Year 2014
Limang taon na...
Umuwi kami ng pamilya ko sa Pilipinas para samahan ang kuya Chie ko sa pag-iisa.
Sa China tinuloy ni kuya ang pag-aaral niya habang kami ng kapatid ko sa unibersidad kung saan ako nag-aaral.
Nag-babakasyon lang ako dito dahil sa ibang bansa ako nag-aaral ng college. Pumunta ako ng supermarket para manili nang pang-groceries at gamit ko sa banyo.
Nag-text si mommy nasa bahay ang ex ni kuya umaaligid nalaman nitong wala na si kuya Chie at ate Jia.
"Ops.." sambit ng isang boses ng may mabangga ako nang hindi ko nakita.
Napa-angat ang tingin ko at kumunot ang noo ko sa pag-titig sa lalaking nakatalikod.
"Aw,-sorry.." aniko sa lalaking nakatalikod.
"—Sorry, nabitawan ko ang cart na wala pang-laman—" sambit ko kaagad lumakad siya palayo nang hindi tinanggap ang sorry ko.
Nakakahiya!
Baka nagalit sa akin.
Binalik ko kaagad ang cellphone sa shoulder bag na dala ko at kinuha ang cart na tumama sa lalaking 'yon dinala ko sa cashier para magbayad.
Sa kabilang banda, pagkauwi ko mula sa supermarket. Papasok na ako sa loob ng bahay namin makarinig ako ng nag-uusap pinatong ko muna sa dining table ang dala ko bago ako sumilip sa kusina.
"Oo nga nandito ka pero hindi ikaw ang may-ari ng puso ko." wika ni kuya Chie at tinuro ang puso niya.
Totoo naman ang sinabi ni kuya Chie kahit wala si ate Jia sa tabi niya—still nasa puso pa rin nito ni kuya Chie.
Boom! Nabara ka tuloy..
"Oh?! Fiancee, bakit hindi mo siya hanapin?" tanong ni mommy at nilagay niya sa pinggan ang mga hiniwa niya.
"Natatakot ako, mom baka i-reject niya kapag nagkita kaming dalawa." amin ni kuya Chie kay mommy.
Ang ginawa ko naman kabaliktaran dahil sa sinabi niya sa akin, ayoko na mangyari 'yon.
Kung sinabi ko sa kanya, mahal din kita magiging masaya ba kami?
Walang kinatatakutan at magiging malaya kami.
"Baka ayaw niya na ako makita, mom." wika ni kuya Chie.
Lumapit na ako sa kanila ng makuha ko ang binili ko sa supermarket.
"Mommy, nandito na ako." bungad ko sabay takbo yumakap sa mommy ko at humalik ako kay kuya Chie.
"Hey!" saway ni mommy sa akin mahinang tinulak niya ako muntik nang matumba mabuti nasalo ako ng kapatid ko.
"Muntik ka na." sambit ni kuya Chie inalalayan niya ako na maupo sa upuan na inupuan niya.
"What is that girl doing here?" tanong ko sumimangot ngumuso sa tabi niya.
Sinaway ako ni mommy nang mapansin niya ang pananalita ko.
"BUWISETA kamo, mom." bulong ko narinig ito nina mom at kuya Chie.
"Korak ka dyan, anak." natatawang sabat ni mommy at natawa na lang sa harap namin.
"Totoo naman eh! Hindi ko siya gusto para sa'yo, kuya iniwan ka dahil sa ldr tapos nung nakahanap ka ng iba saka niya gustong bumalik sa'yo ang gusto ko sa'yo si ate Jia." sambit ko sa kanya.
"Manang, hain na kayo ng pinggan at iba pa." tawag ni mommy sa katulong namin.
Nilapag ko sa gilid ang pinamili ko sa supermarket.
Nang matapos kami kumain nagpaalam na ako para makapagpalit ng damit. Nahiga ako sa kama at binuksan ko ang f*******: ko sa laptop hinanap ko ang f*******: account nila ate Jia at Jeree na-hack kasi f*******: ko kaya hindi ko na sila mahanap.
Habang nag-seach ako tumunog ang cellphone ko nakita ko ang isang unknown number nag-aalinlangan pa ako na sagutin pero sinagot ko at ni-loudspeaker.
Napatakip ako ng unan nang marinig ko ang boses niya at napahawak ako sa dibdib ko nang bumilis ang t***k ng puso ko.
Shit! Nasa Pilipinas na sila?
Tatayo na sana ako nang ma-ilapag ko sa kama ang laptop ko nang sumagot ako sa kanya.
Bago ang cellphone number ko!
Jeree: Hala ka! Nakalimutan mo na kaagad, ikaw ang nagbigay nito sa akin ulyanin ka na kaagad ang bata mo pa haha!
Binigay ko sa kanya ibig sabihin...nabasa niya pa ang message ko sa dati kong f*******:.
Nag-usap kani na magkita kinabukasan. Nagkita kami sa labas ng SM nag-antay ng pagbukas dahil napaaga ang pagdating namin sa tagpuan.
"Ang aga mo?" bungad niya nang makita niya ako kaagad bumilis ang t***k ng puso ko tumitig ako sa kanya.
"Nakakainip sa bahay eh! Wala sila may ginagawa para kumpanya namin." sambit ko na lang.
"Ah! Ganun ba halika na bukas na ang SM." aya niya nang mapansin binubuksan na ang pintuan ng mall lumakad nang papasok sa loob ang mga tao maaga rin nagpunta.
Ibang-iba na siya, hindi na siya si Jeree na payatot. Nagkalaman na ang muscle niya.
"Ano ang sinabi mo?" anito ng lumingon siya sa akin.
"Wala kako!" aniko iniwas ko na lang ang paningin nang mailang sa pagtitig niya sa akin.
"Okay," aniya pumunta sa gilid ng restroom na malapit lang.
"Bakit nandito tayo?" tanong ko.
Nahihiya ako tumabi sa kanya at sumandal na lang ako sa boutique.
"Mag-uusap tayong dalawa tungkol sa kanila," anito sa akin kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Who?" tanong ko sumandal na lang ako sa pader at napatingin sa tabi niya.
"Sina ate Jia at kuya Chie," anito sa akin, anong kinalaman ko sa kanila?
"What about them?" takang tanong ko kaagad sa kanya.
"Gusto ko sila mag-ayos at muling mabuo ang nasira nilang binubuong pamilya noon," aniya ngumiti ako sa kanya dahil pareho kami ng nasa isip.
"Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong sa kanya.
Ibig sabihin, nandito rin sila kuya Chie at 'yong babae at sila ng kapatid niya. Hindi ko sila nakita man lang kahit si ate Jia.
"Nagkita kami pero hindi niya kami nakilala kaya lang ako nakilala ko siya." aniya sa akin nakatingin lang ako sa kanya biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Dahil sa takot kong may mangyari sa amin ito ang sitwasyon naming dalawa.
"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo na kasama mo ako?" tanong niya.
"Walang magagalit." aniko sa kanya dahil wala naman akong boyfriend kahit maraming nanliligaw sa akin.
Umiling na lang ako sa kanya at may naisip ako. Nang magsasalita na ako kaagad siyang nagsalita.
"I-set up natin silang dalawa ni ate sabi mo nga mas gusto mo si ate kaysa sa babaeng linta na tinuttukoy mo busy ba si kuya?" tanong niya bigla sa akin huminga lang ako.
Hindi pala-kwento si kuya Chie hindi namin alam ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan ni ate Jia.
"Diba may dahilan sila at nagkahiwalay?" naitanong ko bigla sa kanya.
"Yes, but I want to happy for my sister and my pamangkin." aniya bigla sa akin.
"Alam mo ba ang dahilan ang kanilang pag-hihiwalay hindi nag-kwento sa amin si Kuya nang bigla siyang umuwi sa China anim na taon nang nakaraan." tanong ko sa kanya.
"May aaminin ako sa'yo," aniya bigla saka siya tumitig sa akin.
Akala ko mag-tatapat na siya ulit, magtatapat na rin ako ng damdamin ko sa kanya.
Limang taon ako naghintay sa pagbalik niya ng malaman kong umalis sila ni ate papunta sa America.
Nagtanong ako kay mommy o kay kuya kung alam nila kung nasaan sila nun walang nakaka-alam nahihiya lang ako magtanong sa magulang ni ate Jia.
Huli na pero...
Sana may pagmamahal pa rin siya sa akin.
"What's that?" tanong ko nailang ako agad sa pag-titig niya akin lumayo ako sa tabi niya.
"Nandito ang mga pamangkin mo sa Pilipinas," amin niya sa akin parang may sasabihin pa siya hindi na niya tinuloy.
"You mean?" masayang aniko sa nalaman napangiti ako ng malawak.
"Nagba-bakasyon sila ngayon dito kasama nila si ate Jia," aniya sa akin.
"Anong plano?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Gusto ko silang magkita dito ngayon." aniya nagulat ako sa sinabi sa akin.
NGAYON MISMO?
Niloloko niya ba ako?
"WHAAATTTT?" gulat aniko sa kanya napalingon sa paligid nang mapansin tumingin sa akin ang dumadaang tao.
Lihim kong inamoy ang kamay niya.
"Nakakagulat ka naman kasi eh!" sambit ko ng inalis ang kamay niya.
Hindi na lang siya nagsalita at sumagot ulit ako.
"Agad? Nasa isip ko bukas o sa susunod na linggo na lang." aniko sa kanya.
"Babalik na kami sa America sa susunod na linggo sa ibang bansa nag-aaral ang pamangkin mo." aniya sa akin at bumuntung-hininga.
"Ang bilis... saglit!" gulat kong wika sa kanya.
What the? Saang bansa ba siya?
"Sorry, bilis isip ka na ng paraan." nagmamadaling sambit niya sa akin.
"Wag dito." aniko tumingin sa mga taong dumadaan sa tabi namin.
"Saan?" tanong niya sa akin.
"Halika!" aya ko sa kanya hinila ko siya papunta sa isang restaurant.
Nang makarating kaming dalawa naghanap muna ng bakanteng mesa sa restaurant naghanda na kami ng plano para sa pagkikita ng kapatid namin.
"Ano sa tingin mo?" tanong ko sa kanya.
"Okay rin sa akin...may kapalit ang lahat ng ito." aniya sa akin.
"Kapalit? Ikaw na nga ang humihingi ng tulong sa akin, Jeree Li." simangot nasambit ko sa kanya.
"Mag-date tayo, kahit tinanggihan mo ako noon, kahit bago man kami bumalik, o ako lang ang babalik sa America." aniya sa akin napatigil naman ako at tumitig siya sa akin.
Ngumiti lang ako at napatango ako sa kanya. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at pinisil niya ito bago bumitaw sa akin.
Pagkatapos, tinawagan na namin ang kapatid namin. Mas excited ako sa date namin kaysa sa mangyayari sa kapatid namin.
Tunango ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya lumabas na kami ng restaurant. Hinatid niya ako sa national book store at pupunta naman siya sa Jollibbe fast food.
After 2 hours
"Bakit mo ko pinapunta dito?" tanong ni kuya Chie sa akin nang magkita kami sa National bookstore.
"May ipa-bibitbit ko sa'yo ang bibilhin ko wala si Kennie," natatawang aniko sabay hila sa kanya.
Naalala ko, dalawang lalaki na ang hinila ko ngayong araw.
"Basta, kuya." aniko sa kanya.
"Bakit tayo nandito sa department store?" tanong ni kuya Chie sa akin.
"May bibilhin nga ako sandali lang ako," aniko at huminto ako para tumakbo paalis sa pwesto namin.
Nagpunta ako sa lugar kung saan kami magkikita ulit ni Jeree.
Sa kabilang dako, nakita ko siya sa may fitting room at tumabi dito kaagad.
"Nandyan na ba?" tanong ko.
"Oo, nandyan na sila si kuya?" tanong niya.
"Nandun na rin si kuya," sambit ko nakasiilip ako sa may damitan.
Tinawagan ko ang kapatid ko na mag-ikot muna ang mga ito. Hinila naman niya ako at nagpahila naman ako sa kanya.
"Saan tayo?" tanong ko.
"Maglakad-lakad?" pilosopo niyang sambit sa akin.
"Hindi ba natin sila mamatyagan?" tanong ko sa kanya ng nilingon ko pa ang kapatid namin nagkita na rin sa wakas.
"Mamaya, halika!" aya niya sa akin.
Dinala niya ako sa mens ware nag-aalinlangan pa akong sumunod sa kanya.
