Chapter 7 : Main Course

1504 Words
[Lucy's POV] Para akong nabutan ng tinik dahil nagising ako ng walang bangungot na naranasan mula sa kanya ng gabing iyon. Hinayaan lamang ako nitong matulog sa sofa para paghandaang mabuti ang charity event na dadaluhan namin kinabukasan. Siguro naman walang masamang mangyayari dahil ayon sa invitation mula sa mommy nito magtatagal ng buong araw ang nailatag na program para sa event. May gaganapin raw na Expo at RBS Business Forum sa umaga, ribbon-cutting para sa bagong international funded project na nakuha ng Sebastian Group of Companies at Shareholder's Dazz Party naman sa gabi. Alam ko namang batid ni Raizel na masyado pang mataas ang sikat ng araw para gumawa siya ng eskandalo sa event ng mommy n'ya, siguro naman magagawa nitong kumalma kahit papaano dahil sa dami ng mga taong pupunta sa nasabing charity event. Hindi naman siguro nito sasagarin ang pagiging Mafia Lord n'ya, hindi ba? Pawang sa mga libro lang naman siguro nangyayari iyong may papatayin siyang tao sa oras na may magawa itong kapalpakan sa kanya. Tulad na lamang ng aksidente ko itong mabuhusan ng malamig na tubig. Tulad ng dati, ginawa pa rin ng grupo ni Erza ang utos nitong pagmukhain akong tao sa pamamagitan ng katamtaman lamang ang nipis na make-up at mamahaling damit mula sa De Luxe Luna. Laking pasalamat ko naman dahil nagawa nilang makakuha ng damit na tamang-tama lamang sa tema, hindi ito masyadong revealing tulad ng black sling dress na pinasuot nila sa akin noon at ramdam ko ring makakagalaw ako ng maayos lalo na't katamtaman lamang ang bigat ng tela at semi-formal din ang cut nito. Maiksi man sa harapan, ngunit sakto lamang ang haba nito sa likod. Hindi na rin nakaluwa ang malulusog kong dibdib, pero nagagawa pa rin nitong maipakita ang magandang hubog ng aking katawan. Hindi ko tuloy alam kung ilang minuto ko ring pinagmasdan ang aking repleksyon sa salamin. Muntik ko na namang hindi makilala ang aking sarili dahil sa ginawa nilang anim. Kulang na lang magpatayo ang mga ito ng salon sa mansyon ng masungit naming amo. "What the hell are you wearing?" Bigla kong narinig na sabi n'ya pagkabukas na pagkabukas ko pa lamang ng pinto. Hindi na maipinta ang mukha nito na para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nakakapanayo tuloy ng balahibo sa katawan dahil ramdam kong naiinis siya, pero hindi ko naman malaman ang tunay na dahilan. "Hmm. Hindi po ba ako nagmukhang tao sa paningin niyo?" salubong kong tanong sa init ng ulong ipinapakita nito sa akin. Tinitigan n'ya naman ako ng taas-baba. Grabe! Kulang na lang huminto ang pintig ng puso ko ng bahagyang huminto ang mga mata nito sa aking dibdib. Alam kong hindi na revealing ang suot kong damit pero bakit natutulala pa rin siya sa parteng 'yon? Napatingin ako sa suot nitong champagne colored tuxedo, hindi ito tulad ng kadalasan n'yang suot na itim o gray kaya naman nagmukha siyang gentleman sa harapan ko. Hindi ko tuloy maiwasang huwag mag-isip na ibinagay ang damit nito sa suot ko. Sana naman nagkamali ako ng kutob, dahil magmumukha talaga kaming couple sa charity event kung gano'n. Ang malala pa doon, baka mamaya mapagkamalan na naman akong girlfriend ng Mafia Lord na ito at kung anu-ano na naman ang gawin sa akin ng mga babaeng nagkakadarapa sa kanya. Nahinto na lamang ang pag-iisip ko nang bigla n'ya akong hinigit sa braso. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito na para bang mapuputol na pati ang buto ko sa balikat. "You look like a sh't! Ask them to find better or else I won't let you attend in that fvcking event!" singhal n'ya. Napahugot naman ako ng malalim na hininga saka napatingin sa laylayan ng suot kong damit. Alam ko kasing wala namang masama sa damit ko at nagawa din akong mapaganda nina Erza. Pero bakit parang may mali pa rin sa paningin n'ya? Gusto ba nitong maghubad na lang ako sa charity event? "Why are you not moving? Gusto mo bang ulitin ko ang sinabi ko, Lucy? You look like a sh't! Hindi bagay sa'yo ang suot mo!" Grabe! Ang harsh talagang magsalita ng lalaking 'to. Parang may kutsilyo ang bibig n'ya kung magsalita, nananaksak hanggang atay. Sagad na sagad! Bulong ko sa aking sarili. "Did you say something?" "Wala po. Iniisip ko lang na baka ma-late tayo sa charity event kung magbibihis pa ako," sabi ko sa kanya. Hindi naman siguro ako namamalikmatang natulala siya nang bahagya kanina 'di ba? Sala sa init, sala sa lamig lang talaga ang Mafia Lord na ito. Dahil kahit anong ganda at paligo ko mukhang wala siyang balak umamin na maganda na akong tingnan sa paningin n'ya. Makakalbo yata ako ng maaga sa sobrang stress dito! Baka mamaya magkaroon ako ng trauma sa lalaki at hindi na ako makapag-asawa dahil sa kanya. Napakagwapo at angelic n'ya pa naman sanang tingnan ngayong umaga ngunit talaga namang nakakasira ng mood ang magaspang nitong ugali. Ano ba talaga itong pinasok ko? Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung anong magiging papel ko bilang tamer n'ya. Kunot ang noo n'ya naman akong tiningnan. "The program will not start without us. Stop worrying about that fvck and change." Hindi ko napigilang huwag magtanong dahil sa sinabi nito, "Ano pong ibig niyong sabihin? Bakit hindi mag uumpisa ang charity event kung wala tayong dalawa?" Sinamaan n'ya naman ako ng tingin na para bang may nasabi na naman akong mali sa kanya. "Don't you still understand? She invited you because you're the main course of the event," anito na nakapagpatulala sa akin. Main course? Parang nanuyo ang lalamunan ko bigla, hindi ko maisip kung ano ba talagang binabalak ng mommy nito ngayong araw. Sana naman maliwanagan ako sa mga mangyayari sa charity event na pupuntahan naming dalawa dahil sa mga oras na ito, hindi ko na alam kung ituturing ko bang kakampi o kalaban ang babaeng tumulong na madugtungan ang buhay ng mama ko. "She'll introduce you as the new member of our family and not just a mere tamer." Ipinilig ko ng kaunti ang ulo ko habang tahimik akong nakaupo malapit kay Raizel. Hindi ko mapigilang huwag ma-mesmerize dahil hindi ko inaasahang siya mismo ang magmamaneho ng mamahalin nitong sasakyan papunta sa event. Kinakabahan pa rin ako sa huli nitong sinabi sa akin ngunit hindi ko mapigilan ang sariling huwag mapasulyap sa gawi n'ya. Para siyang nabuhay na male character sa isang romance novel— mayaman, gwapo pero ubod ng sama naman ng ugali. Nakakaloka talaga! Bakit kasi ang angas n'yang tingnan habang nagmamaneho? Kung na lang magmukha siyang model sa harapan ko. Pakiramdam ko tuloy nakatingin ako sa ibang version ng Raizel sa mga oras na ito, maaliwalas ang mukha n'yang tingnan at wala man lang bakas ng discomfort sa noo nito. Marahil dahil nagawa kong sundin ang request n'yang magpalit ng damit. And guess what? Dalawang beses akong rumampa sa harapan nito hanggang sa sumang-ayon siya sa napili naming damit ni Erza. Hindi ko na tuloy mabilang kung ilang beses akong napabuntong-hininga dahil sobrang init ng pakiramdam ko. Conservative, modest o mas mabuti yatang sabihin na balot na balot ang nagustuhan nitong damit. Kulang na lang matakpan nito maging ang mga braso at hita ko. Pinaghandaan ko pa naman ang event na ito pero nagmukha naman akong lumpiang shanghai dahil sa kanya. "Shanghai, balot na balot na shanghai," paulit-ulit kong bulong habang nakatingin sa bintana. Natigilan naman ako nang mapansing bumagal ng bahagya ang patakbo nito. "Damn! Are you hungry? Walang lumpia sa pupuntahan natin." Saglit akong napalingon sa direksyon nito nang marinig ang sinabi n'ya. Mas pinili kong huwag umimik. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa lalaking 'to. "Do you hate me for making you wear that dress?" Kinabahan ako sa tanong ni Raizel. Bakit niya naman naisip ang bagay na 'yon? Dahil hindi ko siya pinapansin simula kanina? Umiling ako saka muling bumaling ng tingin sa bintana. "Shanghai, balot na balot na shanghai. Ang ganda mo talaga, kumikinang ka pa." Napakagat-labi na lamang ako nang muling kumawala ang mga salitang 'yon mula sa bibig ko. Hindi ko napansin pero somehow, para ko na itong kinakanta. "Keep on chanting that shanghai thing and I'll fvck you inside this car, Lucy." Napukaw ang atensyon ko dahil sa sinabi n'ya. Ano raw? Favorite word ba talaga ng lalaking ito ang salitang fvck? Hindi ko kasi mabilang kung ilang beses ko iyong naririnig sa kanya sa isang araw. "Kumakanta lang naman ako," depensa ko. Parang gusto kong sabihin sa kanya na kinakanta ko lang naman 'yon dahil naiinis ako sa suot kong damit. Literal naman kasing nagmukha akong lumpiang shanghai, kulang na lang bilhan n'ya ako ng mukhang pancit bihon na head dress. Mukhang hindi yata bumenta ang sinabi ko dahil mabilis nitong pinahinto ang sasakyan. Ngumiti agad ito ng nakakaloko saka dumukwang papalapit sa akin. Mabilis naman akong kinilabutan dahil sa ginawa n'ya. "It won't be too hard to get rid of that dress, Lucy. Balot na balot ba ang shanghai mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD