Nakikinig ako sa teacher namin ng makita ko ang babaeng kaklase namin nakatingin siya sa akin. Umiwas siya ng tingin ng tinignan ko siya binalik ko ang tingin ko sa teacher namin.
"Brad, saan tayo tatambay?" tanong niya sa akin.
"Pupuntahan ko si ate sa kantina, saan mo ba balak tumambay?" tanong ko.
"Sa damuhan sa likod ng building mahangin sana," aniya sa akin.
"Hindi ako makakasama," aniko sa kanya.
Tinapik niya ako sa balikat at nagtanong siya sa akin.
"Kamusta na ang chikababe mo?" asar na aniya sa akin at ngumisi siya.
"Baliw!" aniko at inalis ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Ayyiie.." asar niya sa akin inirapan ko siya.
"Para kang babae ang lantod mo," aniko sa kaibigan ko.
Hindi ko na siya pinansin pero sumasagi sa isip ko si Chielle.
"Hoy! Hindi ako ma-lantod katulad nila!" mahinang aniya sa akin ayaw niya marinig siya ng teacher namin.
"Anong ginagawa mo, aber?" taas kilay kong tanong sa kanya at ngumisi ako.
Makalipas ng ilang oras, tumunog na ang bell ng school namin hudyat na recess time na!
Kaagad ko pinasok sa loob ng bag ko ang notebook at libro ginamit namin. Nang tumayo na ako at maglalakad palabas ng classroom.
"Aw!" sambit ng isang boses mula sa likod ko napalingon ako at nakita ko ang ginawa ng kaklase namin sa kanya.
"Tumingin ka sa dinadaan mo napatid ka tuloy," aniko at tinignan ng masama ang kaklase namin tinulungan ko siyang tumayo.
"Ang ulaga naman niya kasi hindi tinitignan ang dinadaanan," sabat ng kaklase namin.
Pagkatapos ko siya tulungan makatayo tinawag ko ang kaibigan ko.
"Bryan, ikaw muna ang bahala sa kanya." sambit ko kaagad at nagmamadali na akong umalis ng classroom namin.
Nagpunta na ako sa canteen namin at hinagilap ko ang ate ko sa paligid.
"Ate!" tawag ko sa ate ko napatingin naman sa akin ang mga tao sa loob ng canteen.
"Bakit ka sumisigaw?" sita niya sa akin nang lumapit na ako sa kanila.
"Narinig mo 'yon?" sambit ni ate Kecha at tumingin sa dalawang kaibigan niya.
"Ang lakas nga eh!" nasambit ni ate Thea.
"Close na kayo?" sabat ni ate sa kanilang dalawa napangiti na lang siya pagkatapos.
"Hindi eh!" birong sambit ni ate sabay tawa ng malakas tumingin sa kanya ang dalawang babae.
"Ang landi niya talaga!" girl 2.
"Sandali lang, ate." aniko bigla akong tumayo at lumapit sa dalawang babae.
"Anong gagawin niya?" tanong ni ate Thea narinig ko pa ito.
"Puta! Mas malandi pa nga kayo sa ate ko tinatago nyo pa eh! Nakikipag-lampungan kayo sa teachers kapag walang nakakakita pero, hindi nyo alam may NAKAKAKITA SA INYO nakakahiya kayo!" sigaw ko sa dalawang babae sabay akbay na nagulat naman at natakot.
Akala ba nila hindi ko sila kilala?
Lantad kung lantad ang ginagawa nila nagkakataon nakikita namin sila ng mga kaibigan ko.
"A–eh!" girl 2.
"Wag ka manghusga ng tao kung hindi mo pa kilala lalo ang ate ko." sigaw ko bumitaw sa pagkaka-akbay saka bumalik sa tabi ng ate ko.
"Astig ka! Pero, totoo?" tanong ni kuya Chie umakbay siya akin.
"Ako pa! Pag-tatanggol ko ang kapatid ko, kuya nakita ko sila sa lumang classroom na pinapa-renovate nina sir Paulo at ma'am Vanessa." ngiting wika ko sa kanya.
