Dalawang beses na kami nag-date at saka, lumabas ng kami lang at walang alam ang pamilya namin.
"Kailan ang alis nyo ni ate?" tanong ko sa kanya nang tumingin ako.
"Tingin ko, ako na lang ang babalik sa America kasi nagkaka-ayos na sila ni kuya palaging nasa condo ni ate si kuya nagkita na rin kami nung pinuntahan nila ako sa bahay," aniya sa akin habang naglalakad kaming dalawa.
"Anong sabi niya?" tanong ko sa kanya.
Nabaling ang tingin niya sa akin pagkatapos nang sabihin ko 'yon.
"Si kuya, hindi ba sabi mo nung una kayo nagkaharap hindi ka niya nakilala nung nagkita kayo, anong say niya?" tanong ko bigla sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at napatango siya.
"Sabi mo, okay sa'yo na mag-date tayo habang nandito pa ako, bakit?" tanong niya kaagad.
"Ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya at umiwas siya ng tingin sa akin.
"Hindi ko ayaw, Chielle mas gusto ko nga." amin niya sa akin.
"Limang taon kayo sa America ni ate Jia, siguro nagkaroon ka ng babae dun." sambit ko natawa na lang siya sa sinabi ko.
"Kung nagkaroon man ako ng babae, fling lang hindi ko sineseryoso dahil may hinihintay akong babae at kung siya hindi na pwede tatanggapin ko kaya sumama ako dito para malaman ko ang tungkol sa'yo at nagkita tayo ulit." mahulugang sambit niya at nilapit niya ang mukha sa akin umiwas ako nang tingin sa kanya.
Nang makarating kami sa Santuario De San Antonio Parish tumambay kami pansamantala nakita niyang lumuhod ako.
"Punta lang ako sa confession room ng simbahan," aniko bigla ng tumayo ako sa pagkakaluhod ko.
"Hintayin kita sa labas ng pintuan ng simbahan," sambit niya at tumango ako nauna akong umalis at lumakad naman siya palabas ng simbahan.
Nagpunta ako sa confession room ng simbahan at nag-antanda.
"Ano ang inyong sasabihin?" bungad ng pari mula sa kabila.
"Father, gusto ko lang malaman mula sa inyo kung tama ang gagawin ko para sa kaibigan ko," pag-sisinungaling kong sambit nakatingin ako sa kabila kahit may harang sa pagitan namin.
"Ano ang ibig mong sabihin, ineng?" tanong ng pari sa akin.
"Nililigawan niya po ako, father kaso nabanggit niya sa akin na mapapahamak daw ako kapag napalapit ako sa pamilya niya ayaw niyang mapahamak ako dahil mahal niya ako—hindi sila masamang tao, father may nagbabanta sa kanila ayaw lang nila sabihin kung sino dahil ayaw nila mandamay ng kahit sino gusto niya magkaroon ng pamilya dahil sa sitwasyon natatakot siya na mamatay ako, father—mahal ko siya at tanggap ko kung ano ang meron sa kanila..dapat ko bang sabihin sa kanya na mahal ko rin siya? Ayaw ko, isipin niya ang mangyayari sa akin kaya noong una tinanggihan ko siya." mahina kong sambit sa pari.
"Ineng, para sa akin lang kung natatakot siya mapahamak ka hindi niya itutuloy ang panliligaw niya sa'yo nangangamba lang siguro siya dahil kapag naging parte ka ng pamilya nila isa ka sa weakness niya, ineng gagamitin ka ng 'kalaban' nila sa negosyo o anuman." sambit ng pari sa akin.
"Mahal ko siya, father ayoko lang na ako ang dahilan ng kalungkutan niya, ano ang pwede kong gawin?" tanong ko sa pari naiiyak na ako sa kaba.
Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko.
"Iparanas mo sa kaibigan mo na maging maligaya siya at ang sarili mo para maranasan nyong dalawa ang magka-piling ang isa't-isa tapos gumawa kayo ng memories na hindi nyo makakalimutan, ineng siya na ang bahala kung kayo pa rin ang magkakatuluyan hanggang sa tumanda kayo..." ngiting sambit ng pari sa akin.
"Thank you, father gumaan ang pakiramdam ko at tama kayo kung kami ang magkakatuluyan sa bandang huli kahit anong pagsubok malalampasan naming dalawa." sambit ko at antanda ako bago lumabas ng confession room.
Lumakad ako palabas ng simbahan at nakita kong nakatanaw siya sa mga batang nagtatakbuhan.
"Jeree!" tawag ko sa kanya napatakip lang ako ng bibig lumingon sa akin ang mga nagsisimba.
Niyakap ko siya at napatitig siya sa akin.
"Wo ai ni. je t'aime Jeree Li—" putol na sasabihin ko ng halikan niya ako sa labi tinugon ko ang halik niya.
