Chapter 6 : Real Devil

1512 Words
[Lucy's POV] Pumasok ako sa kwarto nito ng walang imik at malalim ang iniisip. Kinakabahan man ngunit hindi ko ito ipinahalata hanggang sa mailapag ko ang kapeng barakong hiningi nito sa harapan n'ya. "Mr. Sebastian. Ano pong ginagawa niyo?" tanging sambit ko pagkatapos nitong hawakan ang aking kamay kaya mabilis akong napabitaw sa hawak kong tasa. Muntik pa tuloy itong mabuhos sa harapan n'ya, mabuti na lang at nasagip agad ng isang kamay ko. Gustuhin ko mang tumalikod para maiwasan ang anumang sasabihin n'ya, ngunit mabilis itong tumingala at matiim akong tiningnan. "Kung lumpuhin na lang kita para huwag na tayong matuloy bukas? I guess you won't mind or else you will attend that charity event crawling." Agad na namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya. "Ano?!" Hindi ko napigilang huwag siyang mapagtaasan ng boses. Sino ba namang hindi kakabahan dahil sa sinabi nito? Binugbog n'ya nga ng walang kahirap-hirap ang mga lalaking pinuntahan namin sa casino, kung hindi ako nagkakamali baka ikamatay ko na kahit isang suntok pa lang ang matanggap ko mula sa kanya. Panigurado kasing hindi lang mukha ko ang durog kung hindi maging kasukasuhan ko. "You're speechless. Hindi mo ba nagustuhan ang suggestion ko? That will save us a lot of effort and time." Dumagdag pa sa nerbyos na nararamdaman ko ang pagtaas ng sulok ng labi n'ya. Talaga namang kinakabahan ako dahil sa mga tingin ni Raizel, pakiramdam ko tuloy may balak talaga siyang ilibing ako ng buhay. "Don't worry, I won't hurt you. Maraming babae ang nangangarap na gawin ko ito sa kanila, and that includes Zara," mahangin n'yang sambit. Mas lalo namang nanginig ang mga kalamnan ko, kung may magagawa lang sana ako para huwag akong madagdag sa mga koleksyon n'ya. "Hindi magandang biro 'yan, Mr. Sebastian. Sinasabi ko sa'yo, iba ako sa mga babaeng nakilala mo!" Babala ko sa kanya at nagbaka-sakaling lubayan n'ya ako. Kulang na lang iduro ko siya huwag lamang nitong ituloy ang binabalak. Hanep! Oras-oras ba akong mangungunsumi dahil sa lalaking 'to? Daig ko pa ang naging teacher ng isang makulit na kindergarten sa lagay na ito. "I know you'll love it..." Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. "But you won't be able to walk for a few days after having the best ride of your life. Baka mamaya mapilitan pa akong bilhan ka ng wheelchair." Hindi ko alam kung bakit kusang umatras ang mga paa ko hanggang sa marating ko ang bed side table. Wala sa sariling dinampot ko ang lampshade at itinutok sa kanya. "Huwag mong subukan! Huwag kang lalapit sa akin kung ayaw mong ibigwasan kita nito!" lakas-loob kong sabi sa kanya. Pero laking gulat ko na lamang dahil mas lalo siyang humakbang papalapit sa akin. Imbes na matakot sa hawak kong lampshade, parang mas lalo pa siyang ginanahan sa mga banta ko. "Are you sure?" anito hawak ang isang nakakalokong ngiti. Tila ba sinasabi nito sa aking alam n'yang hindi ko kayang gawin ang mga sinasabi ko. "Oo, at sisiguraduhin kong mahihimasmasan ka ngayon din! H-hindi ako natatakot sa'yo!" madiing bigkas ko kahit muntik na akong mautal sa harapan n'ya. Siguro naman lulubayan na ako nito pagkatapos ng bantang sinabi ko sa kanya, lalo na't alam n'yang hindi ako magdadalawang-isip na bigwasan siya ng lampshade kapag may ginawa itong kalokohan sa akin. "Ohh, Honey! I'm so scared!" natatawang sabi nito at mabilis akong hinatak papalapit sa kanya. Nasundan pa ito ng mahinang tawa na para bang tuwang-tuwa ito sa mga nangyayari. "Is that what you want to hear from me?" Nanginginig ang mga kamay na napahawak ako sa matipuno n'yang dibdib, muntik na tuloy akong mawalan ng balanse dahil sa ginawa nito pero hindi ko pinahalata ang pagkataranta maging ang kabang naramdaman ko. Mabuti na lang at hindi ako pinabayaan ng guardian angel ko. "Do you want to touch me naked? What a wicked plan to start the night, Lucy." Para akong na kuryente nang hinawakan niya ang aking baba at pilit na hinarap ang mukha ko sa kanya. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makalayo dito. Hindi ko namalayang nabitawan ko na din ang lampshade dahil sa sobrang pagkataranta ko. "Huwag mo akong subukan, Mr. Sebastian. Tamer mo ako at hinding-hindi ako mapapabilang sa mga koleksyon mo!" muli kong banta sa kanya. Tiim ang bagang akong napabuntong-hininga upang magmukhang matapang sa harapan n'ya. Susko! Hindi pa nga ako tumatagal ng isang buwan sa mansyong ito pero stress na stress na ako, kulang na lang may magsulputang wrinkles sa mukha ko dahil sa ugali ng lalaking ito. Mas malala pa siya sa pinakamalala, sobrang problematic at isang siyang certified manyakol! "No, you're not just a tamer." Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang bilis ng tib0k ng puso ko habang sinusubukang intindihin ang iba pang mga salitang pinapakawalan ng labi nito. Not just a tamer? Hindi ko siya maintindihan. "Anong ibig mong sabihin?" basag ang tinig kong tanong dito. Gusto kong maintindihan kung bakit n'ya nasabi sa akin ang bagay na 'yon. Napalunok na lamang ako nang matiim n'ya akong pinakatitigan. Pang-ilang beses ko na bang sinabi na nakakatunaw ang mga mata nito? "Did you read mom's contract before signing? If yes, how many times did you read it?" seryosong tanong n'ya. Kunot ang noo nito akong tinitigan na para bang may kung ano siyang ipinapahiwatig. Para naman akong natimang sa harapan nito habang nag-iisip. "Isang beses pe—" Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil naunahan n'ya ako. "What's written in the last clause? Natatandaan mo ba?" Bigla na naman itong lumapit sa akin habang malapad ang ngiti sa labi, akala ko hahawakan n'ya ulit ang baba ko kaya mabilis akong napapikit. Pero ilang minuto ang lumipas, nanatili lamang ito sa aking harapan. "The last clause, Lucy. I want to hear the last clause from you." Kinilabutan ako dahil tuluyang nagbago ang boses n'ya, para bang mas naging malalim at madilim ito kesa sa nakasanayan ko. "H...Hindi ko na ma...tandaan," mahina kong tugon. Hindi naman siguro masamang sabihin ko ang totoo dahil alam kong maari kong ikapahamak ang pagsisinungaling na binabalak ko. Baka mas lalo n'ya lang akong dikdikin ng tanong hanggang sa madurog ako ng pinong-pino sa harapan nito. "For damn's sake! Really? Hindi mo talaga matandaan? What the hell is wrong with your mind?" he blurted. Kabado akong tumango na ikina-salubong naman ng malalago n'yang mga kilay. Inaamin ko namang hindi ko nagawang basahin ng mabuti ang pinirmahan kong kontrata sa harapan ni Ma'am Christy dahil hindi pa ako nakakabawi noon mula sa stress na naramdaman ko sa hospital. Walang ibang laman ang isipan ko ng mga oras na 'yon kung hindi masuklian ang tulong na ibinigay nito sa akin. At isa pa, alam kong mabait na tao ang mommy n'ya. Siya lang naman itong masama ang ugali at walang awa pagdating sa mga taong nakakahalubilo niya. Para siyang lion na dapat inilalayo sa mga tao dahil masyado itong delikado, sadya pang sobrang sungit ng ugali nito. "Iniligtas po ng mommy niyo ang buhay ng mama ko, Mr. Sebastian. Habambuhay ko pong tatanawing malaking utang na loob sa pamilya niyo 'yon," sabi ko para maintindihan n'ya pa rin ang side ko. Napansin ko namang umigting ang mga panga ni Raizel. Tiningnan ko siya, pero tinitigan n'ya lang ako ng masama na para bang nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali sa kanya. "Fvck! You just sold yourself to a devil!" Humigit ako ng malalim na hininga. "Alam ko, Mr. Sebastian. Noong umpisa akala ko mabait at malambing na bata ang aalagaan ko sa mansyon pero nagkamali ako ng akala, Mafia Lord pala ang makakasama ko." Hindi ko talaga naisip na isang tulad nito ang makakasama ko. Mas mabuti pa siguro kung ang bunso n'yang kapatid ang gagabayan ko, kahit kasi sabihing halatang spoiled at matigas din ang ulo ng isang 'yon pero pwede ba sigurong masolusyunan kesa sa kanya. Laking gulat ko na lamang ng bigla itong mapahilamos sa sariling mukha at asar na ginulo ang kanyang buhok. "Mahina ka ba talaga sa logic o hindi gumagana ang utak mo? I'm not referring to myself!" singhal nito. Napayukom ang kamao n'ya nang mapansing walang muwang ko siyang tinitigan. Ano bang pinag-uusapan namin? Hindi ba demonyo? "Devil ang sinabi mo 'di ba? Eh, 'di ikaw 'yon!" pagpupumilit ko. Napabuga siya ng marahas na hininga. Muntik naman akong matawa nang nakita ang nandidilim n'yang mukha sa harapan ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko medyo nabawasan ang takot na nararamdaman ko sa kanya. "Goddammit!" bulalas nito. May pagtataka ko siyang tinitigan. "Kung hindi ikaw ang devil, sino?" Napailing-iling siya sa harapan ko. Tiningnan ko naman ito sa mga mata hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili kong nakakulong sa magkabila niyang bisig. Sobrang lapit na ng mukha nito sa akin. Kulang na lang maglapat ang mga labi namin sa isa't isa. Hanggang sa naramdaman ko kaagad ang bigat ng hininga nito na sinabayan naman ng paghaharumentado ng puso ko. "The woman you're indebted to is way a lot scarier than me, Lucy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD