Nakita ko na tumayo ang ate ko kaya sinundan ko siya napansin kong aalis kunukuha nito ang wallet at cellphone binulsa sa maong na shorts.
"Saan ka pupunta, ate?" tanong sa kanya nang sundan ko siya sa gate ng bahay.
"Pupuntahan ko ang kuya mo ilang oras na hindi pa sya umuuwi." aniya kaagad sa akin nang buksan niya ang gate.
"Sama ako sayo, ate." kaagad kong sambit sa kanya.
"Wag na! Dyan ka lang hintayin mo ang kuya mo o kaming dalawa," aniya sa akin nang pipigilan ko siya tumanggi siya.
Naiwan akong nag-iisa sa bahay namin nanood na lang ako ng TV sa sala namin. Nang ma-bored ako nagbukas ako ng social account.
Napatitig na lang ako sa lumabas na message at kaagad akong nag-reply sa kanya.
Mitchielle Swellden: Advance merry xmas dyan!
Kamusta na kayo dyan?
Jeree Li: Mabuti naman kami dito.
Mitchielle Swellden: Sina ate at kuya? Hindi pa rin ba maayos?
Jeree Li: ....
Merry christmas din sa inyo..
Ok na sila ngaun nagka-misunderstanding lang sila.
Mitchielle Swellden: Mabuti naman kung ganun,
Hindi na ako maka-message busy sa school...ikaw?
Jeree Li: Same lang.
Mitchielle Swellden: Secret natin 'to, uuwi ako dyan pagkatapos ng bagong taon.
Jeree Li: Huh?
Kasama sila tita Cheya at tito Ken?
Mitchielle Swellden: Hindi, ako lang pinayagan ako ni mommy at daddy gusto sumama ni Kennie pero hindi pinayagan nila.
Jeree Li: Sino ang magsusundo sa'yo nyan kung ililihim natin?
Mitchielle Swellden: Sa pagdating ko na lang dyan ko sasabihin madaldal kpala talaga hindi halata sau sa personal.
Jeree Li: Hindi nga kung sino lang ang gusto ko kausapin.
Mitchielle Swellden: ....
Jeree Li: May sasabihin ako sa'yo kapag nandito ka na sa pinas.
Mitchielle Swellden: Ano sasabihin mo? Ba't hindi pa ngayon?
Jeree Li: Kapag nagkita na ulit tayo.
Mitchielle Swellden: .....
Jeree Li: ....
Mitchielle Swellden: Bye na.
Jeree Li: Bye na rin...
Uuwi siya dito? Kailangan ko mag-isip ng sasabihin ko sa kanya at pag-amin ko ng nararamdaman ko para sa kanya.
Umakyat ako sa itaas at napahawak sa dibdib ko dahil tumitibok naman ang puso ko feeling ko may sakit ako sa puso.
Pababa na ako ng makarinig ako ng mga boses. Sumilip ako sa siwang kung saan makikita ang tao.
Bakit nandito ang babaeng ito?
"Nakakahiya naman, wag na uuwi na ako." wika nya sa ate ko.
"Hindi ah!" aniya.
"Sorry sa lahat!" wika niya.
"Wala 'yon! Matagal na 'yon." aniya.
"Hon, halika na!" aya ni kuya Chie sa kanila.
"Nasa kwarto ba si Jeree?" tanong ni ate kay kuya Chie.
"I'm here, ate why she's here?" tanong ko nang makababa sa hagdanan at nakita ko siya.
"Kasama rin si Vhenno?" tanong ko sa kanya.
"Yes." sabat ni ate sa amin.
"Okay," wika ni kuya Chie napangiti na lang sa ate ko.
After 2 hours
"Nakakahiya naman na sasama pa kaming dalawa," sambit niya nakikinig ako mula sa malayo.
"Friends naman tayo ah!" wika ni ate sa kanya.
"Pero," sambit niya.
"Okay lang noh!" sambit ni ate sa kanya.
"Bye!" pag-papaalam niya at tuluyan ng lumabas sa bahay.
Ibang klase talaga si ate pero alam ko ang ginagawa niya kung bakit niya 'yon ginawa.
Kinabukasan, maaga kami nagising para maghanda sa pag-alis namin papunta sa resort. Nag-impake ako ng damit na dadalhin ko at nilagay sa bagpack naalala ko ang sinabi sa akin ni Chielle.
I-zipper mo muna ang bibig mo, Jeree.
After a few hours
Nang palabas na ako ng bahay namin narinig ko pa ang tanong ng ate ko sa kasambahay namin.
"Tapos na ba?" tanong niya sa kasambahay namin.
Lumabas na ako naabutan ko ang hinihintay nila kuya Chie at ate Jia. Umiwas sa akin ng tingin ang ex ni ate Jia.
"Nandito na kayo," bungad ni ate sa labas ng bahay at nakita ang mga kaibigan niya.
"Oo, tara?" sambit ni ate Kecha sa ate ko.
Iniwan ng ex ni ate at ni kuya Jong ang kotse nila sa garahe. Bago sumakay sa van para tabihan ang dalawang babae nasa tabi ako ng driver namin na asawa ng kasambahay namin.
Nang papunta na kami sa bahay-kubo sa resort. Biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang mommy ko nagulat kaming lahat.
"Surprise!" bungad ni mommy sa bukana ng pintuan.
"Mommy?" tawag ni ate kay mommy nang makita niya ito.
"Yes, sweetie it's me..." wika ni mommy yumakap sa aming dalawa.
"Where's daddy?" tanong ni ate kay mommy.
"I'm here!" bungad ni daddy na nakangiti.
"Kailan pa kayo nandito?" tanong ni ate sa magulang namin.
"Daddy!" tawag ko at lumapit ako para yumakap.
"Oh! Son, how are you?" tanong ni daddy sa akin.
"I'm fine, daddy." aniko sa kanya.
"Oh! Hijo, napagod kayo sa byahe magpahinga muna kayo sa kwarto nyo." wika ni mommy kay kuya Chie.
"Yes, mommy." sambit ni kuya Chie.
"Sina Thea at Vhenno, mommy kasama namin." sabat ni ate pinakilala ang dalawang kasama namin maliban kina ate Kecha at kuya Jong na matagal nang kilala.
"Hello po!" sabay na anila sa magulang ko.
"Hello, tita." bati ni kuya Jong.
"Kamusta?" tanong ni mommy sa kanya.
"Mabuti naman po, tita." wika ni kuya Jong nag-mano bago yumuko bilang paggalang.
"Naka-reserved pa rin sa atin ang kwarto na palagi natin tinutuluyan dito sa resort pati sa inyo, Kecha." sambit ni mommy sa kanila.
"Po?" sambit ni Kecha inirapan ang natatawa na si kuya Jong.
"May kwarto rin kayo sinabi naman na sa akin ni Chie na may kasama silang dalawang kaibigan," wika ni mommy.
"Salamat po!" sambit ng nangangalang Thea.
"Walang anuman, hija maganda kang bata." wika ni mommy.
"Salamat po!" aniya nailang sa pag-titig ng mommy ko sa kanya.
Nagpunta na kami sa kwartong tutuluyan namin.
3 hours later, umorder ang magulang ko sa restaurant ng pagkain. Sa gilid ng swimming pool ito pinahanda.
"Kecha, kamusta na ang magulang mo?" tanong ni mommy.
"Mabuti naman sila, tita." aniya.
"Good kayong dalawa ni Jong kasal na lang ang kulang sa inyo." wika ni daddy sa kanila.
"Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol dyan, tito college na kami pero mag-degree ako sa America kung sakali may scholar ako makuha." sabat ni kuya Jong.
"Maglaro tayo, dad at mom 'yong kakaiba." bigla kong sambit sa kanila.