"Tse! Don't call me lil'bro I'm not kid anymore, ate yes of course pati ang teacher hindi ko man matandaan ang pangalan pero itsura tanda-tanda ko." simangot na sabat ko sa ate ko.
"Haha!" tawang sambit ni ate sabay ngisi na lang.
"Ate naman!" sita ko sa ate ko.
"Why?" tanong ni kuya Vhenno sa kanya.
"Basta." nasambit ni ate Thea sa kanya.
"Bumalik na lang tayo sa classroom," sabat ni kuya Chie saka tumayo at inawat niya kami ni ate sa pang-aasaran.
Habang sabay-sabay na naglakad tumingin hindi pa rin kami tumitigil ni ate sa asaran.
"Hindi pa ba kayo titigil?" sita ni kuya Chie sa aming dalawa ni ate.
"Sige, ate babalik na ako sa classroom." paalam aniko saka humalik sa pisngi ng ate ko at yumakap ako kay kuya Chie.
"Ingat ka!" wika ni kuya Chie sa akin.
Nakaramdam ako ng vibrate ng cellphone at kinuha ko sa bulsa ko at binasa ang text na-received ko.
Text message
Chielle: San ka?
Chielle: Busy?
Jeree: Oo.
Jeree: Dito pa ako sa school, bakit?
Chielle: Ah! Naabala pa yata kita.
Jeree: 'Di naman, recess namin ngayon.
Chielle: Maya na lang ulit, Jeree study hard.
Napa-huh? Na lang ako sa text niya sa akin naiinip siguro siya sa bahay ng auntie niya.
Oo nga pala, mabuti hindi ko sinabi kay kuya nandito sa pinas ang kapatid niya.
After 3 hours
"Class, bukas may ibibigay akong quiz kung makaka-perfect kayo o maka-lahati kayo sa score excempted na kayo sa periodical test natin." sambit ng teacher namin nag-hiyawan ang buong klase namin kahit may teacher pa sa harapan.
"Quiet!" sita ng guro namin nag-tawanan lang ang mga kaklase namin.
Pagkatapos ng klase namin nagsilabasan na ang kaklase ko naiwan kami ng kaibigan ko.
"Samahan mo ako," nag-aalangan aniko sa kanya.
"Saan kita sasamahan?" tanong niya sa akin.
"Sa taong sinundo natin sa airport na-iinip siya ngayon," aniko kaagad sa kanya.
"Sa kanya, ikaw ah! May gusto ka ba sa tisay na 'yon?" ngising tanong niya sa akin.
Hindi na lang ako sa nagsalita ng aalis na ako nakita kong may nakatayo sa pintuan ng classroom namin.
"S–" putol na sasabihin niya ng makita ang taong nakita ko.
"Tha—pa–ra sa'yo nga–pala—" nauutal nasambit nito sa akin kinuha ko ang binigay niya at ibinigay ko sa kaibigan ko.
Nagulat naman ang kaibigan ko sa ginawa ko.
"—" tawag niya ng magsalita na ako.
"Halika na! Sa'yo na 'yan, miss umuwi ka na sa inyo." aniko at naglakad na ako palayo.
"Sa–glit!" tawag niya sa akin napahinto naman ako.
"Brad, hintay!" bungad ng kaibigan ko sa akin paglapit niya sa tabi ko.
Sumakay na kami sa bike na dala namin. Nagpunta kami sa tinutuluyan ni Chielle.
"Jeree!" ngiting tawag niya sa akin mula sa labas ng bahay.
"Bakit nasa labas ka?" bungad ko sa kanya huminto ako sa harap nya.
"Naiwan ako dito umalis sila Auntie at bukas uuwi na sila mom at dad kasama si Kennie." ngiting aniya sa akin at pinakita niya ang text ng mommy niya.
"Talaga?" ngiting aniko sa kanya.
"Oo, Jeree oo nga pala, Ni weisheme zai zhe?" takang tanong nya sa akin.
