[Lucy's POV]
Kanina ko pa kinukumbinsi ang sarili kong baka ginagawa lang ni Raizel ang bagay na ito para matuldukan ang kalandiang ipinapakita ni Zara. Hindi pa naman siguro siya nababaliw para magawa nitong tawaging 'honey' ang sarili n'yang tamer sa harapan ng maraming tao.
Kung kanina normal na stress lamang ang nararamdaman ko, pinangunahan na ako ngayon ng matinding nerbyos dahil sa makahulugan nitong mga titig sa akin. Hindi lang kasi basta nakakapangilabot ang mga mata nito kung hindi sadya namang nakakatunaw din.
"Tell me the truth, Raizel."
Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang humakbang si Zara papalapit sa kinaroroonan naming dalawa at yumuko para pakatitigan ang aking mukha.
"Are you an assassin? An aristocrat's daughter or a witty tracker? Who the hell are you?" maarte nitong sambit habang pinaniningkitan ako ng mga mata.
Mahina akong napasinghap sa harapan n'ya. Ilang minuto din bago ako nahimasmasan sa mga sinabi nito.
Ako? Isang assassin? Hindi lang pala malandi ang babaeng 'to, ibang klase din siya kung mag-isip.
"Why aren't you answering? Nalunok mo ba ang dila mo o baka naman may iba ka nang nilulunok from Raizel?" naniningkit ang mga mata n'yang tanong.
Literal akong napalunok dahil sa sinabi n'ya. Ano raw? Kung mayron man akong nalunok mula sa lalaking kinahuhumalingan n'ya, sandamakmak na laway iyon dahil sa nerbyos!
"Aminin mo na kasi ang totoo, b'tch! Tatlo lang naman tayong nandito. We can offer him a hot and steamy night if you want," aniya bago mapanuksong kumindat kay Raizel.
Dilat na dilat ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Parte ba talaga ng pagiging tamer ko ang mga ganitong usapan? Mukha lang akong hindi inosente pero virgin pa ako.
Wala silang pinagkaiba ng maharot na Raizel, ang berde ng utak.
Nanatili na lamang akong tahimik sa harapan ni Zara habang pinag-iisipan kung anong dapat kong gawin para matahimik na rin ito.
Dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo na ako ang tamer ni Raizel? Paano kung diretsahin ko na lang itong hindi ako interesado sa lalaking nilalandi niya? Na wala akong pakialam kahit magyakapan pa silang dalawa ng Mafia Lord sa pinapangarap n'ya?
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang lumukot ang mukha n'ya hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mahahaba nitong kuko sa aking pisngi. Kulang na lang bumaon ang mga iyon sa balat ko.
"M-Ma'am, nasasaktan po ako sa ginagawa n'yo."
Hindi ko pa rin winala ang respeto dito sa kabila ng ipinapakita n'ya sa akin. Mahal ko ang trabaho ko at malaki ang utang na loob ko sa mga Sebastian, wala ako sa lugar para magkalat.
Akmang magsasalita pa sana ako ulit para makiusap sa kanya nang matigilan ako sa aking narinig.
"Don't lay a finger on my woman, Zara!"
Sumikdo ang puso ko nang marinig ang malamig na boses ni Raizel habang nanlilisik ang mga mata.
Mahigpit n'yang hinawakan ang palapulsuhan ni Zara hanggang sa kusa nitong lubayan ang mukha ko.
"Damn, Raizel! You almost twisted my beautiful arm! Hindi ka ba puwedeng maging gentle kahit konti?"
Napabuga ako ng marahas na hininga, alam kong nasaktan siya dahil sa ginawa ni Raizel ngunit nanatili pa rin ang maarte nitong accent. Mukhang sagad na yata hanggang sa balunbalunan ang kaartehan ng babaeng ito.
"Don't try to defy me. Alam mo kung anong kaya kong gawin sa'yo at sa night club mo."
