"Aray! Ate!" sigaw ko nang masaktan ako sa huling kurot niya sa pisngi ko.
"Ate, ano ka ba ang sakit kaya!" sigaw ko habang pinatitigil siya ni kuya Chie.
"Oo nga, hon nasasaktan na siya oh!" sabat ni kuya Chie inaawat pa rin niya ang ate ko sa pagkurot nito sa pisngi ko.
"Hindi ako cute GWAPO ako hindi na ako bata eh..." aniko sumimangot na lang sa sinabi ng kapatid ko.
"Ang cute mo eh.." aniya tumatawa pa rin nang maupo sa upuan ng dining table.
"Ewan ko sa'yo, ate papasok pa ba kayo?" tanong ko.
"Hindi na kami papasok pakisabi na lang na may lakad kami ng ate mo," sambit ni kuya Chie sa akin.
"Okay lang, sasabihin ko na lang sa professor nyo na may pupuntahan kayong importante." aniko sa ate ko at tumayo na sa upuan ng dining table.
"Ingat ka!" sigaw ni ate sa akin.
Pumasok na ako sa school nanin dumaan muna ako sa faculty room ng college building.
"Sir!" bungad ko sa adviser professor nina kuya Chie at ate Jia.
"Oh?" anito sa akin.
"Hindi muna daw po makakapasok sina Kenchie Swellden at Jia Li, may importante sila gagawin bukas na lang daw sila papasok," aniko sa adviser professor.
"Eh? Kaano-ano mo ba sila, hijo?" anito sa akin.
"Kapatid po ako ni ate—Jia Li po, sir." aniko kaagad sa kanya.
"Ah! Okay, hijo." anito at nagpaalam na ako sa kanya.
Nagpunta na ako sa classroom at umupo sa pwesto ko.
"Brad, pupuntahan ba natin siya mamaya?" bulong ng kaibigan ko sa akin.
"Hindi muna.." aniko sa kanya.
"Bakit?" anito sa akin.
Hindi na lang ako sumagot at ng magsusulat na ako sa notebook ko biglang nag-vibrate ang cellphone ko.
Text message
Chielle: See you.
Napangiti na lang ako sa nabasa ko at kaagad ko binulsa sa pantalon ko. Nakinig na ako sa tinuturo ng teacher namin.
Pababa na ako ng hagdanan ng makarinig ako nang dalawang boses.
"Maligo ka na ang baho-baho mo na kaya, hon amoy pawis ka." sambit ni ate saka itinulak papalayo sa kanya at tinakpan ang ilong.
"Tama si ate may gabi pa naman, kuya." birong sabat ko sa magiging bayaw ko nang makitang nag-lalambingan ang dalawa sa kusina nang namin.
"Sige na nga! Kayo talaga magkapatid pinagkaka-isahan nyo ako kapag magkasama kayo." aniya sa aming dalawa at umalis na lang ng kusina.
"Hindi ah!" sabay na nasambit namin ni ate sa kanya.
"Si kuya talaga hindi makatiis tulungan na kita dyan, ate." alok ko nang makitang nag-iisa sa ginagawa ang ate ko.
"Sige, bumili ka pa ng softdrinks sa tindahan kulang pa eh!" aniya nang balikan niya ang ginagawa sa lababo.
Nilapitan ko si ate at kinuha ang pera niya.
"Heto ang pera," aniya inabutan niya ako ng pera.
"Okay, ate." aniko at lumabas ng kusina.
Habang naglalakad ako hawak ko ang cellphone ko. Biglang umilaw ang cellphone ko at tinignan ko ang nag-text sa akin.
Text message
Chielle: San ka?
Chielle: Dito na kami sa bahay nyo.
Jeree: May inutos sa akin si ate.
Jeree: Nandyan na kayo?
Chielle: Oo, kararating lang namin.
Nang makuha ko ang bayad at ang softdrinks sa tindahan isang case ng softdrinks ang binili ko.
Umuwi na ako sa bahay namin at nakita kong marami na dumadating na bisita sa bahay.
"Excuse me.." aniko sa mga taong nakaharang sa gate namin.
"Kenchie!" tawag ng daddy nina kuya Chie at Chielle ng maabutan ko.
"Daddy," tawag ni kuya Chie nang salubungin niya ito at mabilis na yumakap nakatingin naman sa kanya ang mga bisita at ang mommy niya.
Malapit sa akin ang dalawang bisita ni ate at hindi ko ma-iwasan makinig.
"Kuyaaa...." sigaw ng dalawang kapatid.
"Magulang malamang ni Chie," pilosopong anito kay ate Thea.
"Sino 'yong babae kasama?" takang tanong ni ate Thea itinuro ang kamay sa isang babae nakatingin kay Chie.
Kumunot ako sa babaeng lumapit kay kuya Chie. Nakita ko pang hindi ma-ipinta ang mukha ni kuya Chie.
"Hi, Ken." bati ng babae kay kuya Chie hinalikan niya ito sa labi pero smack lang ang ginawa nito.
Nagpa-sama sa akin ang daddy ni kuya Chie sa banyo. Nang pabalik na kami naabutan naming may nag-sisigawan.
"Sir?" tawag ko.
"Tatawagin ko ang magulang mo at ang asawa ko sa loob nakakahiya dahil siya pa ang nagsimula ng eskandalo sa bahay nyo," aniya sa akin.
Iniwanan niya ako para puntahan ang magulang ko at ang asawa niya.
"HOY! MAS MALANDI KA!" sigaw ni ate Thea sa babae pinag-tanggol niya si ate Jia.
"OO NGA! IKAW ANG MALANDI DYAN EH!" sabat ni ate Kecha sa babae.
"Oh! Sure ka?" mataray na anito kina ate Thea at ate Kecha.
"Oo!" sabay na sigaw nina Thea and Kecha.
Kaagad akong lumapit sa kanila para awatin ng makita kong nakasalampak sa sahig ang ate ko.
"ANONG NANGYAYARI DITO?" sigaw ko ng lumapit sa nakikitang kaguluhan sa pool namin.
"Sino ka naman?" anito sa akin.
Napa-huh? Ako at Lumingon naman ako sa nagsalitang babae.
"Ikaw 'yong kausap ni Chielle boyfriend ka ba niya?" tanong ng babae tinuro nito si ate Jia.
"Hindi!" aniko sa babae kumunot ang noo ko nagtitimpi lang ako.
"BAKA BOYFRIEND MO 'TO?" sigaw nito sabay turo nito kay ate Jia.
"HINDI KO GIRLFRIEND ANG ATE KO!" sigaw ko tinulak ko siya at nagulat ang lahat.
"Oh! TALAGA LANG AH!" sigaw nito nagulat at napangiti na lang na mapang-asar sa akin.
"WAG NA WAG MONG SASAKTAN ANG ATE KO KUNDI AKO ANG MAKAKALABAN MO!" sigaw ko at sinampal ko ang babae nang makitang nakaupo pa rin sa sahig ang ate ko.
"Hey!" saway ni kuya Chie umawat sa amin.
"KAHIT BABAE KA HINDI KO PALALAMPASIN 'TO!" sigaw ko sa babae.
"Anong nangyayari dito?" bungad ng magulang ni kuya Chie nang makitang may nag-sisigawan sa pool.
"Sinasaktan po nila ako," lungkot sambit ng babae.
"Paalisin mo ang babaeng 'yan, balae sa PAMAMAHAY KO kundi ako ang kakaladkad sa kanya!" seryosong sabat ni mommy at tumingin siya sa mommy ni kuya Chie.
"Balae?" takang tanong ng babae sa mga matatanda.
"Oo, ang NILALANDI mo ang fiance ng anak ko!" mataray na sigaw ni mommy sa babae.
"Hindi totoo ang sinasabi nyo," anito nakatingin sa mga taong nasa paligid.
"Dear, huminahon ka!" saway ni daddy kay mommy nang hawakan niya sa braso.
"HINDI AKO HIHINAHON DAHIL SINAKTAN NIYA ANG ANAK KO PAALISIN MO 'YANG BABAE SA PAMAMAHAY KO NGAYON DIN!" sigaw ni mommy kay daddy nagulat ang lahat pag-sigaw nito.
"Umalis ka na lang, hija." wika ni daddy sa babae.
"T–ita..." anito tinutukoy ang mommy ni kuya Chie.
"Bumalik ka na sa hotel kung ano man ang nangyari dito ngayon pag-uusapan natin kapag sumunod ako sa'yo," sambit ni tita Cheya sa babae.
"O–o na aalis na ako." anito lumayo at lumabas ng bahay namin.
"Mabuti nakapag-timpi ka, dear." sambit ni daddy kay mommy nang pumasok ang lahat sa loob ng bahay.
"Oo nga eh! Ayoko ng ibalik ang dati kong ugali," sambit ni mommy kay daddy.
