Kinagabihan, hindi siya makatulog. Iniisip niya kung saan siya pwedeng humiram ng pera. Ilang beses niyang inisip na mag-cash advance pero paniguradong hindi siya pagbibigyan.
Ate, kailangan ko na talaga ng pera. Kailan ka ba magpapadala? Kung pwede, bukas na sana agad Ate dahil hindi makakapaghintay ‘tong mga projects ko.
Napailing siya nang mabasa ang chat na iyon ng kaniyang kapatid. Kung pwede lang tumae ng pera, kanina pa niya ginawa. Pero hindi niya rin kayang tiiisin ang mga ito. Obligasyon niya bilang panganay ang tumulong. Obligasyon nga ba?
Tumayo siya mula sa pagkakahiga at nagtimpla ng gatas. Maingat ang kaniyang kilos at baka magising ang kaniyang mga kasamahan na ngayon ay mahimbing ng natutulog.
Lumabas siya at nagpunta sa may balcony habang hawak ang isang mug ng gatas. Malamig sa labas pero hindi niya ininda iyon, nasanay na rin siya kahit papaano sa malamig na klima ng japan.
Saan ba ako kukuha ng perang ipapadala?
Marahan niyang ininom ang kaniyang tinimplang gatas. Umuusok pa ito sa init. Napapikit siya nang malasahan niya sa kaniyang dila ang mapait na reyalisasyon, na habang-buhay siyang magiging alila sa ibang bansa para sa sinasabing obligasyon.
Marahan siyang napabuntong-hinga. Nang magmulat siya ng mata, eksaktong tumama ang kaniyang tingin sa lalaking nagsabi sa kaniya ng ‘I like youʼ. Maraming klaseng ‘I like you’ para sa kaniya at hindi siya interesado. Mas lalong wala siyang pakialam kung tumanda siyang dalaga at mag-isa. Aanhin niya iyon?
Nakita niya ang pagsilay ng ngiti nito pero tiningnan lang niya ito nang walang ekspresyon na mababasa sa kaniyang mukha. Hawak-hawak niya pa rin ang mug at iniinom iyon.
“Can’t sleep?” Sumenyas ito.
Wala pa rin reaksyon sa kaniya. Alam niya kahit papaano magbasa ng sign language.
“Problem?” Muling sumenyas ito. Nakangiti itong nakatingin sa kaniya.
Habang siya, nanatiling umiinom ng gatas. Pinagwalang bahala niya ang presinsya nito at tumingin sa langit.
Kamusta na ba siya? Pinilig niya ang kaniyang ulo nang pumasok sa isipan niya ang mukha ng lalaking wala siyang planong makita kahit sa kaniyang panaginip.
“Marie.”
Natigilan siya. Deretso ang kaniyang matang tumingin sa lalaking bumanggit ng kaniyang pangalan. Tamang-tama lang iyon na walang magigising.
“Talk to me.” Senyas nito. Nababasa niya sa kislap ng mga mata nito na gusto nitong makipagkwentuhan sa kaniya.
Saglit niya munang nilagok ang natirang gatas sa mug at nang tingnan niya ang lalaki. Sumenyas siya rito. “Go to hell!” Humugis lang ito sa kaniyang labi at tumalikod. Pumasok siya sa loob. Hindi siya nakikipag-usap sa kapwa mahirap at magsasaka.
“GOOD morning!”
Nagtagpo ang kaniyang kilay nang marinig ang masiglang boses ni Gheron sa kaniyang likuran. Nasa Green House siya ngayon at nagche-check ng mga strawberries.
“How’s your sleep, Marie?”
Hindi niya ito pinansin. Inisip niyang isa itong d**o sa isang tabi at mamaya lang ay bubunutin niya at itatapon sa basurahan.
“Woke up in the wrong side of bed?”
Nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa. Sanay siya na walang pakialam sa paligid. Ang mahalaga ay ang kaniyang trabaho. Nakapag-isip-isip na rin siya na kakausapin niya si Mrs. Ajinomoto mamayang lunch break.
“Are you going to eat your lunch here again?”
Wala siyang narinig. Patuloy siya sa pagtatanggal ng mga tuyong dahon at lumipat sa ibang aisle. Masaya mag-alaga ng mga halaman, hindi nagsasalita ang mga ito at hindi nagrereklamo. Pwede niyang bunutin at palitan kapag naiinis siya. Parang si Gheron!