Lihim akong napatikhim. Alam kong mali ang ginawa sa akin ni Zara pero sapat na ba 'yon para takutin niya ang sariling kaibigan? Iyon ay kung magkaibigan lang talaga silang dalawa.
Walang nagawa ang bruha kung hindi tumayo at muling maupo sa kanyang puwesto.
"Sorry, I didn't know that this woman means so much to you. Are you in love with her? Ano ba talagang relasyon niyong dalawa?"
Gano'n na lamang ang kabang naramdaman ko dahil napabuga bigla ng marahas na hininga si Raizel at malakas na sinipa ang mesang nasa harapan.
Umawang pa ang mga labi ko habang nakatuon ang paningin sa pira-pirasong salamin sa sahig. Hindi man lang ito nanghinayang na sirain ang mesa kahit alam niyang mamahalin iyon.
"Love? Dream on!" singhal nito saka napatayo sa kinauupuan.
Wala naman akong nagawa nang hinawakan nito ang kamay ko at mabilis akong hinigit papalapit sa kanyang kinatatayuan. For the nth time, nagmukha na naman akong puppet sa harapan ng amo ko.
"Let's go!" madiin n'yang sambit.
Parang may kung ano namang namuo sa aking lalamunan nang marinig ang malakas na halakhak ni Zara. Ang sakit talaga sa tainga ng babaeng 'to!
Tumaas ang sulok ng labi n'ya at nanunudyong ngumiti sa aming harapan.
"Play with me and forget about that woman, Raizel. At least malinaw na sa akin ngayon kung ano ang relasyon ninyong dalawa."
Pasimpleng umikot ang paningin ko sa ere. Siguro naintindihan n'yang wala kaming relasyon ng lalaking pinapangarap n'ya kaya sinusubukan n'ya na naman itong landiin.
"Mess up with me and I will fvcking kill you, Zara!" mariin na sabi ni Raizel na ikinatulala ko.
Ilang sandali pa, sinubukan kong kumawala mula sa pagkakahawak n'ya sa akin ngunit masyadong mahigpit ang kapit ng kamay nito. Pakiramdam ko tuloy mayamaya ay ibabaling na nito sa akin ang init ng ulong nararamdaman n'ya para kay Zara.
Mahina na lamang akong napatikhim nang marinig ulit ang malakas na pagtawa ni Zara. Para yata akong na-LSS sa nakakatorete nitong halakhak kahit kanina pa kami nakalabas sa night club nito.
Talaga bang hindi nakakaramdam ng takot ang babaeng 'yon?
Kung siguro nakakamatay lang ang tingin, baka kanina pa ito nalagutan ng hininga dahil sa mga ginawa n'ya.
Hindi pa man ako nakaka-recover sa delubyong hatid ng bagyong Zara, ngunit hindi ko inaasahang matutulala ako sa sunod kong masasaksihan.
Bilang isang tamer, responsibilidad kong turuan siya kung alin ang tama at mali, kasama na doon ang stress and anger management at kung paano maitutuwid ang landas na tinatahak nito.
Pero malinaw pa sa pinakamalinaw na tubig sa mundo na suntok sa buwan ang pinapangarap ng ina ng lalaking 'to.
Alam n'yang imposibleng magbago ang isang Mafia Lord dahil lamang sa isang babae. Kahit anong subok, hindi niya ako papakinggan at mangangatog lamang sa takot ang mga tuhod ko sa tuwing umiinit na ang ulo nito.
"Man, this sucks! All of you are weak pieces of sh't!" nanggagalaiti nitong sambit.
Napapikit ako nang mariin dahil walang habas n'yang pinagsisisipa ang mga lalaking nakahandusay sa sahig.
Ang malala pa doon, wala man lang silang kalaban-laban sa kanya. As in nagmukhang toy gun ang mga hawak nilang baril sa harapan ng mga tauhan ni Raizel kanina.
Ganito ba talaga kalupit ang isang Mafia Lord? Warm up lang ba ang panunudyong ipinakita nito sa mansyon?
"Clean up!" he mouthed.
Hindi nagsayang ng oras ang mga taong nasa paligid namin at isa-isa nilang niligpit ang mga nagkalat na armas at pera sa sahig. Kung hindi ako nagkakamali milyon din ang halaga ng ilang bundle na nakuha nito mula sa casinong pinuntahan namin.
Napatingin ako sa mga dugong nasa mukha n'ya, daig pa nito ang butcher sa isang meat shop. Pero ang malala doon, hindi hayop kung hindi tao ang kinakatay nito.
Hindi ko tuloy maiwasang huwag magtanong kung tao ba talaga siya o isang demony0, parang nabuhay si kamatayan sa katauhan n'ya.
Nakakapanghinayang tuloy ang kagwapuhan at kakisigang mayron siya dahil hindi man lang ito kumukurap kahit konti habang dinudurog ang mukha ng mga taong pinaparusahan n'ya.
Pambihira! Bakit ko ba inaalala ang pagiging mamamatay-tao ng isang 'to? Eh, ano naman kung gwapo at yummy siya? As if naman makakagusto ako sa isang tulad n'ya.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita ang lumang panyo sa loob ng hawak kong bag. Siguro hindi naman nakakahiya kung ipapahiram ko ito sa kanya.
Sanay na akong mahusgahan ng mga mayayaman dahil sa estado ng buhay ng aming pamilya. Pero ipinapangako kong hindi ako mamamatay bilang isang mahirap, gagawa ako ng paraan upang matupad ang mga pangarap ko at makaahon sa kahirapan.
"Give me that handkerchief!"
Nahimasmasan ako nang marinig ang nakakagulat niyang boses. Hindi ko na rin namalayan na inagaw nito ang panyong hawak ko.
Akala ko pupunasan nito agad ang sariling mukha pero nanginig na lamang ang mga kalamnan ko nang sinuri n'ya ang hawak na panyo.
Nandidiri ba siya? Hindi naman kupas ang kulay ng panyo ko, ang arte!
"Wala po akong nakakahawang sakit, Sir. Wala kayong dapat ikatakot," mahina kong sambit.
Kumunot ang noo n'ya at matiim akong tinitigan. Halos malunod naman ako sa mga tingin n'ya, konti na lang at manlalambot na ang mga tuhod ko sa harapan nito.
Umismid lamang siya sa akin.
"I changed my mind."
Nalaglag ang mga panga ko nang inabot nito pabalik sa akin ang panyo.
Lihim tuloy akong napabuga ng marahas na hininga, sabi na nga ba at walang pinagkaiba ang lalaking ito sa mga mayayamang nakilala ko. Wala man itong sinabi pero alam kong nandiri siya sa luma kong panyo. Matapobre!
Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang panyo, basta ibinalik ko na lang 'yon sa loob ng bag ko dahil sa sobrang sama ng loob.
"Where's the fvcking handkerchief?!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa singhal n'ya.
Akala ko ba nagbago na ang isip niya at wala siyang balak gamitin ang panyo ko?
Bakit naghahanap ang mokong na ito ngayon?
"I told you to wipe my face with it! Hindi mo ba ako narinig? Damn!" umiigting ang mga panga nitong bulalas.
Puno ng pagtataka ko siyang tinitigan.
"Wala ka kayang sinabi. Ang sabi mo lang nagbago na ang isip mo at ibinalik mo sa akin ang panyo ko."
Hindi naman siguro masamang sumagot paminsan-minsan. Kahit kasi ulit-ulitin kong isipin, wala talaga siyang sinabing punasan ko ang mukha nito.
As in, wala talaga!
Nanatili akong nakasimangot hanggang sa madilim ang mukhang dumukwang ito sa akin kaya automatikong napaatras ang mga paa ko.
"Damn! What's wrong with you? I don't have to tell you everything, just wipe my face with that hanky!"
Bakit parang kasalanan ko pa? Wala naman talaga siyang sinabi.