"True?" tanong ng pamangkin ko sa kapatid niya tumingin sa mommy nila.
Masaya ako para sa kanila pagkakataon ko na ito makausap siya.
"Yes, sis." ngiting sambit ng pamangkin ko sa kapatid niya ngumiti at lumapit.
"Nasabi mo 'yon sa anak mo?" tanong ko tumingin ako sa kanya minasdan ko ang dalawang pamangkin na nag-uusap sa salitang chinese/mandarin.
"Totoo ba 'yon?" tanong ko.
"Yes, Jeree paulit-ulit lang?" aniya sa akin.
"Sure ka, ate?" tanong ko wala akong pakialam kung paulit-ulit.
"Yes, bro sure na sure na ako nag-hahanap na sila ng ama at ayoko rin patagalin hindi madaling magpatawad pero para sa anak ko mag-papatawad ako." aniya sa akin.
"Nabanggit mo na hindi pa ngayon pero, Ni erzi zhishi xiangjian ta fuqin ni tong yijian, you she me liyou ma?" sambit ko lumingon ako sa dalawang magkapatid na nag-aasaran na lang.
(Your son just wanted to see his father you agreed to see it, is there any reason?)
"Walang dahilan naisip ko habang nagtatanong siya Weisheme bu? Siya ang kanilang ama, dapat ako pa ang may kasalanan at hindi siya liu nianle, tamen yijing liu nian meiyou jian dao tamen de fuqinle, wo buxiang he ta de erzi yiyang qu ke cha. Hindi nga niya nakita lumaki ang dalawang anak namin," aniya sa akin.
(Why not?) (Six years, it's been six years since they did not meet their father anymore, I did not want the same to Kecha with her son to Jong.)
"Nag-sisigurado lang ako, ate mahirap masaktan ang dalawang anak mo." aniko bago ko iwanan sa kwarto ang mag-iina.
Nang makabalik ako sa kabilang kwarto kaagad ko siya kinontak.
Calling...
Jeree: Bro...
Unknown someone: Hmm..
Jeree: Handa na si ate, ito na ang signal ko sa'yo.
Unknown someone: Call! Sa wakas, nandyan sa Pilipinas ang kapatid ko.
Jeree: Wala akong cellphone number ng kapatid mo, nagkita na sila pero accidentally lang sa SM, sino pwede makontak?
Unknown someone: Ang isa ko pang kapatid
Jeree: -
Unknown someone: Ito ang number niya, -
Jeree: -
Unknown someone: Kuya?
Jeree: Sige...
Unknown someone: Byebye na, may ka-date pa ako oh..masaya ako na magkaka-ayos sila.
Hindi na lang ako umimik at binaba na niya ang tawag.
Cellphone number niya.
Habang nag-iisip ako naalala ko ang babaeng gusto ko at kapatid ng dating fiance ni ate. Tinawagan ko siya para kausapin.
"Ang tagal niya sagutin ang tawag ito ba ang cellphone number na binigay niya," nasambit ko na lang nang wala pa sumasagot sa kabilang linya.
Ang sarap niya biruin kahit nag-sinungaling ako sa kanya.
Nag-usap kami na magkita kinabukasan. Nagkita kami sa labas ng SM nag-antay ng pagbukas dahil napaaga ang pagdating nila sa kanilang tagpuan.
"Ang aga mo?" bungad ko ng makita ko siya kaagad bumilis ang t***k ng puso ko.
Ibang-iba na siya gumanda siya lalo.
"Nakakainip sa bahay eh! Wala sila may ginagawa para kumpanya namin," aniya sa akin.
"Ah! Ganun ba halika na bukas na ang SM," aya ko nang mapansin binubuksan na ang pintuan ng mall lumakad nang papasok sa loob ang mga tao maaga rin nagpunta.
Sa kabilang dako, naalala ko ang pag-payag niya sa alok kong date sa kanya. Na-excite ako dahil pumayag siya habang nandito pa ako aayain ko siyang mag-date kaming dalawa.
Kahit ni-reject niya ako noon hindi madaling kalimutan pero, ngayon ang saya-saya ko.
Nalaman ko pang, wala siyang boyfriend. Iniisip ko, kung liligawan ko siya sasagutin niya ako?
Pangalawang rejection na naman ang matatamo ko sa kanya?
Susubukan ko ulit kahit masasaktan naman niya ako.
"Ate, ang aga nyo naman." bungad ko sa kanila sabay lapit agad dito nang makita ang dalawang pamangkin.
"Traffic kaya maaga pa ba 'yan," anito sa akin.
"Punta tayo sa department store pasyal tayo, ate." aya ko sa dalawang pamangkin ko.
"Sige, tito bilhan mo kami ng bagong toys." masayang sambit ng dalawa kong pamangkin.
"Nandito na tayo," aniko ng makapasok kami sa loob ng department store nilingon ko pa ang ate ko.
"Bili na tayo ng toys, tito." aya ng pamangkin kong lalaki sa akin napatingin ako kay ate.
"Wait! Ate, c.r lang ako naihi bigla ako mag-ikot muna kayo babalik din ako." kaila ko sa ate ko nang lapitan siya ng dalawang anak niya.
"Bilisan mo ah!" aniya sa akin napatango ako bigla sa kanya.
"Sige, ate." aniko at umalis na ako sa tabi nila.
Nakita ko siya sa may fitting room at tumabi dito kaagad.
"Nandyan na ba?" tanong niya sa akin ng mapalingon siya.
"Oo, nandyan na sila si kuya?" tanong ko sa kanya.
"Nandun na rin si kuya," aniya sa akin nakasiilip siya sa may damitan.
Tinawagan ko ang kapatid ko na mag-ikot muna ang mga ito.
"Okay," aniko.
Hinila ko siya at nagpahila naman siya sa akin.
"Saan tayo?" tanong niya.
"Maglakad-lakad?" pilosopo kong sambit sa kanya.
"Hindi ba natin sila mamatyagan?" tanong niya sa akin ng nilingon niya pa ang kapatid namin nagkita na rin sa wakas.
"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong niya sa akin.
"Mamimili ako tignan mo lang kung babagay sa akin ang i-fit ko," aniko sa kanya.
"Ikaw na lang, Jeree." aniya sa akin umiling siya pagkatapos.
"Ngayon lang naman ako hihiling sa'yo hindi mo pa ako mapagbibigyan," lungkot na aniko sa kanya.
"Oo na sige na...kung hindi lang kita mahal.." bulong niya hindi ko lang maintindihan ang sinabi niya sa akin.
"Kung hindi mo ako ni-reject noon hindi ko magagawa ang gusto ko, salamat ah!" ngiting aniko sa kanya.
"Ah?" napangangang aniya sa akin.
Natatakot pa rin ako kapag nawala siya sa akin. Huwag lang gumanti sila sa akin o sa pamilya ko.
Nag-fit na ako ng damit at pinapakita ko ito sa kanya.
"Bagay ba ito?" tanong ko sa kanya at lumapit ako.
"-Oo, bag-ay na bag-y-" utal niyang sambit napangiti na lang ako ng tama.
Hindi ko malaman kung bakit mo ako ni-reject noon. Gusto kong alamin at itanong sa'yo kaso nauunahan ako ng pagka-ilang.
"Ano, hindi pa ba natin sila titignan?" tanong nya ng matapos mag-fit.
Nagpunta na lang ako ng cashier at nagbayad.
"Jeree, ano?" bungad nya sa tabi ko.
Napalingon ako at tumango na lang ako sa kanya. Nang makapag-bayad na ako binalot ng saleslady ang binili ko at binalik sa akin.
"Thank you, sir." sambit ng babae sa akin.
Umalis na kaming dalawa at hinanap ang kapatid namin. Nakita namin sila namimili at sinundan namin sila.
Sinusundan namin ni Chielle ang dalawa hanggang sa magpunta sila sa restaurant ngayong minamasadan namin sila habang nag-uusap hindi kami nagpahalata sa kanila lalo na sa mga bata.