(Why are you here?)
"Wala naman nakaka-inip sa bahay mag-isa naman ako dun pinuntahan kita," aniko sa kanya.
"Ang sabihin mo—" sambit ni Bryan tinakpan ko ang bibig niya sinamaan ko sya ng tingin.
Nakatingin lang sa amin si Chielle.
"Para kayong batang paslit—haha!" sabat niya sa aming dalawa.
"Nagbabakasyon ka lang ba dito?" tanong ng kaibigan ko sa kanya.
"Oo, 2 weeks lang ang pananatili ko dito sasama na ako kila mom at daddy kapag pabalik na sila sa America." aniya sa kaibigan ko.
"Ah..." wika ng kaibigan ko natahimik naman ako sa narinig ko.
Sumakay si Chielle sa bike ko naupo sya sa unahan ko. Nakakaramdam ako ng pagka-ilang ng hindi sinasadya dumadampi ang kamay niya sa kamay ko.
"Ang dampi ng hangin sa mukha ang sarap!" wika ng kaibigan ko sa amin at kinindatan nya ako inirapan ko na lang siya.
Umikot kami mula sa highway pabalik sa bahay nila. Natawa kami sa itsura nang buhok ng kaibigan ko.
"Hahaha!" tawa naming dalawa ni Chielle.
"Kayo!" ngiting anito sa amin.
"Sayang hindi tayo maka-gala sa malayo wala pa kayong student license," aniya sa aming dalawa ng kaibigan ko.
"Oo nga, next time!" aniko sa kanya.
"Kapag nakakuha na ako ng student license dadalhin ka namin sa malayong lugar," anito kay Chielle.
"Matagal pa 'yon wala pa kayo eighteen years old o nineteen," aniya sa amin.
"Matagal nga pero tutuparin naming dalawa ni Jeree," anito sa kanya.
"Hindi ako maniniwala at aasa sa sinabi mo," aniya sa kaibigan ko.
Kumain kami ng fishball at kwek-kwek sa daanan naming nagtitinda.
"Namiss ko kumain nito ayaw nila mommy ang ganitong pagkain dahil marumi daw," aniya sa amin ng umupo kami sa batuhan sa tabi ng bahay ng auntie niya.
"Sino ang nagpakain sa'yo nyan?" tanong ng kaibigan ko sa kanya.
"Si ate Kecha 'yong kaibigan nila ate Jia at kuya Chie ba 'yon," aniya napangiti ako sa itsura niya sarap na sarap sya sa kinakain niya.
"Matunaw ang—" putol na sasabihin ng kaibigan ko ng sinamaan ko siya ng tingin.
Pagkatapos namin kainin ang binili namin.
"Umuwi na kayo gagabihin kayo sa daan," aniya sa amin.
"Salamat, Chielle sa libreng street foods nabusog ako." anito kay Chielle.
"Text kita kapag papunta na kami sa bahay nyo, Jeree marami bang pagkain na ipapaluto ni ate sa katulong nyo?" tanong niya bigla sa akin.
"Hindi ko alam wala siyang sinabi sa akin," aniko sa kanya.
Nagpaalam na kami sa kanya at umuwi na kami sa bahay namin.
Kinabukasan, nagising ako sa tamang oras inunat ko muna ang buong katawan bago ako bumangon kumuha ako ng twalya at pumasok na ako sa banyo para maligo.
"Manang, hindi pa ba sila bumaba?" tanong ko sa katulong namin ng lumapit ako sa kanya.
"Hindi pa, hijo kumain ka na ng almusal para busog ang utak mo." ngiting wika ng katulong namin.
Ngumiti lang ako at umupo na ako sa upuan bago sumandok ng ulam at kain.
Kumakain ako ng may lumapit sa akin. Nagulat ako ng kurutin ni ate ang pisngi ko.
"Ang takaw mo naman dyan pakurot ng pisngi mo," aniya sa akin nang lapitan at kinurot-kurot ang pisngi ko.