Inis na napabangon si Marie. Hindi siya makatulog. Kanina pa siya paikot-ikot sa kaniyang kinahihigaan at halos siya na lang yata ang gising. Kanina pa umikot ang orasan na hatinggabi na at dapat sa mga oras na ito ay nagpapahinga na siya para bukas. Magtimpla na lang ako ng gatas. Nagpasya siyang tumayo at nagtimpla ng gatas. Bitbit niya ang mug at lumabas siya sandali, doon siya sa may balcony tumambay habang pinagmamasdan ang malungkot na buhay ng Hokkaido. Malungkot para sa mga tulad nilang mas piniling mangibang bansa at lumayo sa pamilya. Marahan niyang iniinom ang gatas nang matanaw niya si Gheron na lumabas din at may bitbit na isang mug na alam niyang kape ang laman. Tumambay ito sa balcony at matiim siyang tinitigan. Kung nung una ay lagi siya nitong ningingitian, ngayon hindi