"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko sa kanya.
"Mamimili ako tignan mo lang kung babagay sa akin ang i-fit ko." aniya.
"Ikaw na lang, Jeree." aniko sa kanya at umiling ako pagkatapos.
"Ngayon lang naman ako hihiling sa'yo hindi mo pa ako mapag-bibigyan," lungkot niyang sambit sa akin.
"Oo na sige na...kung hindi lang kita mahal.." bulong ko.
"Anong sabi mo?" tanong niya umiwas naman ako nang tingin sa kanya.
"Kung hindi mo ako ni-reject noon hindi ko magagawa ang gusto ko, salamat ah!" ngiting sambit niya sa akin.
"Ah?" napangangang sambit ko sa kanya.
Natatakot pa rin ako kapag nawala siya sa akin.
Nag-fit na siya ng damit at pinapakita niya ito sa akin.
"Bagay ba ito?" tanong niya nang lumapit siya.
"—Oo, bag–ay na bag–y–" utal kong sambit napangiti na lang ako ng tama.
Nagpunta na lang siya ng cashier at nagbayad.
"Jeree, ano?" bungad ko sa tabi niya.
Napalingon siya at tumango na lang siya sa akin. Nang makapag-bayad na siya binalot ng saleslady ang binili niya at binalik sa kanya.
"Thank you, sir." sambit ng babae sa kanya.
Umalis na kaming dalawa at hinanap ang kapatid namin. Nakita namin sila namimili at sinundan namin sila.
Sinusundan namin ang dalawa hanggang sa magpunta sila sa restaurant ngayong minamasadan namin sila habang nag-uusap hindi kami nagpahalata sa kanila lalo na sa mga bata.
"Alam mo naiiyak na ako sa nangyayari sa kanila," aniko pinupunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mata ko.
"Pigilan mo baka makita nila tayo," sambit niya sa akin.
"Okay, sabi mo eh!" aniko at nilabas ko ang panyo sa bag ko at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko.
"Hindi mo nasabi sa akin na dalawa ang pamangkin ko kay ate ang gwapo at ang ganda nila gusto ko man sila pang-gigilan, hindi muna sa ngayon hahayaan ko na makasama muna nila si kuya na matagal naghintay sa pamilya niya." ngiting sambit ko nakatingin ako sa dalawang pamangkin ko na ngayon ko lang nakita.
"Anong pangalan nila?" tanong ko.
Napatingin siya sa dalawa naming pamangkin bago bumaling sa akin ang paningin niya.
"Ash Chen ang lalaki at ang kapatid niya si Jinchi Ayana Li," sambit niya.
"Ash Chen and Jinchi Ayana, Jeree kung magkaka-anak ka anong ipapangalan mo?" tanong ko.
"Nagsisimula sa O ang pangalan kung mag-aanak ako." seryoso niyang sambit sa akin gustuhin ko man mag-anak sa kanya hindi sa ibang lalaki kaso, paano kung maraming taong naka-paligid sa amin.
"O?" sambit ko at tumango lang siya sa akin.
"O, Sawa na ako sa J gusto maiba naman kapag nagka-anak ako." aniya.
"Odelia, Odessa, Ophelia ang gagandang pangalan ito ang nasa isip ko." sambit ko nakatingin siya sa akin ng nasambit ko.
Nag-aya siya manood kami ng movie pumayag naman ako at bumili kami ng kettle corn.
After 2 hours
Nasa mall pa rin kami kahit umuwi na ang kapatid namin kasama ang kanilang anak.
"Kain muna tayo, Jeree ang ganda ng movie na pinanood natin makakakilig." ngiting sambit ko sa kanya habang palabas kami ng sinehan.
"Halika, may isa pa akong bibilhin." aya niya sa akin.
"Ano ang ginagawa natin dito?" tanong ko.
"Tumingin-tingin ka lang muna dyan." aniya at may hinanap sa naka-display.
"Kung naiinip ka lumabas ka muna saglit lang," aniya.
"Bahala ka nga dyan!" aniko at lumabas na ako ng jewelries store.
"May binili ka ba dun?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Oo, halika na nga umuwi na tayo." aya niya sa akin at lumabas na kami ng SM para umuwi sa bahay namin.