“Marie.” Tawag nito. Nakasunod ito sa kaniya ngayon at wala yatang balak siyang lubayan kahit saan siya magpunta. “Why won’t you talk to me? Mabaho ba ako? Masangsang ang amoy? Tell me so I could—”
Isang nakakamatay na tingin ang kaniyang binigay sa lalaki at sinenyasan itong mauna sa impyerno. Agad naman itong tumahimik pero ilang segundo lang iyon, dahil para na ulit itong model ng toothpaste. Ang lawak ng ngiti nito na binigay sa kaniya.
“I like you!”
Tinalikuran niya na ito. Mabusising tiningnan niya bawat halaman at baka may mga insekto o uod ang nakapuslit.
“Maria! Tawag ka ni Mrs. Ajinomoto vetsin—” Si Judith naman ang natigilan nang pagpasok nito ay eksaktong tumama ang mata nito kay Gheron.
“Okay.” Agad siyang umalis. Ito na ang bahala sa englisherong magsasakang crush nito.
ILANG beses muna siyang huminga nang malalim bago siya pumasok sa opisina ng kanilang Superior. Ni-review niya sa kaniyang utak ang salitang nihonggo at baka bigla niyang makalimutan paano magsalita ng lenggwaheng Hapon.
“Ohayo gozaimasu.” Panimula niya at bahagyang yumuko. Isa iyong magandang umaga sa Tagalog.
“Koko ni suwaru.” Seat here. Tinuro nito ang upuan na nasa harap ng glass table nito. “Hayaku!” Faster!
Mabilis siyang umupo sa upuan na nandoon. Strikta ang kanilang Superior. Isali pa na hindi ito friendly.
“Koko ni. Kore o toru.” Here. Take this.
Nagulat naman siya nang abutan siya nito ng isang puting sobre. Napatitig siya ro’n nang ilang segundo bago naglakas loob na tanungin ito.
“Sore ga watashi no tanjobipurezentodesu. Sore o tori, anata no toko ni modotte kudasai. Iku!” That’s my birthday gift. Take that and go back to your post. Go!
“But—”
“I said go back, now! Take that with you.” Tumalim ang mga mata nito.
Napatango siya sa sinabi ng matanda. Tinanggap niya iyon kahit hindi niya alam kung ano ang nasa loob. Pwedeng regalo nito sa kaniya ay ang kaniyang termination letter, or ang regalo nito sa kaniya ay coffee voucher ng shop nito sa town.
“Arigatu.” Nagyuko siya ng ulo at magalang na umalis sa opisina ng matanda.
Hindi siya dumeretso ng Green House, nagpunta muna siya saglit sa malapit na banyo at pumasok sa loob. Mabilis niyang ni-lock ang pintuan. Wala siyang sinayang na oras, agad niyang tiningnan ang laman ng sobre para lang magulat.
“500,000 yen?!” Para siyang natuod sa nakitang malaking halaga ng pera na nakasulat sa cheque. “Separation pay ko na ba ito? Masyadong malaking birthday gift ito. Isa pa, ngayon lang ito nangyari.” Natampal niya ang kaniyang noo imbes na magsaya. Gusto niyang balikan si Mrs. Ajinomoto at tanungin kung bakit masyadong malaki ang binigay nito.
Tatanungin ko siya. Masyadong malaking halaga ito! Nagmadali siyang lumabas ng banyo at tinakbo ang opisina ng matandang babae.
Nasa pintuan pa lang siya nang makita niyang sinisigawan ng matandang Superior ang lalaking kilala niya, si Gheron. Ang englisherong magsasaka. Nakayuko ang lalaki ng ulo habang galit na galit ang matandang Hapones rito. Napakagat siya ng labi. Nagdadalawang isip siya kung papasok at makisali sa pagalit nito o ang bumalik sa Green House.
“If I found you myself doing nothing again Gheron, I will terminate your contract here!”
Napaatras siya. Hindi na kailangan. Wala siyang balak saluin ang init ng ulo ng kanilang Superior. Kaya imbes na tanungin niya si Mrs. Ajinomoto kung bakit, mas pinili na lamang niyang magpasalamat at may ginamit ang Diyos para mabigay niya ang pangangailangan ng kaniyang mga kapatid sa Pinas. Dahil ang totoo, mahirap ang buhay abroad.
“KAWAWA naman ang baby Gheron ko, pinagalitan ni Mrs. Ajinomoto Vetsin Magic Sarap.”
Ito ang eksatong narinig niya kay Judith nung pumasok siya ng banyo para mag-half bath. Natapos din ang araw at nagkaroon siya ng pera. Bukas na bukas din ay magpapadala siya pero hindi niya uubusin lahat. Para kung humingi ulit ang kaniyang Ina, may mapagkukunan pa siya kahit birthday gift ang perang iyon.
“Oo nga eh, nakita ko siyang pinatawag ng Team Leader natin at kakausapin daw ni Superior. Iyon pala ay pinagalitan siya. Kawawa naman ang baby ko.”
“Excuse me, baby ko ‘yon.” Maarteng singit ng isa pa nilang kasama.
“Anong sa ‘yo? Akin kamo. Nakita mo ‘yon kanina, nag-smile siya sa ‘kin at kinindatan niya ako?”
“Baliw ka ba, sa ‘kin siya ngumiti. Kapal ng mukha mo.”
Mga bata! Napailing siya. Paano na kang kung sabihin niya sa mga ito na siya ang sinabihan ng ‘I like you’ ni Gheron? Baka nangisay na ang mga ito at mag-iiyak. Minsan, mga babae rin mismo ang nagpapahamak sa kanilang mga sarili. Siguro para sa kaniya, nature na ng mga babae ang bagay na iyon pero hindi pagdating sa kaniya.
I like you.
Pinilig niya ang kaniyang ulo nang sumingit sa kaniyang utak ang sinabi ni Gheron at ang ngiti nitong laging dini-display sa kaniya. Hindi pa nga ito nag-isang linggo, ang lakas nang apog nitong sabihan siya ng gusto nito? Mga galawan ng mga lalaki. Akala ng mga kabaro ni Adan, magpapabilog siya ng ulo.
30 years old na siya pero hindi iyon halata sa kaniyang mukha. Hanggang likod ang kaniyang buhok na lagi niyang pinupusod at tinatali. Petite ang kaniyang height, may balingkinitang katawan, maputi na minsan napapagkamalang European at turista na gustong mag-fruit picking sa Japan.
Minsan nang tinanong ng mga kasama niya sa Japan kung bakit fruit picking ang kaniyang pinili, kung may pleasing personality naman siyang maipagmamayabang. Simple lang, sa Japan... lahat ng mga taong nando’n ay puro trabaho ang nasa isip. Walang magtatangkang daanin siya sa dahas at pera para bilhin ang pagkatao niya. Hindi niya kailangan maghubad ng damit para sa mga naglalakihang tiyan, na nasa itaas na posisyon at kapalit ay pera at trabaho.
“WHERE are you?”
“I’m here, idiot.” Natatawang sagot ni Gallagher sa kaibigan si Magnar. Nasa kabilang linya ito at imbes na gamitin ang hologram watch nila, hindi niya iyon ginamit. Cellphone ang kaniyang napili.
“Where the f**k are you?! I can’t locate you. Nasa babaeng ‘yon na nakilala mo sa bar na naman ba ang atensyon mo? Wait I remember her name, Aurora, right? ‘Yong babaeng laging pula ang suot?! Kakasabi ko lang na niloloko ka—”
“Damn, Magnar! Nasa Japan ako.”
Natawa ito sa kaniyang sinabi. “Japan, f**k really? You think I gonna buy your lies?”
“I have a mission here.” Deretsang saad niya habang busy ang kaniyang kamay sa pagtitipa sa keyboard ng kaniyang laptop. Nasa kaniyang office siya ngayon. Wala sa staff house.
“Mission? Pagkakaalam ko walang misyon na binigay si Yx sa ‘yo sa lugar na iyan. Don’t trick me you little asshole! I told you to stay away from that f*****g lady named Aurora.”
“You’re not helping. Hindi ko gusto ang babaeng iyon. she’s not my type though she’s f*****g beautiful.”
“I don’t believe you.”
“Who cares?”
“Hey-hey watch your mouth, asshole. Parati kang naiisahan ng mga babae. Kung hindi pera habol sa ‘yo, katawan mo naman. Matalino kitang kaibigan pero lagi kang nauuto pagdating sa pag-ibig. Umayos ka naman para ‘di ako panay sermon sa ‘yo.”
“Such a sweet d**k. Thank you for your f*****g mouth.” Napangisi lang si Gallagher at hindi pinansin ang mahabang sermon ni Magnar.
“Addavan is looking for you.”
