Chapter 5 : Invitation

1450 Words
[Lucy's POV] "You're too sweet to be my tamer," anito habang nakataas ang sulok ng labi para insultuhin ako. Mabilis ko namang inalis ang kamay sa mukha nito kahit hindi ko pa nagagawang linisin ang ibang parte ng mukha n'ya. "I'm still your tamer. Wala pong magbabago dahil iyon ang trabaho ko," madiin kong sambit habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya. Pakiramdam ko tuloy kinompara n'ya ako sa isang matamis na candy kahit ang totoo ay pinamukha lamang nito sa akin na impossibleng magawa ko ang aking trabaho dahil hindi kakayanin ng ugali ko ang angas na ipinapakita n'ya. Hindi ko lang naman kasi masikmura ang ginawa n'yang pagpatay na para bang sanay na sanay na itong makarinig ng boses ng mga taong nakikiusap para lamang mailigtas ang kanilang buhay mula sa mabigat nitong mga kamao. At kung humawak siya ng baril? Para bang nakikipaglaro lang itong tingnan kanina. He's way scarier than what I've expected. Lalo na't ipinakita pa nito ng harap-harapan sa akin ang tinatawag n'yang mafia raid kanina. Akala ko naman hanggang doon na lamang ang tensyong mararamdaman ko ngunit hindi pa man kami nakakapasok ng mansyon ay sinalubong na kami ng malapad na ngiti ni Ma'am Christy. Ang nakakapagtaka lang doon dahil gabing-gabi na pero naisipan pa rin nitong bumisita sa mansyon ng kanyang anak. May nangyari ba? Gustuhin ko mang magbihis ngunit wala na akong nagawa nang hinawakan nito ang aking kamay at inutusan akong umikot sa kanyang harapan. Agad naman akong nakaramdam ng hiya kay Ma'am Christy dahil hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon habang tinititigan ang kabuuhan ko. Siguro naman kahit papaano nagmukha na rin akong tao sa harapan ng mommy nito. "Can I borrow Lucy for a day?" masaya n'yang wika sa anak. Inis naman akong pinagmasdan ni Raizel bago ito nagsalita. "Never!" Kulang na lang kumulog at kumidlat ng malakas dahil sa diin ng boses n'ya. Umiigting ang mga pangang umupo ito sa malapad at kulay itim na sofa bago nagsindi ng tobacco. Matalim pa rin ang mga tingin nito sa kanyang ina habang nanatili naman akong nakatayo sa harapan ni Ma'am Christy. Hindi pa ba sapat ang ginawa n'ya sa mga lalaking 'yon para mawala ang init ng ulo nito? Araw-araw ba talaga siyang may sumpong to the point na wala na itong pakialam kahit masigawan nito ang sariling ina? Lumungkot ang mukha ng mommy nito na para bang matinding disappointment ang naramdaman pagkatapos tanggihan ng anak ang kanyang request. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ni Raizel na naka de-cuatro pa sa aming harapan. "I'm attending a charity event and I want her to represent your end. Hindi naman masama kung ituro ko sa kanya ang pasikot-sikot ng trabaho ko 'di ba?" Kumuyom ang mga kamao nito sa narinig, kulang na lang mapatayo siya sa kinauupuan. "Let my public relations officer handle the job. And let me remind you again, Mom. I'm not a saint, I belong to the mafia. Your damn charity works isn't part of my responsibilities." Lihim akong napailing dahil napataas na naman ang tono ng boses nito. Kung sarili nga n'yang ina nagagawa nitong sigawan, ako pa kayang tamer lang? Kunsabagay, tinanggap ko lang naman ang trabahong ito dahil sa tinatawag niyang damn charity works ni Ma'am Christy. Hindi ko naman ito tatanggapin kung wala akong utang na loob sa pamilya n'ya. "That's not the point here, Son. I want Lucy to learn everything because from now on, your conscience and decisions would rely on her. Just think of her as your better half, tutal honey naman ang tawag mo sa kanya, 'di ba?" sabi nito saka nanunudyong nginitian ang anak. Hindi ko maintindihan pero makahulugan ang mga tinging ibinigay nito kay Raizel. Para bang may lihim silang pinag-uusapan at tanging silang dalawa lamang ang nagkakaintindihan sa mga oras na ito. "Honey..." inulit pa ni Ma'am Christy ang endearment na 'yon habang nakatingin pa rin sa anak. This time, may halo ng panunukso at mahinang tawa na ang pagkakasabi nito. Hindi ko tuloy namalayan na naninindig na pala ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa katatawag nito ng honey. Nang mapansin kong mukhang mapapahaba pa ang usapan nilang mag-ina ay naglakas loob na akong sumingit sa usapan. "Ahm, excuse me po..." putol ko saka bumuntong-hininga. "Pwede na po ba akong maupo? Nangangawit na po kasi ang mga paa ko dahil sa sobra taas nitong heels na suot ko." Sinadya kong tingnan ang mga talampakan ko para makita nilang wala talaga akong balak sumingit sa usapan kung hindi ko lamang naramdaman ang pangangalay ng mga paa ko. Pakiramdam ko nga hihiwalay na ang mga muscles ko sa binti dala ng sobrang sakit. Pansin ko namang tinitigan din nito ang mga paa ko bago siya napabuga ng marahas na hininga. "Sit," nagmistula akong isang tuta sa nakakatakot nitong utos. May tuwa naman akong umupo sa tabi ng mommy n'ya saka mabilis na napayuko. I avoided his eyes, baka kasi mamaya hindi lang basta paninindig ng mga balahibo ang maramdaman ko. Baka bangungutin pa ako mamayang gabi dahil sa kanya. Ilang minuto rin kaming pinagitnaan ng mahabang katahimikan. Ang totoo, gusto ko lang namang sumama kay Ma'am Christy para makapagpahinga kahit konti sa nerbyos na nararamdaman ko mula sa anak nito. Baka sakaling makatulong din kung maiintindihan ko ang ibang sakop ng Sebastian Group of Companies, para hindi lang ang pagiging Mafia Lord nito ang nalalaman ko, kahit pa sinabi n'ya kaninang wala itong kinalaman sa mga responsibilidad n'ya. Mukhang safe din naman ang charity event na pupuntahan namin dahil napakasosyal tingnan ng envelope na hawak ni Ma'am Christy. Kung hindi kasi ako nagkakamali, invitation ang balak nitong ibigay sa anak. Marahan akong napasulyap kay Raizel at nahuli ko naman itong nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko alam kung sa akin ba talaga siya nakatingin o baka naman sa hubad na statue sa likuran ko. Manyakol pa naman ang lalaking ito, hindi siguro impossibleng pinagnanasahan din nito ang statue sa mansyon n'ya. "Fine, give me that trash!" singhal nito saka mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin. Napakunot-noo ako bigla. Ibig sabihin ba, sa akin talaga siya nakatingin all this time? Bakit? Nang mahawakan nito ang invitation, bahagya pa itong natigilan na para bang may nabasa siyang hindi maganda mula doon. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha nito pero alam kong may mali. "What's wrong, son?" nagtatakang tanong ni Ma'am Christy. Napahigpit naman ang pagkakahawak nito sa papel at kulang na lang mapunit iyon sa kanyang kamao. Ano ba talagang problema? "She's coming with me. I won't let her meet Calixto." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, napansin ko namang sinupil ni Ma'am Christy ang nanunudyong ngiti sa labi nito. Calixto? Sino ba ang lalaking iyon? Mortal na kaaway ba nito ang pangalang nabanggit n'ya? Hindi ko alam kung bakit bigla nitong naisipan na samahan ako sa charity event kahit alam kong kaliwa't kanan na ang mga lakad nito. Labas pa doon ang raids at unannounced collections na ginagawa n'ya sa mga lalaking itinuturing naman nitong punching bag. "You're being overprotective, Son. As if naman magugustuhan ng honey mo si Calix," natatawa nitong sambit. Napatikom ako ng bibig, puwede kayang paalalahanan ko si Ma'am Christy na pagiging tamer at hindi girlfriend ng anak n'ya ang trabaho ko dito? Isang malaking misunderstanding lamang ang lahat, hindi ako honey ni Raizel at impossibleng mapalapit ang loob ko sa isang tulad n'ya. "Lucy's mine. She'll be stuck with me 'till the end of the contract." Medyo nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi nito. Para kasing sinasabi n'yang pagmamay-ari n'ya ako at pwede nitong gawin ang lahat sa akin hanggang hindi natatapos ang trabahong pinirmahan ko. Patago na lamang akong napabuga ng marahas na hininga. Kunsabagay, ano pa bang tawag sa ginawa nito sa akin noong unang gabi ko sa mansyon? Hindi ba't ako din naman ang unang nagpakita ng motibo dahil walang pasintabi akong naghubad sa harapan n'ya sa condo? Resulta din ito ng katangahan ko dahil muntik ko ng maibigay sa isang notorious Mafia Lord ang virginity ko dahil sa pag-aakalang 'yon ang unang magiging papel ko sa buhay n'ya. Napayuko na lamang ako pagkatapos akong tapikin sa balikat ni Ma'am Christy. Hindi ako nakapagsalita, nanatili akong wala sa sarili hanggang sa marinig ko ang malakas na igham mula sa aking harapan. "May sinasabi po ba kayo?" nauutal kong tanong dahil sobrang sama ng tingin n'ya sa akin. "Kinakausap niyo po ba ako?" wala sa sarili kong sambit. Tinitigan ko siya nang mabuti, baka kasi mamaya nagsasalita na naman ito ng pwet n'ya lang ang nakakarinig. "Shut the fvck up, Honey! Can't you see I'm just staring at your beautiful face?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD