Ibaba mo nga ako!” Nagpipigil siyang gumawa ng eksina. Kaya kahit umusok na ang kaniyang ilong at gusto niyang magwala sa nakakahiyang eksenang ginawa ni Gheron, wala siyang magawa kundi ang hinaan ang boses para hindi sila masyadong makatawag-pansin sa mga taong nando’n. “I won’t,” kkangising saad nito at balewala rito ang kaniyang bigat. “You will go with me instead of taking that taxi.” Mas lalong napanting ang kaniyang teynga. Kulang na lang ay hampasin niya ang ulo nito gamit ang kaniyang kamay pero hindi niya magawa. “Gheron. Ibaba. Mo. Ako.” “My name sound so sexy. Do it again.” Ngumiti ito at kinindatan siya. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya makuha ang ibig sabihin nitong sexy. “Say, ‘Gheron ibaba mo ako please,’ again.” Ang lawak nang ngiti nito. Pwede na siyang lunukin.