The past...
Year 2008
Narinig kong tinawag ako ng kapatid ko mula sa ibaba ng bahay namin.
"'Te, bakit?" aniko sa kapatid ko nang makita ko siya sa may sala.
"Bumili ka ng softdrinks sa labas may susunduin kami ng kuya mo sa airport," aniya sa akin napatingin naman ako sa kanya.
"Sino ang susunduin nyo sa airport?" tanong ko sa kapatid ko.
"Kapatid niya magbabakasyon ng isang buwan dito sa atin bago siya babalik ng America," aniya sa akin napatango na lang bigla ako.
Inabutan niya ako ng pera at umalis siya nang tawagin siya ni kuya sa kusina namin.
Sino ang bisita nila?
Kumaway na lang ako sa kanila ng palabas na sila ng bahay namin. Tinawag ko ang isa sa kasama naming katulong.
"Ikaw na ang bahala dito sa bahay, manang may pupuntahan lang ako saglit," bungad ko sa katulong namin na nagwawalis sa sala namin.
Tumango lang ito sa akin at umalis na ako ginamit ko ang mountain bike ko pupuntahan ko ang kaibigan ko sa bahay nito.
"Bryan," tawag ko sa kaibigan ko mula sa labas ng bahay nila.
"Nandyan ka pala, anong meron?" aniya sa akin ng lumabas siya mula sa bahay nila.
"Bike tayo, brad!" aniko sa kanya nag-brod sign kaming dalawa pagkatapos.
"Nandyan si papa, brad hindi ako pwede lumabas ng bahay mapapagalitan niya ako." aniya bigla sa akin lumingon pa siya sa bahay nila.
"Saglit lang naman tayo mag-bike," aniko kaagad sa kanya.
"Hindi talaga, brad next time na lang siguro o bukas may pasok tayo pagkatapos ng klase natin," aniya sa akin at sumenyas na siya papasok siya sa loob ng bahay nila.
Bumuntong-hininga na lang ako at nag-bike na lang ako mag-isa. Naka-isang oras din ako nag-bike bago umuwi sa bahay namin.
"Kuya! Samahan mo ako bukas sa SM bibili ako ng new clothes pretty please?" sambit ng isang boses nagtaka naman ako sa narinig ko habang papasok ako sa loob ng bahay namin.
"Sa sabado na lang, Chielle may pasok pa kami ng ate mo sa school," wika ni kuya sa boses na nagsalita.
Dumating na sila naka-isa't-kalahating oras na pala ako. Nakauwi na siguro sila pumasok ako sa loob ng bahay pagkatapos ko isandal sa pader ang mountain bike ko katabi ng sasakyan nila.
"Nakauwi ka na pala," puna ng ate ko sa akin nang makita niya ako na naglalakad.
"Nag-bike lang ako, 'te nainip ako dito sa bahay." kaagad kong sambit sa kapatid ko at inayos ang magulong buhok nang alisin ko ang helmet.
"Pretty please, kuya?" sambit ng boses lumingon ako sa nagsalita napatitig ako sa kanya hindi ko alam pero pakiramdam ko huminto ang oras ng nasa paligid namin.
Pinilig ko ang ulo ko para manumbalik sa dati ang pakiramdam ko at bumuntong-hininga na lang ako.
"Hindi nga bukas, Chielle sa sabado sasamahan ka namin ng ate mo sa SM." wika ni kuya sa nangangalang Chielle.
"Sabi nga ni manang pagkarating namin kanina lang," wika ng ate ko sa akin.
"Jeree, siya si Mitchelle kapatid ko bunso man siya sa panlabas pero ka-edad mo siya," wika ni kuya ng ipakilala niya sa akin ang kapatid niya.
Tumitig ako sa kanya at tumitig rin siya sa akin.
"Ikaw ang kapatid ni ate Jia, hello..." aniya sa akin ngumiti siya pagkatapos.
Tumango lang ako nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya.
"Punta muna ako sa kusina," aniko at lumakad na ako papunta sa kusina namin.
Binuksan ko ang ref at kumuha ng pitsel na may tubig. Kumuha rin ako ng baso nagsalin ako ng tubig sa bago bago ko inumin.
"Bulaga!" wika ng isang boses mula sa likod napalingon ako aambahin ko sana ng suntok ang taong gumulat sa akin ng makita ko siya.
Hinarang niya ang braso niya sa mukha binaba ko kaagad ang kamay ko.
"Bakit mo ba ako sinundan?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Jeree, right? Ako nga pala si Mitchelle hindi ako nagpakilala ng personal sa'yo si kuya kasi inunahan niya ako." aniya sa akin napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"'Yon lang? Mang-gugulat ka pa, ayos ka rin—mabuti hindi kita nasapak hindi ako magugulatin pero nabigla ako sa ginawa mo," aniko kaagad sa kanya napapailing na lang pero natawa ako sa sarili nabigla talaga ako.
"Haha! Sorry, I'm leaving, I still bothered you." aniya sa akin at umalis na siya bigla sa harap ko.
Ewan ko pero nabigla talaga ako sa ginawa niya sa akin.
Ilang linggo ang nakalipas hindi ko siya kinikibo o kinakausap. Dahil kapag magkalapit kami humihinto ang paligid namin.
"Jeree, samahan mo dito si Chielle may bibilhin lang kami ng ate Kecha mo sa mall." wika ni ate sa akin nang pumasok siya sa loob ng kwarto ko.
"Sige lang, ate." aniko sa kanya nang hindi ako tumitingin.
"Kausapin mo siya pansin ko na hindi mo siya kinakausap," wika niya sa akin bago niya ako iwanan.
Bumuntong-hininga na lang ako bago ako bumaba sa kama ko at lumabas ng kwarto ko. Napatigil pa ako ng bumungad naman siya sa akin.
"Hi?" aniya sa akin alam kong nagtataka siya sa ginagawa kong pag-iwas sa kanya.
Lumabas ako ng kwarto nilampasan ko siya naramdaman kong sumnod siya at tumabi sa kaliwang side ko.
"Hey, ang tahimik mo?" aniya.
Hindi pa rin ako umiimik at bumaba na ako ng hagdanan.
"Bakit hindi mo ako kinakausap? Sister in law ako ng ate mo," bungad niya sa harap ko dahilan napa-atras ako nang kaunti.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nilampasan ko siya. Ayoko makaramdam ng ganito sa babae hindi pa pwede.
"Kuya, kapag wala kayo ni ate hindi niya ako sinasabayan sa mesa." sumbong na aniya sa kapatid niya.
"Jeree, bakit?" sambit ni kuya sa akin bumuntong-hininga na lang ako at hindi ako sumagot.
"Ang ilap mo talaga sa akin wala naman akong nakakahawang sakit," aniya at nakita kong sumimangot siya sa harap ng hapag-kainan.
"Anong meron, Jeree?" wika ng ate ko sa akin.
Hindi ako nagsalita at inubos ko na lang ang kinakain ko bago ako umalis sa harap nila. Pumunta ako sa training room sa ilalim ng bahay namin at nag-ensayo pa ako.
"Anong dahilan iniiwasan mo siya, Jeree?" wika ng ate ko sa gilid ko.
"Wo bi kai ta shi yinwei, wo bu xiwang ta chengwei women jiatíng de yi yuan." pag-amin ko sa kanya.
(I avoid her because, I don't want her to be part of our family.)
"Ni weisheme shuo ni bu xiwang ta chengwei women jia de yi yuan? Weisheme ni jiefu shi women jia de yi yuan." takang aniya sa akin.
(Why do you say you don't want her to be part of our family? Why is your brother-in-law a part of our family.)
"Ilang linggo pa lang, ate nahulog na ako sa kanya pinipigilan ko alam kong nagsisimula pa lang ito ako na ang lalayo para–" aniko nagulat ako sa ginawa niyang pagsampal sa mukha ko.
"Don't stop yourself from falling for her, just let yourself be happy with her but if you know she'll be danger by them you will protect her." aniya sa akin tumitig siya sa akin.
"Ang gagawin ko, ate lalayo ako sa piling niya ako mismo ang lalayo sa kanya para hindi siya madamay siya sa kapahamakan ayokong isugal ang lahat hindi ako kasing-tapang mo." aniko sa kanya.
"Gawin mo ang ikabubuti nyo dalawa pero hayaan mo ang sarili mo na mahalin mo siya," wika ng ate ko sa akin bago niya ako iwanan sa training room.
Isang buwan ko siya nakasama sa loob ng bahay namin naging mailap ako sa kanya. Hindi ako lumalapit kapag wala ang kapatid namin bumalik na rin siya sa America makalipas ng isang buwan.
"Sana sa pagbalik ko makausap na kita ah?" aniya nang lapitan niya ako ng ihatid namin siya ni ate sa airport.
Tumitig lang ako sa kanya at hindi nagsasalita.
"Pakisabi kay kuya na salamat.." aniya nang tumingin siya sa ate ko.
"Sige, sasabihin ko ikamusta mo ako kay mom at dad." wika ng ate ko sa kanya.
"Ingat kayo sa pag-uwi," aniya kumaway na lang siya sa amin.
Ilang linggo makalipas hinanap ko ang social media niya sa internet. I-add ko siya sa f*******: ko ilang linggo niya bago niya i-accepted. Naisip ko tama si ate hahayaan ko muna ang sarili ko na maging masaya nakipag-usap ako sa f*******:.
Mitchielle Swellden: Hi?
How are you?
Jeree Li: Okay lang.
Mitchielle Swellden: Kamusta na kayo dyan?
Jeree Li: Mabuti naman.
Mitchielle Swellden: Mabuti naman nirereplayan mo na ako.
Jeree Li: ....
Pagkatapos namin mag-usap ni-log out ko na ang messenger ko. Hindi ko alam pero napangiti ako kahit saglit lang kami mag-usap.
Nagpalit muna ako ng damit at kinuha ko ang wallet ko pati ang cellphone ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Pinuntahan ko ang ate ko sa kwarto niya para magpaalam.
"Sino 'yan?" wika ng ate ko nang kumatok ako sa kwarto nila ng maalala kong kailangan kong pumunta sa bahay ng kaklase ko.
"Ate, I'm leaving with the included of my friends." aniko nang mabuksan ko ang pintuan ng kwarto bago sumilip sa siwang ng pintuan.
"Saan kayo pupunta?" tanong ng ate ko sa akin ng tignan niya ako.
"Sa bahay ng kaklase ko," kaagad kong wika sa kanya.
"Okay, aalis din kami ng ate Kecha mo." aniya sa akin napatingin ako sa kaibigan niya.
"Okay," aniko saka sinara muli ang pintuan ng kwarto.
Napapailing na lang ako sa narinig ko sa kaibigan ng ate ko. Nagpunta na kami ng mga kaklase ko sa bahay ng isa naming kaklase.
"Brad, iba ang ngiti mo ah?" puna ng kaklase ko sa akin habang gumagawa kami ng project.
"May nililigawan ka siguro, brad sinong babae ang ma-swerte nakakuha sa atensyon ng pihikan naming kaklase." birong wika ng kaklase ko sa akin.
"Tigilan nyo na nga ako graduating na tayo oh.." aniko sa mga kaklase ko iniwas ko ang paningin ko sa kanila.
"Oo nga pala, brad hindi ba kasama nyo sa iisang bubong ang kaibigan ng ate mo siguro na-dedevelop na sila hindi imposible 'yon." wika ng kaklase ko sa akin napalingon ako sa kanya.
"Ano ngayon?" aniko sa kanya.
"Eh...sabi ng mga schoolmate natin may jowa ang ate mo sa school natin naisip ko siguro ang kaibigan ng ate mo 'yon dahil kasama nyo sa bahay pero hindi daw nangangalang Kenchie ang jowa ng ate mo," wika ng kaklase ko sa akin kumunot ang noo ko bigla sa narinig mula sa kaklase ko.
Inulit niya ba?
"Sino naman ang jowa ng ate ko?" tanong ko napatigil ako sa paggawa ng project namin.
"Vhenno Hernan daw sabi..." wika ng kaklase ko sa akin.
Vhenno Hernan, kung tama ang hinala ko inulit na naman niya ang ginawa niya noon. Ayos lang kaya si kuya?
Bumuntong-hininga na lang ako sa nalaman ko. Si ate talaga...
"Tapusin na lang natin 'to bago maglaro ng basketball," bungad ng kaklase namin na may dalang miryenda sa amin.
"Salamat, brad.." mahinang aniko sa kaklase ko at ngumiti na lang siya sa akin.
Naging tahimik si ate at kuya ramdam ko na may mali sa kanilang dalawa pero hindi ako nakikialam.
Kapag wala akong ginagawa tumitingin ako sa f*******: niya.
Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?
Naalala ko lang siya bigla sa isip ko ayoko naman maunang mag-message sa kanya thru messenger.
Palabas na ako ng classroom namin ng maalala kong tawagan ang kapatid ko.
Sasabay na ako sa kanya umuwi sa bahay namin kasabay ko sa paglalakad ang kaklase ko.
"Ate mo oh.." turong sambit ng kaklase ko sa akin napalingon tuloy ako nakita kong may kasama siyang lalaking matangkad rin katulad ni kuya Chie.
Tatawagan ko ang ate ko bobosesan ko lang ang katabi niyang lalaki. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang kapatid ko.
Narinig ko ang boses niya sa kabilang linya napatingin tuloy ako sa kanya mula sa malayo.
Calling...
Jeree: Ate, Ni zai nali?
(Where are you?)
Jeree: Deng women xiakele, wo wen ni shi bushì ye hui jiale? Hindi na ako bata, ate.
(When our class is over, I'll ask if you're going home too?)
"Who are you talking to?" tanong ng lalaking kasama niya nang kakalabitin ako ng kaibigan ko sumenyas ako na saglit lang.
"Kapatid ko," wika niya mula sa kabilang linya pero narinig ko naman.
"Oh!" gulat na wika ng lalaking kasama niya.
Jeree: Ni he shei yiqi? ate? Parang hindi si kuya Chie ang kasama mo dyan.
(Who are you with?)
Jeree: Okay, ingat ka sa pag-uwi dito sa bahay nandito na ako.
Nang binaba ko na ang cellphone at nilagay ko sa bulsa ang cellphone ko napatingin ako sa mga kasama ko.
"Bakit hindi mo sinabi nandito ka pa sa school at nakikita mo sila?" nasambit ng kaklase ko sa akin bigla nagtataka ang hitsura.
"May dahilan ako kung bakit ako nagsinungaling umuwi na tayo," aya ko sa kanila at lumakad na kami palabas ng school.
Hindi na sila nagtanong sa akin at nag-kwentuhan kami tungkol sa assignment namin.
Nang makauwi na ako kaagad akong nagpunta sa kwarto ko para magpalit ng damit. Nang pababa na ako napatigil ako ng may narinig akong boses na nag-uusap sumilip ako at nakita ko ang ate ko at kaibigan niya na si ate Kecha.
"Lutang ka," puna ni ate Kecha sa ate ko.
"Medyo naiisip ko ang sasabibihin ko sa kanya," sambit ng ate ko sa kaibigan niya.
"Dito muna ako boring sa bahay eh!" wika ni ate Kecha sa ate ko.
"Okay, nandyan na sa loob ang kuya Chie mo?" bungad ng ate ko nang makita niya ako bumuntong-hininga na lang ako bigla.
"Wala pa siya, ate." aniko sa ate ko.
"Wala pa?!" gulat na aniya sa akin.
"Oo," aniko kaagad sa kanya nagtataka ako pero may hinala na rin ako sa nangyayari.
Sinundan ko ang ate ko at ang kaibigan niya ng tingin nang pa-akyat sila sa itaas.
After 2 hours
Pabalik na ako sa kwarto ko nang marinig ko na nag-uusap sila sumandal ako sa pader sa tabi ng pintuan ng kwarto ng ate ko para pakinggan ang pinag-uusapan nila.
"Wo jide na shi ni yousan ge nan pengyou." sambit ng kaibigan nang ate ko.
(You had three boyfriends then, I remember.)
"Tama ka," wika ng ate ko nang marinig ko.
"Ewan ko sa inyong dalawa," napapailing na wika ng kaibigan ni ate sa kanya.
Nang marinig ko ang sasakyan ni kuya Chie kaagad akong pumasok sa kwarto ko at sumandal ako sa likod ng pintuan.
"Hi, hon!" wika ni kuya Chie nang marinig ko.
"Saan ka galing?" tanong ng ate ko napabuntong-hininga na lang ako.
"Nag-date," wika ni kuya Chie sa ate ko.
Date? Nakikipag-flirt na rin ba si kuya?
"Ewan ko sa'yo," sambit ng ate ko.
"Ikaw kasi eh!" rinig kong sambit ng kaibigan ni ate.
"Oo na," wika ni kuya Chie napailing na lang ako sa naririnig ko mula sa kabilang kwarto.
Ramdam ko ang malamig na pakikitungo nina ate at kuya sa isa't-isa. Ilang araw ganun ang senaryong nakikita ko nakatingin lang ako sa kanilang kilos.
"Sir?" bungad ng katulong sa akin pagkalapit niya.
"Aalis na ako, manang pakisabi sa kanila." aniko sa katulong namin bago ako umalis ginamit ko ang mountain bike ko sa pagpasok sa school.
Naalala ko ang pinag-usapan namin ni Chielle kagabi sa f*******:.
Jeree Li: Kamusta kayo dyan?
Mitchielle Swellden: Ah? Mabuti nman kami.
Kayo?
Jeree Li: Sa tingin ko may problema sila, ayos ako.
Mitchielle Swellden: Ah? Sino?
Jeree Li: Sila kuya at ate..
Mitchielle Swellden: Bakit naman?
Jeree Li: Ewan ko pero...
Mitchielle Swellden: Pero ano?
Kung ano man ang problema nila maayos rin nila 'yon
Jeree Li: ....sana nga
Dahil kung hindi magbabago si ate.
Mitchielle Swellden: Maayos nila 'yan manalig kalang
Jeree Li: okay.
"Tulala, brad okay ka lang?" bungad ng kaklase ko sa harap ko ng inaayos ko ang mountain bike ko.
"Oo, hmm..halika na.." aya ko bigla sa kanya.
"Hindi mo kasabay ang ate mo?" punang aniya sa akin bigla.
"Bakit mo naman hinahanap ang ate ko? Mamaya pa 'yon papasok ngayon." aniko bigla sa kaklase ko.
Napatango na lang siya sa akin at inakbayan niya ako sa balikat naglakad na kami papunta sa classroom namin.