(I love you.)
"Je t'aime tellement, mon amour-Wo feichang ai ni, qin'ai de—" aniya sa akin niyakap niya ako pagkatapos namin mag-halikan.
(I love you so much, love.)
Nagulat ako ng nagsalita siya ng ibang language.
"Akala mo ba, hindi ko alam? Inaral ko ang sinabi mo sa akin noon, french kaya sabi ko, babalikan kita babalikan ko ang babaeng mahal din pala ako." aniya naiiyak ako sa narinig mula sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit at tumingin ako sa kanya at nagpasalamat ako sa kanya. Binigyan niya ako kaagad ng sign makita ko ang foreigner na nagsalita ng tagalog.
"Talagang tayo na?" tanong niya sa akin.
"Ayaw mo?" tanong ko sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Hindi ako aayaw dahil, gustung-gusto ko protektahan kita sa kanila." aniya at lumakad na kami palayo sa simbahan.
Nagpunta kami sa Bonifacio Global City. Magkahawak-kamay kaming naglakad.
"Sasabihin kina mom at dad na may relasyon tayo, Jeree pati kina ate Jia at kuya Chie," ngiting aniko sa kanya.
"Sige, kina kuya at ate ako ang magsasabi." aniya sa akin at bawat dinadaanan namin nag-picture kaming dalawa.
"Amour?" tawag niya sa akin napatingin ako sa kanya.
(Love.)
"Dhie, amour ang itatawag ko sa'yo." aniko sa kanya naupo kami sa bench.
(Love.)
"Mhie and amour din ang tawag ko sa'yo." anito sa akin hinawakan niya ang mukha ko.
(Love.)
Pinatalikod niya ako at nagulat ako ng may kwintas siyang ilalagay sa leeg ko napalingon ako sa kanya at ngumiti siya sa akin.
"Ito ang first gift ko sa'yo bilang first serious girlfriend ko." aniya niyakap niya ako mula sa likod ko.
"Wala akong regalo sa'yo.." amin ko nahiya tuloy ako.
Iba ang saya ko ngayon...
Hinatid niya ako sa bahay at sinabi kaagad namin sa magulang ko ang relasyon namin.
"Kaya pala, hindi ka nag-boyfriend naghihintay ka pala sa pagbalik ni Jeree, anak hindi ako tutol sa relasyon nyo basta hindi mo sasaktan ang anak ko, Jeree." wika ng daddy ko sa aming dalawa.
"Hindi ko magagawang saktan siya, tito mahal ko ang anak nyo ang kinatatakot ko lang gamitin siya ng mga enemy ng pamilya namin lalo na sa akin pero protektahan ko siya." aniya sa magulang ko.
Tinapik ng daddy ko sa balikat si Jeree huminga na lang ako at inasar siya ni Kennie.
Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko natawa na lang siya hinatid ko sa labas bahay namin si Jeree.
"Lalayo ako para sa ating dalawa ikaw lang at walang iba, mhie kapag umalis ako mahihintay mo ba ako?" tanong niya sa akin napatango na lang ako.
"Aalis ka na ba?" tanong ko sa kanya tinititigan ko siya sa mata niya.
"Hindi pa naman pero sinabi ko na para alam mo.." anito sa akin at hinalikan niya ako sa noo.
"Huwag muna natin isipin ang pag-alis mo basta gumawa tayo ng memories na magkasama tayo," aniko at niyakap ko siya nagpaalam na siyang uuwi sa bahay nila.
"Mhie, Wo ai ni..." malambing na anito sa akin nasa loob na siya ng sasakyan niya at nakasilip siya sa bintana.
(I love you.)
"Wo ye ai nu, dhie.." ngiting aniko sa kanya nag-flying kiss ako natawa siya at sinalo.
(I love you too.)
We told our sister and brother, that we were in a relationship, in the next day.
"Women xiang, ni shi tongxinglian." wika ni ate Jia sa kapatid niya.
(We thought, you are gay.)
"Of course not, ate—kuya, sorry kung hindi ko nasabing..siya ang babaeng mahal ko." sambit niya bigla sa kuya ko.
"Okay lang, Jeree hindi ako tutol kung ano ang neron sa inyo ngayon ng kapatid ko katulad ng sabi mo sa akin noon, mahalin mo siya hangga't makakaya mo at hindi para saktan mo, iiwanan mo lang siya kundi, mahalin mo ang kapatid ko hanggang sa kaya mo kung susuko ka, sabihin mo sa amin hindi kami magagalit sa'yo, tandang-tanda ko ang sinabi mo sa akin bago kami magsama ng ate mo noon." wika ni kuya Chie sa amin napatingin ako sa kapatid ko.
"Kuya.." tawag ko sa kuya Chie ko.