“For?” Kumunot ang kaniyang noo nang marinig ang pangalan ng lalaki.
“Coz he f*****g miss to punch you! Bye maggot. Don’t come home weeping like a tod or I’ll chop your d**k and feed it to the piranhas, you s**t!” Saka nawala ito sa kabilang linya.
Natawa na lang siya inasta ng kaibigan. Apat sila. Siya, si Magnar, Tiverius at Maccabi. Sila ang 4 constellation kung tawagin ng Dark X. Meron silang mga pangalan pagdating sa kanilang mga misyon at kung saan sila mas nakilala ng mga kliyente.
Dito lang sa Japan naging Gheron ang kaniyang pangalan dahil trip niyang tawagin siyang Gheron ng mga taong nandito. Not bad for Gheron. Isa siyang magsasaka sa lugar na ito at walang nakakaalam sa kaniyang get-up maliban kay Mr. Yakoto.
Ate, wala pa ba? Kailangan ko ng pera. Ipadala mo na agad kung meron na.
Nailagay niya sa baba ang kaniyang kamay at napatitig sa mensahe ng kapatid ni Marie na si Marites. Hinack niya ang f*******: account ng dalaga.
Magpapadala ako ngayon day-off ko. Pasensya na bunso.
Tumaas ang kanan sulok ng kaniyang labi habang binabasa ang palitan chat ng dalawa.
Nga pala ate, sabi ni Mama. Kung pwede bigyan mo raw siya ng 60k. Kailangan niya raw iyon para sa nalalapit na fiesta. Magpapakain yata ng buong barangay.
Natawa si Gallagher nang mabasa ang mensaheng iyon. Sapat ang perang pinabigay niya kay Mr. Yakoto kay Mrs. Ajinomoto para sa birthday gift ng dalaga. Alam niyang hindi dapat niya ginawa ang bagay na ito pero naawa siya sa mukha ni Marie, na parang iiyak kakaisip kung saan kumuha ng pera. Gusto niya ang babae, ito ang alam niya at kapag may nagugustuhan siyang babae, lahat ay kaniyang ginagawa. Pero may limit. Sa ngayon, tutulong siya ng patago at walang nakakaalam.
“Gallagher.”
Nawala sandali ang kaniyang atensyon sa binabasang chat. Hinarap niya si Yx sa kabilang linya gamit ang hologram watch.
“Hey, Yx.”
“I’m only giving you 1 month. Dark X needs you.”
Napabuntong-hinga siya. Isang buwan lang ang binigay sa kaniya ni Yx at mahaba na rin ang isang buwan. Gusto niya pa gumanap ng magsasaka ng ilang buwan at asarin nang asarin si Marie araw-araw.
“3 months.”
“My bullet will appreciate you, Taurus.”
Natawa siya nang tawagin nito ang kaniyang code name. Taurus as one of the Constellation.
“Copy.”
Agad nawala sa kabilang linya si Yx at siya at hinarap ulit ang chat messages ni Marie at kapatid nito. Pinagaaralan niya ang bawat reply ng dalaga sa kapatid nito at kung anong klaseng ugali meron ang babae.
Ilang sandali pa ay nagpasya siyang gumawa ng isang dummy account, para i-follow at i-add ito sa f*******: nitong walang ibang laman ang profile kundi ang buong pamilya nito. Puro tags at mention lang ang nasa timeline nito at mga mukha ng mga kapatid nitong nakangiti. Wala itong picture na solo.
Gal Vensson.
Napangiti siya sa pangalan ginamit. Gal short for Gallagher. May profile siya ng isang lalaki na hindi niya mukha. Kinuha lang niya kung saan. Hindi na siya nagdalawang isip na ichat ito.
Hi, hope you are doing okay.
Naghintay siya ng ilang segundo, hanggang sa umabot ng sampung minuto. Wala siyang nakuhang sagot. Pinagkibit niya ito ng balikat. Inasahan niya ng gagawain ito ni Marie. Hindi ito kaladkarin at isa ito sa nagustuhan niya. Mas lalo siyang nahahamon.
Nag-unat siya ng kamay at tinungo ang sariling coffee maker. Nagtimpla muna siya ng kape saka sinimulan gawin ang pahabol na assignment sa kaniya ni Yx. Kahit nasa impyerno na siya at nakikipag-inuman kasama si Satanas, bibigyan pa rin siya ni Yx ng proyektong gagawin.
Marie... Hmm? I like you…