin niya.
"Kuya, kapag wala kayo ni ate hindi niya ako sinasabayan sa mesa." sumbong ko sa kuya ko.
"Jeree, bakit?" sambit ni kuya sa kanya bumuntong-hininga na lang ako at hindi siya sumagot.
"Ang ilap mo talaga sa akin wala naman akong nakakahawang sakit," aniko at nakita niyang sumimangot ako sa harap ng hapag-kainan.
"Anong meron, Jeree?" wika ng ate niya sa kanya.
Hindi siya nagsalita at inubos na lang niya ang kinakain bago siya umalis sa harap namin.
Sinundan ko na lang siya ng tingin sa kanilang magkapatid nang umalis sila.
Isang buwan ko siya nakasama sa loob ng bahay namin naging mailap ako sa kanya. Hindi ako lumalapit kapag wala ang kapatid namin babalik na din ako sa America makalipas ng isang buwan.
"Sana sa pagbalik ko makausap na kita ah?" aniko nang lapitan niya ako ng ihatid nila ako sa airport.
Nailang ako sa titig niya sa akin at tumingin ako kay ate Jia.
"Pakisabi kay kuya na salamat.." aniko nang tumingin ako sa ate niya.
"Sige, sasabihin ko ikamusta mo ako kay mom at dad." wika ni ate Jia sa akin.
"Ingat kayo sa pag-uwi," aniko at kumaway na lang ako sa kanila.
Sa San Francisco, California, USA
Tumitingin ako sa f*******: ko ng makita kong may friend request sa akin. Natawa na lang ako ng makita ko kung sino ang nag-friend request.
Bakit ang ngayon pa kung kailan nandito na ako sa San Francisco?
Gusto kita makakilala nang una kitang makita pero mailap ka naman nung nasa Pilipanas.
Bakit ngayon pa?
Nireplayan ko siya napapangiti na lang ako dito. Umaga sa kanila ngayon dito gabi mamaya matutulog na ako dahil may pasok pa ako sa university namin.
Nang una ko siyang nakilala ang tingin ko sa kapatid ni ate Jia suplado siya at hindi namamansin.
"Chielle!" tawag ni mommy sa akin mula sa labas ng kwarto ko.
"Weisheme, mom?" tanong ko nang buksan ko ang pintuan ko at bumungad sa akin si mommy.
(Why?)
"Hindi ka pa ba papasok sa school mo bukas?" tanong ni mommy sa akin.
Napatingin tuloy ako sa wall clock at napanganga na lang ako napa-aray ako at napalingon sa mommy ko.
"Ni shangke yao chidaole, ni weisheme hui zheyang?" taas kilay nasambit ni mommy at minasdan niya ako.
(You're going to be late for class, and why do you look like that?)
"Wo gang qichuang, mom." sambit ko at humikab na lang sa harap ni mommy.
(I just woke up,)
"'Wag ka ng mag-puyat, anak oo nga pala samahan mo ang kapatid mo sa unibersidad nyo mag-inquire siya dun." sambit ni mommy sa akin.
"Sige, mom." sambit ko na lang.
Tumalikod na si mommy saka ako bumalik sa loob at pinatay ko na ang laptop ko. Nahiga na ako sa kama at natulog na dahil may klase pa ako bukas.
Nagtataka ako...
Sa nalaman ko kahapon nang kamustahin niya ako tapos nabanggit niyang hindi maganda ang nangyayari sa kapatid namin.
Jeree Li: Kamusta kayo dyan?
Mitchielle Swellden: Ah? Mabuti naman kami.
Kayo?
Jeree Li: Sa tingin ko may problema sila, ayos ako.
Mitchielle Swellden: Ah? Sino?
Jeree Li: Sila kuya at ate..
Mitchielle Swellden: Bakit naman?
Jeree Li: Ewan ko pero...
Mitchielle Swellden: Pero ano?
Kung ano man ang problema nila maayos rin nila 'yon
Jeree Li: ....sana nga
Dahil kung hindi magbabago si ate.
Mitchielle Swellden: Maayos nila 'yan manalig kalang
Jeree Li: Okay.
Pinuntahan ko si mommy sa kusina namin at may itatanong lang ako.
"Mom," tawag ko sa kanya.
Napalingon si mommy sa akin ngumiti lang ako.
"Why? Do you have a class today or none?" aniya sa akin tinapos niya ang ginagawa niya.
"The next morning my class, mom before ten o'clock." wika ko kaagad sa kanya.
"I'm confused, because I often talk to your older brother more than you and your brother," aniya sa akin.
"Nasa trabaho kayo, mom at si dad nagkakataon na umaga na kayo nakakauwi at nasa unibersidad na kami at si kuya Chie gabi sa kanila-sa Pilipinas." aniko kaagad sa mommy ko.
"Alright, how's your study?" tanong niya sa akin.
"It was good but it was difficult in the exam," aniko.
"You're smart enough to take the exam," aniya sa akin.
"Nambola ka naman, mom." aniko sa mommy ko natawa naman siya sa sinabi ko.
"Ano ang gusto mong itanong sa akin?" tanong nya sa akin tinititigan niya ako sa mata ko.
"Wala naman, mom." aniko na lang sa mommy ko.
"Kung magmamahal ka huwag muna ngayon, anak." aniya sa akin napatango na lang ako sa mommy ko.
"Kung magmamahal ako kapag alam kong handa na ako, mom sa ngayon hindi pa siguro ako handa." amin ko sa mommy ko at ngumiti ako sa kanya.
Umalis na ako para magpunta sa kwarto ko para matulog may pasok pa ako kinabukasan. Naging magkaibigan kaming dalawa ni Jeree alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ang damdamin ko sa kanya.
Naging komportable ang pakiramdam ko sa tuwing nagkakausap kaming dalawa ni Jeree. Para kaming may relasyon kahit wala naman talaga hindi pa pwede at nangako ako sa magulang ko.