"Alam mo naiiyak na ako sa nangyayari sa kanila," wika niya pinupunasan niya ang mga luhang tumutulo sa mata niya.
"Masaya ako na nagkita sila lalo na ang pamangkin natin ang saya ng mukha nila," ngiting sambit ko habang nakasilip kaming dalawa mula sa gilid ng restaurant.
"Hindi mo nasabi sa akin na dalawa ang pamangkin ko kay ate ang gwapo at ang ganda nila gusto ko man sila pang-gigilan, hindi muna sa ngayon hahayaan ko na makasama muna nila si kuya na matagal naghintay sa pamilya niya." ngiting aniya nakatingin siya sa dalawang pamangkin niya.
"Anong pangalan nila?" tanong nya sa akin.
Napatingin ako sa dalawa kong pamangkin bago bumaling sa kanya ang paningin ko.
"Ash Chen ang lalaki at ang kapatid niya si Jinchi Ayana Li." sambit ko sa kanya.
"Ash Chen and Jinchi Ayana, Jeree kung magkaka-anak ka anong ipapangalan mo?" tanong nya sa akin.
"Nagsisimula sa O ang pangalan kung mag-aanak ako." seryoso kong sambit sa kanya gustuhin ko man mag-anak sa kanya hindi sa ibang babae kaso, paano kung maraming taong naka-paligid sa amin.
"O?" aniya sa akin tumango lang ako sa kanya.
Ngumiti lang ako at sinabi ko ang dahilan kung bakit iba na ang gusto ko.
"Odelia, Odessa, Ophelia ang gagandang pangalan ito ang nasa isip ko." sambit niya nakatingin siya sa akin ng nasambit niya.
Tatandaan ko ang mga pangalan na gusto mo kung tayo ang magkakatuluyan ito ang ipapangalan natin sa ating mga anak.
Nag-aya siya manood kami ng movie punayag naman ako at bumili kami ng kettle corn.
After 2 hours
"Kain muna tayo, Jeree ang ganda ng movie na pinanood natin makakakilig." ngiting aniya sa akin habang palabas kami ng sinehan.
"Halika, may isa pa akong bibilhin." aya ko sa kanya naisip ko kanina habang nanonood kami ng movie na bigyan ko kaya siya ng isang bagay na hindi niya ako makakalimutan bigla sumagi sa isip ko ang necklace.
"Ano ang ginagawa natin dito?" tanong niya sa akin nang pumasok kami sa jewelries store.
"Tumingin-tingin ka lang muna dyan." aniko at may hinanap sa naka-display.
"Illuminated necklace, how much?" tanong ko sa babae ng may napansin ako.
"1,008.36 sa pesos at sa $19.99 lang bibili ba kayo?" tanong ng babae nakangiti sa akin.
Nang bigla naman tumunog ang cellphone ko. Binabasa ko ang nag-text sa akin at nakita ko ang text ni ate sa akin.
Hindi na ako nag-reply sa text ni ate at kinuha ko ang card ko at binigay ito sa babae.
"I'll buy the necklace in pairs." aniko sa babae.
"Ano ba ang ginagawa natin dito?" bungad nya sa tabi ko.
"Tumingin-tingin ka lang muna dyan," aniko.
"Kung wala kang bibilhin umalis na tayo at umuwi na sa bahay," aya niya sa akin.
"Kung naiinip ka lumabas ka muna saglit lang," aniko.
"Bahala ka nga dyan!" aniya at lumabas na siya ng jewelries store.
Bumalik ang babae at pinakita niya sa akin ang dalawang pairs ng necklace. Napangiti ako sa babae at tumango na lang.
"Thank you!" ngiting sambit ko sa babae.
"Welcome, sir." sambit ng babae at inabot na niya ang paper bag.
Tinago ko sa suot kong jacket at lumabas na ako.
"May binili ka ba dun?" tanong niya kaagad sa akin.
"Oo, halika na nga umuwi na tayo." aya ko sa kanya at lumabas na kami ng SM para umuwi sa aming bahay.
Illuminated Necklace.