"What do you mean, balae?" takang tanong ni tita Cheya.
"Dati akong QUEEN OF GANGSTER." amin ni mommy nagulat ang lahat maliban sa amin ni ate at nina kuya Chie, kuya Jong, ate Kecha.
"I'm also a KING OF GANGSTER." sabat ni daddy sa kanila.
"Oh!" gulat na sabi ni tita Cheya.
Huminga ako ng malalim at nagpunta ako sa labas ng bahay. Hinilot ko ang kamay ko at tinaas ng may magsalita sa likod ko.
"Isa ka rin bang gangster?" tanong niya mula sa likod ko.
"Oo, pero hindi kami nakatuon sa laban sa iba't-ibang gang sa buong mundo minsan lang kami makipaglaban kung kailangan kami." aniko hindi ako humaharap sa kanya.
"Kaya ba wala kang paki kung babae ang kausap mo kanina dahil may nakausap ka ng babaeng gangster?" tanong niya sa akin.
"Oo, mas marami pa..." aniko.
"—Kaya ba wala akong nakikitang babae maliban kay ate Jia?" tanong niya sa akin.
"Ayoko madamay ang babaeng mamahalin ko sa gulo ng pamilya ko sa gangster world, maliban sa mga babaeng gangster kaya bilib ako kay kuya Chie wala siyang pakialam na madamay siya basta makasama niya lang ang babaeng mahal niya pero ako takot ako madamay dahil hindi ko kakayanin mawala ang babaeng iibigin ko," amin ko sa kanya tinaas ko ang dalawang kamay ko.
"Paano kung ang babaeng mamahalin ka katulad ni kuya Chie?" tanong niya sa akin.
"Tama na ang isa, tama na ang isa mag-sakripisyo." aniko napalingon ako ng sumigaw si ate sa loob.
Nakita kong nakatitig siya sa akin at umiwas ako ng tingin bago ako pumasok sa loob ng bahay hindi ko na alam kung nakasunod sya sa akin.
"Mommy at daddy!" tawag ni ate sa magulang namin.
"Yes?" bungad nila at nagtataka kaming lahat kung bakit sumigaw si ate nakita ko nakangiti si kuya Chie.
"I'm pregnant ngayon, mama at mommy one month po." amin ni ate Jia lumapit sa dalawa at yumakap.
"Talaga magiging lola na kami?" sabay na wika nina mommy at tita Cheya.
Masaya ako para sa kanilang dalawa ang matagal nilang pangarap dumating na.
"Kung mag-aasawa ka ganyan ka ba kapag magkaka-anak kayo?" tanong niya mula sa tabi ko.
"Wala akong masasagot sa'yo ng matino pero siguro magiging masaya ako blessing 'yan mula sa kanya." aniko sa kanya.
"Kung ako ang magkaka-anak gusto 'yong alam kong makakasama ko ang asawa ko sa hirap at ginhawa kung hindi man darating sa akin 'yon at wala akong asawa magkaroon lang ng anak kontento na ako," aniya sa akin.
"Ninong at ninang na agad sina Thea at Vhenno," wika ni kuya Chie tinuro niya sina kuya Jong at ate Kecha na umiiling.
"Kami?" gulat na anila kina kuya Chie at ate Jia.
"Masaya ako," ngiting sambit ni ate Kecha.
"Me too! Brad welcom—e—" sabat ni kuya Jong sa kaibigan niya nang mahinto nang tapikin siya ng girlfriend sa pisngi niya.
"Bakit naman?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Dahil kung hindi talaga kami ng mamahalin kong lalaki, may alaala naman ako sa kanya ang nabuo namin dahil sa pagmamahalan." aniya sa akin natahimik naman ako sa sinabi niya.
"Thanks guys!" ngiting sambit ni ate Jia sa kanila.
"Buntis na si Jia," wika ni kuya Vhenno at narinig ko.
"Wala ka nang pag-asa sa kanya," wika ni ate Thea sa kanya.
"Wala, pumapayag kami kahit may konting ilangan." sambit ni ate Thea kay ate Jia.
Hinatid namin ni kuya Chie sa hotel ang magulang niya. Nalaman ni kuya Chie nakatira si Chielle sa auntie nila at hindi sa magulang sa hotel.
"Mitchielle!" sigaw ni kuya Chie sa kanya.
"Peace, kuya bye Jeree!" kaway na aniya sa amin.
Sumakay na lang kami sa sasakyan napapailing na lang si kuya Chie at umuwi na kami sa bahay.