"Chengshi bing zai suoyou shiqing shang xinren ta, dan nin bushi nianqing nushi, nin shi yi wei nushi, nin keyi xiang nin de saozi yiyang jiehun bing gensui women." seryosong wika ni kuya Chie sa akin at ngumiti sa aming dalawa.
(Be honest and trust him in all things, but you're a not young lady, you're a lady and you can marry and follow us like your sister in law.)
"Ikaw ang hinihintay niya, ikaw ang babaeng tinatanaw niya mula sa malayo America to Philippines to America to other side of America." sabat ni ate Jia napayuko bigla siya sa sinabi nito.
"Nasaktan ko na siya noon, hindi ko na siya sasaktan ngayon nagpigil ako dahil ayoko siyang mangamba sa mangyayari, ngayon iisipin muna namin ang kaligayahan ng isa't-isa." sambit ko napatitig siya sa akin.
"-" may sasabihin siya ng takpan ko ang bibig niya gamit ang hintuturo ko.
"Alam ko, kuya salamat dahil hindi ka tutol sa aming relasyon." aniko kay kuya Chie.
"Dahil kita ko sa inyong mga mata ang katulad sa amin ng asawa ko noon," nasambit ni kuya Chie sa aming dalawa.
We both enjoyed our relationship. We promise,
"Kung sakali man, Jeree na hindi naging tayong dalawa sa bandang huli, ang magiging anak na lalaki sa anak kong babae o kabaliktaran naman ipamana natin ang suot nating kwintas sa kanila para kung sakali sila ang magkatuluyan." aniko nagulat siya sa sinabi ko habang nasa bahay kami ng magulang ko.
"Ni weisheme zheyang shuohua? Ni buxiang yongyuan ma?" sambit niya sa akin nakaupo kami sa sala at nanonod ng TV.
(Why do you speak that way? Don't you want to forever?)
"Wo xiwang, zhishao, zhe bushi fasheng de shiqing, women bici chengnuo." ngiting sambit ko at hinalikan ko siya sa pisngi niya.
(I wish, at least, that's not what happen, and we promise to each other.)
"We will wear it to them, when you see and find the same necklace, you are destined for him/her." aniya at napatango ako pagkatapos.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.
"Shi de, dhie." aniko at yumakap pa siya lalo sa akin.
(Yes.)
"Pero, ipangako pa rin natin sa isa't-isa na tayo pa rin sa huli walang sukuan." sambit niya at hinalikan ko siya sa labi ng tumingala ako sa kanya.
"Ni shi zuihou yige, ni yongyuan shi wo de nanren," pangakong sambit ko sa kanya at hinawakan niya ang mukha ko.
(You're last, and you're my man forever.)
"Ni shi zuihou yige, ni yongyuan shi wo de nanren." pangako niyang sambit sa akin at hinalikan ko siya sa labi na tinugon naman niya.
(You're my last, and you're my forever.)
Naging masaya kaming dalawa, gumawa kami ng mga alaala na kami lang ang nakaka-alam.
After 2 months
Napalingon kami sa kumatok sa classroom namin. Napalingon ang professor namin sa taong nakatayo.
"Anong kailangan mo, Mr. Swellden?" tanong ng professor namin sa kapatid ko.
Nagulat ako dahil ang alam ko breaktime na nila kami mamaya pa pagkatapos ng klase namin dito ko na tinuloy ang pag-aaral ko.
"May ibibigay lang ako, ma'am hindi ko kasi maibibigay sa kanya sa bahay namin." sambit ng kapatid ko sa professor namin.
"At, bakit?" tanong ng professor namin sa kanya.
"Ma'am!" tawag ko at kaagad akong tumayo para lumapit sa kapatid kong nakatingin sa akin.
"Excuse po, ma'am." aniya sa professor ko at may pinakitang papel na nakatupi.
"Ate, pinabibigay ni kuya Jeree sa inyo." bungad ng kapatid ko sa pintuan ng classroom namin.
Tumakbo kaagad siya palayo sa akin at napatingin ako sa professor ko na masama ang tingin sa akin.
"Get back in your seat! You have no delicacy!" sita ng professor sa akin sumunod na lang ako at bumalik ako sa upuan ko.
Nang umupo ako binaling ko sa professor ko ang tingin ko at pandinig ko. Mamaya ko na lang titignan ang sulat mula sa kanya.
Pagkatapos ng klase namin nagpa-iwan ako sa classroom.
"Sure ka?" aya ng kaklase ko sa akin napatango na lang ako sa kanya.
"Bilhan mo na lang ako ng pagkain kahit sandwich lang," aniko sa kanya nag-okay sign siya sa akin.
Kinuha ko ang sulat niya na binigay ng kapatid ko. Binuklat ko ang papel napatakip ako ng bibig sa nabasa ko.
Amour,
Xiake hou women zai zhege difang jianmian. Wo ai ni.
Love,
(let's meet at this place after your class. I love you.)