"Sige," aniya sa akin.
Nang matapos kami kumain naglaro na kami sa swimming pool. Hanggang sa tumunog ang cellphone ng daddy ko.
"Anong nangyari?" tanong ni mommy kay daddy.
"'Yon ang hindi ko alam kung bakit may sunog tinawagan ako ng secretary ko," sambit ni daddy tumingin sa amin ni ate Jia.
"Isang linggo lang naman na nandito tayo sulitin natin tawag-tawagan na lang natin sila kailangan tayo ng mga anak mo," nasambit ni mommy kay daddy.
"Okay lang, mom may birthday at valentine's day saka pasko pa naman." sabat ni ate sa magulang namin.
"Oo nga, mom." sambit ni kuya Chie.
Isang linggo ang tinagal namin sa resort bago umuwi sa aming mga bahay.
Nanonood ako ng may mag-doorbell sa gate ng bahay namin tinawag ko ang katulong namin. Nang bumalik may nakasunod sa kanya lalaki tinititigan ko sya.
"Ni hao ma, Jeree?" bungad na tanong niya.
(How are you?)
"Ni shi shei?" tanong ko tinititigan ko siya.
(Who are you?)
"Ni shi shei, ni weisheme renshi wo? Ni de mubiao shi shei?" seryoso kong tanong sa kanya.
(Who are you and why do you know me? Who are you aim for here?)
"Wo de mudi shi nin de meimei, wo xiang he ta tan tan." wika niya.
(My purpose here is your sister, I want to talk to her.)
"Anong kailangan mo sa ate ko?" tanong ko minasdan ko siya sa mata niya.
Hindi siya sumagot at tumayo ako para puntahan ang ate ko sa kwarto nila kuya Chie.
"Ako 'to, ate!" sigaw ko sa labas ng kwarto.
"Wait lang! Maligo ka muna para mamaya mag-ready na lang tayo." wika ni ate alam ko na si kuya Chie ang kausap niya.
"May bisita ka po sa baba, ate." kaagad kong sambit sa kanya.
"Sino?" tanong ni ate sa akin.
"Hindi po siya pamilyar sa akin pero parang kilala ko siya," ngiting aniko sa kanya.
Lumabas si ate kasunod niya ako sa likod niya.
"Sino ka?" tanong ni ate nang makababa kami mula sa pangalawang palapag.
"Kamusta?" tanong ng lalaki nang humarap sa amin.
"V-incent?" utal na sambit ni ate nang makita nya ang humarap na lalaki.
"Ako nga, my Jia." wika niya sa ate ko.
Vincent? Siya ba ang lalaking first love ni ate na iniwan siya noon.
"Anong ginagawa mo d-ito?" utal na tanong ni ate sa lalaki.
"Bawal na bang bumisita sa'yo?" tanong niya sa ate ko.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa lumayo lang ako ng kaunti.
"H-indi naman sa ganun kaya lang hindi ka na welcome sa bahay namin," aniya sa lalaki.
"Kuya.." tawag ko na lang.
"Sino ang kausap ng ate mo?" sabat ni kuya Chie tinignan ang lalaking bisita namin.
"Hindi mo siya natatandaan?" nasambit ni ate sa akin.
"Pamilyar po siya sa akin pero hindi ko maalala kung sino siya," amin ko muli kong tinignan ang lalaki.
Nakita ko ang kakaibang itsura ni kuya Chie. Napapailing na lang ako sa nakikita ko at nang aalis na ako.
"Aalis ka ba?" tanong ni ate hindi niya pinansin ang lalaking nakatingin pa rin sa kanya.
"Yeah! Sige po, mauna na ako sa inyo." aniko sa kanya tinititigan ko ang mukha ng lalaking bisita.
Umakyat na ako sa hagdanan at narinig ko pa ang tanong ni kuya Chie sa ate ko.
Tuluyan ko na silang iniwan at bumalik ako sa kwarto para maglaro ng play station.
December 31
Habang naghahanda ang mga katulong namin para sa new year eve. Naligo na ako nang matapos nagbihis na ako biglang tumunog ang cellphone ko.
Binasa ko ang notification na nakita ko sa screen ng cellphone ko. Nagulat ako sa na-received kong message mula sa overseas message.
Text message
+***-***-**** (unknown number): January 01, 2009 Flight *** in NAIA Terminal 3 at 6:00 AM morning
Mapupuyat ako nito...masaya ako magkikita kami ulit.
Nakatingin lang ako sa mga taong nagpapa-putok ng iba't-ibang klase ng paputok.
3 ... 2 ... 1
"Happy New Year, dad and mommy kahit wala kayo ngayon sa tabi namin ni ate!" sigaw ko napatingala ako at nakita kong magka-yakap silang dalawa sa veranda.
Year 2009
Pagkatapos ng bagong taon palihim akong umalis ng bahay namin. Nag-text na lang ako sa ate ko na may pupuntahan kami ng kaibigan ko at nag-commute ako papunta sa airport.
"Jeree!" tawag ng boses na 'yon napalingon ako at nakita ko siya.
"Mitch." tawag ko sa kanya.
"Si auntie at ang pamilya niya pala, auntie si Jeree kapatid ng fiancee ni kuya Chie." wika niya napatingin ako sa tabi niya.
"Hijo, sensya sa abala ah! Wala na kami kamag-anak dito kaya nagtanong ako sa pamangkin ko kung may tutulong sa amin." sambit ng auntie niya sa akin.
Patay! Kailangan ko ang tulong ng kaibigan ko. Nag-paalam muna ako sa kanila at tinawagan ko ang kaibigan ko pumayag naman siya at ang siste hindi libre ang sabi ko na lang sa bahay ko babayaran ang arkila ng sasakyan nila.
Naghintay kami ng ilang minuto bago dumating ang tinawagan ko. Kaagad na sinakay ng ama nang kaibigan ko sa likod ang mga maleta tinignan ako ng may kahulugan ng kaibigan ko.
"Nabigla ako ng tunawag agaran pa naman antok pa ako dahil ala-una na ako nakatulog," bulong ng kaibigan ko sa akin.
"Mitch si Bryan kaklase at kaibigan ko, si Mitch kapatid ni kuya Chie," pag-papakilala ko sa kanilang dalawa.
"Hi!" ngiting aniya sa kaibigan nabatukan ko tuloy natulala ang kaibigan ko.
"Hi-ang-aw!" aray na sambit ng kaibigan sinamaan niya ako ng tingin.
"Sa bahay ka ba namin ihahatid?" tanong ko.
"Hindi sa bahay nila auntie, Jeree susunod sila dad at mommy kasama si Kennie dahil surprise sa birthday ni kuya." aniya sa akin tumango na lang ako bigla.
Hinatid namin sila sa address na sinabi ng auntie ni Mitch. Nagpa-salamat pa sa amin inabutan kami ng dalawang libo at tatlong libo sa ama ng kaibigan ko kahit tumatanggi na kami.
"Pasasalamat ng asawa ko sa inyo at sa abala namin." sambit ng Auntie niya sa amin.
"Wala po 'yon, A-Auntie." nag-aalangan na aniko sa kanya.
"Text-text na lang tayo ah! Pahinga na kayo." sambit niya bigla nagulat ako ng yakapin niya ako.
"Xiexie, amour." aniya sa tenga ko nabigla ako sa ginawa niya bago lumayo sa akin at sumunod sa auntie na papasok ng bahay.
(Thank you, love.)
"Huy! Natulala ka na, siya ba 'yon? Marunong ka mamili ah hindi ko siya aagawin sa'yo, brad iyo na siya." aniya sa akin umuwi na kami sa bahay hinatid nila ako.